Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

8

Melanielle and Shelomith

"A-Ano... b-ba't ka naman mag-aalala... s-sa 'kin?" Lakas-loob na tanong ko. Parang na-blangko 'yong isip ko kanina dahil sa sinabi niya.

"Dahil may... lagnat ka?" Patanong niyang sagot kaya nawala 'yong pagkailang at pagkagulat na nararamdaman ko at sinamaan siya ng tingin saka kinuha ang unan na malapit sa 'kin at ibinato iyon sa kan'ya. Pero sinalo lang ng gunggong!

Napakapilosopo, gago!

"Gago, ayusin mo 'yong sagot mo, 'di ako nakikipagbiruan sa 'yo," seryosong sabi ko.

"Okay, okay, 'eto na..." he trailed off and he started to be serious.

"I'm worried because you're my friend. Normal naman 'di ba sa kaibigan na mag-alala para sa kalagayan ng kaibigan nila? Katulad nalang sa 'yo ngayon, nilalagnat ka. Wala naman masama sigurong mag-alala sa isang kaibigan, right?" He explained.

Natutop ko nalang ang aking bibig dahil sa sinabi niya, wala akong masabi. Patago kong sinermonan ang sarili dahil napakamalisyosa ko! Normal naman tapagang makaramdam ng pag-aalala ang isang kaibigan katulad ni Felix, 'di ba?

Hindi ko nga maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sa sinabi niya kanina na nag-aalala siya sa 'kin. Assumera at malisyosa mo, Shelo!

Tumango nalang ako kasi wala pa ring pumapasok sa isipan ko para may masabi man ako sa kan'ya.

"Anyway, kumusta na pala ang kalagayan mo?" Tanong niya nang lumapit siya sa 'kin at umupo sa gilid ng kama ko at kinapa ang ang noo ko ta's ibinalik din ito sa dating puwesto.

"Ayos na 'ko," sagot ko naman kahit medyo kumikirot pa rin ang ulo ko.

"Ang init mo pa ah, sinungaling!" Palahaw niya kaya napairap ako.

"E 'di sinungaling na kung sinungaling, basta para sa 'kin, ayos na 'ko, tsk," paanas na sabi ko saka akma na sanang sasandal sa headboard ng kama  nang pinahiga na naman niya ako ulit.

"Ano ba? Nakakainis ka, gusto ko lang namang sumandal," asik ko at sinamaan siya ng tingin.

"'Wag nang matigas ang ulo, uminom ka ng gamot ta's aalagaan kita para mas mabilis ang paggaling mo at makapunta ka na ulit sa paaralan." Parang si 'Dy kung umasta 'tong si Felix.

"Oo na, oo na," walang magawang usal ko. Kinuha niya 'yong gamot at 'yong tubig saka inilahad 'yon sa 'kin. Pagkatapos kong inumin 'yon ay humiga ako ulit.

Medyo nahihilo pa rin ako pero ngayon ay medyo mabuti-buti na ang pakiramdam ko lalo pa't nagsisimula na siyang alagaan ako. May soft side naamn pala itong gunggong na 'to, 'di nga lang halata.

Kapag nanghihingi ako ng gusto ko, ginagawa naman niya at ibibigay iyon sa 'kin. Kapag naman nilalamig na naman akong muli, tinatabunan niya 'ko ng comforter ko at inilapat ang basang bimpo sa noo ko.

Palihim akong napapangiti sa mga pinaggagawa niya sa 'kin, he shows his genuine care and worry to me. Ganito pala mag-alaga ang bully no'ng una pero ngayon ay hindi na.

Akala ko pang-habambuhay na kaming maging magkaaway dahil napakaimposible na maging magkaibigan kami pero may mangyayari talagang hindi inaasahan katulad nalang ng biglang pagkakaibigan namin sa kasagsagan ng paggagawa ng project na 'yon.

Kahapon, nilalamig ako at parang gusto ko ng kayakap, ang iniisip ko no'n ay si 'Dy na yumayakap sa 'kin sa likuran ko. Napakasarap sa pakiramdam ng yakap na 'yon na parang totoo na si 'Dy 'yong yumayakap sa 'kin kahit alam ko namang nawalay na siya sa 'min ni 'My dahil sa isang aksidente.

Nang magising ako ulit ay umaga na at kinukusot-kusot ko pa ang mga mata ko at aayos na sana nang upo pero may mahigpit na yumayakap sa 'kin at pinapabalik ako ng higa kaya kunot-noong tinignan ko 'yong taong 'yon.

Bakit nandito pa rin siya sa silid ko?!

At, nakayakap pa talaga sa 'kin sa likuran?!

