Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

P.O.M - III


***
Leona keep turning the pages, but the same on the first diary, nothing's follow. Until she noticed something.

"May pumunit sa mga sumunod na pahina Ma." bulalas ni Leona.

"Pero bakit, bakit gagawin iyon ng kapatid mo?" But none of them could give any explanations. Kung bakit nga ba pinunit ni Lhea ang mga sumunod na pahina, ano ang naging dahilan niya?

"Ate Lorena! Dumating na sina kuya Wilson kasama ang mga pulis." sabi ni Lorna pagkapasok nito sa kwarto kung saan naroon ang mag-iina.

Pumasok na din si Wilson sa kwarto kasunod nito si Sebastian. Subalit di pa man nakakalapit sa kanila'y sinalubong siya ng kaniyang asawa ng sunod-sunod na sampal.

"Ikaw! Ikaw! Ikaw ang may kasalanan kung bakit nawawala ngayon ang anak mo! Walang hiya ka!" Lorena couldn't stop herself to put all the blames to his husband Wilson.

Puno naman ng pagtataka si Wilson sa mga nangyayare, wala siyang ideya kung bakit siya ang sinisisi ng asawa sa pagkawala ng kanilang anak.

Pumagitna sa kanila ang dalawa nilang anak na si Leona at Laiza pati si Sebastian ay nangealam na din.

"Dahil sayo! Nagdesisyon si Lhea na lumayo sa atin. Dahil sayo, kaya siya lumayo! Kung nagtino ka lang at iniwan iyang malanding kabet mo, eh di sana kasama pa natin siya ngayon!" nanggagalaiting sigaw ni Lorena sa asawa. She doesn't care anymore sa kung ano na ang iisipin ng iba sa kaniyang pamilya ngayon.

"Ano bang pinagsasabi mo Lorena!" he holds her wife's shoulder tight.

"Tama na Wilson, stop acting like an innocent bullsh*t. Alam naming nakikipagkita ka pa din dyan sa kalaguyo mo. Even Lhea knows it, di ka na nahiya sa bunso mong anak," she wipes her tears, trying to calm herself but she can't.

She became too emotional.

Napaluhod na lang ang ginang at nagpatuloy sa kanyang hinaing. "Kaya nagpakalayu-layo ang anak natin, ang bunso ko ng dahil sa kataksilan mo..."

Most of them were both crying even Sebastian. He also blame himself sa mga nangyayare. Sana di na lang niya pinayagang umalis si Lhea. He was aware sa mga kalokohan ng Daddy ni Lhea, dahil nabanggit na din ito sa kaniya ng dalaga nang minsang naglabas ito ng sama ng loob sa kaniya.

"I'm sorry... I'm so sorry" Wilson began to be an emotional too when he realized his mistakes. He cried too, and trying to hug his Wife Lorena. Pero diring-diri na ito sa kaniya.

Even Laiza and Leona couldn't stop themselves to cry. While Sebastian and the rest trying so hard to be brave, leaving them blank sa kung ano talaga ang nangyare kay Lhea.

And then suddenly, may pumasok na ideya kay Leona.

"Ma, posible pa nating makita siya." All there eyes were focused on her.

"Leona, please tell me how!" Sebastian asked. Bigla siyang nabuhayan ng pag-asa na maaring buhay pa ang kaniyang kasintahan.

"Naaalala ko na may lalaki siyang tinutukoy sa mga diary niya. We must find him first! Auntie Lorna, sigurado ako kilala mo ang lalaking tinutukoy ni Lhea." Tumingin siya sa kaniyang Tita Lorna.

"S-sinong lalaki?" takang tanong ni Sebastian.

And then Leona told them everything they have read and were written sa diary ni Lhea. Mula sa unang diary hanggang sa pangalawa.

It took them one hour bago nila nasabi ang lahat ng kanilang mga nalaman.

"Auntie Lorna, kilala mo ang lalaking tinutukoy ni Lhea sa mga diary niya di ba?" Laiza asked her tita.

