Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4.2 ❂ Binukot

________

Dalisay Paraiso @dalisayparaiso • 15h

Replying to @SwerteAko

"Ulol ka ba? 🙄 Eh ano naman ngayon kung pangit 'yung tao? Mayayaman ang mga maginoo ng Luzon. 💍 Pera pa lang ng pamilyang 'yan, kahit ako, papakasalan ko 'yang si Dayang Dayang. Palibhasa isa kang timawa!"

tantantan @akositantan • 14h

Replying to @SwerteAko

"Hindi daw mahilig maglalabas ang Dayang Dayang sa norte, pero marami nagsasabing ubod daw siya ng ganda. 😌😍 Lahat ng binukot, maganda. Lalo na't sila ang pinagpala ng Bathala. Kita niyo naman si Raja Agares."

Martian @LilipadsaMars • 14h

Replying to @SwerteAko

"Paano ituturing na binukot ang Dayang Dayang kung madalas ding makunan ng litrato at makita ng publiko? Hindi ganyan ang tradisyon. 🧐 Hindi ba dapat walang iba maliban sa pamilyang makakakita sa kanya?"

|

Baluarte Hataw @liloajwn • 13h

Replying to @SwerteAko and @LilipadsaMars

"Saang panahon ka galing? Binukot man si Dayang Dayang, hindi na siya katulad ng mga sinaunang binukot. Balita ko nagprivate school daw 'yan gamit ibang pangalan, pero umalis din siya kasi nahuli't nalaman kung sino siya."

|

Iang Kusing @iangkusing11 • 13h

Replying to @SwerteAko and @LilipadsaMars

"Matagal na nagbago 'yung kalakaran. Saka dati 13 o 14 anyos pa lang ipapakasal na. Asa ka ba na gagawin nila yun sa panahon ngayon??? Hello?! May mga makalumang kaugalian na hindi na naaangkop sa panahon natin. Syempre mag-iiba na rin patakaran."

|

Dawdaw-it @dawdawit1038 • 13h

Replying to @SwerteAko and @LilipadsaMars

"Ang sinabing dahilan kung bakit pinalaki ang Dayang Dayang bilang binukot ay ang edukasyon at kultura, pati na rin sa proteksiyon niya. Sabi 'yan ng mga magulang niya. Ang mga kaalaman at pagkabihasa sa mga lengguwahe't karunungan ng bansa ang pinakaimportante."

|

Melissa Backrow @waissapera • 4h

Replying to @SwerteAko

"Gusto mo bang kumita ng pera? Up to 30,000 salapi kada araw, sarili mong oras. PM mo ko, usap tayo."

Aguy Romero @romerojr • 14h

Replying to @SwerteAko

"Anong hindi nakita sa media? Saang parte ka ba ng Silang nakatira? Wala ka bang internet? May mga ilan lang pero bawal pagpasa-pasahan. May picture ako rito nang bumisita ang Dayang Dayang sa Cordillera. Kayo na bahala. Idedelete ko 'to makalipas isang araw."

________

Nakapailalim sa tweet ni Romero ang isang litrato, pero hindi si Mayari ang nakapaloob dito...kung hindi si Yumi. Mukhang mali ang nakunan nila.

Maraming reply sa ilalim ng tweet ni Romero.

________

istambay @istambay • 11h

Replying to @SwerteAko and @Romero

"Totoo ba 'yan? May itsura naman. Hindi ganun kapangit. 🤭"

Ang Susunod na Rana @SusunodnaRana • 11h

Replying to @SwerteAko and @Romero

"Sige uwi muna ko. Maganda siya rito eh. 🏃🏽 Pero may pag-asa pa rin siguro ako kasi halos magkamukha lang naman kami. Pero kung wala na talaga, dapat sakin unang magiging anak nila na lalaki. 🥰💋🙏"

|

Amparo Heights @amparoparongbukid • 9h

Replying to @SwerteAko @Romero and @SusunodnaRana

"Landi mo! 🤬🤬 Pati batang hindi pa pinanganak! Saka ayusin mo nga balarila mo!"

|

Aba Aba @niko • 9h

Replying to @SwerteAko @Romero and @SusunodnaRana

"Hindi ba kayo nahihiya? Mga gurang na kayo niyan! Mga pedophile na kayo niyan! 😔"

Kristina Hawiwi @kristinahawiwi • 8h

Replying to @SwerteAko and @Romero

"Peke yan. Walang opisyal na litrato ang Dayang Dayang. Ilan lang ang alam kung ano talaga ang pagmumukha niya. Baka pangit talaga siya kaya ganyan na lang siya itago."

|

Ang Susunod na Rana @SusunodnaRana • 8h

Replying to @SwerteAko @Romero and @kristinahawiwi

"Sasang-ayon na sana ako sa 'yo kaya lang tsk tsk. Tumahimik ka na lang, Kristina. Sumayaw ka na lang sa Careless Whisper. 😌"

|

Amparo Heights @amparoparongbukid • 8h

Replying to @SwerteAko @Romero @SusunodnaRana and @kristinahawiwi

"HAHAHAHA! Hoy! 😂😂😂🤣"

|

Aba Aba @niko • 8h

Replying to @SwerteAko @Romero @SusunodnaRana and @kristinahawiwi

"Hoy! 🤣🤣🤣"

|

Aguy Romero @romerojr • 8h

Replying to @SwerteAko @Romero @SusunodnaRana and @kristinahawiwi

"'Di ko gets."

|

Ang Susunod na Rana @SusunodnaRana • 8h

Replying to @SwerteAko @Romero @SusunodnaRana and @kristinahawiwi

"WAG NIYO SABIHIN! 😂😂😂 Hindi pa yata yan pinanganak nun!"

