Epilogue
"Affy!" bati sa akin ni Kuya Ezek, ang kuya ni Enro, habang nasa loob siya ng sasakyan. "Kumusta?" tanong niya sa'kin pagkaparada niya sa tapat ng bahay.
"Ayos lang, kuya," tugon ko habang inaayos ang pagkakasuot ko ng aking backpack.
Medyo napalapit na ako sa kuya ni Enro dahil nga sa paghahanap namin sa kan'ya. Hindi pa rin siya bumabalik sa ibang bansa dahil nga sa paghahanap ng kan'yang nawawalang kapatid.
Tatlong taon namg nawawala si Enro at tatlong taon na rin akong walang balita sa kaniya.
"Ta, umagahan muna tayo bago ka pumunta ng school! May mabuting balita ako." nakangising sabi niya sa'kin.
Pumayag naman ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto at umupo naman ako sa unahan katabi niya. Binuksan ko ang radyo ng kotse na palagi kong ginagawa kapag pinapasakay niya ako dito para hindi na ako mag-isip kung ano ba ang p'wedeng mapag-usapan namin. Pagod na pagod na ang utak at puso ko kakaisip kay Enro.
Napakabait nitong si Kuya Ezek sa'kin. Itinuring niya na rin ako na parang sarili niyang kapatid. Alam niya rin ang nararamdaman ko para kay Enro at nirerespeto niya ako kahit na madalas niya akong inaasar.
Naramdaman ko naman ang paghinto ng aming sinasakyan sa tapat ng isang coffee shop. Hindi ko alam kung anong meron pero mukhang maganda ang mood niya ngayon. Hinayaan niya naman akong makalabas ng kotse at sumunod naman siya sa akin.
Pagpasok namin ay umorder agad siya ng aming maiinom. Humanap naman ako ng mauupuan at hinantay siyang makaupo na rin. Nang matapos siyang umorder ay tinawag ko agad siya para malaman niya kung nasaan ako. Pagkaupo niya sa aking harapan ay may nilabas siyang brown envelop at ipinakta niya rin sa akin ang mga larawang nasa loob nito.
Tumikhim siya at diretsahang tumingin sa akin. "We found Enro."
Sa pangungusap na iyon ay hindi ko alam ang aking mararamdaman. Tatlong taon siyang nawala nang wala man lang pasabi. Ano ba ang dapat kong maramdaman sa pagbalik niya? Dapat ba akong matuwa o magalit? May karapatan naman ako siguro na magtampo man lang? Naging magkaibigan din naman kami e.
Tinignan ko isa-isa ang mga larawan, mga stolen shots ito ni Enro. Mula siguro ito sa private investigator ni kuya.
Ganoon pa rin naman ang itsura ni Enro, nakaka-inlove pa rin.
"Sa Maynila naglagi ang mokong, kaya pala ang hirap hanapin," dagdag ni kuya.
Gusto kong mainis at mawalan ng pake pero ang hirap talagang gawin n'on pagdating kay Enro. "Ayos lang ba siya? Nakakakain ba siya nang ayos? May natitirhan po ba siya?" sunod-sunod na tanong ko.
"Easy, Affy!" sabi ni kuya habang natatawa. "He's a working student. Scholar din siya dahil sa skills niya sa soccer. I guess he's really doing well."
"Pupuntahan ba natin siya?" nagdadalawang-isip na tanong ko.
Umiling si kuya. "Hayaan na muna natin," sagot niya. "He seems happy."
Napanatag ako ngunit nasaktan sa huling pangungusap niya. Masaya naman pala siya samantalang ako ay hindi mapakali sa pag-aalala.
Siguro nga ay gusto n'ya muna ng bagong lugar at bagong mga mukha para tuluyan na niyang makalimutan ang lahat ng kaniyang masasalimuot na ala-ala. Kung masaya siya, dapat ay maging masaya na rin ako.
Napatawa naman bigla itong baliw na kasama ko.
