PROLOGUE
The Bono-Crisis Malady is a plague that affects the bones of people who have it. There are no early symptoms for this plague that make it hard to detect. But when the host is already in the most severe stage, the host will feel dizzy, and blood will start to come out of their eyes, nose, mouth, and anal.
After that, the host will feel a severe pain inside them that feels like knives piercing their flesh as the plague's virus synthesizes the calcium in the host's bone to make a bunch of sharp red diamonds that can wreck flesh.
Afterwards, the plague's virus will go through the host's blood vessels and disturb the flow of oxygen inside the body by controlling the blood sugar to break down immediately and mix it with the red and white blood cells. Then, it will go through the host's skin to enlarge the pores, and with the help of a bunch of sharp red diamonds from your bone, it will make a way to make blood come out of the host's pores, which makes the host have a quick blood loss that leads to death.
For unknown reasons, this virus appeared in the drinking water of the Sheodica Kingdom and killed a lot of citizens. It can be transferred through touch and body liquids (sweat, saliva, urine, semen, etc.). So, the people there are now torn between drinking deadly water or being dehydrated until death...
"Navigator Naia, masama na po ang lagay ni Engineer Zalzuet ngayon!" Sigaw sakin ni Aproli, ang Salve ng barko na nina-navigate ko.
Gulat naman akong nagpadausdos pababa mula sa crow's nest-isang tungtungan na parang isang malaking balde sa itaas ng pole kung saan din matatagpuang nakalagay ang jolly roger o ang flag ng barko. Ginagamit naming mga Navigator ang crow's nest para matignan ng mas malawak ang dagat.
"Akala ko ba masakit lang ang katawan niya? Ano na bang nangyayare sakanya?" Tanong ko sa namumutlang Salve na ito.
"Lumalabas na ang dugo sa kanyang nga mata, ilong, at bibig. Nakakatakot mang sabihin ngunit, nasa severe stage ang Bono-Crisis Malady sa loob ng katawan niya, Naia." Sabi niya na naging dahilan para magtitigan kami ni Captain Chronos na nasa poop deck ngayon at kinokontrol ang helm o ang parang wheel na ginagamit para makontrol ang galaw ng barko.
"Fuck! Napakarami na niyang nakasalamuha satin, baka hindi natin alam pati tay—" Naputol ang sasabihin ko ng biglang tumulo ang pulang likido sa mata ni Aproli na nagpa-atras sakin.
"Naia tulong, Naia!" Humahagulgol na sigaw niya at bigla naman itong napaluhod at sumunod namang lumabas ang dugo sa kanyang ilong, sumunod sakanyang bibig.
Napatakip naman ako ng bibig dahil sa nakikitang sitwasyon ngayon ng isa sa pinakamatalik kong kaibigan.
Pumunta naman agad ako sa may crow's nest at hinila ang flag ng Sheodica Kingdom at ipinalit ang tatlong black flag na nagangahulugang may Plague na sa barko namin. Bumaba na ako pagkatapos. Kita ko namang lumabas sa may forecastle—isang kwarto sa ilalim na parte ng barko na imbakan ng mga gamit ang aming Archeologist na si Dr. Agri at tangka nitong lalapitan ang anak na si Aproli.
"Dr. Agri hu—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng nakita kong bumagsak ang Archeologist na kasama namin.
Sumunod namang nagsigawan ang iba pang crew na galing din sa forecastle at paulit-ulit nilang sinasabi na may Plague na sa barko dahil sa nasaksihan.
"Huwag kayong mag-panic!" Sigaw naman ni Captain Chronos.
Ngunit huli na ang lahat dahil nakuha ng mga nagsisigawang crew ang atensyon ng iba pang kasama nila kaya naman pumunta silang lahat dito mismo sa main deck.
"Kailangan namin ng Salve!"
"Kayo ang may kasalanan nito!"
"May mga pmailya kami iligtas niyo kami!"
Ilan sa mga sigawan nila, umaasa na magagamot sila ng Salve namin, ngunit sino ang gagamot? Nakahimlay na si Aproli sa sahig at duguan. Nakatulala lang ako dahil sa nangyayari at hindi alam ang gagawin. Naramdaman ko naman ang tapik ni Captain Chronos sa balikat ko na nagpabalik sa wisyo ko. Kaya naman sumigaw ako ng malakas na nakakuha sa atensyon nila.
"Kumalma kayo, pupunta tayo sa pinakamalapit na islang makita natin para nailigtas pa ang hindi pa nahahawa!" Sigaw ko. Bigla namang natulala silang lahat at sunod no'n ang pagsigaw nila sa sakit at pagbagsak nila sa sahig.
Nabigla naman ako nang makita kong sunod-sunod namang lumabas sa butas ng mga balat nila ang napakaraming dugo. Tumulo naman ang luha ko sa nasasaksihan ko.