Tangina.

"Hoy, Felix, bumangon ka d'yan," pagpupukaw ko sa kan'ya. Dapat no'ng gabi pa dapat siya umuwi, baka nag-aalala na si Manager D sa kan'ya dahil sa hindi siya umuwi.

Bakit ba niya naisipan na rito matulog ta's dito pa naisipan matulog habang yakap-yakap sa 'kin kani-kanina lang?!

Nakasandal siya sa headboard ng kama na parang nakaupo lang at nakapikit pa rin. May gana pa ba 'tong gumising?

"Hoy, gunggong! Ano ka ba? Gumising ka na nga d'yan!" Palahaw ko at yinuyugyog 'yong balikat niya.

Medyo matagal-tagal bago siya  napamulat ng kan'yang mga mata at bigla nalang akong nginisihan kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Ba't ka nakayakap sa 'kin kanina?" Mahinahon kong tanong.

"Huh? Didn't you remember what you said yesterday?" Naglaho ang kan'yang ngisi at pinagkunotan ako ng noo kaya ngayon ay parehas kaming nagtatakang tumingin sa isa't isa.

"Ha? At ano naman ang sinabi ko sa 'yo kagabi para yakapin mo 'ko ng ganoon?" Nanunumbat kong tanong sa kan'ya.

"Para namang minomolestiya na kita kahit hindi naman..." mahinang sabi niya.

"Sabihin mo na kasi ang totoo," pagpipilit ko pa.

"Maayos na pala ang pakiramdam mo dahil kinukulit mo na 'ko, mabuti 'yan at nang makauwi na 'ko," pag-iiba niya sa usapan at umayos ng tayo saka nag-inat.

"'Di mo sinasagot ang tanong ko," usal ko.

"Sabi mo kasi na 'wag kitang iiwanan at gusto mo pa ng yakap ko habang nilalamig ka kaya naawa ako sa 'yo at pinagbigyan nalang kita," simpleng sagot niya. Nanlalaki ang mga mata ko dahil doon. Like, ginawa ko nga ba talaga 'yon o pinagloloko niya lang ako?

"Pinagloloko mo ba 'ko Felix, ha?" Pagkaklaro ko. Ginawa ko nga ba talaga 'yon? Kung totoo 'yong sinasabi niya sa 'kin ngayon... jusko, nakakahiya!

"I'm not playing around, Shelomith," seryosong wika niya.

Napatutop nalang ako sa bibig ko at pilit inalala ang nangyari kagabi.

Geez, it's embarassing!

Nag-iwas nalang ako ng tingin sa kan'ya dahil baka manunuya ito sa 'kin. Hinawakan ko pa ang unan ko para takpan ang mukha ko. Ramdam ko rin 'yong pag-iinit ng pisngi ko.

"Don't cover your face with your pillow, I know you feel embarassed about it," aniya kaya mas lalo kong isiniksik ang mukha ko sa unan ko dahil sa kahihiyan. Gago, kung anu-ano ang pinagsasabi ko kagabi, ayan tuloy ngayon, hindi ko na kayang salubungin 'yong tingin niya.

Bago ko lang siyang kaibigan ta's sinabihan ko siya ng ganoon kagabi?!

Ano ba ang naisip mo, Shelo?! At, bakit mo pinaboran si Felix na yakapin ka at pinagkamalan mo pang ama mo sa panaginip?! Punyemas!

"Lumabas ka na nga lang." 'Yon nalang ang nasabi ko habang hindi pa rin tumitingin sa kan'ya.

"'Di ka na komportable, 'no? Okay, uuwi na muna ako," aniya at akma na sanang sasarhan ang pinto dahil nakabukas lang iyon nang tawagin ko siya nang hindi pa rin tumitingin sa kan'ya.

"'Wag ka munang umuwi, hintayin mo 'ko sa sala, okay lang ba 'yon?" Tanong ko.

Mataman siyang nakatingin sa 'kin bago dahan-dahang tumango kaya napangiti ako.

Pagkatapos no'n ay saka lang niya sinara ang pinto ng silid ko.

Kinapa ko muna ang leeg at noo ko kung hindi na ba ako mainit, mabuti nalang at hindi na kung hindi ay baka madadagdagan pa 'yong mga absences ko sa unibersidad, sayang pa 'yong naipon kong pera na ipangtustos ko kung sasayangin ko naman ang oportunidad na pagbubutihin ang pag-aaral do'n at mapunta lang sa wala.

Nang matapos kong nilinis ang sarili ay saka lang ako lumabas ng silid at mabilis na bumaba sa hagdan. Nakita ko naman kaagad si Felix na sa tingin ko'y may kausap sa cellphone niya.

