Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

16

In Love

Napakurap-kurap muna ako ng ilang minuto bago nagsimulang ibuka ang bibig ko para magsalita.

"A-Ano?" 'Yon lang ang kayang lumabas na salita mula sa bibig ko.

"I... I want to court you, Shelo. Will you accept it?" Mahinang tanong niya. May nakita ako sa kan'yang mga mata ang pag-aasam.

Nanatili pa ring nakaawang ang labi ko at pinilit ulit na magsalita pero parang na-blangko ang isipan ko dahil sa sinabi niya.

Tangina, bakit ganoon? Para na ring nagso-slow motion ang paligid ko at lumalakas ng lumalakas ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kan'ya.

Habang papalakas ng papalakas ang tibok ng puso ko ay parang nagkaroon ako ng sariling mundo kasama siya, kahit alam kong nagsasalita siya dahil nakita kong bumubuka ang bibig niya ay 'di ko alam kung bakit wala akong naririnig ng kahit ano, 'yong malakas na bulto lang ng puso ko ang tanging naririnig ko habang kasama siya.

Pero nawala lang 'yon nang may maramdaman akong masakit sa bandang parte ng noo ko kaya napabalik ako sa ulirat.

Punyeta, bakit kailangan pa niyang mamitik sa noo ko? Panira talaga siya ng moment. Tsk.

"Ano ba? Bakit kailangan mong mamitik? At sa noo ko pa talaga?" Naiirita kong mga tanong habang nakahawak ako sa noo ko.

"Para kasing wala kang naririnig na kahit ano. Alam ko rin na mapapabalik ka lang sa huwisyo kapag sa noo kita pinitik, epektibo naman," natatawa niyang saad pero inirapan ko nalang siya.

Mayamaya lang ay napabuntong-hininga ako at saka nilaro-laro ko ang mga kamay ko. Maraming pumapasok sa isipan ko at ikinababahala ko 'yon.

Seryoso ba siya sa panliligaw sa 'kin kapag pinayagan ko siyang ligawan ako?

Kung papayagan ko siya, maghihintay rin kaya siya ng ilang taon o buwan bago ko siya sagutin?

Hindi kaya siya magiging katulad ng kapatid niya? They have the same genes and they're also blood-related.

Natatakot ako at baka parehas lang din pala siya sa kapatid niyang naging ex ko.

Kahit na gusto ko siya, hindi ko basta-basta hahayaan na pasukin niya ang puso ko at baka mahulog ako ng wala sa oras at kapag mangyari man iyon, hindi ko mapaghahandaan ang maaaring kasasapitan ko.

"Malalim ang iniisip mo," pukaw ni Felix sa diwa ko kaya naputol ang pag-iisip ko sa kung anu-ano mang nakakapagdala ng negatibong mga bagay sa 'kin.

Humarap ako sa kan'ya at pilit na ngumiti. "'Wag mo sanang mamasamain pero kasi nagdududa ako sa biglaang panliligaw mo sa 'kin, natatakot ako na baka kapag pinayagan kitang manligaw, maaaring mararamdaman ko na naman ulit ang ayaw ko nang maramdaman pa," malungkot kong pag-amin.

I saw a hint of pain and sadness from his eyes but he manage to smile, though it didn't reach his eyes.

"I understand. Nang dahil sa gagong 'yon ay natatakot ka nang magmahal ulit at sumubok sa ikalawang pagkakataon. Pero, alam mo, Shelo, seryoso ako sa 'yo, seryoso ako sa panliligaw ko sa 'yo, I really really like you and I want to prove to you that I'm not like him, even we're blood-related, it doesn't mean I'll be like him. Paano ko naman siya susundin sa yapak niya, e, hindi ko nga siya kasundo at wala akong balak na makipagbati pa sa kan'ya? Kung ano man 'yong nagawa niya noon sa 'yo, ang masasabi ko lang ay ang gago niya sa parteng iyon dahil pinakawalan niya pa ang babaeng katulad mo, he doesn't deserve you, Shelo. If only I have a way to remove all the pain from your heart because of him, I would do that. Just to make you happy and feel at ease," sinsero ngunit mahinang salaysay niya.

Bahagya akong umiwas ng tingin sa kan'ya at umayos nalang ng tayo. I didn't know what to say. Kailangan ko munang mapag-isip-isip muna. I have to think of what's right to do.

"Bumalik na tayo sa paglilinis," pag-iiba ko sa usapan at linapitan na ang dustpan at walis tambo para makapagsimula nang maglinis sa cafeteria. I heard him sigh but I manage to ignore him.

Nang matapos kami sa ginagawa naming paglilinis ng buong unibersidad ay umuna na 'kong umuwi.

Magdidilim na nang matapos kaming dalawa sa paligid kaya nang makauwi at makapasok na ako sa bahay ay hinanap-hanap ko si 'My dahil siya lang ang tanging makakapagsabi sa 'kin kung ano ang tama at mali sa magiging desisyon ko. Naguguluhan na rin ako kaya kailangan ko nang mapaglalapitan at mapag-uusapan tungkol dito.