"Ha? Ah O-Oo! Hind ako pwedeng magkamali, si Silvester ang tinutukoy niya. Siya lang naman ang nakakasama namin sa lahat ng mga lakad namin."

Sa kabila nito'y hindi pa din makapaniwala ang ginang na magagawa iyon ng kilala nilang Dodong sa kaniyang pamangkin. Dahil sa pagkakakilala niya, napakabait ng binatang iyon. Masipag, matulungin, magalang at may pagkamahiyain pa.

"Walang hiyang lalaki iyon. Pagbabayarin ko siya sa lahat ng ginawa niya kay Lhea." puno ng galit na sambit ni Sebastian. Nagawa pa niya tuloy isuntok ang kanang kamao sa pader kaya naman nagdudugo na ito ngayon.

"Sebastian tama na, huwag mong saktan ang sarili mo. Naiintindihan ko ang galit mo. Pero sa ngayon ang dapat natin gawin, makita ang lalaking iyon. Baka hawak niya ngayon si Lhea."

Until Lyna interupted them, "Sasamahan ko kayo sa bahay niya."

And they have all decided na puntahan na ang misteryosong binata na tinutukoy ni Lhea sa kaniyang diary.

Lahat nga sila'y nagtungo sa bahay ng kinilala nilang si Silvester sa pangunguna ni Lyna. Kasama din nila ang ilang mga pulis.

"Diyan! Diyan ang bahay ni Dodong." Turo ni Lyna sa isang maliit na bahay. Mainam at mukhang naalagaan ang lugar, senyales na masipag nga ang nakatira doon.

Dumadami na din ang mga kapitbahay na nakiki-usyoso sa mga nangyayare.

Unang pumasok ang mga pulis, lahat ng pwedeng pasukan at labasan ay pinuntahan nila.

Hanggang sa napasok na lang nila ang buong bahay ay wala ni anino ng sinuman ang kanilang nasilayan. Ang tanging naabutan na lang nila ay ang nakakataas balahibong mga bagay-bagay na nasa loob.

They were all shocked habang sinusulyapan ng pamilya ni Lhea ang loob ng bahay. Doon ay nakita nila ang isang altar na puno ng mga larawan ni Lhea. Sa sobrang dami ay halos tumakip na ito sa pader.

Naabutan din nila na may sindi pa din ang mga paupos ng kandila na nandoon. Magkahalong itim at pulang kandila ang pumapalibot sa kabuuan ng sala.

Dumagdag din sa takot at kaba nila ng makita ang ilang mga larawan na nakakalat sa sahig at nang makita ito ng malapitan, puro larawan ito nina Sebastian at Lhea na magkasama, halatang tinangkang sunugin ang mga ito ngunit hindi lahat nasunog.

Lyna suddenly speak as they observe the place. "Tama nga ang bali-balita. May kumakalat na may alam daw si Silvester pagdating sa itim na mahika." she commented.

"Akala talaga naming lahat chismis lang iyon, dahil kung ibabase sa kilos at pagkatao niya ay napakalabo talaga para maging totoo iyon pero totoo. Totoo ang lahat." Lorna added as they saw those creepy things.

Pero may isang bagay ang kumuha sa atensyon ng nakakatandang kapatid ni Lhea na si Leona. Nakita niya sa loob ng isang silid, sa ibabaw ng kama ang mga nawawalang pahina sa diary ni Lhea. Kaparehas ito ng mga papel na nasa notebook ng kapatid, may naka print na hellokitty sa mismong mga papel. Pati ang sulat kamay ay kay Lhea din.

Kaya naman agad nilang binasa ang mga nakasaad doon, nagbabakasakaling may mahanap na makakatulong sa paghahanap kay Lhea.

***
***
***

There is an altar full of red and black candles. At ang mas nakakatakot dito, punong-puno ito ng mga larawan ko. Is he worshiping me all those time? He's crazy!