Nang matapos 'yon ay lumapit ako sa kan'ya kaya mukhang nakaramdam siya at lumingon siya kaagad sa direksiyon ko at nginitian ako kaya nginitian ko naman siya pabalik.

"Sorry, may inaayos lang ako sa sarili ko, mainipin ka pa naman," paghingi ko ng pasensya.

Ngunit umiling lang siya at sumagot. "It's okay, hindi naman ako medyo na-bored dito habang pinaghihintay mo 'ko dahil may kinausap lang ako sa cellphone ko. By the way, may kailangan ka pa ba?" Pag-iiba niya sa usapan.

"Mag-usap muna tayo pero sandali lang 'to, may I use your time?" Tumango siya sa tinanong ko.

Umupo siya sa katabing sofa at ganoon din naman ako. Nakapagtatakang hindi man lang pumunta rito si lola at i-che-check kami o 'di kaya'y kakausapin niya 'tong si Felix.

"About pala ro'n sa school works, p'wede mo bang ilahad lahat ng mga na-miss kong subjects, discussions, quizzes, and such? Nakakahiya man 'tong itanong pero para na rin 'to sa pinaghihirapan ko ngayon," salaysay ko at tinignan siya.

"Nothing much activities and school works, medyo mas lumamang nga lang 'yong Physical Education activity natin pero alam kong kaya mo naman 'yon since isa lang ang kakailanganin para sa performance task," sagot niya.

"Ano naman 'yong performance task natin?" Tanong ko pa.

"Dancing hiphop," simpleng sagot niya kaya napatanga ako. How could I even do hiphop if I don't like dancing in the first place too?

"Are you sure?" Paninigurado ko, baka namali lang ako ng dinig.

"You heard me right, we're gonna dance hiphop and the presentation will be next next week, don't worry because there's so much time to learn about hiphop." Parang hindi pa niya pinoproblema ang pagsasayaw ng hiphop ah? O baka marunong naman pala 'tong sumayaw pero hindi nga lang halata?

"Patay ako nito," bulong ko pero narinig niya naman.

"Bakit? Teka, hindi ka ba marunong sumayaw?" Panghuhula niya pero inirapan ko lang siya. He finally got a hint that I don't like dancing.

"I knew it! But don't worry, I'll teach you how to dance hiphop, madali lang kaya 'yon," prenteng sabi niya. I guess I was right, then. That he's one of a dancer. Hindi ko lang napapansin dahil busy kami sa pakikipag-away no'n.

"Pero kahit na," nawawalan ng pag-asang sabi ko. I heard him chuckled because of what I rebuked.

"Tuturuan nga kita para 'di ka na mahirapan," komento niya habang natatawa kaya napasibangot ako.

"Hoy, Shelo!" Napaigtad ako ng may sumigaw sa likuran ko kaya nilipatan ko iyon ng tingin. Ang magaling kong kaibigan na si Yhane pala iyon.

"Hey, Felix," tawag niya sa pansin ni Felix.

"'Oy, Yhane," tugon naman ni Felix sa kaibigan ko.

"Ayos ka na ba, bebs?" Tanong niya at sinipatan ako ng tingin. Tumango naman ako sa kan'ya.

"Oo, maayos na 'ko, inalagaan ako nitong si Felix pero mas lamang si lola sa pag-aalaga sa 'kin samantalang ikaw, wala akong natanggap na pag-alaga mula sa 'yo," kunwaring pagtatampo ko.

"Sorry kasi, pero nag-aalala talaga ako sa 'yo no'ng sinisinat ka," aniya at tumabi sa 'kin ng upo.

"Ikaw, saan ka ba nanggaling, ha?" I asked.

"You already knew..." she answered.

Tumango lang ako at lumingon ulit kay Felix na mataman na namang nakatingin sa 'kin. Ewan ko ba pero parang may nakita akong sparkle sa kan'yang mga mata o baka namamalikmata lang ako. Bumabalik na naman ang pagiging malisyosa at assumera ko, tsk.

"Anyway, pupunta muna ako sa kuwarto ko, alam ko na gusto niyong magsolo," panunudyo niya bigla kaya pinukol ko siya ng masamang tingin.

"Tse, mabuti pa't umalis ka na sa panigin ko bago kita gawan ng hindi kaaya-aya," pikon na sabi ko kaya napatawa siya at mabilis na kumaripas ng takbo papaakyat sa hagdan. Narinig ko pa ang pagsara ng pinto sa kuwarto niya.

"Pikunin mo pala," sambit bigla ng gunggong.

