Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

5

The Project

"Miss Castrovert! Someone just bullied at Garcia!" Pasigaw na tawag kaagad ni Melan pagkalapit niya sa 'kin kasama si Yhane.

In just a second, Miss Castrovert was now in front of us while observing my situation just now.

"Who did this?" Mahinahong tanong ni Miss Castrovert sa 'kin.

"Him. Dela Cruz," mariin kong sagot habang itinuro kung saan nakapuwesto ang gunggong na 'yon ngayon. Nakangisi saglit ang gunggong ng magtama ang paningin namin bago naglaho iyon at pinanlakihan pa ako ng mga mata 'saka tinuro pa ang sarili niya habang masamang nakatingin ako sa kan'ya at nakaturo ang daliri ko sa kan'yang direksiyon.

Nagmamaang-maangan pa talaga itong gunggong na 'to! Ha! Kapag talaga makahanap ako ng tamang tiyempo ay hindi ako magdadalawang isip na mapuruhan ng husto itong gunggong na 'to. 'Di ko talaga siya kayang makitang pangi-ngisi lang dahil nakakainit ng ulo. It really boils my blood into the highest degree.

"Class, go back to your room. Ms. Garcia and Mr. Dela Cruz, come with me at the principal's office. Now," maawtoridad na utos ni Miss Castrovert habang parehong nakatutok ang paningin niya sa 'kin at sa gunggong.

Ang lagkit-lagkit ko at wala namang nag-abalang bigyan ako ng wipes o kahit anong ipamunas sa syrup na patuloy lang sa pag-agos mula sa buhok ko. Nagkamantsa na rin iyon! Peste ka talagang gunggong ka! Makakatikim ka rin sa 'kin, tandaan mo 'yon!

Pero mukhang nabasa iyon ni Yhane dahil bago siya sumunod sa mga kaklase namin ay binigyan niya pa muna ako ng panyo kasabay ng wipes at saglit na na bumulong.

"Kuwento mo sa 'kin mamaya 'pag tapos na kayong ma-guidance." Nainis at nairita ako saglit dahil sa termo na ginamit niya habang bahagya rin siyang ngumisi, nang-iinis.

"Tse, lumayo ka na. Thank you nalang dito sa ibinigay mo, ha?" Note my sarcasm, please.

Mabuti at sumunod din naman siya pero nakangisi pa rin ang gaga kaya napairap ako ng palihim.

Tumikhim bigla si Miss Castrovert kaya napatingin ako sa kan'ya. Sinenyasan rin niyang palapitin sa tabi ko itong gunggong na 'to.

Magpo-protesta na sana 'yong gunggong pero masyadong intimidating na ang aura ni Miss Castrovert at seryosong-seryoso pa kaya walang nagawa ang gunggong kun'di lumapit sa p'westo kung saan kami ngayon ni Miss Castrovert at tumabi na sa 'kin.

Sinamaan ko ng tingin ang gunggong pero ngumisi lang siya kaya ibinato ko ang ginamit kong wipes sa kan'ya at nagpahalumbabang tinignan si Miss Castrovert na nakataas na ngayon ang kilay habang palipat-lipat ng tingin sa 'kin at sa gunggong.

"Follow me." 'Yon lang at tumalikod na siya 'saka nagsimula nang maglakad papalayo.

It's my chance to stepped my right foot on his left foot and I smirked at what his reaction after I did that unexpectedly if it's his point of view so I quickly went towards Miss Castrovert and follow her.

Nakakatawa ang reaksiyon na pinapakita niya kanina at hanggang ngayon. Parang kakapusin siya ng hininga para hindi siya mapasigaw sa sakit na nararamdaman, basically, tiniis niya iyon. Nakatingin din siya ng masama sa 'kin ngayon.

I mouthed, "We're both even now, warfreak."

Nang makarating na kami sa mismong pintuan sa principal's office ay huminga ng malalim si Miss Castrovert at kumatok.

"Tell the truth," biglang saad niya kahit hindi naman siya nakaharap sa 'ming dalawa 'saka siya pumasok habang sumusunod kami dahil narinig namin ang boses ng principal or tawagin nating dean.

Nang makapasok kami ay pinaupo kami ng dean 'saka nagtanong kaagad.

"What happened to your students, Ms. Castrovert?" He asked while looking at Miss Castrovert.

