Chapter 5.1 ❂ Sulat
I've been in the hospital for around four weeks now simula nang maaksidente ako, maghihigit isang buwan rin. Within those four weeks, halos wala akong ginawa kun'di matulog at kumain. Dahil sa mga tinuturok nilang pain killers, madalas ding wala akong malay buong araw. Sa mga mabilis namang panahong gising ako, pinipilit kong matutunan ang mga bagay-bagay upang mapaghandaan ang paglabas ko't pakikisalamuha sa bago kong mundo.
There was a little too much to learn and get used to. Mga customs, mga mannerisms. Medyo na-culture shock ako—in my own country, no less...which was also not exactly my country. Mostly through observations and the internet, marami akong nalaman. Buti na lamang ay nandyan sina Yumi at ang iba pang mga lingkod ko upang alalayan ako. Malaking tulong din sila. I wouldn't know what to do by myself, otherwise.
Ang tawag sa mga lingkod ni Mayari—sa mga lingkod ko (since may term pala specific para sa kanila)...ay apid. Mga babae silang pinagkakatiwalaan sa mga bagay-bagay tungkol sa pang-araw-araw na buhay ng isang binukot na katulad ko. Sila ang nagsisilbing mga kamay at bibig ko sa panlabas na mundo. Kung hindi ako maaaring makita ng ibang tao o makausap, sila ang magiging tulay ng komunikasyon.
Siguro noong isinaunang panahon, sila rin ang bahalang maghanda ng ipapang-ligo, o 'di kaya siguro ng mga kakainin. Pero ngayon, marami na rin silang pang-modernong responsibilidad. Makeup, buhok, damit, siguro pati 'yung schedule.
Lalo na ngayong paparating na ang aking eighteenth birthday, although mag-iilang months away pa, dinagdagan na ang mga apid ko upang tumulong sa pagpapakilala sa 'kin sa buong Pilipinas—sa buong Silang. Technically, dito pa lang daw magsisimula ang official duties ko bilang 'prinsesa.'
Just great, Mayari. So ako pinag-iwanan mo ng mga responsibilidad mo. Tapos ayaw pang ibigay sa 'kin lahat ng alaala. Pa'no na tayong dalawa niyan?
So far, walang problema ang access ko sa mga skills and kaalaman niya, pero to what extent, I wasn't sure.
I continued observing the situation outside of the hospital through the internet. Kakasurf ko rito, I've more or less gotten the gist about this place.
One reason why ganoon na lang ang curiosity ng mga tao sa life-and-death situation ko, apparently, ay dahil inaasahan nilang ako ang hahawak sa isang titulong hindi na nahawakan mga...seventy years na ang nakalipas—at least since World War II.
Anyway, if ever matuloy ang kasal ko kay Raja Agares, babansagin akong Rana, isang posisyong mas mataas pa sa paghirang sa aking Inang Dayang. Kung isasama pa roon ang pagpapalaki sa 'kin bilang binukot, mas lalo pa ulit bibigat ang pangalan ko.
Silang hasn't had a queen—empress, actually—for a long time. This was why it was such a big deal.
Si Yumi ang pumalit sa posisyong naiwan ng matandang babaeng kasama ko noon sa aksidente. Napag-alaman kong Isla ang pangalan niya, at inalagaan niya ako simula pagkabata bilang apid ko. Hindi na ako makakarating sa libing dahil sa kondisyon ko, pero balak kong dumalaw sa puntod at kausapin ang mga naiwang pamilya kung sakali. The last part was not likely to happen. After all, I was in this sort of "sophisticated quarantine" churva. Hindi nila ako ipapakausap sa mga taong walang kinalaman sa proteksyon o mga pangangailangan ko, lalo na ngayong kakagaling ko lang sa isang aksidente.
For now, tatanggapin ko muna ang pagkikilanlan ko bilang si Mayari, bilang Dayang Dayang ng Luzon. It wasn't like I could do anything anyway. I could deny it all day, but that probably wouldn't change anything. Una sa lahat, nasa katawan na niya ako. I couldn't just yeet myself out of this body anytime I liked.
The faster I accepted my situation, the better I would be able to cope with it. I learned this the hard way sa dati kong mundo.
Ang ipinag-aalala ko lang ay kung mapapansin nina Yumi ang mga pagbabago ko—kung meron man.
Hindi ko alam kung papaano ako kikilos o magsasalita sa isang paraang hindi nila malalamang hindi ako ang prinsesang ginagalang nila. I just wish na ibigay na sa 'kin lahat ni Mayari ang mga alaala niya, pero waring patak ng tubig sa poso ang daloy nito sa akin. Kung walang bagay na tutulong sa pag-alala ko, walang darating.
Hindi ako pwedeng manatili sa ospital na 'to. Kung iu-unlock ko lahat ng memories ni Mayari, kailangan ma-expose ako sa mga bagay-bagay sa pang-araw-araw na buhay niya.
"Mahal na Dayang Dayang~" kanta ni Yumi. "Dumating na ang mga damit niyo para sa paglabas niyo ng ospital!"