______

"'Nu ba 'yan. Kabwisit..."

Napahalakhak ako nang wala sa oras. Unfortunately, sumakit agad 'yung tagiliran ko. It was hard to remember these small inconveniences. Namimiss ko tuloy 'yung mga times na tumatawa ako nang hindi nasasaktan. Although a little frustrated, I calmed myself and sighed.

Kahit maraming pinagbago, para bang wala pa ring nagbago. Medyo humupa ang nararamdaman kong pagkabalisa at natuwa ako sa mga bangayan nila. Kahit anong realidad man, pinakanakakaaliw pa ring basahin ang comment section kahit saan.

Nakarinig ako ng mga katok kasabay ang malalim na boses, "Dayang Dayang?"

Ibinaba ko ang smartphone at tumingin sa direksyon ng pinto. Umubo ako. "Pasok."

Namukhaan ko ang bumungad na lalaki. Nanlalabo man ang paningin ko noon at magulo ang mga nangyari, hindi ko makakalimutan kung paano niya mahigpit na hinawakan ang mga kamay ko. Sino ba namang makakalimot sa isang gwapo?

Matangkad siya, magiting. Naka-gel ang buhok niya ngayon—wet look, slicked back. Preskong-presko, mukhang mabango, at may lawit na 'onting bangs sa bandang noo.

Isang linya na lang...kulang na lang lumabas siya sa isang Taylor Swift song.

Nakasuot siya ng Barong Tagalog na naka-angkop nang maayos sa hugis ng katawan niya. Kahit na medyo maluwag at mahangin ang tela, mahahalata nino man ang malalakas na bisig at malalapad niyang balikat.

May arm band na nakabalot sa may braso niya. May simbulong nakatahi ritong hindi ko masyado maaninag dahil sa distansya.

"Pinagpala ni Bathala, tala ng langit..." bungad niya.

Ramdam ko ang pag-aalinlangan niyang ituloy kung ano man ang balak niyang sasabihin, pero hindi ko na siya minadali. Hindi ko rin naman alam kung paano ako magsasalita.

"Tungkol sa nangyari...pasensiya na ho. Hindi ko po akalaing magiging iresponsable ako. Nabigo ko po kayo, Dayang Dayang. Kung pupwede po...'wag niyo akong alisin sa paglingkod sa inyo. Pero kung hindi po kayo masaya, ako na po mismo ang bibitiw sa trabaho."

Tiningnan ko siyang mabuti at inisip na siguro dahil ito sa aksidente.

"'Wag mo na isipin ang nangyari," wika ko. "Tapos naman na. Iwan na natin sa nakaraan."

"Po...opo..." bumagsak ang kanyang paningin sa sahig, iwas sa akin.

"Ano nga pala pangalan mo?" tanong ko.

Tila ba tumalon ang mga mata niya't dumeretso ang tingin sa akin. "Po...? Pa'no hong..."

"Ah..." sabi ko. "Pasensiya na. Wala kasi akong masyadong maalala. Hindi ko rin nakilala si Yumi nung una. Kung hindi pa dumating ang Inang Dayang at Amang Hari ko, siguro hanggang ngayon blangko pa rin ang utak ko."

Siguro guni-guni ko lang, pero parang may nakita akong pagkabigong biglang sumilakbo sa kanyang mga mata. Kung meron man, mabilis niya itong ginapi at saka tumango na lamang sagot sa 'kin.

Yumuko siya nang malalim. "Ako si Lawin, kamahalan. Komandante ng Gawad Lakandula at inyong lingkod na kawal."

Bodyguard, bungad ng isip ko. O, siguro kung nanaiisin, knight-in-barong-tagalog.

Natawa ako nang 'onti, pero pinigilan ko. Anyway, nag-show up pa rin sa mukha ko ang isang ngiti. "Nabanggit ka nga ni Yumi," sabi ko. "Kayo raw ni Agawid ang nakahanap sa akin."

"Opo, kamahalan. Mangilan-ngilang sasakyan po ang bumaliktad sa bangin kaya't hindi po namin kayo agad nasagip. Pasensiya na po."

"Panay ka hingi ng paumanhin. Niligtas niyo naman ako. Buhay naman ako. Sa tingin ko, ginawa mo nang maayos ang trabaho mo. Tapusin na natin ang usapan do'n," giit ko.

"Naiintindihan ko po," sagot niya.

Tumahimik ang kwarto. Ugong lang ng aircon ang naririnig.

"Ano, ah...may iba ka pa bang sasabihin?" tanong ko.

Umiling siya. "Wala na ho."

Pumasok naman si Yumi dala ang isang tray na may mangkok ng sabaw. Yumuko siya sa akin nang makatapak sa kwarto at saka ngumiti kay Lawin. Tumango siya rito at nagsalita. "Ginoong Lawin."

"Binibining Yumi."

Pagkatapos batiin ang isa't isa, umalis na ng kwarto si Lawin at saka naman lumapit si Yumi sa 'kin. "Mahal na Dayang Dayang, andito na ang sabaw niyo. Paborito niyong tinola."

Mahilig din pala si Mayari sa tinola.

Merry Christmas!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com