Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2


Kabanata 2

Steal


Ilang linggo ang lumipas. Maayos naman ang estado ng resort. Halos fully-booked na ang hotel dahil peak season ngayon kaya busy-ing busy ang mga staff.

Nasa office ako ngyon dahil kailangan ko i-monitor ang lahat ng tauhan. Hindi pwedeng magpabagal-bagal lalo na't maraming aasikasuhin lalo na ang mga taong nangangailang ng serbisyo namin.

Lumabas ako ng office para i-check ang lobby. Maraming tao. Buti na lamang at malaki ang lobby kaya hindi gaanong masikip.

May ilan akong kakilalang nakita. Binati nila at ganun din ako.

Sa kalagitnaan ng pakikipag-usap, nilapitan ako ni Frieda. Halatang may problemang sasabihin sapagkat kitang-kita iyon sa kaniyang mga mata.

"May I talk to you for a minute?"

Tumingin ako sa mga bisita at nagpaalam muna.

"Anong problema Frieda?"

"May isa po tayong guest na nanakawan. May nakuha po sa CCTV pero di pa po alam kung sino. Pero may mas masamang balita po Ma'am"

"Ano?"

"Bellboy po natin ang huling pumasok sa room bago nagkanakawan."

"Ano?! Sino?!"

Ngayon lang nangyari ito! At tauhan ko pa ang may gawa?!

"Si Darrius po"

Si Darrius?

Wait.

Kumalma ka Almira. Hindi mo pa sigurado kung siya nga ang nagnakaw.

"Pero naibalik na po ang gamit. Hindi lang po masabi kung siya nga ang kumuha at nagbalik dahil unang pumasok si Louis. Ilang minuto ang lumipas nang nagkagulo sa labas ng silid dahil nakita sa kamay ni Darrius ang gamit."

"Ipatawag si Darrius sa office ko! Ngayon na! At pakidala na rin ng CCTV clip."

"Yes Ma'am" mabilis siyang umalis sa aking harapan. Maya-maya pa'y narinig ko na an gang tunog sa speaker.

"Calling the attention of Darrius Enriquez. Please proceed to the Manager's office now."

Ilang minuto akong nakaupo sa aking swivel chair habang hinihilot ang sentido ko.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin it okay Dad o hindi. Natatakot ako lalo na't ako pareho ang nagpasok sa kanilang dalawa. Ni hindi ko alam kung pareho ba silang sangkot o isa lang sa kanila. Maaaring wala din naman kaya nag-aalala ako. Maaaring makasira ito sa reputasyon ng hotel at hindi iyon maganda.

Nakarinig ako ng katok sa gitna ng malalim na pag-iisip.

Bahagyang bumukas iyon kaya nakita ko si Frieda. Sinenyasan ko na lang siya na pumasok na.

"Ma'am ito na po ang kopya ng CCTV. Nariyan na rin po si Darrius. Papapasukin ko na po ba sila?"

"Sige. Paki handa din ng guard sa labas. At paki tawag na rin si Louis. Pabantayan at baka makatakas. Isa siya sa suspect kaya dapat hindi makawala."

Bahagya siyang tumango at nagpaalam na matapos iabot sa akin ang flashdrive.

Isinaksak ko ito sa aking laptop at binuksan ko ang file.

Habang ginagawa iyon, pumasok na si Darrius.

Seryoso akong tumingin sa kaniya.

Pumasok si Darrius nang may halong pag-aalala sa mukha. Mayroon din siyang pasa sa may pisngi na ikinabahala ko. Saan naman niya nakuha iyon?

"Maupo ka"

Nasa harap ko na siya. Magkaharap kami at seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Walang emosyon ang kanyang mga mata at hindi mo alam kung anong iniisip niya ngayon.

Pinanuod ko ang CCTV footage. Nakita kong pumasok si Louis nang malumanay at walang dala ngunit lumabas nang patakbo at mukhang may dala na gamit. Kita sa kabilang anggulo na CCTV ang pagkakasalubong nilang dalawa kaya napatigil sa pagtakbo si Louis. Tila nag-usap pa ang dalawa kaya nagtagal sila roon sa puwestong kanilang tinigilan. Maya-maya'y ibinigay na rin ni Louis kay Darrius ang gamit. Naglakad ito pabalik sa kwartong pinanggalingan ni Louis. Kitang-kita ko din ang kaguluhan sa labas ng silid. Nasuntok si Darrius dahil nakita itong may dala ng gamit.

Dinampot ko ang telepono at tinawagan si Frieda.

"Yes ma'am?"

"Pakidala naman dito ng ice pack please."

"Sige po ma'am."

Tumunghay si Darrius. Kita sa kanyang mata ang pagtataka.

"Hindi na po kailangan ma'am. Hindi naman po masakit."

"Pag lumala iyan, I would be responsible kasi tauhan kita."

"Pero ayos lang po talaga ako"

"Well for me, you aren't."

Tumahimik na rin siya.

Dumating ang ice pack. Ipinaabot ko ito kay Darrius. Ipinatong niya ito sa may pisngi niya na may pasa.

"Anong nangyari?"

Napatingin siya sa akin at napatigil sa pagdampi ng ice pack sa kanyang pisngi.

"Ibinalik ko lang po yung gamit. Dahil nakita ng may-ari na hawak ko, bigla niya ako sinuntok."

Seryoso siya nakatingin sa akin.

Alam ko naman na totoo yung sinabi niya dahil napanood ko ang footage.

"Bakit nasa iyo ang gamit? Kinuha mo?"

"Hindi. May nagtangkang magnakaw pero buti naabutan ko kaya kinuha ko at ibinalik..."

"Sino ang kumuha?"

"Kinuha niya lang ang gamit dahil kailangan niya ng pera. Nasa ospital ang nanay niya."

Natigilan ako.

Tumikhim ako.

"Maaari ka nang lumabas. Salamat."

Tumayo na siya at tumalikod pero tumigil muna siya at nagsalita.

"Tatagtagin mo ba siya sa trabaho kung kailan kailangan niya ng pera?"

"Mali ang ginawa niya. Nararapat lang na maalis siya rito."

Marahan siyang tumango saka tuluyan nang umalis.

Kinuha ko ang telepono.

"Frieda papasukin si Louis dito."

"Sige po Ma'am"

Ibinaba ko din agad ang tawag.

Ilang minuto akong natahimik nang may kumatook sa pinto.

Pumasok si Louis. Kita sa kanyang mga mata ang pag-aalala at kaba. Nakatungo lamang siya at hindi makatingin nang diretso sa akin di tulad ng dati.

Yung dating maliwanag na ngiti na nakikita ko sa kanya ay tila naglaho.

"Maupo ka."

Naupo siya pero nanatiling nakatungo.

"Bakit mo nagawa iyon?"

Pumatak bigla ang luha niya matapos ko siyang tanungin.

Tumayo ako at Nilapitan siya.

Hinawakan ko ang kamay niya at tiningnan siya.

"Kung kaialangan mo ng pera, bakit di ka lumapit sa akin? Pwede ka namang humiram diba?"

"Alam mo naman ang kahihinatnan ng ginawa mo diba?"

"Sorry" kahit hirap magsalita ay nailabas niya ang mga salitang iyon. Alam kong pinagsisisihan niya iyon pero wala ako magagawa.

"Hindi ka dapat mag-sorry sa akin. Say sorry to those people na kinuhanan mo. Pati kay Darrius. Nasaktan siya dahil napagkamalan na may sala."

"Opo."

"I'm firing you. Pero tutulungan kita sa bayarin sa ospital. Okay ba yon?"

"Opo! Maraming Salamat po!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com