Naramdaman ko naman ang paghagod ng isang mainit na palad ni Captain Chronos sa aking likuran at sinabing, "Shhh, tahan na. Mukhang hindi tayo binigyan ng basbas ng Gods of Asteria na tapusin ang paglalakbay na ito."
Nabigla ako sa sinabi niya. Kaya naman napatingin ako sakanya at nakitang may ngiti na naka-ukit sa kanyang mukha habang tumutulo ang kanyang dugo sa mata, ilong, at bibig nito. Kinabahan naman ako dahil sa nakita at napaluhod na sinasabunutan ang sarili.
"H-Hindi maaari ito, kaming lahat ay nahawa. A-Ako na ba ang susunod? Ako na ba?!" Sigaw ko habang hindi ko alam ang emosyon na nararamdaman ko. Tumawa na lang ako habang balisa na tinitigan ang paligid. Kita ko ang mga duguang katawan ng mga kasamahan ko.
"H-Hindi! Hindi ako pwedeng mamatay, babalikan ko pa ang anak ko!" Sigaw ko at bigla namang naramdaman ko ang pagtulo ng malamig na likido sa mata ko kaya pinunsan ko ito at tinignan ang kamay ko.
Doon ko nga nakita ang kulay pulang likido na galing sa mga mata ko. Sumandal na lang ako sa pole ng barko at tinitigan ang kalangitan.
"W-Why? Am I too weak to handle this voyage to find the cure for this plague? Tell me, Gods of Astaria, why?!" Sigaw ko habang umiiyak kasabay no'n ang sobrang sakit na pakiramdam na parang pinupunit ang laman ko ng kung anong nakakapit sa buto ko ngayon.
Nagbalik naman ang mga ala-ala nang mapanganak ang anak namin ni Louis. Hindi ko nalaman ang kanyang pangalan dahil sa pagkatapos manganak ni Louis sa anak namin ay ang pagkamatay ni Louis. Kahit na nabuhay ang bata ay pinili kong umalis at maglayag para makalimutan ang kanyang ina at para rin hanapin ang Melvirster Lost Creek, ang lost region ng Sheodica Kingdom na lupain ng mga Salve at Alchemist na alam lahat ng gamot sa ano mang klase ng sakit. Pero bago ko siya nilisan ay natutuwa naman akonh makita na nginitian niya ako nang mayakap ko siya sa bisig ko...
"I want to see that smile again; I want to find the cure. So, I give my utmost plea to all the Gods of Asteria, give me one more chance to live. I want to protect not only the people in the Sheodica Kingdom, but also the smile of my son, Amielry..." Sabi ko at napapikit na lang ako dahil sa sobrang sakit at panghihinang nararamdaman ko ngayon...
-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈
"Good morning, Lieutenant Andrei Alvarez! This is Private Ernest, sir! Captain Acosta orders you to go to his office, sir!"" Sigaw ni Private Ernest Tan sa labas ng cabin ko sa Warship namin.
Huminga naman ako ng malalim at isinara na ang librong binabasa ko.
"Kill!" Sigaw ko naman at dinig ko namang naglakad ito palayo at unti-unting nawala na ang mga yabag niya.
[Kill means "I understand" as this is one of many Jargons used in the Marine Corps]
Tinignan ko ulit ang librong binasa ko at umiling-iling habang sinusuot ang uniform ko.
"Astaria Series number three: Augury of the Plague by R. C Astralia," Pagbasa ko, "Favorite character ko pa naman si Naia pero pinatay mo agad sa chapter five. I wish I could go inside this story to rescue Naia."
"Your wish is my command," Bulong naman ng isang boses sa kaliwang tainga ko. Kaya napabaling ako sa likuran ko at wala naman akong nakita. Umiling na lang ako at nilagay na lang ang neck tie ko
"Mukhang nasosobrahan na naman ako sa trabaho at may mga naririnig ng mga bagay-bagay," Sabi ko. Huminga na lang ako ng malalim at aalis na sana ako ng may humila sa kamay ko.
"Wala ba akong kiss bago ka umilis?" Tanong ng hubo't hubad na medyo payat, feminine face, at maputing lalaking ito na nakaupo pa sa kama ko. Siya si First Lieutenant Tristan Thompson, ang aking isang taon ng lihim na kasintahan. Nginitian ko naman siya at hinalikan.
"Umuwi ka agad ah, may surprise ako sayo pag-uwi." Sabi niya na nagpangiti sakin.
"Noted mahal, sige alis na ako." Sabi ko naman at hinalikan siya ulit. Pagkatapos ay nagmadali na akong tumakbo palabas ng cabin para pumunta ng head quarter...
-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈-᷈
Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com