And then I saw another picture on the wall, it has an X mark. When I saw it closer, mas natakot ako hindi para sa sarili ko kundi sa kung sino ang nasa larawan. Hindi! Its Sebastian picture. Natatakot ako, baka may ginawa siyang masama kay Sebastian. Hindi na ako magtataka kung kaya niyang gawin iyon after what I have witnessed about him.

"Nagustuhan mo ba?" he smirked at me. Habang nakasandal siya sa pintuan ng kwartong pinanggalingan ko. At lamas ng hintuturo niya ang labi niya na para bang may nilalasap ng kung ano.

His voice became a torment for me.

"Crazy asshole!"

Those are the words I said to him before I leave that house. At nalaman kong nasa bahay niya pala ako.

I went straight sa bahay nina Auntie, malapit na lang iyon sa bahay nila.

Sinalubong agad ako nina Auntie when I entered the house.

"Na unsa man siya uy, unsa nimo day. Pinag-alala mo kami ng tito mo.
Bigla ka na lang nawala sa bundok, saan ka ba nagpunta? Tinulungan na nga din kami ni Dodong sa paghahanap sa imo, nakakahiya tuloy sa kaniya dahil di siya nakapasok sa school ngayong araw dahil mas inuna niya ang paghahanap sa imo." sunud-sunod na sabi ni Auntie sa akin, may nabanggit siya na nagpataas talaga ng aking kilay.

What? Nagawa ng lalaking iyon na magsinungaling at baligtarin ang mga nangyare. Magsasalita na sana ako on what really happened kaya lang dumating siya.

"Ate, nakauwi na ba si Lhea?!" he asked as he entered the door.

What? He was acting like he doesn't know anything. Everything that happened wasn't my fault it was him. I don't know what does it call but its seems like he hipnotized me last night but how would I explain that kina Auntie, baka isipin nila nasiraan na ako ng bait lalo na ngayong umaasta ang lalaking ito na parang walang alam sa mga nangyare. He can manipulate the situation ng ganun-ganun lang. Nasasaksihan ko kung paano siya magsinungaling sa harap nina Autie. I admit, he's a good d*mn lier.

And weird things continues to happen, gusto ko sanang sabihin ang lahat ng mga nangyare kay Auntie but I couldn't open my mouth. Para bang may kung anong tumatakip dito na di ko nakikita.

Gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak. Pero ang lahat ng ito'y di ko magawa sa di malamang dahilan.

I gazed upon him trying to find answers sa mga nangyayari sa akin. But he just gave me a meaningful smile.

I'm scared so I ran to my room and locked the door. Ayoko ng lumabas, ayoko na siyang makita.

I'm now writing this letter because I couldn't speak anymore.

Kung magiging pipi na ako for the rest of my life at mabasa niyo ang diary kong ito. Nais ko sanang sabihin kina mama at papa na mahal ko sila, mahal na mahal. Lalo na kay papa, pa pinapatawad na kita. Kaya sana magbago ka na kapag nabasa mo ito. Mahalin mo si mama dahil wala ka ng mahahanap ng hihigit pa sa kaniya.

Ate Leona, Ate Laiza, sorry kung di ko natupad ang pangarap natin na gagawa tayo ng sarili nating business. Sorry binigo ko kayo. Please mahalin niyo pa din si papa kahit masakit, kagaya ng pagmamahal niyo kay mama. Ingatan niyo si mama, mas kailangan niya kayo ngayon.

At para sa taong bumubuo ng pangarap ko. Sebastian, kung mababasa mo man ito. Sorry kung pinagdudahan ko ang pagmamahal mo. I love you hun. Mahal na mahal kita. May isa lang akong request, please save me from him.

Bakit nga ba ako ganito magsulat. Hindi ko din alam pero may pakiramdam ako na ito na ang magiging huling pahina ng diary ko. Ang huling kwento ng buhay ko.

Nararamdaman ko ang lalaking iyon, tinatawag niya ang pangalan ko. At nagnanais na ang katawan kong pumunta sa kaniya pero maniwala kayo taliwas ito sa isip at nararamdaman ko.

