5
SIXTUS SENSUS
Isang dekada na nang mangyari ang trahedyang iyon. Maraming nagbago at kailanma'y di na maibabalik pa. Nagtagumpay man, mayroon at mayroon pa ring kulang.
Bakit nga ba humantong sa punto kung saan kailangan mangyari ang lahat?
Kung sa simula ay nagkaintindihan sila, maayos kaya ang buhay nila ngayon?
Kung ang lahat nang iyon ay maibabalik pa nila, may magagawa pa ba sila?
Nagdiriwang ang buong bansa ng Sheridanne noon. May mga palamuti, mga pagkain, iba't-ibang disenyo ng kasuotan at ang mamamayan ng Sheridanne ay buong loob na nakangiti. Ipinagdiriwang nila ang muling pagbabalik ng mga namumuno ng bansa.
"Vive le! Ipagdiwang ang ating tagapagligtas! Vive le! Vive le!" sigaw ng lahat ng Sheridannean. Labis ang saya nila sapagkat nariyan na ang kanilang tinitingalang Diyos.
"Vive le Prinsipe Caprice!"
Si Emerald Caprice County ang God of North Kingdom na pinamumunuan ng god of Hearing. Sa kaharian na ito, madali mong marinig kung may panganib na darating dahil ito ang pinakamalapit sa Hidden Kingdom.
"Vive le! Prinsesa Cloeia!"
Si Prinsesa Ruby Cloeia Stone ang Goddess of South Kingdom kung saan namumuno ang Goddess of feeling. Dito ginagawa ang lahat ng mga armas na kailangan sa mga laban dahil ang mga mamamayan nito ang nakontrol sa paggawa ng mga bagay na ito.
"Vive le! Prinsipe Zane!"
Si Prinsipe Zane Turquoise Co ang God of East Kingdom. Ang East Kingdom ang pamunuan ng God of Smell. Ang lugar na ito ay malapit rin sa Hidden Kingdom. Madali nilang maamoy ang mga hindi Sheridannean at mga may lason sa katawan.
"Vive le! Prinsesa Devon!"
Si Prinsesa Sapphire Devon Edwards and goddess of the West Kingdom na tirahan ng Goddess of Voice. Ang mga tao sa lugar na ito ay madaling makapagpadala ng mensahe sa mga nakakataas na mga tao kung mayroong isang atakeng darating. Dito makakahanap ng mga witches at wizards pagsasanay ang kanilang magic.
"Vive le! Prinsipe Ashten!"
Si Prinsipe Ashten Topaz Smith ang tagapamahala ng Middle Kingdom kung saan ang God of Sight ay namumuno. Makikita niya kung ano ang nangyayari sa buong bansa ng Sheridanne na kasama ang Hidden Kingdom. Ngunit ang tanging bagay na hindi nila makita ay kapag ang kalaban ay naglakbay gamit ang itim na dimensyon.
"Magandang araw mamamayan ng Sheridanne!" wika ni Prinsipe Ashten.
"Magandang araw---" hindi naituloy ng mga tao ang kanilang sasabihin sapagkat bigla na lamang nagdilim ang ulap. Ang maliwanag na sinag ng araw ay biglang naglaho dahil sa maiitim na ulap.
Nagbulungan at nabalisa ang mga Sheridannean dahil sa takot at pangamba.
Sa kabilang dako naman, namamayani ang katahimikan sa mga panginoon sapagkat pinapakiramdaman ng isa't-isa ang nangyayari.
"SHERIDANNE!"
Natahimik na ang lahat. Nakatingala sila ngayon sa nakalutang na nilalang na may suot na pagkhaba-haba na damit na may kapa at panakip sa mukha na kulay itim. Ramdam mo ang kapangyarihan at kumpiyansa sa pamamagitan lamang ng kanyang presensiya.
"Hindi naman pwedeng yung lima lang ang isigaw ninyo ang pangalan! Isa din ako sa mga Prinsesa ng Sheridanne!"
Nagkatinginan ang mga panginoon at natigilan. Hindi nila inaasahan iyon. Hindi nila inakala na magbabalik siya at ang pagbabago nito.
"Prinsesa Fawn" bulong nila maliban kay Prinsipe Ashten.
"bakit bigla kayong tumahimik? Ang lalakas ng sigaw niyo kanina ah? Dumating lang ako, tumahimik na kayo? Wag kayong mag-alala. Napadaan lang talaga ako eh. Aalis din naman ako PERO! Maghintay lang kayo, magbabalik ako."
