Chapter 19
Chapter 19
"We will be conducting a seminar at kayo ang mag-aayos ng lahat ng gagawin." Sabi ng teacher namin sa isa sa mga subject.
She enumerated the things that we need to do at nag-assign na ng mga tasks.
Some of my classmates were upset about it. Kukunsumo kasi iyon ng panahon at effort. Iyon nga ang pinagkaabalahan namin sa mga sumunod na araw. Naging abala ang lahat sa pagdedesisyon kung ano ang magiging tema, kung saan gaganapin, at kung sino ang mga iimbitahang guest speakers.
Hindi na isinama pa si Abe roon at ang iba pang kaklase na miyembro ng varsity. Sa September kasi... which is next month, mas magiging abala na si Abe sa pagpa-practice at aaraw-arawin na ang pagpunta sa court. Hindi na n'ya matututukan pa ang pag-aasikaso sa seminar na magiging proyekto namin ngayong semester. Gano'n din ang ibang players para sa sari-sariling kompetisyon.
Hinati ang klase namin sa mga grupo at napahiwalay ako kay Lexie. Magiging abala s'ya sa pagiging emcee kasama ng isa pang kaklaseng lalaki. Samantalang napasama naman ako sa pag-aayos ng mga ipamimigay sa seminar.
"Sana pala nag-varsity ako!" Si Lexie habang papa-upo na kami sa isa sa mga tables.
Napa-angat ang tingin ko kay Abe nang kalabitin n'ya ako at nakita kong inaabutan n'ya na ako ng bottled water. Napangiti ako at kinuha 'yon.
"Thank you." I told him.
"Okay lang naman sa akin ang maging emcee kaso... hassle!" Sabi ni Lexie, hindi napansin ang pagbibigay ni Abe ng tubig sa akin at umupo na sa napiling table.
"Tutulong ako habang hindi pa abala sa practice." Sabi ni Abe at nagtama ang mga tingin naming dalawa.
"Bait naman." Walang ganang sabi ni Lexie, halatang iniisip pa rin ang task na ibinigay sa kan'ya. "Iniisip ko pa lang ang mangyayari, kumakabog na sa sobrang kaba ang puso ko!" Iling ni Lexie.
Matapos naming kumain, pinagtipon na kami kaagad ng presidente ng klase namin at nagsimula nang gumawa ng mga magiging props. Magkakaroon din kasi ng mga intermission number. Buti ay hindi ako ro'n napasali. I'm not really as confident as my classmates. Lahat sila halos ay kayang makipagtalastasan sa iba, pero ako... hindi ko pa rin masanay ang sarili ko sa gano'n kahit na kailangan para sa strand namin.
Makalat na ang buong classroom dahil sa mga retaso ng paggawa ng props. May hawak na akong ilang papel na gugupitin at naghahanap na lang ng gunting para makapagsimula na. Pero bago pa ako maghanap ng gunting sa mga kaklase, lumapit na sa akin si Abe, may dala nang gunting.
Nginitian ko s'ya at agad na nagpasalamat.
"Ako na'ng gugupit, Aki." Aniya at inilahad ang kamay sa akin para kuhanin ang mga colored papers.
"Ako na." Iling ko at sinubukang kunin ang gunting sa kan'ya.
"Let me, Aki. Baka masugatan ka." Aniya at uminit ang mga pisngi ko.
Maggugupit lang ako, Abe!
Napatawa si Abe nang matigilan ako at kinuha na ang mga colored papers mula sa kamay ko. Napalunok ako at sinundan s'ya ng tingin. Nakangisi na s'yang lumapit sa ibang kaklaseng lalaki na kasalukuyang walang ginagawa.
"Oh, Abe? Ang sipag, ah." Tawa ng isang kaklaseng lalaki na bumubuga ng usok galing sa vape.
Napanguso ako at naghanap pa ng gagawin.
"Abe, naggugupit ka?" Narinig kong tanong ng isang kaklaseng babae at napalingon ako sa gawi nila.
