1. Simula
1. Simula
Mabigat ang hangin sa palengke, parang may sariling bigat ang init na dumadampi sa balat ko. Kakahapon lang umulan, kaya dapat presko ang hangin, pero hindi. Ang singaw ng semento at pinaghalong amoy ng isda, baboy, at hinog na prutas ang bumabalot sa buong paligid.
Wala akong balak tumambay nang matagal dito.
Pero heto ako, nakatayo sa may bilihan ng malamig na inumin, hawak ang bote ng Coke na halos matunaw sa kamay ko sa lamig.
Dahan-dahan kong tinungga ang matamis na likido, pero kahit paano, hindi nito napapawi ang kakaibang init sa katawan ko.
Dahil hindi lang ang panahon ang dahilan ng nararamdaman kong init ngayon.
Sa di kalayuan, may isang pamilyar na presensya ang nakatawag ng pansin ko. Si Mateo.
Nakita ko siyang pababa ng trak, may pasan na dalawang sako ng bigas sa magkabilang balikat. Mula sa kanto ng paningin ko, kita ko kung paano sumisilip ang naninigas niyang litid sa braso, kung paano dumudulas ang pawis sa kayumangging balat niya, kung paano kumikilos ang buong katawan niya na parang isa itong makinaryang dinisenyong magtrabaho.
Hindi siya mukhang pagod. Sanay na siya sa ganito.
Pero ako ang hindi sanay na ganito siya kalapit.
Bawat hakbang niya ay parang may sariling bigat sa akin. Para bang hinihigop ako papalapit, pinipilit akong lumapit at amuyin ang singaw ng araw at pawis na bumabalot sa kanya.
Pero hindi ako tanga. Alam kong kahit kailan, hindi ko siya maaaring maangkin. At dapat, sapat na ang tanawing ito para sa akin.
“Hoy, Erwin! Sariwa pa ‘to, ah! 'Wag kang mag-deny, pogi!”
Napalingon ako sa kabilang banda.
Si Erwin, nasa pwesto ng isda, may hawak na bangus, habang may kausap na matandang babae. Nangingiti ako nang makita siyang naiirita na naman. Kilala ko na ang itsurang ‘yan.
Sa kabilang dulo naman ng bangketa, si Lucas. Tahimik, hindi tulad ni Erwin. Nakayuko siya at abala sa pag-aayos ng makina ng isang lumang motor. Puno ng grasa ang mga daliri niya, at kahit pawisan, hindi niya pinapansin ang init ng panahon.
Pero hindi ko kayang ibaling sa kanila ang pansin ko nang matagal.
Dahil ilang hakbang lang mula sa kinatatayuan ko, si Mateo, pawisan at laspag sa trabaho, ay umupo sa isang kahoy na bangko sa gilid ng pwesto nila. At doon, para akong sinampal ng realidad.
Dahil hinubad niya ang kanyang sando.
Napalunok ako.
Tumambad sa akin ang mala-adonis niyang katawan, hindi mula sa gym kundi mula sa taon ng paghihirap. Mabalahibo ang dibdib niya, bumababa sa pusod hanggang sa natatakpan ng garter ng kanyang shorts. Ang pawis niya, kitang-kita ko kung paano ito dumadaloy mula sa leeg niya pababa sa gitna ng kanyang dibdib.
Dumaan ang dila ko sa labi ko, kahit hindi ko sinasadya.
Ilang saglit lang nang matigilan ako, sapagkat bigla siyang umangat ng upo, iniunat ang kanyang mga braso, at tumambad sa akin ang basang-basa at mamasa-masang kilikili niya.
Napalunok ako at napahugot nang malalim na hininga, pilit pinapaamo ang sariling katawan.
Pero hindi ko maialis ang paningin ko sa kanya.
Gusto kong umalis.
Gusto kong iwasan si Mateo at kalimutan ang nararamdaman ko. Pero habang nakatambay siya roon, nagpapahangin, pawisan at mukhang pagod, may isang parte sa akin na ayaw humakbang palayo.
Lalo na nang mapansin kong tumingin siya sa direksyon ko.
Isang maigsing sulyap lang. Walang espesyal, walang kahit anong rason para pansinin. Pero jusko, para sa akin, sapat na iyon para maramdaman kong parang hinigop ang lahat ng hangin sa paligid.
At bago ko pa maiiwas ang tingin, narinig ko siyang tawagin ang pangalan ko.
“Noah.”
Parang kumalabog ang dibdib ko sa tunog ng boses niya. Malalim, basag sa pagod, pero may lambing. O guni-guni ko lang ang panghuli.
Ngayon, wala na akong choice kundi lumapit.
“Uy, pre.” Sinubukan kong magpaka-kalmado, pero ang hirap kapag ganito ang nakikita ko sa harapan ko. “Napagod ka yata ngayon ah.”
Ngumiti si Mateo, iyong tipid na ngiti na parang wala lang. “Eto, maghapong buhat. Nakakapagod nga eh!”
Inunat niya ang braso niya, at parang slow motion ko iyong nakita. Kung paano lumabas lalo ang mga litid sa kanyang muscles, kung paano lumalim ang pagkakaukit ng pawis sa kanyang balat.
Pero bago pa ako tuluyang madistract, nagulat ako nang bigla siyang sumandal at tinapik ang espasyo sa tabi niya. “Tambay ka muna dito, pre. Wala akong kausap eh.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com