Humarap siya sa mga panginoon. "At kayong lima! Maghanda-handa na kayo. Ramdam ko na ang pagkatalo ninyo pag nakabalik ako. Pasalamat kayo at binigyan ko pa kayo ng oras."
Bigla siyang naglaho. Bumalik na ang liwanag at tuluyang naglaho ang dilim. Hindi pala, pansamantala lang iyon.
Hindi mawala sa isip ng mga panginoon ang nangyari. Nagawa naman nilang pakalmahin at paniwalain ang mga Sheridannean na wala silang dapat ikabahala.
Nagtipon-tipon sila sa kanilang kwarto sa pinakamataas na tore ng bansa.
"Ano ang nangyari sa kanya?" takang tanong ni Devon.
"Diba ayos naman tayo? Ano ba ang nangyari?" tanong ni Zane saka tumingin kay Ashten na nakatungo lang sa tabi.
"Ashten ano ba ang nangyari sa inyo? Diba masaya naman akayo sa relasyon niyo? Bakit nga ba bigla na lamang siyang lumayo sa'yo? Pati sa amin." Tanong ni Caprice.
Napasabunot na lang si Ashten sa pula niyang buhok. "Hindi ko rin naman alam." Napabuga siya sa hangin at inisip kung ano nga ba ang dahilan. Sa pagkakaalala niya, sila ay masayang magkasama sa mahiwagang hardin noong huling araw silang magkasama ngunit bigla na lamang itong umiwas sa di malaman niyang dahilan.
"At kailan pa naging madilim ang presensiya niya? Diba siya ang Diyosa ng buhay?" ani Zane.
"Tama ka. Diyosa siya ng buhay pero kalakip nito ang pagiging Diyosa ng kamatayan. Kaya niya tayong patayin nang sabay-sabay. At tingin ko, mayroon siyang matinding galit sa puso niya kaya siya binabalot ng kadiliman." Wika ni Cloeia.
Napatunghay si Ashten at tumingin kay Cloeia habang nakakunot ang noo.
"Anong ibig mong sabihin?" –Ashten
"Diyosa siya ng buhay at kamatayan" –Cloeia at Devon
"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin – sa amin?" -Ashten
"Pasesya na, akala ko alam niyo" –Devon
"Kailangan nating maghanda. Hindi basta-basta ang katunggali natin. Mismong si kamatayan na ang kalaban kaya wag tayong magpapadalos"- Devon
"Paano natin siya matatalo? Imposible manalo tayo laban sa kanya" -Zane
Walang nakaimik.
Nagkatitigan muna sila bago sabay-sabay sambitin,
"Sixtus Sensus"
"Alam niyong delikado yun!"
"Wala nang ibang paraan! Yun lang ang makakatalo sa kaniya."
"Alam niyo namang kapalit ng Sixtus Sensus ang Kapangyarihan natin. Mawawala iyon matapos natin gamitin. Hindi natin alam kung buhay pa ba tayo pag nangyari iyon!"
Tatlong linggo na ang nakalipas at di pa rin nila napagkakasunduan ang kanilang plano. Nauubos na ang oras nila.
"Nandito na siya"
Napatingin sila kay Cloeia na nanahimik sa gilid.
"maghanda na kayo. Talasan ninyo ang mga pakiramdam ninyo. Sumunod kayo sa plano. Hangga't maaari, wag kayong lalapit sa itim na dimensiyon dahil sa oras na pumasok kayo doon, di na kayo makakalabas." Matapang na sambit ni Ashten
"Masusunod. Mag-ingat kayong lahat"
"Minamahal kong mga kaibigan –ehem NOON. Ang tagal naman ng pinag-uusapan ninyo. Nakatulog na ako dito" Natatawang sabi ni Prinsesa Fawn.
Naghiwa-hiwalay silang lima. Tumapat sila sa sari-sarili nilang kaharian at naghanda na.
Isa-isa silang sumugod.
Nanguna si Prinsipe Zane. Dala niya ang espada niyang may apoy na bigla na lamang namatay ang apoy bago pa man ito nakakadikit sa kalaban. Sa halip, isang malakas na pwersa ang tummasa kanya na nagresulta sa kanyang pagkakabagsak sa lupa.
Sumunod si Prinsesa Cloeia. Dahil nararamdaman niya ang sunod na tira ni Prinsesa Fawn, nalabanan niya pa rin ito.
