Chapter 6
Inilapag ni Zayn ang aming pagkain sa mesa. “Kain na tayo” anito at tumango naman ako.
“Azul hm may sasabihin sana ako sa iyo” no, please wag mo nang sabihin yung favor mo, “Pwede mo ba akong tulungan?” tanong niya, no please.
Biglang lumukot ang aking mukha hindi ko alam kung napansin niya iyon o hindi.
“Matagal na kasi akong may gusto kay Sam, yung bestfriend mo. Hm gusto ko sanang mapalapit sa kaniya, matutulungan mo ba ako?” nahihiyang tanong niya. Sa lahat ng mga tao, bakit ang kaibigan ko pa Zayn?
“Uhm” huminga ako ng malalim “Please Azul?” I can see the desperation in his eyes. Mayroon sa parte ko na gusto ko siyang tulungan pero meron din na ayaw ko.
“Gagawin ko ang lahat kapalit ng favor na ito. Pwede kitang tulungan sa mga subject na hindi mo alam” sabi nito. Mukhang desidido na talaga siyang mapalapit kay Sam, at sino naman ako para pigilin siya diba?
“Sige” sabi ko at ngumiti ng hilaw sa kaniya. Kung ito ang magpapasaya sayo Zayn, gagawin ko kahit labag pa sa kalooban ko.
Nanlaki ang kaniyang mga mata “Talaga?!” tumango ako “Libre ko na ang lunch mo!” masayang sabi niya.
PINAKITA ni Dash sa akin ang kaniyang identity card pagkatapos ng aming last subject. “So ang full name mo ay Dashiell Dayholt” sabi ko ng may halong pagtataka.
Tinignan naman niya ako ng masama “May mali ba sa pangalan ko?” tanong nito, mabilis akong umiling. “Wala naman” sabi ko, ewan ang weird ng pangalan niya. Ngayon ko palang narinig ang apilidong Dayholt sa buong buhay ko.
Tinuloy ko ang pagtingin sa kaniyang Identity card. “Tignan mo nandito din ang address kung saan ka nakatira!” namilog ang kaniyang mga mata at mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko, nang makabawi ay ngumiti siya, waah so cute.
“Malalaman na natin kung saan ka nakatira! Sa wakas, makakauwi kana sa inyo” masayang sabi ko. Bumaling ako sa kaniya, pero bakit malungkot siya? O guni guni ko lang?
“Osige tara na at pumunta na tayo sa address na nakasulat” tumango ako, inilabas ko ang aking cellphone at tinype sa google map ang address na nasa ID.
Nang makarating kami sa address na tinutukoy ng identity card niya tanging burol at mga puno lang ang sumalubong sa amin.
“Wala naman dito” sambit ko, sigurado naman ako na tama ang address na tinype ko sa google map. Makatatlong bese ko pa nga inulit yon e.
“Wala ni isang bahay ang nakatayo sa lugar na ito” sabi ni Dash, umiling ako “Hindi mo naman siguro ifefake yung identity card mo no?” tanong ko.
Hindi makapaniwalang umiling si Dash, “Hindi ako baliw para gawin yon, maghahanap pa ako banta roon. Magkita na lang tayo sa bus station makalipas ang sampung minuto” malamig na sabi niya at iniwan ako, omg galit ba siya?
Naramdaman kong nagvibrate ang aking cellphone kaya kinuha ko ito sa bulsa ko.
Game notification: Love Game
Day 2 is about to end soon. Play it till the end to know what will happen next.
Bakit parang ang bilis naman ata ng pangalawang araw sa game? Tapos na agad? Hindi naman sa gusto ko siyang laruin, pero nakakapagtaka lang.
Thea: What do you want Maxx?
You asked Maxx on the other line.
Maxx: Can you go to my house? I need your help. I can’t pass the next level of my game.
Thea: Im sorry Maxx, but I can’t go to your house right now, I’m kinda busy.
With that you ended the phone call.
