08
"Wow, wala ka atang pupuntahan ngayon ah?" bati sa'kin ni Ken. Napatingin naman ako sa kanya at nakita ko na naman ang kaniyang matamis na ngiti. Alam mo, sarap mong tirisin 'wag kang magpacute sa'kin please. I'm taken, ay hindi pa nga pala.
"Ah, paano mo naman nasabi?" sagot ko naman sa kaniya nang nakangiti rin.
"Dati-rati lagi kang nagmamadaling umuwi e, pero ngayon nagstay ka para sa reminders," sabi niya at tumabi pa talaga sa akin. Crush nga siguro ako nitong si Ken. Mga galawan ha!
Umupo ako nang maayos at nagsimulang ayusin ang mga gamit ko. Medyo umiinit ang mukha ko dahil sa pagchika ni Ken sa akin. "Ah oo, baka kasi magalit na sa'kin si mayor. Lagi na lang akong nawawala tuwing may announcements siya e."Ni-zipper ko na ang bag ko nang matapos ako sa pag-aayos at isinuot ko na ito sa aking likuran.
Napatingin naman ako kay Ken nang isinuot niya rin ang kaniyang bag. "Sa totoo lang, ayaw ko rin namang makinig sa announcements niya e. Tungkol lang naman 'yan sa event sa Friday," nakangiting sabi niya sa akin. "Tara na?"
Ang bad influence naman nitong si Ken. Minsan na nga lang ako maging mabuting estudyante e pero sige lang basta siya kasama.
Napaka-blessing din naman talaga nitong si Ken, niyaya niya akong magtusok-tusok sa may kanto, libre n'ya daw. Gaanong kasarap sa tenga 'yon? Naglaway naman agad ako.
"Wala kayong lakad ngayon nung Enro?" tanong nya habang tumutusok ng mga kwek kwek at nilalagay sa disposable cup na hawak niya.
"Wala e, ayaw niya rin ata akong kasama," malungkot na sagot ko. Bahala siya sa buhay niya, napaka-manhid.
"Hala? Paano ko babalik motor niya?" sabi niya sabay tingin sa motor sa tabi niya. Nasa kan'ya pa nga pala 'yong motor ni Enro. Itong si Enro naman, hindi man lang kinukuha.
"Hayaan mo na," bitter na sabi ko saka sumubo ng isang buong kwek kwek. "Sigurado akong makakahanap din 'yon ng paraan kung paano n'ya 'yan makukuha sa'yo."
"Sige, sabi mo e," sabi niya saka sumubo rin ng kwek kwek. "Alam mo ba address n'ya?" tanong naman niya. "Para kung may extra time ako, ako na ang magdadala sa kanya."
Tumango naman ako at ibinigay sa kan'ya ang address ni Enro. "'Yan." Sa kamay niya lang ako nagsulat dahil parehas kaming tamad magdala ng papel. Ngumiti siya at hinawakan ang sulat ko sa kamay n'ya.
"Saka nga pala!" turan n'ya. "May kasama ka na ba sa College Night. 'Di ba this Friday na 'yon?"
Napaisip naman ako at napaliit ang mata sa kanya. "May ganun ba?" tanong ko.
"Oo. Iyon nga 'yong ineexplain kanina ni mayor e," sagot niya habang natatawa. Napakamot siya ng ulo at ngumit sa akin. "Akala ko naman nakikinig ka talaga."
Sorry na sis, sabog ako.
Napangibet ako at napainom ng palamig. "Ah, wala namang umaalok---"
"Pwede ka ba?" Muntik na akong mabulunan ng gulaman nang dahil sa tanong n'ya.
"Ha? Ako? Ayos lang, sige." Wow Affy, 'pag naging choosy ka pa naman e ewan ko na sa'yo. Isang Ken Magsaysay ang sumagip sa College Night mo.
"Sige. Sunduin kita sa inyo sa Biyernes," masayang saad ni Ken habang tinatapik pa ang balikat ko.
"Huy, ang layo ng amin," tugon ko habang nanlalaki ang aking mga mata. "Ma-trapik ka pa. Parehas lang tayo malelate."
"Ayos lang. Basta kasama ko partner ko." Kumindat pa talaga s'ya. Ano ba 'yan, Ken? Napakalandi. "Partner?" dagdag niya sabay taas ng kanang palad na nag-aabang para sa isang apir.