"Nakalimutan ko, kaya mo nga palang malaman kung ano ang mga susunod ko na tira. Sorry na lang sa'yo kasi si Zane, tingnan mo, nakahandusay na" humarap si Cloeia kay Zane kaya naman kinuha itong tiyansa ni Fawn upang mapatumba si Cloeia.
Sumugod agad si Caprice bago pa maramdaman ni Fawn ang presensiya niya. Gamit ang kanyang pana at palaso na binabalot ng yelo, inasinta niya ang kalaban ngunit napatalsik na ito bago pa mabitawan ang palaso.
Tutulungan sana ni Devon sina Caprice ngunit bigla siyang sinuntok ni Fawn sa tiyan. Napaubo ng dugo si Devon at nanghihina na bumangon ngunit di siya nagtagumpay.
"Wala na bang ibibilis ang mga kilos niyo? Tama nga ako, ang hihina ninyo pero ang lakas ng loob niyo na husgahan ako ha? Sino ngayon ang mahina? Sino ngayon ang walang silbi? Sino?!" itim na itm na ang mga mata ni fawn. Puno ng galit at poot ang kanyang damdamin.
"Anong ibig mong sabihin?" Mababa at nakakatakot na wika ni Ashten.
"Wag ka na magmaang-maangan pa Mahal na prinsipe Ashten. Ikaw ang nagsabi niyan." Diin ni fawn
"wala akong sinabi o sasabihin na ganyang kataga sa iyo. Alam ko kung ano ang kaya mo. Bakit naman kita sasabih---"
"Sinungaling! Sinabi mo yun. Akala mo hindi ko malalaman? Pwes! Nagkakamali ka!"
"Sinong nagsabi sa'yo? Ako ba mismo? Kasi kung ako, siguro nga totoo yun."
"Kahit na! ikaw pa rin ang nagsa—"
"Inuuit ko, sino ang nagsabi sa'yo? Ako ba o hindi?" seryosong tanong ni Ashten
"Sinabi sa akin ng aking ama! Ama ko siya at bakit di ko siya paniniwalaan?"
"Yun ba ang sinabi niya sa'yo? Na mahina ka at wala kang silbi? Yun ba Fawn?" humakbang si Ashten papalapit kay Fawn.
"pwede ba? Wag---"
"Pearl Fawn! Naniwala ka naman na sinabi ko yun? Na narinig yun ni Haring Ecorus? Hindi naman sa hinuhusgahan ko ang tatay mo pero wala akong sinasabing ganun! Ni minsan di pumasok sa isip ko na mahina ka dahil ang totoo niyan, mas malakas ka pa sa aming lima. Bakit mo muna tinanong sa akin kung totoo nga yun? Bakit di ka lumapit sa akin?!"
Kumalma ang itsura ni Fawn. Pinoproseso ang nalaman at narinig niya. Unti-unti niyang inunawa ang mga sitwasyon at di niya inaasahang pumatak ang kanyang luha. Luha na isa sa dahilan kung bakit lumalakas ang mga diyosa ng buhay at kamatayan. Dahil sa luha, nagbabago ang tao. Nawawala ito sa sarili at di alam ang ginagawa.
Mabilis na tumunghay si Fawn at malinaw mong makikita na may malaking itim na bilog ang nasa likod niya.
Ang itim na dimensiyon. Pag napasok ka dito, wala ka nang kawala. Tuloy-tuloy lang ang paglaki nito hanggang sa mapasok na lahat ng dapat mawala na sa mundo.
"Ashten" may mahina na bulong na narinig si Ashten.
"Fawn, ikaw ba yan?"
"Tapusin niyo na ako. Marami ang mamamatay pag hindi mo ako natalo. Nakikiusap ako Ashten. Patawarin niyo ako kung nagtiwala ako sa tatay ko na mali pala ang sinabi. Nahihirapan na rin ako."
"Sigurado ka ba?"
"Alalahanin mo Ashten, mahal na mahal ko kayo. Di ko kayo malilimutan" tuluyan nang nilamon ang boses ni Fawn ng ingay galing sa itim na dimensiyon.
" Cloeia, Zane, Caprice at Devon. Oras na. wala na tayong ibang paraan. Kahit anong mangyari, para ito sa Sheridanne"
"Para sa Sheridanne!"
Naghawak – hawak kami ng kamay.
Sixtus sensus Sixtus sensus Sixtus sensus
Biglang lumiwanag.
Napakaliwanag.
Nakakasilaw.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com