You’ve reached the end of Day 2. You can only play Day 3 at 6 o’clock in the morning tomorrow.
Thank you for playing.
Mabilis natapos ang game ngayon kumpara kahapon. May time limit kaya ang bawat araw? I wonder.
Anyways, nagpalitan kami ni Zayn ng number kaninang umaga, tatawagan kaya niya ako gaya ng nasa game?
Hays bakit ko ba iniisip si Zayn? Hindi naman sa gusto ko siya kasi siya yung batang lalaki na nagligtas sa akin ilang taon na ang nakali—
Ring ring …
Mabilis kong sinagot ang tawag. Azul: [Hello?] tanong ko
Zayn: [Azul si Zayn to, nagusap kami kanina ni Sam at sinabi niya sa akin na hindi kapa natatalo sa kahit anong game. Pwede ka bang pumunta sa bahay ngayon? Papatulong sana akong magpaRank ng level.] sa game, hindi ko tinulungan si Zayn.
Paano kaya kung hindi ko sundin ang nasa game? Ano kaya ang mangyayari? Kapag ba ginawa ko ang kabaligtaran ng nasa game ay maiiba ang kapalaran ko?
Zayn: [Azul,andiyan ka pa ba?] tanong niya. Tumango ako na para bang nakikita niya ako.
Azul: [Sorry, oo andito pa ako. Sige, pupunta ako diyan pagkatapos ng hapunan.]
Zayn: [Thank you Azul!] masayang sabi niya.
“BAKIT tayo nasa train station” tanong ko kay Dash. “Yung last na bus ay dumaan na limang minuto na ang nakakaraan.” Simpleng sabi nito. “Andito na ang tren, tara na”
Nakasunod lang ako sakaniya papasok sa tren. Magkatabi kaming umupo pero ni isa sa amin ay walang nagsasalita. Napansin kong nakatitig si Dash sa bintana ng tren, at mukhang malalim ang iniisiP. Arggh antahimik, “Das—” biglang tumigil ang tren at napuno ng sigawan ang paligid.
“Aming mga pasahero, kung maari lang ay kumalma tayo. Sa ngayon ay nagkaproblema ang makina ng tren. Maayos din ito sa loob ng ilang minuto, pasensya na.” napailing na lang ako sa narinig kong announcement. Bakit naman kasi hindi nila inayos yung makina ng tren na ito bago nila ito paandarin? Hays.
“We’re stuck here for awhile.” Sambit ng katabi ko na hindi man lang ako binigyan ng tingin. Wao nice!
GUESS what? Halos tatlong oras nilang ginagawa ang tren, sabi nila ay ilang minuto lang!
Malalim na ang gabi nang makauwi ako ng bahay. Hindi na ako nakapunta sa bahay ni Zayn dahil halos mag aalasonse na nang gabi.
Hindi ko alam kung nagkataon lang yon o hindi. Pero mukhang hindi ko mababago ang mga pangyayari sa game at sa buhay ko, tinry kong ibahin ang magiging takbo nito pero bigo ako. Bigo akong ibahin kung ano ang mangyayari sa akin at sa game.
Kahit hindi ko sinunod ang nasa game, still hindi pa rin ako nakapunta sa bahay ni Zayn. Argg I'm sleepy.
Pagkatapos kong naghilamos ay nahiga na ako sa aking malambot na kama at natulog. Nakakapagod ang araw na ito.
Tumatakbo ako sa isang kakahuyan, at mayroong humahabol sa akin.. Kailangan kong tumakbo ng mabilis!
Mabilis!
“Raaaaaawr!” sigaw ng isang mabangis na hayop.
NAGISING ako sa napakasamang panaginip na iyon, basa din ng malamig na pawis ang aking katawan.
At sa kadiliman ng aking kwarto.. sigurado ako na may nakita akong dalawang pares ng mata na may kulay na deep blue na nakatingin sa akin.
—
This chapter is dedicated to Abkdxyz enjoy reading luv 😘
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com