Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

22

A Reminder

Lumabas ako sa silid ni Chin nang may pagkairitang nararamdaman at umupo sa bakanteng single sofa habang naka-cross arms ako at nakapandekuwatro.

"Oh, bakit gan'yan ang mukha mo pagkalabas?" Natatawa namang saad ng kaibigan kong si Thal habang nakahilig siya sa balikat ni Eian at naka-intertwined pa ang kanilang mga kamay.

Mukhang inaasar talaga nila ako dahil harap-harapan ang ginawa nilang panlalandi na parang sinasadya nila para sa 'kin. Nakakabanas na sila ah!

Inirapan ko nalang sila at iritang nag-iwas ng tingin dahil hindi ko kayang makita ang kanilang ginagawa.

"Bakit 'di ka makatingin ng diretso sa 'min, Shelo?" Nanunuya ang tinig na iyon ni Thal kaya kumunot-kunot naman ang noo ko.

"Alam niyo na 'yon!" Iritang saad ko habang nanatili pa ring hindi nakatingin sa kanila.

She just chuckled and continued to tease me. Sumali na rin sa pang-aasar sa 'kin si Chin na hindi ko rin namalayang nasa tabi na pala ni Thal habang kumakain ng popcorn.

"Alam ang saan?" Sadyang tanong ni Chin.

"Napaka-insensitive niyo," sambit ko at inirapan sila.

"Ano nga 'yong alam namin kung bakit ka nagkakagan'yan?" The two teased me again. Hindi talaga sila titigil.

"Hindi talaga kayo titigil, 'no?" Pinandilatan ko sila at umayos ng upo.

"Hindi talaga kami titigil kung hindi mo sasabihin sa 'min 'yong sinasabi mong alam na namin kung bakit ka nagkakagan'yan," natatawa nilang wika.

"Tse! Makaalis na nga lang!" Iritadong sabi ko at tumayo saka kinuha ko ang dala kong gamit bago lumabas.

Going in here just made me feel like I'm more stressed than my work.

Nakarinig naman ako ng hagalpakan ng tawa sa loob kaya napairap nalang ako sa kawalan at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nang makauwi ako sa bahay ni lola ay nakita kong parang may kinakausap si lola sa telepono kaya lumapit ako sa kan'ya nang makapasok ako sa bahay.

"'La? Sino po 'yong kinakausap niyo r'yan?" Tanong ko kaagad kay lola nang makalapit ako sa kan'ya.

"Ah, tumatawag kasi si Flynn, gusto kang kausapin. Mabuti nalang at nakauwi ka na kaya sa 'yo na muna 'yan," aniya at ibinigay sa 'kin ang hawak-hawak niya kaninang telepono at saka ako pinabayaan sa may sala kung saan nakapatong ang telepono.

"Hi, Flynn, bakit ka napatawag?" bati ko sa kan'ya.

Yes, nagkabati na kami ni Flynn. Nalaman ko rin ang rason niya kung bakit siya ganoon sa 'kin noon at humingi naman siya ng tawad sa 'kin. We had the closure that we wanted and after that, I felt satisfied. Pero wala na akong kahit anong nararamdaman sa kan'yang kakaiba, gusto ko lang siyang maging kaibigan ulit at ganoon din naman siya sa 'kin. Pagkakaibigan lang at wala nang iba at nire-respeto rin naman niya iyon.

"Hello, Shel. Mabuti dumating ka na galing sa trabaho mo. Anyway, kumusta ka na, kaibigan?" Pangungumusta niya.

"'Eto, medyo nasi-stress na pero kaya pa naman kahit 'yong mga pasyente ko kanina ay pulos magkakasintahan, naglalampungan pa," iritang salaysay ko kaya narinig ko siyang tumawa ng mahina.

"Alam mo? Hindi mo naman dapat 'yon bini-big deal eh, magkasintahan naman 'yon kaya p'wedeng-p'wede silang maglampungan. That's what normal couples do, Shel," natatawa niyang wika. I rolled my eyes in annoyance even though he cannot see my what's my reaction as to what he said.

