21
A/N:
Wahh, paano ba 'to? Tinatamad na naman ako sa pagsusulat ng chapter 21 TT^TT, and also nawalan ng signal ang wifi namin, hinayupak na Globe 'to 😭. Pero sana magustuhan niyo ang kabanatang ito kahit tinatamad ang otor niyo.
PS: hindi kaagad ako nakareasearch patungkol sa propesyon na dentista kaya nakakalimutan ko na kung ano ang tawag ng mga gagamitin sa pagtatanggal ng ngipin. Sorry kaagad 😭
༺════════ ◖◍◗ ════════༻
Bitter Dentist
"Doc, mukhang matatanggal na ang ngipin ng anak ko," saad ng isang ginang nang makalapit siya sa 'kin dala-dala ang kan'yang anak na mangiyak-ngiyak habang nakahawak sa parte ng ngipin niya kung saan ang matatanggal na.
"Ako na ang bahala rito, Miss. P'wede muna kayong lumabas," sabi ko kaya tumango ang ginang bago siya lumabas. Kaming dalawa nalang ng bata ang nandito.
"Doc G, natatakot po ako, baka may monster po sa loob ng tooth ko," mangiyak-ngiyak na sabi niya kaya naisipan kong bolahin siya para maibsan ang kan'yang kaba at takot na nararamdaman.
"Oo kaya tatanggalin na natin siya ngayon," usal ko.
Pero tinikom niya lang ang bibig niya at tinakpan niya pa gamit ang kan'yang magkahilang kamay at umiling-iling.
"Ayaw ko po, natatakot po ako sa sharp object na 'yan," tanggi niya at itinuro pa ang hinahawakan ko ngayon.
"Sige ka, baka lumaki ang monster sa loob ng tooth mo kapag hindi mo pa itatanggal niya," pananakot ko sa kan'ya.
"Mamili ka, hindi mo gustong ipatanggal sa 'yo ang ngipin mo o lalaki ang monster sa loob niyan?" I made her a choice.
Dahan-dahan naman niyang niluwagan ang pagkakatakip ng kan'yang bibig kaya naman ay napangiti ako.
Nang pinakawalan na niya ang kan'yang bibig ay sinabihan ko siya.
"Don't worry, kid. Mawawala rin 'to, hindi naman masakit eh, bibigyan ka pa ng ice cream ng mommy mo pagkatapos nito. Ano, gusto mo ba 'yon?" Excited na sabi ko kaya nakita ko siyang may galak at sunod-sunod na tumango.
"Okay, nganga..." sinunod naman niya ang sinabi ko kaya nagsalita ulit ako. "Here comes the superhero," masayang sabi ko at parang pinalipad ko muna ang pangtanggal ng ngipin bago ko iyon dahan-dahang tinanggal ang masakit at matatanggal na parte ng kan'yang ngipin.
Umigik lang siya ng konti bago ko nakuha ang ngipin niya at inilapag iyon sa tray, ipinahid ko muna iyong pangtanggal sa ngipin gami at tissue at inilapag iyon sa ibang tray. Kumuha ako ng syringe na may anesthesia at itinurok iyon sa kung saang bahagi natanggal ang ngipin niya, pagkatapos no'n ay kinuha ko ang tissue at inilapag iyon sa dumugong bahagi ng kan'yang gums na may ngipin kani-kanina lang pagkatapos ko siyang pinabulwak ng kan'yang dugo sa lababo at bumalik ulit sa pagkakaupo.
"Oh, 'di ba, walang sakit? Yey, makakatikim ka na ng ice cream sa mommy mo mamaya!" Excited kong wika sa kan'ya kaya pumapalakpak naman siya at lumawak ang ngiti niya.
"Sige, ihahatid na kita papalabas. Naghihintay ng ilang minuto 'yong mommy ro'n panigurado," ani ko bago ko siya hinawakan sa kamay at sabay kaming lumabas ng dental clinic.
Napangiti ako nang lumuwag ang kan'yang pagkakahawak sa kamay ko saka siya patakbong lumapit sa kan'yang ina.
