Chapter 22
Wag kang umiyak Azul, hindi mabubura ng iyak mo yung mga nangyayari ngayon sayo.
Hindi mababalik ng pagiyak mo si Dash.
*ring ring
Mama calling....
Mama: [Azul, nasaan ka?] malumanay niyang tanong.
Azul: [Ma, kailangan ko munang mapagisa. Babalik din ako pag ayos na ako.]
Mama: [Azul, makinig ka-] with that pinatay ko na ang tawag.
Ayoko na munang makarinig ng kahit ano kay Mama, sapat na ang mga sinabi niya sa akin at baka hindi na makaya ng utak ko kapag may nalaman ako ulit, baka mabaliw ako ng wala sa oras.
Tumingala ako sa langit, padilim na ng padilim ang kalangitan at wala din akong mapupuntahan. Ayaw ko namang umuwi, pero siguro ay pupunta muna ako kina Sam.
PAGKAKITA sa akin ni Sam, agad niya akong niyakap.
"Masaya ako at pumunta ka dito, ang akala ko ay hindi mo na ako ituturing kaibigan sa kabila ng pagtatago ko ng mga nangyari sayo." humiwalay ako sa yakap at huminga ng malalim
"Sam, you're my bestfriend. Oo inaamin ko na medyo nagtatampo ako sayo, pero natur al lang iyon" sabi ko.
"Sorry talaga Azul, hindi ko intensyon na itago iyon sayo." malungkot na sabi nito. Hinaplos ko ang kaniyang balikat at ngumiti
"Ayos lang, gusto niyo lang naman ni Mama ay ang mabuhay ako ng normal."
"Pero bakit hindi ka umuwi sa inyo? Galit ka ba kay Tita?" tanong ni Sam.
Umiling ako, "Pagod na ako, matutulog na ako"
Habang nakahiga ako sa kama binasa ko muli ang mensahe na galing sa unknown number.
From: Unknown Number
The secret for the Love Game is... YOU.
Anong ibig sabihin nito? At sino naman kaya ang nagpadala ng message na ito sa akin? Sinubukan kong tawagan it ngunit unnatteded naman.
HAPON na ng umuwi ako ng bahay. "Ma, nandito na ako."
Bakit parang antahimik sa bahay ngayon? Nasaan si Mama? "Mama?!" sigaw ko.
*beep beep
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang video clip na galing muli sa unknown number, pero hindi ito yung nagtext sa akin kahapo. Sa videong ito pinapakita ang biglang pagkawala ng malay ni Mama.
1 message received
Kung gusto mo ulit makita ang Mama mo, pumunta ka sa address na ito bago sumapit ang red moon. Wag na wag kang tatawag ng pulis kung ayaw mong mamatay ang Mama mo.
Umupo ako sa sofa dahil nanghihina na ako, una si Dash, ngayon si Mama nanaman. Sana umuwi nalang ako kagabi!
Kailangan kong mailigtas si Mama. Pero bago yon kailangan ko munang malaman kung ano ang red moon!
Mabilis kong dinial ang number ni Lilac, alam kong alam niya ito. Ilang ring lang ang sumagot na siya.
Azul: [Lilac, si Azul to. May itatanong ako sayo]
Lilac: [Pasensya ka na, busy ako ngayon Azul, pwede bang sa susunod nalang? May gi-]
Azul: [Red moon. May alam ka ba tungkol doon?]
Lilac: [Bakit mukhang interesado ka sa Red moon? May nangyari ba?"] tanong niya, umiling ako na para bang nakikita niya ako. Hindi niya dapat malaman.
Azul: [Wala curious lang ako, please sabihin mo sa akin ang lahat ng nalalaman mo tungkol sa red moon] sabi ko.
Lilac: [Ang red moon ay tinatawag din na blood moon. Yun yung time na nagigising ang mga magic, spirits at spell.]
Azul: [Kailan magaganap ang susunod na red moon?] tanong ko.
Lilac: [Bukas ng gabi]
"ITO ang plano natin Dash para matalo natin si Cloud. Kapag nawala na si Cloud magiging ayos na ang lahat sa pagitan ng Black Psyker at mga mortal" ani Sarah.
"Dash? Dash nakikinig ka ba? Dash!" wala sa sariling tumango si Dash.
"Sorry, mother"
"Ano ba naman Dash, kailangan natin manalo laban kay Cloud. Makinig ka naman." inis na sabi ni Sarah.
Patakbong dumating si River, "Sarah! Bad news!" sigaw nito.
"May natanggap akong balita na may kinuhang mortal si Cloud, at hindi lang basta imortal! Iyon ang Mama ni Azul!" nagpapanik na sabi nito.