Nakipag-apir naman ako at tumawa nang mahina. "Partner." Ang awkward ko naman talaga.
Ngumiti na naman siya sa akin nang napakatamis. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto ko na lang munang magstay dito. Ayoko munang umuwi, naramdaman ko sa sarili ko na ang komportable pala niyang kasama, na ayos lang na nandito ako kasama siya.
Natuwa naman ako lalo nang sinabi niya na ihahatid daw niya ako ngayon pauwi. Medyo nakokonsensya pa ako dahil nga ang layo ng bahay namin, pero masaya rin dahil may willing na maghatid sa'kin kahit pa gaanong kalayo ang byahe.
Bumalik muna siya sa school, magpapaalam lang daw siya sa coach niya na hindi muna siya aattend ng training ngayon. Ayos nga raw na ihatid niya ako ngayon para sa Biyernes ay alam niya na raw kung saan n'ya ako susunduin.
"Tara!" yaya niya sa akin nang makabalik siya. Tumango naman ako.
Naglalakad na kami nang bigla niyang hinawakan ang bag ko, siya na raw ang magdadala nito. Nagulat naman ako at ibinigay nga ito sa kanya. Nakangiti siyang isinuot ito at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad.
"Gusto mo ba ako?" Napatigil naman ulit kaming parehas sa paglalakad dahil sa tanong ko.
Napatingin siya sa'kin at pilit kong iniintindi ang mga tingin niya.
"I just like your aura," sabi niya habang nakatingin ng diretsahan sa mga mata ko. "Gusto kitang maging kaibigan, Affy," dagdag niya.
Tinanggap ko na lang ang sagot niya at nagpatuloy na ulit kami. Kinilig naman ako nang masulyapan ko ulit ang bag ko sa likod niya. Ano ba 'yan, Affy? Bakit ka kinikilig? Gusto ka lang naman daw na maging kaibigan e. Assuming ka na naman d'yan.
Lutang na lutang ako sa pag-iisip ng mga feelings ko, at hindi ko namalayang may kasalubong na pala ako. "Ay sorry po. Hindi ko p-"
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sinong nakabangga ko. Hindi ko malaman ang aking gagawin, ang lakas agad ng tibok ng puso ko.
Bakit nandito na naman siya?
Humugot ako ng lakas ng loob at sinigawan ito. "HOY!"
Pagkasigaw ko naman ay bigla siyang nagtatakbo palayo. Hindi naman ako nagdalawang-isip na habulin s'ya.
"Affy, bakit mo siya hinahabol?" takang-takang tanong ni Ken na nasa likuran ko na ngayon.
"Basta! Humabol ka na lang din!" sigaw ko pabalik.
Humabol nga siya at nauna pa sa'kin. Napakagaling! Athletic nga pala itong si Ken. Black belter siya sa taekwondo at tuwing hapon pagkatapos ng klase ay lagi siyang may training. Mukha lang siyang lalambot-lambot pero kapag nakita mo ang mga sipa n'ya ay matatakot ka talaga.
Hindi ko talaga siya napapansin noong una, siguro tuwing nagtataekwondo lang siya sa school saka lang ako napapabaling sa kan'ya. Ang galing e! Marami ring nagkakagusto sa kanya dahil sa taglay n'yang galing sa pagtataekwondo.
Napakabait ding tao nitong si Ken, hindi katulad n'yong isang taong kakilala ko.
"Wala akong pakialam. Ang mahalaga lang sa'kin ay mahanap ko si Kate."
Napapikit naman ako nang mariin at napatigil sa pagtakbo nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Enro.
"Affy! Takbo lang! Maaabutan na natin siya!" tawag sa'kin ni Ken nang maramdaman n'yang bumabagal na ako sa pagtakbo. "Affy?"
Bumalik siya papunta sa akin. "Affy, bakit ka tumigil?" tanong n'ya.
"Pagod na ako, Ken," malungkot na tugon ko habang nakapatong ang dalawa kong palad sa aking magkabilang tuhod.
"Sige d'yan ka na lang muna. Ako na hahabo---"
"'Wag na, tara nang umuwi," pigil ko sa kanya sabay hawak sa kaniyang matipunong braso.
Tama ba 'to? Ang selfish mo naman, Affy.