Kaklase ko iyong magaling sa art. S'ya ang nagdo-drawing ng patterns na gugupitin at mukhang tapos na nga s'ya sa iilang mga papel. Napa-angat ang tingin sa kan'ya ni Abe.
"Ito pa, oh." Matamis na ngiti ng babae kay Abe.
Napakurap ako. Tumango si Abe at seryoso lang na kinuha ang mga papel. Napa-iwas ako ng tingin at lumapit na lang kay Lexie para maghanap pa ng gagawin.
Binigyan din naman ako ni Lexie ng gunting at papel at magkatabi kaming naggupit. Nag-uusap lang kami tungkol sa mga usap-usapan tungkol sa mga kakilala n'ya sa Torrero University maging sa St. Agatha University. Nawala lang ang focus ko kay Lexie nang biglang ma-upo si Abe kasama namin.
Napatingin ako kay Abe at kinukuha n'ya na ang ibang papel na gugupitin ko pa.
"Abe, mamaya, papayagan mo kaming manuod, 'di ba?" Inosenteng tanong ni Lexie at agad ko s'yang siniko.
Alam naman kasi n'yang hindi pinayagan ni Abe ang mga kaklase namin pero kami, si Abe pa ang nag-aya. Baka kasi magtampo sila kay Abe kapag nalamang pinayagan kaming manuod. Napatingin sa akin si Lexie at pabulong na nag-sorry.
Tumango si Abe bilang sagot kay Lexie at naggupit na ng papel.
"Si Tamaryn? Hindi ba pupunta?" Si Lexie, hinihinaan ang boses.
Napatitig ako sa ginugupit ko at napanguso. Umiling si Abe.
"Bakit? T'saka hindi ka na rin nagpupunta sa ABM, ah? LQ?" Tuluy-yuloy na tanong ni Lexie na ikinangiwi ko.
"Break na kami ni Tamaryn." Sabi ni Abe na ikinalingon ko sa kan'ya.
Hindi ko kasi alam na sasabihin n'ya na kay Lexie. Agad na nanlaki ang mga mata ni Lexie at napatitig kay Abe.
"Ha?"
"We broke up." Tingin ni Abe kay Lexie.
Natahimik kaming tatlo. Medyo malayo naman kami sa iba naming mga kaklase kaya hindi maririnig ang pinag-uusapan. Merong ilan na nililingon kami pero hindi dahil nakakahalata sa pinag-uusapan pero dahil interesado kay Abe.
"Abe? Really?" Pabulong na tanong ni Lexie. "Bakit ngayon ko lang nalaman?!" Pagalit na bulong n'ya.
Tinitigan ko ulit ang ginugupit ko at tahimik na nagpatuloy pero marahas akong nilingon ni Lexie nang mapansing ni hindi ako nagulat.
"Alam mo rin?" Gulat n'yang tanong.
Napatikhim ako at umayos ng upo. Tiningnan ko si Abe at nagtama ang mga tingin namin.
"Kailan pa?" Tanong ni Lexie kay Abe.
"Matagal na." Sabi ni Abe at bumuntong-hininga.
"Bakit hindi mo sinabi agad?"
"Ayokong sa'kin manggaling, Lex. She didn't take it well." Sabi ni Abe.
Kumunot ang noo ko habang naggugupit. She didn't take it well. Bad break up? Kaya ba parang ayaw sabihin ni Abe nang buo ang nangyari?
Kung kakalat nga 'yon, marami ang mag-uusap tungkol sa kanilang dalawa. Dahil sikat si Abe, baka sa kan'ya rin mapunta ang simpatya ng lahat. Pero kahit na kay Tamaryn naman mapunta ang simpatya, pag-uusapan pa rin naman sila. Iyon siguro ang iniiwasan ni Abe.
"Malamang!" Sabi ni Lexie. "You've been together for... what? 4 years?"
Napanguso si Lexie nang wala nang sinabi pa si Abe. I know that she knows that Abe won't talk about the real reason for their break up. Nang maka-alis si Abe, t'saka lang ako kinausap nang masinsinan ni Lexie.
"Bakit daw sila nag-break?" She asked me.
