3
TOKNENENG
Tahimik akong naglalakad nang Makita ko si Kuya Nonoy. Si kuya ang nagtitinda ng tokneneng, fishball, kikyam at iba pa. Suki na ako ditto dahil hapon hapon ditto talaga ako nagme meryenda. Madalas ay natambay ako doon at nakikipagkwentuhan sa kanya. Mayroon siyang 2 anak na pinapaaral. Yung isa ay nasa elementarya at yung isa ay isang taong mas bata sa akin.
"Kuya pabili 50 ng tokneneng"
"Ui Toffer! Kamusta exam?"
"Ayos naman po"
"Sige maupo ka muna diyan at magluluto lang ako ng order mo"
Naupo ako at napatitig sa mga estudyanteng kalalabas din lang ng campus. Marami na din akong nakikitang lumalapit dito dahil bibili rin yata. Pero may umagaw ng pansin ko. Isang babaeng nakasalamin at napakadaming projects na dala. Yung malalaking 3d baga. May ibang nagtatawanan at yung iba, walang pakialam. Papalapit din siya dito siguro'y bibili din. Nang makalapit siya, naaninag ko nang mabuti at malinaw ang mukha niya. Maganda, mukhan may lahi at napakatuwid ng buhok.
"Kuya pabili po ng 50 na tokneneng"
Coincidence ba na pareho kami nang binili?
Matapos masabi ang order, sinubukan niya yatang kuhanin ang pera sa bulsa niya pero malapit na mahulog ang projects na dala niya kaya maagap ko iyong sinalo para sa kanya.
"Ako na muna maghahawak miss"
"Ha? Oh.. sige thanks po"
Nginitian ko na lang siya at pinanood siyang kumuha ng pera. Ilang sigundo akong naghintay pero wala pa rin siyang inilabas na pera. Mukhang nawawala pa yata. Namumula na ang mukha niya at mukhan kinakabahan.
"Ah kuya pasensiya nap o pero hindi ko po pala dala ang pera ko."
"ganun ba? Okay lang sige"
Tumango siya at nahihiyang ngumiti. Humarap siya sa akin.
"Ah kuya akin na po yan.. Salamat po sa pagdadala..pasensiya na po kung nabigatan kayo"
"Okay lang yun"
Matapos niyang kuhanin, napatingin ako kay kuya Nonoy.
"Kawawa naman yung batang iyon. Mukhang pagod na pagod tapos hindi pa naka-kain"
"Kuya kukuhanin ko na po yung order niya. Ako na ang magbabayad."
"Osiya sige.."
Hindi pa siya nakakalayo kaya tinakbo ko na para maabutan siya.
Marahan ko siyan kinulbit at humrap siya sa akin. Halata ang gulat at pagtataka sa mga mata niya.
"Miss"
"bakit po?"
"Ito na yung order mo oh" iniabot ko sa kanya ang pagkain ngunit tiningnan niya lang.
"Hindi ko naman binayaran iyan ah?"
"Oo nga. Ako ang nagbayad. Mukhang gutom at pagod ka na eh. Ang dami mo pang dala"
"Naku hin-"
"tanggapin mo na"
"S-sige po" Sinuukan niyang abutin ngunit marami nga pala siyang dala kaya binaba ko muna sa may shed ang pagkain namin at saka siya binalikan. Kinuha ko ang mga gamiit niya at hinigit ang kamay niya.
Pinaupo ko siya at saka inilapit ang pagkain. "kain na"
Marahan niyang kinuha ang stick at tinusok ang pagkain.
Ang ganda niya talaga.
"Kuya salamat dito ha? Sa susunod ililibre din kita"
"Naku huwag na"
"Kuya sa PU ka din ba napasok?"
"oo 4th year college"
"Ah magka-batch pala tayo"
Ilang minuto kaming natahimik. Patapos sa siya kumain pero ako nakatingin lang sa kanya.
Isusubo na niya sana ang huling tokneneng nang mapatingin siya sa akin. Napatigil siya.
"Bakit ka nakatitig nang ganyan"
"Ah wala" Umiwas ako nang tingin at pinagpatuloy ang pagkain.
Ilang beses uli kami nagkita para bumili nang tokneneng. Nung ikalawa naming pagkikita, nilibre niya ako. Sabi ko huwag na pero mapilit siya. Dahil madalas kaming nagkikita, nakiala ko siya at ganun din siya sa akin. Nalaman kong marami kaming pinagkapareho pagdating sa paborito.
Isang araw, nakaupo kami sa shed nang matanong ko siya kung may boyfriend niya kasi baka mamaya may sumugod sa akin.
"boyfriend? Wala no. wala ngang nanliligaw sa akin" naka-pout pa siya haha cute.
"pero pwedeng manligaw sayo?"
"oo naman!"
"Oh sige simula ngayon liligawan na kita"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com