Nasisiguro kong anumang oras ngayon, makukuha niya ako. :(

Kapag nawala ako, please ibigay mo sa pamilya ko ang diary'ng ito sa kung sino man ang makakakuha nito.

Hanggang dito na lang,
Lhea Buencamino
October 2, 2015.

***
***
***
And since the day, wala nang nakakita pa kina Lhea at Silvester. May mga balita na nakita daw ang dalawa sa kabilang isla, pero sa tuwing pupuntahan nila Sebastian ang lugar kung saan nakita ang dalawa ay di naman nila ito makita-kita kahit ano pang paghahanap ang gawin nila.

Ni wala silang ideya kung buhay pa ba ang dalaga o hindi na.

Makalipas ang limang taon.

Nasa kalagitnaan ng pagwawalis si Lerona ng kaniyang bakuran nang marinig niya na naman ang isang pamilyar na boses.

Wala sana siyang balak pansinin ito sa pag-aakalang parte na naman iyon ng kaniyang ilusyon.
Ngunit di niya maiwasang sulyapan ang pinagmulan n'iyon ng tawagin siya sa pangalawang pagkakataon.

"Ma..."

Bumungad sa kaniyang ang taong kailan man di nawaglit sa kaniyang isipan.

"Lhea! Anak ko!" Binitawan niya ang hawak na walis tingting at patakbong lumapit sa anak niyang matagal ng nawawala.

Niyakap niya ng buong higpit ang anak, kung pwede nga lang wag ng bitawan dahil baka mawala pa ito sa harapan niya.

"Diyos ko, ang anak ko. Ano bang nangyari sayo, kumakain ka ba ng maayos, maayos ba ang naging kalagayan mo? Saan ka ba naglalagi?" Sunud-sunod na tanong ni Lerona sa anak habang hinahaplos niya ang mukha at buhok nito. Halata ang pag-aalala niya para dito.

"Opo Ma! Siya nga pala, Ma may kasama po ako."

Sa di kalayuan may isang lalaki ang palapit sa kanila. May kasama itong dalawang bata, ang isa'y batang lalaki na nakahawak sa kaliwang kamay niya. Mukhang itong  nasa apat o limang taong gulang na at ang isa naman ay karga-karga ng lalaki. Isa itong  batang babae na kung susuriin nasa dalawang taong gulang na.

Ipinakilala niya ang mga ito pagkalapit sa kanila.

"Ma, ito ho si Lester at ito naman po si Silver ang mga apo niyo po sa amin ni Silvester." Kasunod nito ang pagyakap niya sa ipinakilala niyang mister.

Hindi lubos maisip ni Lerona kung ano ang dapat ireaksyon. Matutuwa na sana siya dahil gwapo't maganda niyang mga apo. Subalit mas nanaig ang kaniyang galit sa lalaking tumangay sa anak niya.

"Hayop ka! Ang kapal ng mukha mong lalaki ka. Walang hiya ka, anong ginawa mo sa anak ko!"

Mabuti na lang at mabilis na nakuha ni Lhea ang bunso niyang anak sa asawa bago pa man ito masaktan ng kaniyang mama.

"Ma, tama na! Huwag niyo ho siyang saktan. Ma, tama na, itigil niyo iyan" Awat ni Lhea sa kaniyang Ina, hindi naman pumapalag si Silvester at maluwag sa dibdib niyang tinanggap ang pananakit sa kaniya ng biyenan.

"Walang hiya ka! Demonyo!" mariing wika ni Lerona.

"Ma, sinabing tama na eh!" malakas na sigaw ni Lhea ang siyang nagpatigil sa nagwawala niyang mama.

Umiiyak at takot na takot naman ang dalawang bata sa kaniya. Natatakot ang mga ito sa kanilang lola matapos masaksihan ang pagwawala nito.

"Ma... Asawa ko si Silvester at ama siya ng mga anak ko. Kaya sana naman ma, irespeto mo siya." mangiyak-ngiyak na saad ni Lhea. Para itong walang naalala sa mga bagay na ginawa sa kaniya ni Silverster noon.