"Public naman nila iyon ginawa kaya p'wede silang makasuhan ng PDA, 'di ba?" naiiritang saad ko.

"Yes, that's true. Teka nga, bakit ka ba gan'yan kairitado sa mga gan'yan?" Tanong naman niya.

Saglit akong napipilan ng isasagot bago bumuntong-hininga saka nagsalita.

"Bitter na kung bitter, pero naiinis lang talaga ako sa mga magkakasintahang naglalandian at naglalampungan," sagot ko naman.

"But it doesn't make any sense at all. Bigla ka nalang may paki sa mga magkasintahan when in fact noon naman ay hindi. Is it because of... why you're like that?" panghuhula niya. Alam ko ang tinutukoy niya pero hindi niya iyon sinambit, mabuti nalang at hindi niya iyon sinambit.

"Oo, anyway, may importante ka pa bang sasabihin bukod d'yan?" Pag-iiba ko sa kan'ya ng usapan.

"None, kinakamusta lang kita sa lagay mo. Sige, bye! See you soon," paalam niya.

"Good bye, Flynn," paalam ko rin bago tuluyang naputol ang linya.

Napabuntong-hininga nalang ako at umakyat na sa hagdan para tumambay muna sa terasa ng guest room. Gabi naman na kaya makikita na ang buwan pero kapansin-pansin na full moon ito kaysa sa mga naunang nakikita ko minsan sa hugis nito.

"Luna, siguro kung nandito sa 'My sa tabi ko, baka naliliwanagan na ako sa mga pinanggagawa ko ngayon at kung bakit ako nagkakaganito dahil lang sa isang lalaki. Sabi ko nga nakamove on na ako mula sa kan'ya pero bakit pati ang mga ikinikilos ko ngayon ay nag-iba na rin, hindi katulad noon. Epekto ba talaga ito ng second break up? Tss, alam kong hindi na ako ang dating Shelo'ng walang paki sa paligid lalo na sa mga nakikita kong magkakasintahan pero ngayon, sabi ni Flynn, mas pinabi-big deal ko iyong mga nakikita kong magkakasintahan. Normal naman 'di ba ang maging bitter? Kaloka, hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko kung paano ko maiibsan ang ganitong pakiramdam kapag kaharap ko ang magkakasintahan," namo-mroblemang salaysay ko habang nakatingin sa buwan at hinawak-hawakan ang crescent pendant ko.

"Kung sabagay, parang nasosobrahan na ako minsan sa pagiging bitter. Muntik ko na ngang mamura kanina ang nakita ko kaninang naglalampungang pasyente ko sa kan'yang kasintahan, muntik ko na rin silang masita na parang pulis. Hay, how to get rid of this feeling inside me?" dagdag ko pa sa hinanaing ko.

"Siguro kong makakasalita ka lang ngayon, 'yong mga sinabi ni Flynn kanina ay baka 'yon 'yong masasabi mo sa 'kin," I said then gently chuckled at the thought of the moon talking to me.

"Hindi mo talaga iniwan magmula noon hanggang ngayon kaya gusto kita eh. You made me feel loved and special when I'm feeling alone. Kaya gusto kitang pasalamatan ng pasalamatan dahil kahit isang palamuti ka lang sa langit t'wing gabi, parang pinapasabi mo sa 'kin na importante ako, na worthy ako. Lahat-lahat, kahit noong naroon pa si 'My sa tabi ko, 'di mo talaga ako iniwan. Maliban nalang kung uulan at natatakpan ka ng dilim," wika ko sa kan'ya.

Ngumiti ako sa kan'ya, iyong totoong ngiti bago nagpaalam sa kan'ya at pumasok na.

Nang kinabukasan naman ay simula na naman sa pagtatrabaho. Iilan lang ang mga pasyente na nagpapatanggal ng ngipin sa 'kin kasi 'yong iba ay bumibisita lang sa 'kin dahil may nararamdaman daw silang kakaiba pagkatapos matanggal ang kanilang ngipin, may pinayo naman ako sa kanila at binigyan sila ng gamot para ro'n.

