2
ENCOUNTER
"break na tayo"
"ha?"
"break na tayo..ano bang hindi mo maintindihan dun?"
"ganun na lang? Ganun na lang?! akala ko ba mahal mo ako? Anong nangyari sa hindi kita iiwan? Ano?! Sumagot ka!!"
Walang tigil ang luha ko habang pinapanood ang TV. Bakit ba kasi masyado akong sensitive eh. Konting break up sa T.V. naiyak na ako, pano na lang pag nangyari to sa totoong buhay? Kakayanin ko kaya?
"Anak? Oh bakit ka naiyak? Sinong nagpaiyak sa'yo? Yaya!!!"
"di ma, naiiyak lang ako sa pinapanood ko. Nakakayamot kasi, iniwan niya yung girl."
"Ganun ba? Eh sya uminom ka ng tubig at baka hikain ka na naman"
"Sige ma"
"Oh siya, matulog ka na at maaga pa ang pasok mo bukas. Last year mo na to sa College, pagbutihin mo ha? I love you.."
"Love you too ma.." hinalikan ko sya sa pisngi at umakyat na.
The next day, I woke up early, at pumasok na. Habang papasok ako sa gate, nakita ko ang kaibigan kong lukaret.
"Hi Ivory!!"
"oh hi musta?"
"ito single pa din" natatawa niyang sinabi
"ano namang problema sa pagiging single? Tingnan mo ako, wala akong boyrfriend since birth pero di ko manlang pinoproblema. Eh ikaw? Nakailan ka nang syota? Eh di ka namn sineseryoso."
"ang sakit naman nun."
"tara na nga malate pa tayo"
"gaga anong malate? Eh ang aga nga natin ngayon"
"oo na lang"
Dumiretso na kami ng room kahit na ang ingay ng kasama ko at kung hindi mo nga naman ka-close si tadhana, may nakabanggaan ako sa hagdanan.
"Gosh! Books ko" ang sama ng tingin ko sa lalaking nasa harap ko ngayon na naka headphones
"Ano ba yan?! Look what you've done! Di ka manlang natingin sa dinadaanan mo" tinagtag niya ang headphones nya nung napansin na nagsasalita ako. Ano yun?! Di nya ako narinig?!
"Teka miss.. ano yun?"
"AAAaarrrrggggghhh!!!!!" nagmartsa ko papunta sa room. Naku guys pigilan niyo ako at baka kung ano ang magawa ko sa lalaking yon. Wala akong pake kung gwapo siya! (Teka Ivory! Kailangan talagang kailangang banggitin yung gwapo siya) Aarrghh!!
So natapos ang araw ko na badmood ako as in! wala akong kinausap except sa teachers na nagtatanong.
Naglalakad ako ngayon palabas ng campus nang may parang nasunod sa akin.
Goosebumps!!
Tumalikod ako at nanlaki na lang ang mata ko sa nakita
"Aaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh"
Napasigaw na lang ako dahil nakakita ako ng aso. Yes ASO! Takot ako sa aso! Kaya din ako hinihika dahil sa amoy ng aso. Kaya naman nagtatakbo ako nang napakabilis at ang malas ko dahil hinabol ako ng aso!
Ivory ano ba! Bakit ka ba kasi tumakbo?! Alam mo naman na hahabulin ka ng aso pag tumakbo ka eh. Pero no choice dahil wala na akong magagawa nakatakbo na ako eh. Pero di pala ako nakatingin sa tinatakbuhan ko kasi nasa madilim at liblib na lugar pa ako dito malapit sa school. NAtatakot ako at hindi na ako makahinga. Pero lalo naman akong naasar dahil napabangga ako sa isang pader! Pero bakit nagalaw?
"Teka okay ka lang miss?"
Hindi naman pala pader, kasi tao. Napahawak na lang ako sa kanya.
"Kuya! Hinahabol ako ng aso! Tulungan mo ako, hindi na ako makahinga"
"wala na naman yung aso okay na miss. Teka ayos ka lang?"
"hi-hindi ako makahinga"
"Uh umupo ka kaya muna?"
"Si-ge"
"Inhale...exhale" sinunod ko naman ito ilang minuto lang ay ayos na ako.
"Thank you..."
"You're welcome. Pero teka? Bakit ka naman napadpad sa lugar na toh?"
"Eh diba? Hinabol nga ako nga aso?"
"Ay? Oo nga no. sorry miss. Hehe. Teka? I think I've seen you before? Di ko lang matandaan."
"My name is Ivory Sanchez. You can call me Ivory. BSBA Finance and Marketing 4th year College. Oo nagkita na tayo. Kanina lang. Nabangga mo ako sa hagdan diba?"
"Hi my name is Cody. Oo nga ikaw yun. Sorry ha? Di ko kasi narinig yung sinabi mo. Teka are you alright? "
"Oo"
"Are you okay?"
"oo nga.."
"Are you okay alright?"
"Che!! Nakakaasar..."
"Pinapatawa lang kita kasi takot na takot ka kanina eh"
"Oo na! Pero thank you talaga ha? Kung wala ka, I'm dead na siguro."
"Grabe dead agad?"
"Oo pag di ako nakahinga. Patay. Chos. Pero maiba tayo, ikaw? Bakit ka nandito sa liblib na lugar sa likod ng school?"
"Dito ako nagpapahangin. Masarap kaya ang simoy ng hangin dito. Sinasabi lang nila na nakakatakot pero di naman."
"Anong lasa ng hangin?"
"Hah?"
"Pffttt.....hahahahahahahahahahahahaha"
"Bakit?"
"Bigyan ng award ang Pambansang slow ng Pilipinas!!! Hahahahahahahaha"
Nakakatawa talaga siya.
"Slow pala ako ha?" Naku! Yang mga tingin na yan...
"hoy hoy...may hika ako. Bawal akong kilitiin"
"Sinong nagsabi na kikilitiin kita?"
"Hah anong ibig mong sabi-----waaaahhhhhh ibaba mo ako!!!!"
"Sinong slow ngayon?"
"Ako!! Please ibaba mo na ako..."
Pero iba ang ginawa niya...tiningnan niya ako sa mata. Awkward....
"Ang ganda pala ng mata mo.."
"Hah?" parang bumalik siya sa katotohanan at binaba na niya ako...
"Sorry." bigla siyang umiwas ng tingin.
"Okay lang. Sige una na ako. Hinihintay na ako ng sundo ko."
"Hatid na kita"
"Wag na Sige bye thank you ulit!!" Tumakbo na ako kasi hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang tingin niya na yun.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com