Pero mas selfish si Enro!
No, nagmamahal lang siya. Gagawin ko rin naman siguro 'yong ginagawa niya ngayon kung ako ang nasa posisyon niya, 'di ba?
"Ha? Malapit na tayo e?" nagtatakang saad ni Ken.
Napatango naman ako. "Tama ka. Tara, habulin na natin!"
Nagsimula na nga ulit kami sa pagtakbo. Hinahapo na ako pero hawak ni Ken ang braso ko. Ang bilis niya at parang nakakaladkad na ang mga paa ko ngunit pinilit kong sabayan ang mga malalaking hakbang n'ya. Napangiti naman ako nang narealize kong may tagapagtanggol na ako sa mga panahong kagaya nito. Hindi ko na kailangang mag-alala at matakot kung ano man ang mangyari sa akin.
"Tumigil ka na! Wala ka nang matatakbuhan!" sigaw ko doon sa lalaki nang matanaw na ulit namin siya. Napapasok kami sa isang eskinita at wala na siyang ibang malulusutan pa dahil sa pader na nakasalubong niya.
Laking gulat ko naman nang may binunot siya sa pantalon niya at itinutok ito sa amin.
May baril siya.
"Sige, lumapit kayo at dadanak ang dugo!" sigaw niya habang nakatutok pa rin ang baril n'ya sa amin.
Tinignan naman ako ni Ken. "Umalis na tayo dito," bulong niya. Hawak n'ya pa rin ang braso ko at hindi ito binibitawan. Hindi ko alam kung bakit ngayon ay hindi na ako natatakot kahit na may baril na na nakatutok sa amin. Siguro'y iniisip ko na nandito naman si Ken para ipagtanggol ako.
Unti-unti kaming umurong palayo sa lalaking iyon.
"Dumapa kayo!" marahas na utos n'ya. "Dapa!" ulit niya nang hindi naman agad nagawa ang nais niya.
Dahan-dahan naman kaming dumapa at siya nama'y dali-daling tumakbo at nilakdawan kami.
Nakatakas na naman siya.
"Ayos ka lang?" agad na tanong sa'kin ni Ken nang makalayo na 'yong lalaki.
Tumango naman ako.
Sinusundan pa rin ako ng lalaking 'yon? Anong ba ang gusto n'ya sa'kin? Ano ang kailangan kong gawin para matahimik na ang buhay ko?
...
Ligtas naman akong naihatid ni Ken sa bahay. Tahimik lang kami buong byahe pero hindi niya inaalis ang hawak niya sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay jowa ko siya na mahal na mahal ako dahil sa mga ipinapakita n'ya at ginagawa n'ya para sa akin. Hay, sana tunay.
"Dito na 'yong sa'min," nakangiting sabi ko sa kanya. "Pasok ka?"
"Ay! Hindi na. Kailangan ko nang umuwi," malambing na tugon niya habang nakangiti sa akin. Hay, ang sarap talaga sa mata ng mga ngiti niya. Parang nakalimutan ko na nga lahat ng nangyari dahil dito e. Gigil mo ako, Ken.
"Sigurado ka?" tanong ko naman
"Oo. Salamat!" Kumaway na siya at naglakad palayo.
"Mas salamat sa'yo!" Kumaway rin naman ako pabalik sa kaniya. "Ingat!"
"Si Enro ba 'yon?" Nagulat naman ako sa biglang nagsalita sa likod ko. Ang chismosa talaga ni mama.
"Ah, hindi po. Si Ken po 'yon," nakangiting saad ko at pumasok na sa bahay.
"Wow. Napapadalas ata ang paghatid sa'yo ng mga lalaki sa bahay ah?"
Hay ma, kung alam n'yo lang ang pinagdadaanan ko ngayon.
...
Kinabukasan, normal na araw lang ang bumungad sa'kin. Siguro dahil walang Enro, walang gulo. Masaya naman ako kahit wala siya. Inaatake lagi ako sa puso sa tuwing may ipapagawa siya sa'kin e.
"Nasa'yo pa rin ba yung motor?" tanong ko kay Ken nang makita ko siya sa gym.