Napakunot ako ng noo at tumingin sa kaniya. "Bakit?" tanong ko.
"May naalala ako sa mata mo eh," sabi niya saka inilagay ang kaniyang hintuturo sa kaniyang sintido na tila ba nag-iisip. "Ah!" Itinaas na niya ngayon ang kaniyang hintuturo. "Naalala ko dati si Enro, nagkwento. Naiinis daw siya sa mga mata ng schoolmate niya, ang liit daw kasi," natatawang sabi niya.
Hay nako alam ko na 'yan. Pati pala sa kuya niya chinichika niya ako.
"Akala ko nga dati, may gusto sa'yo si Enro eh, lagi ka kasi niyang nababanggit kaya nagulat ako noong naging girlfriend niya si Kate," dagdag pa ni kuya.
"Sige, kuya. Saktan mo pa ako!" palokong sabi ko sa kanya ngunit tumawa lang siya lalo. Tuwang-tuwa talaga sa'kin 'to. Ginawa na akong clown.
"Tara hatid na kita sa school. Baka late ka na e," alok niya naman sa'kin saka ipinasok ulit iyong mga stolen shots ni Enro sa loob ng brown envelop.
"Oks lang, kuya. May event lang naman din ngayon," sabi ko naman at dumiretso na kami sa kaniyang sasakyan.
Graduating na ako na nga pala ako. Ilang buwan na lamang ng pakikipaglokohan ko sa aking sarili ay makaka-graduate na ako.
Sa tatlong taon na iyon ay tahimik ang buhay ko, siguro ay dahil walang Enro. Naging masaya naman ako kahit wala siya. Siguro?
May mga nakilala rin akong mga tunay na kaibigan. Nakakagulat dahil nagkaroon din ako ng mga manliligaw. Pero wala sa kanila ang nagparamdam sa'kin ng kakaibang pakiramdam na pinaramdam sa akin ni Enro.
Nang makarating ako sa school ay nagpaalam na ako kay kuya. "Salamat sa paghatid!" masayang saad ko habang kumakaway.
"Enjoy your day!" sabi naman niya sa'kin sabay kindat.
Napakamot naman ako ng ulo dahil sa kawirdohan niya. Parehas talaga silang magkapatid na pa-cute. Asar!
Agad ko namang hinanap ang mga kaibigan ko sa loob. Nakatanggap naman ako ng text na nandoon daw sila sa field kaya nagtungo naman agad ako doon.
Marami na ring ibang estudyante rito. Kaniya-kaniya rin sila ng pagtsi-cheer. Sumilip naman ako sa screen at nakita kong hindi pa pala nagsisimula ang laban.
Umakyat na lang ako sa bleachers kung nasaan ang mga kaibigan ko.
"Affy, ang lakas pala ng makakalaban ng school natin ngayon," nangangambang salubong sa'kin ni Mena, kaibigan ko na may crush sa isang player ng soccer team ng school namin.
Napatingin naman ako sa sa kabilang team. Mula sa hugis ng mga katawan nito ay kitang-kita nga na agad na magagaling sila. Sinuwerte lang naman talaga siguro ang school namin na nakapasok sa semi finals e.
Naaalala ko tuloy si Enro, ang galing niyang mag-soccer e at dahil doon ay lalo akong na-inlove sa kaniya. Sa totoo lamang ay siya talaga iyong gusto kong mapanood ngayon.
Hay! Gustong-gusto ko na talaga siyang makita at awayin at sungitan dahil sa pang-iiwan niya sa'kin pero hindi ko magawa dahil sabi nga ni Kuya Ezek ay hayaan na muna namin siya. Ano ba 'yan, ilang taon na nga akong nagtiis e. Isama mo pa ang mga taon na sila pa ni Kate. Magiging matandang-dalaga na ata ako nang dahil kay Enro.