Nakita ko naman kaagad si 'My sa may kusina kaya linapitan ko siya at niyakap siya sa likod. I felt her body stiffened for a bit before she turned her face to see me. Naghihiwa siya ng mansanas.

"Nandito ka na pala, 'nak. Kumusta ang paglilinis?" Nakangiting tanong niya.

Napabuntong-hininga ako at pilit na ngumiti. "Tiring but I enjoyed every minute of it," sagot ko. Pinaglalaruan ko na naman ang mga daliri ko kaya narinig kong si 'My naman ang napabuntong-hininga.

"What's the problem, 'nak?" Malumanay na tanong niya sa 'kin.

"I had a problem with decision-making, 'My. Sinabi ko sa 'yo no'n, 'My, na may nagugustuhan akong lalaki at tungkol doon sa pangliligaw. 'My, si Felix, 'yong kaibigan ko, siya 'yong nagugustuhan ko. Ang sabi niya na may gusto siya sa 'kin at hindi ko naman aakalain na gusto rin naman pala niyang manligaw sa 'kin. I doubt about it, 'My. Natatakot na kaagad ako sa maaaring kahihinatnan ko kapag pumayag ako na ligawan niya 'ko at baka mahulog ako sa kan'ya habang nililigawan niya 'ko kahit hindi ko gusto na mahulog ulit sa ikalawang pagkakataon. Ano ang gagawin ko, 'My?" Mahabang pahayag ko.

She lightly chuckled and caressed my hair before answering. "Natatakot ka ba na mangyari ulit 'yong dati? Anak, kailangan mo nang magmove-on, iba't iba ang mga iniisip at kinikilos ng mga lalaki, iba ang ex mo at iba ang kaibigan mo na nagugustuhan mo. Sinabi ba niya sa 'yo na seryoso siya sa panliligaw niya sa 'yo at nire-respeto ka ba niya?" Tanong niya kaya tumango ako bago siya nagpatuloy sa pagsasalita. "I think you should give him a change to prove himself how much he likes you, kung sa tingin mo na ginagawa ko 'to para makamove-on ka na sa nangyari sa 'yo noon, oo ang isasagot ko pero may isa pang dahilan kung bakit ko rin pinayagan siya na manligaw sa 'yo, nakikita ko siya paminsan-minsan at minsan pa nga ay nag-usap kami tungkol sa 'yo, ano ang sinabi niya? Ang sabi niya, 'gustong-gusto ko po ang anak niyo at gusto ko pong humingi ng permiso sa inyo na manligaw sa kan'ya, hihintayin ko po kahit ilang taon pa ang lilipas para lang makamit ko ang matamis niyang oo, I'll prove how much I admire, adore, and love your daughter so much, Tita'," mahabang salaysay ni 'My habang nakangiti.

It made my heart go pound like crazy and I felt overwhelmed and at the same time happy because of what he said to my mom.

"I think he deserves it. Give him a chance, malay mo, siya na talaga ang para sa iyo, anak ko," masaya at sinserong komento ni 'My sa 'kin.

Ngumiti na ako ng matamis at hindi na iyon peke saka niyakap si 'My ng mabilis at hinalikan sa pisngi.

"Thank you so much, 'My. You're the best mom I've ever had. I love you. Aakyat na po muna ako," paalam ko.

"You're welcome, 'nak. I love you more, sure! Hahatiran kita ng mansanas riyan," sabi pa niya bago ako umakyat para pumunta na sa silid ko.

Ang totoo, gusto ko lang makita ang buwan kahit ano pa'ng hugis ang mayroon ito ngayong gabi. Matagal ko na ring hindi nakasalimuha ito kaya napag-isipan kong paglaanan ng oras ito ngayon dahil sa nangungulila na rin ako na magsabi ng kahit ano'ng gusto kong sabihin habang pinagmamasdan ito, na parang magsasalita rin ito sa 'kin at damayan ako maliban kay 'My.

"I missed you, my luna. Napag-isipan ko na kung ano ang desisyon ko," nakangiti kong sabi habang nakayuko.

"I want to give him a chance to prove himself to me without remembering the past and overthink so I decided that I'll accept about him courting me, sana hindi ko 'to pagsisisihan sa huli," mahinang wika ko bago huminga ng malalim.

"Kung sakali mang mahulog ako, sana hindi na maulit 'yong nangyari noon dahil hindi ko kakayanin kung pati si Felix ay gagawin 'yong ginawa sa 'kin noon ni Flynn. I just wanted to be free and happy when I'm into a relationship," dagdag ko pa.

"Maririnig ka ba niyan, 'nak?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si 'My na may hawak-hawak na maliit na pinggan na may mga mansanas.

"Just trust what destiny is putting you into someone, we don't know, maybe it's him, your forever," she said teasing me.