Nang makalabas ako sa dental clinic ay may kumulbit sa 'kin sa braso ko kaya napalingon ako ro'n sa kumulbit sa 'kin.

My heart swelled with happiness because I saw the little girl who was my patient yesterday. Nakangiti rin siya ng matamis sa 'kin at naka-ponytail ang kan'yang buhok habang nakatingin sa 'kin.

"Hello, kid. Ikaw pala 'yan, bakit ka naparito? Nasaan ang ina mo?" Tanong ko naman sa kan'ya kaagad at hinanap ng mga mata ko ang ina ng bata. Nakita ko naman ang ginang kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Hello po, Doc G! Gusto lang po kitang bisitahin, na-miss po kasi kita! Vida po ang pangalan ko," she said then giggled. Medyo nabubulol siya pero naiintindihan ko naman kung ano ang sinasabi niya kaya wala naman iyong problema sa 'kin. Tungkol lang siguro sa natanggal na ngipin niya kaya nabubulol siya ngayon.

"Aww, na-miss din kita, Vida. Halika na, pupunta tayo sa mommy mo," sabi ko at sabay kaming lumapit sa ina niya.

Nang makalapit kami sa ginang ay nagsalita ako. "Sige, mauuna na muna ako sa inyo," pagpapaalam ko sa kanila.

Nakita ko namang nagpout sa 'kin si Vida.

"Ah, Doc G. Gusto kasing makasama itong anak ko sa 'yo. Kaya naisipan kong sumabay ka nalang po sa 'min na mananghalian sa malapit lang na karinderya," anang ginang.

"Please po, Doc, pretty please," sabat ng bata kaya napatingin ako kay Vida. Binigyan naman niya ako ng puppy eyes.

Wala akong nagawa kun'di tumango at pumayag na sumama sa knailang mananghalian. Tumalab kasi sa 'kin 'yong pag-puppy eyes sa 'kin ni Vida. Kaya naman ay todo hiyaw at ang saya ni Vida habang papunta kami sa malapit na karinderya.

"Kain lang po kayo, doc. 'Eto po oh," ani Vida nang kumakain na kami sa karinderyang pinuntahan namin. Binigyan niya ako ng kan'yang hinaing ulam.

"Sure, thank you, Vida," I said then smiled and ate the food she gave me.

Masaya kaming kumakain at talagang na-enjoy kong kasama ang bata dahil sa pagka-jolly nito hanggang sa matapos kaming kumain at pabalik na ako sa clinic ko.

"Salamat po sa pagsasama sa 'ming mananghalian, Doc G. Napasaya mo ang anak ko," pasasalamat ng ginang nang makabalik ako sa dental clinic.

Ngumiti rin ako ng matamis, totoong-totoo. "Salamat din, napakasayang makasama rin ang batang katulad ni Vida. Napakamasiyahing bata," sabi ko.

"Sige po, doc, uuwi na kami," paalam ng ginang kaya napatango ako.

"Doc G! Bibisitahin ka pa rin po namin kapag hindi na po busy si mommy, bye po!" She gleamed with joy.

"Good bye, Vida! See you soon," paalam ko rin bago ako pumasok sa clinic.

Nang makauwi ako ay nakita ko si Yhane na nilalaro ang kan'yang alagang kuting na si Fare. Mukhang nagmo-move on na 'tong kaibigan ko ah. Mabuti para hindi ko na siya maririnig pang umiiyak dahil sa ex niya.

"Yhane," tawag ko sa kan'yang pangalan. Napatingin naman siya sa 'kin.

"Kumusta na?" Tanong ko sa kan'ya at tumabi sa kan'ya.

"Trying my best to move on," sagot naman niya.

"You can do it, nandito naman ako palagi sa tabi mo," wika ko.

"Thank you, Shelo," she said sincerely.

"Anything for my best friend," nakangiti kong sabi at hinilig ko ang gilid ng ulo ko sa kan'yang balikat.