Nagsalita din si Silvester na muling bumuhay sa galit ni Lerona, "Mahal na mahal ko ang anak niyo, nagmamahalan po kaming dalawa."

"Ang lakas ng loob mo para sabihin sa akin iyan. Alam kong alam mong hindi totoo ang mga sinabi mo. Alam mo kung sino ang totoong mahal ng anak ko. Nilason mo ang kaisipan ng anak ko. Alam mong hindi ka niya mahal, dahil ang totoo biktima lang din siya." Nanatiling tikom at tahimik si Silvester.

"Ma, tama na sabi eh! Ano ba! Nagpunta lang kami dito para magpaalam sa inyo at para ipakilala na din sa inyo ang mga apo ninyo. Pero kung babastusin niyo lang din naman si Silvester, mas makakabuti sigurong umalis na lamang kami."

"Aalis kayo? Saan kayo pupunta?" nakaramdam ulit ng lungkot si Lerona.

"May malaking kontratang nakuha si Silvester sa Canada. Isasama niya kami at doon na maninirahan."

"Ilalayo ka niya ulit sa amin? Hindi na ako papayag!"

"Ma, bukas na ang flight namin at hindi niyo na ho kami mapipigilan."

"Hindi! Paano si Sebastian? Anak hanggang ngayon naghihintay pa din siya sayo at umaasang babalikan mo siya."

"Sinong Sebastian? Wala akong kilalang Sebastian." Bakas sa mukha ni Lhea na nagsasabi siya ng totoo na wala siyang nakikilalang Sebastian. Labis itong ikinabahala ni Lerona, malabong makalimutan ng anak ang first love niya maliban na lang kung may kung anong mahika ang ginamit sa kaniya.

"Ma, hindi ko na mahihintay sina ate at papa. Pakisabi na lamang na dumaan kami." Hindi na nagawang pigilan pa ni Lerona ang pag-alis ng mga ito. Matapos humalik sa kaniya ang mga apo ay sumakay na ang mga ito sa taxi na inakopa nila.

Gustuhin man niyang pigilan ang anak ay wala na din siyang nagawa.

Sakto pag-alis nina Lhea ay siya namang pagdating nina Sebastian at Wilson galing sa pamamasyal sa lawang malapit sa kanila.

"Sebastian! Magmadali ka, pigilan mo ang taxi na iyon." Natatarantang sigaw ni Lerona habang papalapit siya sa mga ito.

"Bakit ho tita?" pagtataka naman ni Sebastian.

"Sakay n'on si Lhea at ang lalaking tumangay sa kaniya."

Pagkarinig nito'y agad na hinabol ni Sebastian ang taxi kung saan lulan nito ang babaeng pinakamamahal niya. Ngunit malabo na niya itong maabutan at ang tanging magagawa niya na lang ay ang isigaw ang pangalan ng babaeng mahal niya.

"Lheaaaaaa!"

Biglang kumalabog ang dibdib ni Lhea habang nasa loob siya ng sasakyan.
"Hun? Bakit? May problema ba?" puna sa kaniya ni Silvester.

"Ha w-wala, akala ko lang kase may tumawag sa akin," paliwanag niya.
Pinisil na lamang ni Silvester ang kamay niya.

At sa di niya malamang dahilan, bigla siyang napalingon at nakita niya na may dalawang tao ang nakatanaw na lamang sa papalayo na nilang sasakyan.Nakikilala niya ang isa doon, ang papa niya.

Ngunit di niya maalala kung sino ang kasa-kasama nito. Nakaluhod ito na para bang nagmamakaawa sa kanilang bumalik sila.

Hanggang sa bumanggit siya ng isang tila pamilyar na pangalan para sa kaniya, ngunit wala naman siyang maalala na kahit ano patungkol dito.

"B-baste?"

***

Wakas.

Pag-ibig o Mahika? (P.O.M)

6-15-2016 / 11:24 pm

Special Thanks to Ms  @PrincessRockAngel

Kindly follow her too.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com