"These two students will tell you what had happened between the two of them. Ms. Garcia, you go first. Tell what actually happened earlier," sabi ni Miss Castrovert kaya lakas-loob akong nagsalita kung ano ang mismong nangyari kanina.

"Dean, tumatakbo lang kaming tatlo nina Carcueva at Diaz dahil 'yon ang sinabi ni Miss Castrovert sa 'min at sa mga kaklase ko rin pero nagulat nalang po ako na tumambad sa harpaan ko itong si Dela Cruz at ngumingisi pa siya tapos binantaan pa niya ako at pagkatapos po no'n ay may ibinuhos siya sa 'king isang malagkit na likido na isa pala po 'yong syrup 'saka siya tumakbo palayo na parang walang ginawa sa 'king masama. Here's the proof of what he did to me," mahabang paliwanag ko at tumayo ako 'saka ibinalandra sa harapan ni dean ang damit ko na may mantsa na ng ginawa sa 'kin ng gunggong na 'to.

Seryosong sinuri ng tingin ni dean ang damit kong may mantsa na at pagkatapos noon ay ibinaling niya ang tingin sa gunggong na kumurap-kurap pa. Kunwari pa 'tong warfreak na 'to, e, kitang-kita na nga na siya 'yong gumawa nito.

"Why did you do that, Mr. Dela Cruz?" Tanong ni dean sa nagmamaang-maangan na ngayong gunggong.

"Dean, bakit ko naman 'yon gagawin? Wala naman akong atraso sa kan'ya, ah?" Nagmamaang-maangan niyang tanong.

Sinamaan ko kaagad ng tingin ang gunggong at lumapit sa kan'ya 'saka dinuro siya.

"Hoy, 'wag ka nang magmamaang-maangan dahil bistado ka na!" Sabi ko pa.

"You're crazy," hindi-makapaniwalang usal niya kaya gustong-gusto ko siyang sampalin ngayon pero nagpipigil lang ako at baka ako pa ang may sala rito kapag nagkataon.

Napabuntong-hininga nalang si dean at pinagsalikop nito ang mga kamay nito at nagsalita.

"Miss Castrovert, nakita mo ba na ginawa iyon ni Mr. Dela Cruz ang pangbu-bully ni Ms. Garcia?" Tanong ng dean.

Hindi ba naniniwala itong si dean sa 'kin?! I have proof!

"I don't but Ms. Carcueva at Ms. Diaz does," sagot ni Miss Castrovert.

"At, totoo ba'ng ginawa nga iyon ni Mr. Dela Crus kay Ms. Garcia base sa nakita ng dalawang estudyante na iyon?" Tanong pang muli ni dean.

Tumango si Miss Castrovert kaya nakahinga ako ng maluwag. Ha-ha! This warfreak is a freaking loser this time!

"Dean naman—" dean cut him off.

"Hindi pa ako tapos sa pagsasalita. May gagawin ako sa inyo para hindi na kayo mag-away pang muli and for the safety of the university, para wala nang pangbu-bully ang magaganap..."

"May proyekto kayong dalawa mismo, do some research proposal about anti-bullying, bullying, and how it can affect the ones who have been bullied. You two will represent it next week at our quadrangle. Students, guardians, teachers and staffs will attend to it. Dapat may schedule, time management at plano na kayo mamaya,"mahabang salaysay ni dean.

I tried to process at what dean said and later on, a shocked expression is evident on my face.

"What?!" Sabay pa naming saad ng gunggong.

"Bakit naman po ganoon, dean?" Reklamong tanong ko pa.

"Dean naman, e—"

"Para hindi na kayo mag-away at para magkakaunawaan na kayo. Para na rin sa mga estudyanteng nakapaloob dito sa unibersidad na 'to kung ano ang p'wedeng mangyari sa pangbu-bully, understand?" Saad pa ng dean.

Napasinghap ako at nawawalan ng pag-asang nakatingin sa gunggong. This is all his fault! Lakas mang-trip nitong gunggong na 'to, pati ako na idinamay na sa mga paganito niya!

Katulad ng ekspresiyon ko ngayon ang ekspresyon ng gunggong. Magsasalita pa sana ang gunggong nang inunahan na kaagad siya ng dean.