Ni ako rin naman, gusto kong malaman pero hindi ko rin alam kung bakit. Is it because Tamaryn stopped him from playing basketball? Ang babaw naman ng dahilan kung 'yun nga?
"Hindi ko rin alam, Lex." Iling ko.
Napa-isip nang malalim si Lexie.
"Hindi kaya may iba si Tamaryn?" Tanong ni Lexie na ikinakunot ng noo ko.
"Why would she find someone else?" I asked.
Kasi kung ako s'ya, I won't be able to find someone who's better than Abe.
"Eh, sino ang may iba? Si Abe?" Parang hindi kumbinsidong sabi ni Lexie at agad akong namutla. "Hindi maghahanap ng iba si Abe nang sila pa! I mean, he's so loyal! Faithfullest of all the faithful men!" Lexie declared with conviction.
"Kailangan bang ibang tao ang reason ng break up?" Pilit na ngiting tanong ko.
"Kung hindi ibang tao, bakit sila maghihiwalay, Aki? They were so perfect for each other."
Oo. Tama si Lexie. They were so perfect for each other.
Nasa isip ko ang sinabi ni Lexie hanggang sa matapos ang lahat ng klase namin para sa araw na 'yon. Inaayos ko na ang bag ko at naghihintay na sa akin si Lexie nang lapitan kami ni Abe para makadiretso na kami sa gymnasium.
"Saglit lang ako, Abe." Sabi ni Lexie kay Abe.
Tumango si Abe. "Going somewhere?" He asked.
"Family dinner." Ngiwi ni Lexie at napangiti naman ako.
"Ikaw, Aki?" Tanong ni Lexie sa akin. "Sabay ba tayong uuwi or magtatagal ka pa?"
"Baka umuwi rin ako kapag umuwi ka na." I told her.
"Ba't uuwi ka agad?" Gulantang na tanong ni Lexie at kinunotan ko s'ya ng noo. "Take pictures of Eli and Leion tapos send it to me." Tawa ni Lexie.
Inirapan ko si Lexie pero tumango rin naman dahil maliit na bagay lang naman 'yon. I like spoiling Lexie lalo na kapag tungkol sa mga crushes n'ya. Ang dami kasi.
"Ako na ang magbibigay sa'yo no'n. Bakit si Aki pa ang pinakukuha mo?" Si Abe, nagbibiro kay Lexie pero seryoso ang hitsura.
"You won't get it for me, Abe!" Irap ni Lexie.
"Ikukuha kita." Pilit ni Abe na mukhang hindi pa rin pinaniwalaan ni Lexie.
"T'saka uuwi kang mag-isa, Aki? Hindi na susundo si Ishmael, ah?" Si Lexie.
"Umuuwi naman akong mag-isa dati, Lexie." I said.
Inaalok naman ako nina Mommy ng sasakyan pero hindi pa kasi ako marunong magmaneho. Hindi ko rin magagamit at masasayang lang. Aaralin ko na muna bago ako pumayag na ibili ako.
"Ihahatid na kita." Sabi ni Abe na agad sinang-ayunan ni Lexie.
Kumalabog ang puso ko sa kaba.
"Hindi na, Abe."
"Pumayag ka na, Aki! I need my pictures." Halakhak ni Lexie at napa-iling ako, natatawa na rin.
Pumunta na kami sa gymnasium. Maaga yata si Abe dahil naka-uniform pa ang ibang varsity players pero nakita ko na nando'n na si Leion Zendejas kaya kilig na kilig si Lexie na itinulak pa si Abe. Napatawa si Abe at napa-iling nang matulak s'ya nang kaunti ni Lexie.
"Ang guwapo!" Sabay mura ni Lexie na ikinatawa ko.
Seryoso ang mga maya ni Leion habang naka-upo sa isa sa mga bleachers. Nakasuot na s'ya ng itim na shirt at jersey shorts. Nakatali na rin ang hanggang balikat n'yang buhok at mukhang walang pakialam sa paligid n'ya.
Nakita ko rin ang coach nila sa malayo, may kausap na estudyante.
Inilibot ko ang tingin ko sa mga upuan sa itaas at nakita kong may ilang mga estudyanteng babae ring nanonood.