May practice kami ngayon para sa College Night keme na iyon. Bukas na iyon pero mamaya pa lang ako magsusukat ng gown na isususot ko para doon. Ang mahal pa nga ng arkila ko sa gown na iyon tapos isang gabi lang naman isusuot. Sakit lang talaga sa ulo itong mga event na ganito e tapos wala naman akong napapala.
"Ah oo. Wala kasi kami talagang contact ni Enro sa isa't isa," sagot n'ya. "Baka dalhin ko na lang sa bahay n'ya mamaya o bukas."
Nasaan na kaya 'yong si Enro. Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita o nag-uusap. Buhay pa ba siya?
Ang bilis ng araw. Mag-iisang linggo nang walang Enro sa buhay ko. Namimiss ko ba siya o naiinis lang talaga ako sa kanya kasi hindi man lang s'ya nag-sorry noong nakaraan? Hay, ewan!
"Iniisip mo ba siya?" biglang tanong ni Ken sa'kin na ikinagulat ko naman. "Si Enro?"
"Ah, hindi," sagot ko naman agad. "Iniisip ko lang, ay hindi, I mean," hindi ako magkaintindihan sa isasagot sa kaniya, "naisip ko lang kung ayos lang ba siya."
Napatawa naman sa'kin si Ken. "Edi iniisip mo nga!" nakangising sabi niya. "'Wag kang mag-alala doon, ayos lang yun."
Sana, sana nga.
Dumaan naman ang isang nakakapagod na araw. Practice doon at practice dito. Lalo ko lang nalaman kung gaanong ka-sweet itong si Ken. Lagi n'ya akong dinadalhan ng tubig at meryenda kada matatapos ang practice. Nang dahil sa kan'ya, hindi ko masyadong isinumpa ang araw na ito. Hindi ko rin masyadong naramdaman ang pagod. Happy pill ko talaga s'ya, grr!
"Walang malelate bukas, 5 pm sharp ay nandito na kayo," sabi ng organizer na nasa taas ng stage.
"Paano ba? Sunduin na kita bukas ng 3 ha? Para 'di tayo malate," sabi naman sa'kin ni Ken at palihim naman akong napangiti. Nakakainis talaga 'to, pa-fall tapos iffriendzone din naman ako.
"Sure!" masayang tugon ko.
...
Today is the day! Dahan-dahan kong isinuot ang gown ko para maiwasan ang pagkapunit nito. Renta lang ito, so dapat ingatan. Baka singilin pa ko ng mang-ari 'pag nagka-damage ito, e sadya namang mahuna ang yari ng gown n'ya. Gigil n'ya ako.
"Wow. Affy, ang ganda mo naman!" sabi ko sa aking sarili nang maisuot ko na ito ng tuluyan habang nakaharap sa salamin.
"Anak! Ang gulo ng buhok mo!" singit naman ni mama na kakapasok lamang sa kwarto ko.
"Ano ba, ma?" inis na tugon ko. "Feel na feel ko na e!" Pumose-pose pa ako sa harap ng salamin para makita ko ang curves ko. Yes, pak pak pak!
"Hay, ayusin ko muna 'to!" sabi niya saka hinawakan ang buhok ko at pinusod ito pataas.
"Ma! Mukha akong siopao!" reklamo ko.
"Magandang siopao," biro niya sa'kin. Pumayag na ako, tutal totoo naman ang sinabi n'ya sa'kin. Oo, mukha nga akong siopao pero isang magandang siopao naman. Nice, Affy, nice. I love your confidence, girl.
Naglalagay pa ako ng lipstick nang may biglang bumisina sa labas. Muntik na tuloy mapasala ang lagay ko dahil sa pagkakagulat ko. Napatigil naman ako sa aking ginagawa dahil kilala ko ang businang 'yon. Hindi pa rin nasasauli ni Ken ang motor ni Enro.
"Ma, Alis na ako a! Nandine na sundo ko." Lumabas na ako ng bahay at binati si Ken. "Huy Ken, on time ka a!" masayang bungad ko sa kanya.
Hindi naman siya umimik at biglang hinubad ang helmet niya.
"Sakay na," utos nito sa akin at tinignan pa talaga ako mula ulo hanggang paa.
Napanganga na lang ako nang makita ko ang lalaking hinahanap-hanap ko kahit na masama ang loob ko sa kan'ya.
"Bakit ka nandito?" sungit-sungitan ko namang tanong kay Enro.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com