Namaalam na muna ako sa mga kaibigan ko. Sinabi ko na hindi na muna ako manonood dahil masama ang pakiramdam ko pero sa totoo lamang ay ayaw ko lang talagang manood ng laban ng soccer dahil maaalala ko lang si Enro.
Dumiretso na lang ako fountain dahil bigla akong nauhaw sa pag-akyat sa bleachers. Yumuko na ako at nagsimulang humigop ng tubig. Napakahirap talagang uminom dito. Bakit kasi hindi ako nagdala ng tumbler?
Naramdaman ko naman na may nakapila na sa likod ko. "Teka lang po. Hindi ako makainom nang ayos," sabi ko habang nakayuko pa rin sa fountain . Lumampas na ang tubig sa bibig ko at sumirit na ito sa buong mukha ko. Kumusta naman 'yon?
Narinig ko naman na napatawa nang mahina 'tong taong nasa likuran ko. Feeling close yan?
Nang makainom na ako nang sapat, tumunghay na ako at naglakad papalayo nang hindi lumilingon sa nasa likod ko dahil alam ko na ang dugyot ng itsura ko ngayon dahil sa tubig na tumalamsik sa mukha ko.
"Pst," sitsit niya at napalingon naman ako. Sino bang hindi mapapalingon sa sitsit?
Lumapit siya sa'kin at inabutan ako ng isang bote ng tubig. "'Yan sa'yo na 'yan," saad niya sabay naglakad papalayo.
Napa-awang ang aking panga nang dahil sa aking nakita. Napahawak din ako sa aking dibdib dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.
Hindi na siguro ito isang panaginip
"Enro!" namamaos na tawag ko sa kan'ya.
"Share na tayo," sabi ko habang winawagayway ang bote ng tubig.
Ngumiti naman siya at bumalik sa'kin.
"Bibili na lang ako ng akin," sabi niya nang tuluyan siyang makalapit sa akin.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Gusto kong magalit at itanong kung bakit siya nawala ng tatlong taon pero pinili kong manahimik na lamang at tignan na lang ang kanyang mukha.
"Para sa'yo kasi talaga 'yan," dagdag niya.
Lalo namang nagulo ang aking isipan. Nawala na ang galit na kinikimkim ko sa kaniya at ito na naman ang mga paru-paro sa aking tiyan. Hanggang sa hindi ko na rin napigilan ang aking sarili na ngumiti. Sino nga ulit ang marupok?
Hindi lang talaga kasi ako makapaniwala na nasa harapan ko na ulit ang taong matagal ko nang inaantay.
Pinagtagpo ba ulit kami ng tadhana para sa isang pagwawakas o para sa bagong panimula?
Kahit ano pa man ang dahilan, masaya ako na nandito na siya.
"Tara na, may laro pa ako." Hindi ko napansin na naglakad na pala siya palayo. Patakbo naman akong lumapit sa kaniya at humawak sa kaniyang braso.
"Hindi na kita gusto ha, 'wag kang feeler," sabi ko naman. Napatawa naman siya sa sinabi ko at hinayaan ko na siyang pumunta sa team niya.
Kung ang lahat ng bagay na ginawa ko noon ay para kay Enro, panahon na siguro para ako naman ang maging para sa kanya.
Eme!
Wakas.
[Dapat mayroong isang GIF o video rito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]
🌤🌤🌤
Thank you SamanthaLeviste, and MisterTsaa, for the love and support. 🌸
Thank you sa new fan ko na binasa talaga mula simula hanggang dulo norinrinterinkirche ❤️
Thank you rin sa childhood crush ko na nagbigay-inspiration para sa istoryang ito. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ina-accept ang friend request ko.
Thank you rin sa crush ko na crush na rin ako (Hi Kim!).
Thank you sa family ko kahit na walang suporta dahil hindi nila alam na seryoso talaga ako sa pagsusulat nito.
Thank you sa mga nagbasa, nagcomment, at nagvote. Mahal ko na agad kayo.
And thank you God for the heart and brain.
Until next time!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com