"Nasaan si Eli?" Tanong ni Lexie habang hinahatid kami ni Abe sa isa sa mga upuan.
"St. Agatha." Tipid na sagot ni Abe.
"Ha? Ano'ng ginagawa n'ya ro'n?"
"Nanunuyo." Kibit-balikat ni Abe.
Nanlaki ang mga mata ni Lexie at naki-usisa pa tungkol doon. Tiningnan ko ulit ang mga estudyante at nakita kong nakatingin sila sa gawi namin. Alam kong dahil kay Abe. Iyon nga lang, ang iba, paghanga ang nasa mga mata pero ang ilan, nagtataka at mukhang may pinag-usapan.
Ibinalik ko ang tingin kay Abe at nagtagpo ang mga tingin namin.
"Okay na kayo rito?" He asked.
Tumango ako.
Dumiretso na sa locker room nila si Abe, mukhang magpapalit na ng panlaro. Paglabas n'ya galing sa locker room, agad na napunta sa kan'ya ang tingin ko. Uminit ang mga pisngi ko nang makita si Abe na nakasuot na ng plain jersey sleeveless shirt na kulay mustard at plain black shorts. Nakangisi s'ya dahil may lumapit na ka-team at kina-usap s'ya saglit.
Nagmura si Lexie sa gilid ko.
"Ang guwapo talaga ni Abe." Iling n'ya. "Ngayong wala nang girlfriend, dudumugin 'yan ng babae." Sabi ni Lexie at tumango ako.
Ibinalik ko ang tingin kay Abe at tumatakbo na s'ya papunta sa coach nila para kausapin ito.
Normal drills lang naman ang ginawa nila pero parang sobrang na-enjoy ng mga babaeng estudyanteng nanonood ang pinanonood lalo pa nang dumating si Eli Dasilva bago magsimula ang practice. Umalis din si Lexie pagkalipas ng ilang mga minutong drills. Napilitan s'ya dahil sinundo na ng Daddy n'ya para maka-uwi na kaagad kaya naman natira na ako sa bleachers.
Abe glances at where I am every now and then. Kapag nagtatama ang mga mata namin, nginingitian ko s'ya at tumatango naman s'ya pabalik.
Nang magkaro'n sila ng practice game bilang pagtatapos ng practice, lalo lang nagustuhan ng mga nanonood ang nakikita nila. I saw how Leion played. Totoo ngang magaling s'ya. He looked ruthless sa bawat pag-perform n'ya ng lay-up at dunk. Pero mas nakukuha ni Abe ang atensyon ko lalo na kapag panay ang 3 points. Madalas din ang assist n'ya kay Leion at Eli.
Ngayon, alam ko na kung ano ang sinasabi nilang perfect trio ng team. Nakikita ko na ang galing ng bawat isa sa kanila. Eli is the strategic one. He knows what he's doing and what the team must do to win. Si Leion, magaling sa opensa at dipensa. Si Abe, he acts as the overseer. He assists his team and he's very flexible. Mas mabilis din s'ya kumpara kay Leion pero mas mabilis sa kanilang tatlo si Eli.
Nang makapasok na naman sa ring ang 3 points ni Abe, narinig ko ang tilian ng ilang babae sa bleachers. Napanguso ako at tinitigan si Abe. He just bowed his head and received a high five from his teammate, ayaw makakuha ng sobrang atensyon. Pagkatapos ay natawa s'ya dahil sa sinabi ng teammate na 'yon. Then Abe raised his eyes to me. I smiled at him and he smiled back.
Ngayon ko lang na-realize na natupad na pala 'yung isa sa mga gusto kong mangyari dati. Napanood ko nang maglaro si Abe. Ako ang nginingitian at tinitingnan n'ya sa bleachers. I placed my hand above my chest, just above my heart. I can't believe that this is really happening.
Pero hindi ko rin maiwasang mapansin ang kaakibat nitong takot. Kasi kahit alam kong nangyayari na ang mga dati kong inaasam, alam kong may malalabo pang parte sa pagitan namin ni Abe.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com