Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

7


KUYANG UNKNOWN




"Excuse me po, excuse oh my gosh excuse po manong"

Hay naku! Ang hirap talaga pag late na... yung makikipag siksikan ka pa kasi ang dami nang tao. Ang hirap pa naman na sumakay pag marami-rami na ang tao dito sa bus terminal...Nandito ako sa Laguna pero ang punta ko ay sa Manila pa...Teka anong oras na ba? Shocks! Magsi-6 na nang umaga. Takbo na in 3-2-1 GO!

"Haay nakaupo din..."

Buti na lang itong upuan sa pinaka-unahan ang naupuan ko. Bukod sa mapapanood ko nang ayos yung movie, kita yung daan.

Napatingin ako sa katabi ko..sayang naunahan ako sa bintana. Naka-headphones, nakasombrero at nakasalamin. Kaunti na lang iisipin ko na magnanakaw ito.

Ilang minuto ang lumipas. Buti na lang napuno agad kaya nakaandar agad. Nagsimula nang mag-ikot ni Kuyang conductor para dun sa ticket. Nagbubutas siya ng ticket na hawak niya habang tinatanong ang pasahero ng lugar kung saan sila bababa.

May hitsura si Kuya. Mukhang magkasing-edad din kami pero bakit kaya hindi siya nag-aaral?

Habang nakatingin sa kanya, naramdaman kong gumalaw katabi ko kaya nagising ako sa katotohanan na I'm drooling over a conductor.

"Ah miss san ka?"

"Ah C-commonwealth po"

"ikaw lang?"

"Opo"

Bakit ako nauutal? Eh kasi naman titig na titig si Kuya. Oo na, nakatingin siya dahil inaalam ang lugar na pupuntahan ko pero iba yung dating ng tingin niya eh.

Matapos magbutas, iniabot niya sa akin ang ticket kaya kinuha koi to pero napadikit yung kamay ko sa kamay niya.

Cringe.

Lumampas na siya sa amin matapos tanungin yung katabi ko.

Bumuntong hininga ako at kinakalama ang sarili ko dahil kahit hindi ko aminin, kinikilig ang lola niyo.

Hinintay ko siyang bumalik.

Pagkatapos niya magbigay nang ticket, pumunta muli siyang unahan para naman mangolekta ng pamasahe namin.

Nang tumapat siya sa akin, napatingin ako sa kanya at marahang sinabing muli ang pupuntahan.

"Ito miss sukli" iniabot niya sa akin ang sukli atsaka ako nginitian.

Nginitian niya ako.

"Ah..S-salamat"

Napatungo na lang ako. Pakiramdam ko, namumula ako. Baka Makita nung katabi ko, mahirap na.

Bumalik nang muli si Kuyang konduktor sa harap dahil dun naman talaga siya nakapwesto lagi. Nakasandal siya sa may pinto ng bus at nakaharap sa may amin. Minsan niya kaming napapasadahan ng tingin pero siguro coincidence lang yon since dito siya nakaharap.

Binaling ko na lang ang aking tingin sa TV para hindi naman niy ako lagging naabutang nakatingin sa kanya.

Kalahating oras na ako sa bus nang makaramdam nang lamig. Hindi pa naman ako nakapagdala ng jacket.

Sinubukan kong galawin yung maliit na aircon sa ceiling ng bus. Ginagalaw-galaw ko pero lalo lang lumamig at lalo pang napatapat sa akin ang hangin.

"Paano ba ito? Anlamig"

Grabe naman yung katabi ko. Wala manlang pake sa akin. Sabagay, di naman niya ako kilala.

Sinubukan ko ulit galaw-galaawin nang Makita kong may humawak sa kamay ko. Napatingin ako sa may-ari ng kamay na nakadikit at nagulat ako na si Kuyang Konduktor yon. Nakatingin siya sa kinakalikot niya habang ako ay parang tuod doon na natigilan.

"Ako na miss" nginitian niya na naman ako.

Inilayo ko ang aking braso para maayos niya.

"Okay na ba? Hindi na ba ganoon kalamig?"

"Ha? Oo okay na. Salamat"

"Walang anuman"

Ibinalik kong muli ang aking mata sa TV dahil sa kahihiyan at para hindi ganoong mapansin ang kilig na nararamdaman.

"may gusto ko dun ano?"

Nagulat ako sa nagsalita. Napatingin ako sa katabi ko. Nakapikit siya pero nakangiti. Hindi na niya suot ang kanyang salamin.

"Ha?"

"Tss. Narinig mo naman eh"

Napatungo ako sa sinabi niya. Dahil sagutin ko man yan o hindi, alam niy ang totoo kasi nakita niya reaksyon ko.

"Ano naman sayo?" singhal ko.

"Nagseselos ako"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com