The mother saw me and mouthed, "Thank you, doc," Before she walk outside together with her daughter.
After a long day of work, I finally got the chance to go to Lola Yen's house and rest.
Habang naglalakad ako at kumakalikot sa cellphone ko ay may bigla nalang akog narinig ng isang kaluskos na ingay kaya naman ay napatigil ako sa ginagawa ko at sinipat ng tingin ang pinanggalingan ng kaluskos pero nagtaka ako nang wala naman akong nakita pero ipinagkibit-balikat ko nalang iyon at tumuloy na ulit sa paglalakad at sa kung ano'ng ginagawa ko ngayon sa cellphone ko.
Nang makauwi ay pumunta ako sa sala kung saan naroon na panigurado si Yhane. Gugulatin ko na sana siya pero nagtaka nalang ako nang makita siyang umiiyak habang nakahilig ang kan'ysng ulo sa kan'yang braso habang naka-cross iyon.
Kaya naman ay linapitan ko siya at umupo sa tabi niya at hinawakan ang kan'yang balikat. Bigla nalang siyang napaangat ng tingin sa 'kin. Namamaga ang kan'yang mga mata habang nakatingin sa 'kin.
"Bakit namamaga ang mga mata mo? May nangyari ba sa inyong dalawa ni Collin, ha?" Tanong ko sa kan'ya.
Ngunit tanging hikbi lang ang kan'yang isinagot kaya naman ay dinamayan ko siya at hinigog-hagod ang kan'yang likod para mapatahan siya.
"Bebs, kung ano man 'yang dinadalang problema mo ngayon, stay in your mind that I'll always be here for you, okay?" sabi ko sa kan'ya habang patuloy na hinahagod ang kan'yang likod.
Hinilig naman niya ang gilid ng kan'yang ulo sa balikat ko nang mapatahan siya at nakita ko siyang pinaglalaruan ang kan'yang mga daliri.
Napabuntong-hininga naman ako bago nagsalita. "Tell me what's the problem, bebs," udyok ko sa kan'ya.
"He broke up with me, Shelo. Ang sabi niya may rason siya kung bakit gusto niya 'kong hiwalayan pero masyado akong nasaktan sa mga sinabi niya kaya umalis nalang kaagad ako papalayo sa kan'ya dahil hindi ko kinaya iyon," aniya, nararamdaman ko na namang nagsisimula na naman siyang humihikbi.
Gan'yan ba talaga ang mga lalaki?
Palaging may rason kahit sinasaktan na nila ang mga babae nila?
Tsk, ibang klase talaga sila. Nadamay pa sa patibong itong kaibigan ko dahil lang sa lalaking iyon.
"Ikaw kasi, kung bakit ba naman pinatulan mo 'yong lalaking 'yon e, artista 'yon at baka mapahamak ka pa dahil sa kan'ya. Ang daming tsismosang nakakalat ngayon, bebs, kaya dapat mag-ingat ka. Pero ano ngayon ang nangyari? Dahil sa lalaking iyon, nasaktan ka ngayon, hiniwalayan ka pa niya kaya ano'ng napala mo sa kan'ya ngayon? Sakit, 'di ba? Ganoon talaga ang mga lalaki, bebs, iiwanan ka rin nila sa dulo katulad nang ginawa ng gunggong na 'yon sa 'kin no'n. Gayahin mo na 'ko ngayon, bebs, para hindi ka na masaktan pa ulit," mahabang pahayag ko.
Even if I had move on from the past, it still freshes in my mind, how he lied to me and how he dared to see me before. Napangiti nalang ako ng mapait.
"Pero hindi ako katulad mo na nakamove-on na, Shelo. I need to heal myself first before I'll walk the same path with you," aniya.
Tumango nalang ako at hindi na pinahaba pa ang usapan. Yumakap muna ako sa kan'ya saglit bago ko siya iniwan sa sala at umakyat ng hagdan para pumasok sa guest room kung saan ako natutulog ngayon magmula no'ng iniwan ako ni 'My.