Bawat tawag nila sa 'kin neto, 'yung kanta mismo na Dayang Dayang ang pumapasok sa isip ko. Minsan napapapiririt-pirit ako nang hindi ko namamalayan.
May tulak-tulak si Yumi na isang portable hanging rack na punong-puno ng mga mamahaling damit. Bawat isa sa mga damit ay naka-hanger. May kalakip din silang silicone cover na may malaking tatak ng kanya-kanyang brands nila.
Ang mga ibang apid ko naman ay may dalang mga box bitbit ang mga accessories na tatambal sa mga ito.
Binaba ko ang magazine na hawak ko. "Anong mga damit 'to? Bakit ang dami?"
"Marami po kasi sa mga gamit niyo ang nasira sa aksidente, kaya't nagpadala po ang mga magulang niyo ng mga pamalit. Mayroon rin po ritong mga ipinadala si Raja Agares bilang regalo."
"Pinadala ni Raja Agares?" Umakyat ang mga kilay ko.
"Opo. May kasama rin pong sulat. Nasa loob daw po ata."
Nag-alangan akong tingnan, pero naisipan kong mas mabuti siguro kung huwag ko muna palampasin ang pagkakataong makita kung ano ang ibinigay ng lalaking pakakasalan ko.
"Uray Mayari, ganyan na naman mukha niyo, ano na naman iniisip niyo? Hindi po ba kayo masaya?"
"Oo nga po, lalabas na rin kayo sa wakas, kamahalan," wika pa ng isa.
Ngumiti ako at tinago ang kaba. "Kung makapagsalita naman kayo, para akong presong galing bilibid." Well, not far from it.
Tumawa sila.
"'Yun nga," tawa ko. "Iniisip ko kasi, 'eto 'yung damit na may damit," tuloy ko.
Bumungisngis lalo ang mga lingkod ko. "Oo nga po, kamahalan. Mga damit niyo po mismo may damit din," wika ng isa sa kanila habang hinaplos ang silicone cover ng mga damit na dala ni Yumi.
"Dayang Dayang, parang nung gumising po ata kayo, naging mas masaya kayo," wika ni Ligaya.
Hinampas siya ng katabi niyang si Ulan. Tinitigan silang maigi ni Yumi.
"Bakit, paano ba ako dati?" tanong kong may pailalim na ngiti.
"Hindi naman po, ano..." Lumunok si Ligaya sa kaba, tila ba mapaparusahan 'pag tinuloy ang sagot niya. "Wala lang ho. Masaya naman po kayo dati, pero..."
Nginitian ko sila at umiling. "Naiintindihan ko. Halos mangatog ka na diyan sa takot. Hindi naman kita paparusahan."
Napabuntong hininga siya sa ginhawa.
Bumangon ako sa kama. Nakakalakad na ako ngayon, pero marami pa ring naiwang sakit sa katawan ko.
Kahit na medyo nawawala-wala na ang mga pasa ko sa katawan, my wounds were still healing. Maliban sa mga mababaw na pinsala sa katawan ko, I needed an operation to keep my broken ribs from puncturing my lungs. Buti nga nagsara na ang tahi ko sa wakas at hindi na masyadong sagabal sa paggalaw ko. Pero I was miserable for a while dahil pinasuot nila ako ng corset-like entrapment to allow the bones to heal.
Every time maaalala ko kung bakit ganun na lang ang sakit sa tagiliran ko, I would be reminded of the fact na kamuntik na akong masuffocate at mamatay.
Although I was recovering well, hindi pa rin ako pwedeng mabanat nang husto dahil baka raw magbukas ulit mga tahi ko. Kaya't pagtapak pa lamang ng mga paa ko sa sahig, lumapit sa 'kin ang isa sa mga lingkod ko upang alalayan ako.
Mabilisan nilang ibinaba ang mga dala nila upang makalapit sa 'kin.
"Kamahalan, mag-ingat ho kayo."
"Uray Mayari, 'wag kayong magmadali."
Kamuntik na akong mag-eye-roll, pero pinigilan ko. "Ayos lang ako. Masyado kayong nag-aalala!" sabi ko. "Sige, dali, ikwento niyo naman sa 'kin kung sa'n galing mga 'to."
"Opo, 'eto po ang mga bagong labas na damit nina Michelle Lima at Sisko Libiran. May mga ilan din pong galing sa mga bagong designer. Kadamihan po sa mga tela ay hinabi sa istilo ng iba't ibang kadatuan galing Luzon. May gawang Ilokano at Sagada rin po."
"Asan 'yung pinadala ni Raja Agares?" tanong ko.
Nagtinginan silang lahat. "Gusto niyo po makita?" tanong ni Yumi.
"Hindi niyo ba nadala? Kung hindi—"
"Ah, andito po. Andito po." Yumuko si Yumi at kinuha ang isang itim na box sa ilalim ng portable hanging rack. Lumapit siya sa akin at binuksan ito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com