Mabilis ang naging kilos ni Dash, "Saan ka pupunta Dash?!" tanong ni River.
"Wag mong harangan ang daan ko River. Kailangan kong mailigtas ang Mama ni Azul!"
Mabilis na hinawakan ni River si Dash sa magkabilang balikat "Hindi pwede! Nakalimutan mo na ba ang usapan na hindi kana magpapakita sakaniya?"
"Dashniell Dayholt!! Hindi ka aalis! Walang aalis!" matinis na sigaw ni Sarah at agad na inambahan ng sampal si Dash.
"Gumising ka nga Dash! Matagal na nating pinaplano ang laban na ito! Umayos ka!" maawtoridad na sabi ni Sarah
"Pero ang Mama ni Azul ay nasa kamay ni Cloud- Sarah cut him "Kapag umalis ka marami pang inosenteng mga mortal ang madadamay. Tandaan mo Dash, hindi kita binigyan ng isa pang buhay sa walang kwentang dahilan" pagkasabi non ni Sarah ay umalis na siya.
Lumapit si Winter kay Dash at hinaplos ito sa balikat, "Hwag kang magalala tutulungan kita"
"Tama siya, hindi ka nagiisa Dash" ani River.
"Ako na ang bahala sa Mama ni Azul" prisinta ni Winter.
Lumamlam ang mga mata ni Dash at kahit papaano ay kumalma siya, buti nalang at nandito sina Winter at River para tulungan siya. "Thank you guys"
Azul Pov
Mabilis na natapos ang araw. Hindi ko sinabi sa iba ang pagkawala ni Mama, kahit na kay Sam at Zayn.
Ngayong gabi na magaganap ang Red moon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero isa lang ang alam ko, kailangan kong mailigtas si Mama.
Sumakay ako ng tren papunta sa address na binigay ng taong kumuha sa aking Mama. At nakakapagtaka na ang address na iyon ay ang address ni Dash na nasa Identification card niya.
Tahimik ang paligid ng makarating ako sa destinasyon na pinupuntahan ko. Malamig din ang simoy ng hangin.
Hindi kaya? Hindi kaya magkakakonekta ang lahat ng ito? Ang pag alis ni Dash, yung tungkol sa article, yung pagkidnap kay Mama. Nasisigurado ko na magkakakontekta ang lahat ng ito.
"Namiss mo ba ako?" napalingon ako sa likod. Namilog ang aking mga mata ng makita kung sino iyon.
"Hindi ba't ikaw yung lalaking sumayaw sa akin sa grandball?" tanong ko.
Kumindat naman siya "So, natatandaan mo pala ako" nakangiting sabi niya.
"T-teka lang! Ikaw ang may pakana nito?!"
"Bingo!" sabi nito habang hawak hawak ang baba niya.
"Pakawalan mo ang Mama ko ngayon din! Wala kang mapapala sa amin! Tigilan mo na kami!" sigaw ko. Sino ba to?! Anong kailangan niya?!
Tumawa ng marahan ng lalaking nasa harap ko, "Tigilan ka? Pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan natin? Pagkatapos mong iwan ako? Nope, darling. I won't just leave you alone." naguguluhan na ako. Anong ibig niyang sabihin? Anong pinagsamahan namin?
Ilang sandali lang ay humakbag siya papalapit sa akin. Wala akong magawa kundi ang umorong nalang, "T-teka l-lang anong g-ginagawa mo? L-layuan mo ako!"
"May deal ako darling. Papakawalan ko lang ang Mama mo kapag sumama ka sa akin." tumaas ang aking kilay.
"Kung ako naman pala ang kailangan mo, bakit mo pa dinamay ang Mama ko dito? Bakit hindi nalang ako yung kinidnap mo?!" sigaw ko. Gunggong din tong lalaking to e no?
Tumawa siya ng malakas na siyang nagpakilabot sa akin, "Ang boring naman kapag ganon. Saka mas gusto ko na kusa kng sumama sa akin" anito sabay ngiti.
"P*ta ka!!" sigaw ko, pero tumawa lang siyang muli. Bigla niyang itinaas ang kaniyang kamay.
Sa una wala akong narandaman pero biglang sumakit ang aking buong katawan. "Itigil mo na ito!" parang tinutusok ng milyong milyon karayom ang aking buong katawan.
"Hahaha! Sorry darling." pagkasabi niya non ay ibinaba na niya ang kaniyang kamay at nawala na din ang sakit.
"Pumapayag na ako, sasama ako sayo. Pakawalan mo na ang aking Mama."
-
A/n: HAPPY 1K READS MLGA! ✨
Update for my celebration charots!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com