"Don't blackmail me, Mr. Dela Cruz. Kahit pa may-ari ng pamilya mo ang unibersidad na 'to ay p'wede ka na ring maghahari-harian dito. Bata ka palang at kung anu-ano na ang mga ginagawa mo para masira ang imahe ng pamilya mo rito," saad ng dean.

H-He's... what?!

Bakit ngayon ko lang nalaman 'to?

"Mr. Dela Cruz, if you disagree this project I'm giving you together with Ms. Garcia, I'll tell your parents of what you did to the other students who has been bullied by you," banta ni Miss Castrovert.

Walang nagawa ang gungong kun'di pumayag sa project na sinasabi ni dean.

Basta ako, sure akong hinding-hindi kami magkakasundo nitong gunggong na 'to!

Ano'ng akala ng gunggong na 'to sa 'kin? Madaling magpatawad? No and will never be.

Kahit anak siya ng nagmamay-ari ng unibersidad na 'to, hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niyang pangbu-bully sa 'kin noon pa man sa first day of school!

Or so I thought.

Dahil matapos naganap ang pangyayaring iyon ay palagi na kaming nagkakasama ng gunggong pero may bangayan pa rin. Lakas kasing mang-asar ng gunggong na 'to!

Nasa bahay ng parents niya ako ngayon. Nasa study room kami ngayon, doing and researching the second topic of our project. Bullying. Fourth day before the representation of it in the quadrangle of our university.

"Are you done?" Tanong niya.

Napairap ako sa tanong niyang iyon habang nagre-research ako about bullying. Tapos na kasi kami sa anti-bullying at ginamit namin 'yong pangsa-slideshow para mas mabilis.

"Wait, sir, ha? Malapit na itong matapos. Susunod na 'yong pangatlo at ang pinaka-last na topic tungkol dito," sarkastiko kong saad.

"Okay." 'Yon lang ang sinabi niya at bumalik na kaagad siya sa current na ginagawa niya ngayon. Ang mag-cellphone.

Wow, grabe 'yong tulong niya. Nakaka-appreciate! Gusto ko nalang umuwi kaagad para matapos na 'to.

"Kapag tapos ka na d'yan, upo ka muna rito, tabi tayo," dagdag pa niya.

Ginaya ko 'yong sinabi niya sa pamamagitan ng pagbubulong pero nabigla ako nang magsalita siya.

"I heard that."

Tangina, muntik na akong matumba sa kinauupuan ko dahil bigla nalang siyang nagsalita. Binubulong-bulong ko nga lang 'yon para hindi niya marinig pero it turns out na narinig pala niya iyon. Duh, it clearly states a situational irony.

Naghanap pa ako ng mga pictures for reference and examples at nagpatuloy lang sa pagta-type hanggang sa matapos iyon. Mabuti nalang talaga at malakas ang kapit ng signal sa bahay ng mga magulang niya.

Lumapit ako sa kan'ya at yuyugyogin ko sana siya nang makita kong nakatulog na pala ito. Yakap-yakap niya ang maliit na unan habang 'yong cellphone niya ay nasa nasa tiyan niya. Cute.

"Ang cute mo pala kapag natutulog ka na gan'yan. Kapag gising ka kasi, parang ang hirap tukuyin kung totoong cute at g'wapo ka nga katulad ng mga sinasabi ng ibang babaeng nagkakandarapa sa 'yo. Kung 'di ka lang talaga bully, magugustuhan na sana kita," patuloy na sabi ko habang nakatitig sa maamo at payapa niyang mukha.

Napangiti nalang ako dahil nakita ko na kumilos ang kan'yang adam's apple. May lumulunok palang tulog ngayon.

'Saka, ngayon ko lang na-realize kung ano ang mga nasabi ko sa kan'ya. Teka, narinig niya ba 'yon?!

Akma na sana akong umalis at tatayo nang pigilan niya ako at hinigit niya ang palapulsuhan ko gamit ang kan'yang kamay kaya nakapaibabaw na ako ngayon sa kan'ya. 'Saka lang siya nagmulat ng mga mata at nag-smirk.

"Hindi ko naman alam na ganito ka pala pumuri ng tao. Nakakapandagdag ng confidence."

And, with that, gusto ko nalang magpakalamon sa lupa dahil sa kahihiyan.

༺════════ ◖◍◗ ════════༻

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com