Kinabukasan naman ay naisipan kong pumunta ulit sa milk tea shop ni Tita D dahil hindi ko na ulit ito nabisita pa ulit matapos ang nangyari noon. Nami-miss ko na rin naman ang kaibigan kong si Isse at ang... ina niya na si Tita D.

Oo, nakita ko na rin si Isse sa wakas matapos ang nangyaring paghihiwalay namin ng gunggong na 'yon. Pero wala siyang kaalam-alam sa nangyari sa 'min ng gunggong, ang alam lang niya ay magkaaway pa rin ang turing ko sa kan'ya. Alam rin niya ang nangyari kay 'My sa pamamgitan lang ng pagcha-chat namin. Dinamayan naman niya ako ro'n. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nalalaman kung bakit nawala na lang siya ng parang bula ng ilang mga taon.

A week after what happened, bumalik ulit siya sa pagtatrabaho sa milk tea shop ni tita.

Pagkarating ko roon ay biglang nanumbalik ang mga alaala ko rito na kasama siya, lahat-lahat. I feel and see the nostalgia in it as well as the déjà vu.

Napangiti ako pagkapasok ko roon sa shop dahil nakita ko si Isse na abalang-abala sa paggawa ng mga milk tea sa customers. Naranasan ko na rin 'yan noon pero tumigil na 'ko dahil hindi ko na kaya pang makita muli ang mukha niya at nagpokus nalang sa pag-aaral at sa kursong kinuha ko.

Lumapit ako kay Isse at nagsalita. "One chocolate flavored milk tea please."

Nag-angat siya ng tingin at makikita ko sa kan'yang mga mata ang pangungulila kahit namimilog iyon nang makita ako.

"Ikaw ba 'yan, Shelo?" Pagko-kompirma niya. Walang pag-aalinlangan akong tumango at dahil doon ay mabilis siyang lumabas sa counter at yinakap ako ng mahigpit.

"Na-miss kita, Shelo," aniya habang yakap-yakap ako.

Hinagod ko ang kan'yang likod at bumulong dahil kinakapos ako ng hininga dahil sa higpit ng yakap niya.

"Pakawalan mo muna ako, nawawalan ako ng hangin." It was almost a whisper.

Mabilis niya akong pinakawalan at nagpeace-sign.

"Sorry, na-miss lang talaga kita," aniya kaya napailing-iling ako at ngumiti.

"I miss you too, Isse. Anyway, nasaan si Tita D ngayon?" I changed the topic.

"Ang alam ko, paparating si Miss D ngayon," sabi niya. Tumango-tango ako. Hindi naman siya nagtanong at nagtaka kung bakit ko tinawag na tita si Tita D.

"Upo ka muna," aniya at iginiya ako sa bakanteng upuan. Pagkaupo naman namin ay pinaunlakan kaagad niya ako ng tanong. Tama talaga ang kutob ko na isa siyang madaldal, simula pa lang.

"Kumusta ka na pala?" Pangungumusta niya sa 'kin.

"I completely healed my wounds in the past," I said with firmness.

"Weh? Sure ka? E, ano namang nangyari sa inyo ni Felix?" Tanong niya kaya natigilan ako.

"Ayon na pala si Miss D tapos kasama pa niya si Felix!" Dahan-dahan akong lumingon sa sinabi ni Isse at nakita ko nga ang taong hindi ko na dapat pang makita muli.

Pagkapasok nila ay lumingon sa direksiyon ko si tita at wala sa sariling nagtama ang paningin namin.

At alam kong sa tingin niya palang sa 'kin, gusto ko na lang umuwi na kaagad.

Hindi ko na kaya pang makita ang pagmumukha ng taong minsan na akong pinagmukhang tanga at iniwan tapos bumalik na naman siya sa harap ko noon at nagbigay ng rason.

Wala namang sinabi sa 'kin si Flynn na babalik na pala siya at kasama pa ang taong kinamumuhian ko!

He didn't remind me!

Bumalik na ulit sa Pinas ang gunggong!

༺════════ ◖◍◗ ════════༻

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com