My heart clenched because I remembered 'My again. Naaalala ko pa ang oras na 'yon na wala na siyang pulso na naging senyales iyon na patay na pala siya.
Pina-cremate ko lang si 'My at nandoon lang sa bahay namin ang jar kung saan ang cremated na niyang katawan. Ayaw kong dala-dala ko ito rito at baka lulubog lang ako buong magdamag sa guest room na 'to at makakalimutan ang trabaho ko.
While holding my crescent pendant, I sighed then said, "I did it, 'My. I reached my dreams, but sad to say you're not by my side anymore. But, it's okay, at least I'm following the right path now, kung saan ka man ngayon, 'My, sana masaya ka d'yan kahit wala ka na sa piling ko. I love you and I miss you, 'My, so much."
Nagbihis lang ako at pagkatapos no'n ay humiga ako sa kama at nag-pray muna bago matulog.
Kinabukasan ay naisipan kong puntahan sila Thal at Chin sa dormitory nilang dalawa pagkatapos ng trabaho ko.
Pero sa kamalas-malasan nga naman, natagpuan ko nalang si Thal at Eian na naglalampungan. Kaya naman ay pumasok ako para matigil sila sa kanilang paglalandian. Mabuti nalang at epektibo.
Kapag nakakakita ako ng magkasintahan ay automatic, ekis na 'yon sa 'kin at iistorbohin sila, minsan umiiwas nalang ako ng tingin at tumutuloy nalang sa paglalakad. Bitter na kung bitter pero hindi ko talaga gusto 'yong mga naglalandiang magkasintahan.
"'Oy, Shelo, nandito ka pala. Ano'ng ginagawa mo rito? Ba't ka napadalaw?" Tanong ni Thal sa 'kin.
"Gusto ko lang kayong makasama, pero mukhang busy kayo sa paglalampungan d'yan eh. Anyway, nasaan si Chin?" Pag-iiba ko sa usapan.
Napahagikhik muna si Thal bago sinagot ang tanong ko.
"Nandoon sa loob ng silid niya," sagot niya sa 'kin.
"Okay, pupunta nalang muna ako ro'n. Enjoy sa paglalandian," paalam ko sa kanila bago ako pumunta sa silid ni Chin.
Nang makapasok ako sa silid ni Chin ay bumungad sa 'kin ang nakakalokong ngisi niya kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano'ng pagmumukha 'yan?" Tanong ko sa kan'ya.
"Bitter much, girl?" Natatawa niyang saad pero inirapan ko nalang siya.
"Anyway, bakit ka nga pala nandito? May kailangan ka ba?" Pag-iiba niya kaagad sa usapan.
"Wala naman, gusto ko munang magpahinga saglit sa trabaho ko. Nakakapagod, lalo na 'yong iba na mga pasyente ko na nakakasalamuha ko kanina ay mga magkakasintahan, todo lampungan pagkatapos matanggalan ng ngipin, kaloka, punyeta," I said then rolled my eyes in annoyance.
She just chuckled and then, commented. "Alam mo, walang magagawa 'yang pagiging bitter mo. Aminin mo nga, totoo ba talagang naka-move on ka na sa kan'ya? Kasi base sa mga ikinikilos mo at ang mga sinadabi mo sa 'kin ay klarong-klaro na hindi pa."
"Totoong naka-move on na 'ko sa gunggong na 'yon, Chin. Talagang hindi ko lang gusto ang mga ginagawang paglalampungan ng mga magkakasintahan na nakikita ko paminsan-minsan," kontra ko sa kan'ya.
She laughed then stood up and patted my shoulder and gave me a short talk before she walk outside her room.
"Believe me or not, Shelo, you haven't still forgotten him or should I say, you're not totally moved-on from him."
༺════════ ◖◍◗ ════════༻
A/N:
Happy Mother's Day to all the mothers out there!
Special mention to my mother who supports me in my writing career/journey. Thank you and I love you, 'Ma. Happy Mother's Day to you!
Promise, magpapakabait po ako sa inyo para makuha ko ang librong hinihiling ko, MHIAMB S1 & 2. 🥳💙
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com