"Nako, 'My, okay na sana sa simula 'yong sinabi mo eh pero sa last part parang ang imposible naman, wala namang FOREVER sa mundo, mawawala rin naman tayo," pasiring na saad ko kaya natawa siya.

"Ibang forever ang tinutukoy ko, anak," natatawa niyang sabi bago siya kumagat ng nang nakuha niyang mansanas at ganoon din ako.

Napag-isipan kong puntahan si Felix sa quadrangle kinabukasan para sabihin sa kan'ya na pumapayag na 'kong ligawin niya 'ko.

Nakita ko naman siya kaagad na nakaupo sa bench habang may hawak-hawak na libro kaya lumapit ako sa kan'ya at umupo sa tabi niya.

Napatigil naman siya sa pagbabasa at tinignan ako. Napasulyap ako saglit sa kan'yang binabasa at napagtanto kong isa iyong anatomy na libro.

"Ano 'yan?" Panimula kong tanong habang nakaturo sa kan'yang hawak-hawak na libro.

"Anatomy book," simpleng sagot niya.

"Pero, bakit mo binabasa 'yan? May plano ka bang pumasok sa STEM kapag nag-senior high na tayo?" Tanong ko, kuryoso.

"Yup, basta nasa plano ko na ang maging doktor at kunin ang Medicine na course kapag nag-college na ako," sagot ulit niya.

"Sa ugali mong 'yan, magdo-doktor ka? Bakit para sa 'kin, hindi bagay sa 'yo maging doktor?" Pang-aasar ko.

Sinarado niya ang kan'yang libro bago humarap ng maayos sa 'kin at nagsalita.

"Inaasar mo ba 'ko? Eh, bakit ka ba nandito?" Pag-iiba niya sa usapan kaya kinabahan ako ng konti. I came back to my senses.

"Nandito ako para sabihin sa 'yo na... pinapayagan na kitang ligawan ako," anunsiyo ko. Nahigit ko ang aking hininga pagkatapos kong sabihin iyon.

Mayamaya lang ay nagulat ako ng tumayo siya at parang timang na nagtatalon-talon. Sumusuntok-suntok pa siya sa ere bago ko siya pinigilan at pinapabalik sa p'westo niya kung saan siya nakaupo kanina.

"Para kang sira, alam mo ba 'yon?" Natatawa kong saad.

"I'll make sure I'm going to prove to you what I can do as your suitor. I'll prove to you how much I really, really like you, Shelo," he said with full of determination.

"Oh, sige, sabi mo eh," komento ko nalang dahil parang nararamdaman kong may paru-paro na nagliliparan sa tiyan ko. Kinikilig yata ako.

Sa mga nakalipas na buwan ay wala pa rin siyang tigil sa pangliligaw sa 'kin at ikinatutuwa ko 'yon. May mga naging away kami pero siya naman ang sumusuko at sumusuyo sa 'kin kahit nanliligaw pa lang naman siya sa 'kin.

Hanggang sa nagmoving-up at nag-grade 11 na kami't lahat-lahat ay walang tigil siya sa pagpapadala ng kung anu-ano sa 'kin bilang manliligaw ko.

Nang mag-grade 12 na kami ay kahit mahirap na ipagsasabay ang school works at panliligaw niya sa 'kin ay todo-puspusan siya sa panliligaw sa 'kin. Minsan inaasar ko na siya kung kaya pa ba at ang sagot naman niya parati ay kaya pa para sa matamis kong oo.

Magto-two years na rin pala siya bilang manliligaw ko pero parang wala lang sa kan'ya ang pagod habang nililigawan niya 'ko.

Hindi ko na rin namamalayang... hulog na hulog pala ako sa kan'ya.


Ito na siguro ang oras para ibigay ko sa kan'ya ang matamis kong oo.

Kaya naman ay niyaya ko siyang puntahan ako sa ikalawang palapag ng STEM building. Parte pa rin ito ng Dela Cruz University.

Nang nandito na kami ay bigla kong hinawakan ang kan'yang kamay at nginitian siya ng pagkalapad-lapad kaya nakita ko siyang nangunot ang noo dahil nagtataka kung bakit ko 'to ginagawa sa kan'ya ngayon.

"You're weird today," sabi niya at itinaas pa niya ng konti ang magkahawak naming mga kamay.

"Shan Felix Dela Cruz, your efforts and hardworks as my suitor is now officially paid off. Sinasagot na kita!" anunsiyo ko sa kan'ya.

Pati na rin ang mga schoolmates namin ay nagsilabasan at nagpalakpakan pa 'yong iba, 'yong iba naman ay nagkantiyawan. Siyempre naroon din ang mga iba ko pang mga kaibigan.

He blink and blink for a second before he finally got a word to say.

"Really?"

Natawa ako at inilapit ang bibig ko sa kan'yang tainga.

"Yes, sinasagot na kita, aking sinisinta. Hindi ko namamalayang hulog na hulog na pala ako sa 'yo. Mahal na kita, Felix."

༺════════ ◖◍◗ ════════༻

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com