"Puwedeng-puwede ka nang umuwi," sarkastikong usal ko kaya napatawa siya ng bahagya.

"Sure," he playfully said then smirked before he stood up and get his keychain.

"Ay, nakalimutan ko, bukas may klase naman 'di ba? Ano ang mas bagay sa 'kin, with or without eyeglasses?" Tanong ko pa. Nasa bulsa ko kasi ang eyeglasses ko or specifically, isa na namang regalo ni 'My sa 'kin pero hindi ko masyadong ginagamit dahil wala namang problema sa mga mata ko.

Sinuot ko kaagad ang eyeglasses ko sa mukha at pinakita iyon sa kan'ya. Nakita ko pa siyang natigilan saglit kaya kinunotan ko siya ng noo.

"Ayos lang ba o hindi?" I made him a choice.

"Parehas bagay sa 'yo..." aniya kaya napasimangot ako.

"Dapat kailangang mamili ng isa sa dala—"

"Pero mas bagay sa 'yo ang naka-eyeglasses," putol niya sa dapat na sasabihin ko kaya natigilan ako at maya't-maya'y pinipigilan ang pagngiti na pilit umaalpas sa labi ko.

"Anyway, I have to go," paalam niya kaya tumango ako pero dahan-dahan lang.

"S-Sure, good bye," I suddenly stuttered.

Nginitian pa muna niya ako ulit bago niya 'ko tinalikuran at lumabas ng bahay ni lola.

Napabuntong-hininga nalang ako dahil sa namumuong tensiyon sa 'ming dalawa kanina pero hindi 'yong tensiyon na namumuo kapag malapit na silang mag-away kun'di 'yong tensiyon na nakakailang sa pakiramdam.

Stop beating so fast heart. I heaved a deep breath and then go back to my room in the guest room.

Kinabukasan, nang nakatungtong na ulit ako sa unibersidad ay napakunot ang noo ko dahil wala man lang presensiya o kahit ni anino man ni Felix sa harap ko. Palagi 'yong nagungulit sa 'kin magmula no'ng naging magkaibigan kami kaya nakapagtatakang wala siya rito sa harap ko ngayon at mangungulit. At isa pa, alam naman niya na ngayon ako a-attend ulit sa klase. Ipinakibit-balikat ko nalang tuloy iyon at nagsimula nang maglakad papasok do'n.

'Di ko kasama ngayon sila Yhane, Thal, at Chin dahil malamang sa malamang ay abala rin 'yong tatlo sa kani-kanilang buhay kahit 'di pa ako sanay na walang umaaligid sa  'kin na si Yhane. Paniguradong nandoon na siya sa room habang abala sa pagkalikot sa kan'yang cellphone.

Nang malapit na ako sa room namin ay tumigil ako sa paglalakad dahil nakita ko si Felix na kausap si Melan at kinukulit pa niya si Melan. Naka-eyeglasses din si Melan katulad no'ng sa 'kin. Parehas pala kami ngayon na nakasuot ng eyeglasses?

Tumigil ako sa harap nila kaya napatingin sila sa 'king dalawa.

"Hey, Melan." Aba't pinagkamalan pa akong si Melan! Teka, akala ba niya na kinukulit niya ngayon ay ako at ako nama'y si Melan? Pambihira!

"'Di ako si Melan, nagkakamali ka. 'Oy, ako ang totoong Shelo, siya 'yong totoong Melan," sabi ko at tinuro ko pa ang sarili ko bago si Melan.

Nagpalipat-lipat naman siya ng tingin sa 'ming dalawa at sinusuri niya kami ng mabuti hanggang sa nagbago ang ekspresiyon niya, naguluhan siya sa 'ming dalawa pero ngayon ay makikita sa mga mata niya ang gulat.

"T-Teka... magkamukha kayo?" Tumango kami ng sabay ni Melan.

"How I come I didn't even noticed in the first place? Akala ko ikaw si Shelo, Melan, at ikaw naman Shelo ay si Melan, nakakalito," aniya at nagpalipat-lipat na naman ng tingin sa 'ming dalawa.

"Ano ba, nakakahilo 'yang ginagawa mo," iritang sabi ko at tinignan si Melan.

"Are you okay now po?" Tanong niya. Tumango naman ako at nginitian siya ng tipid.

"Salamat sa pag-aalala mo no'ng nilalagnat pala ako," pasasalamat ko.

"Walang anuman po 'yon. Health comes first and is the most top priority of us individuals," komento niya. 'Di ko alam kung bakit gano'n na lang kagaan ang pakiramdam ko sa kan'ya tuwing makikita, makakausap, at makakasama ko siya.

"May pagkakaiba pala kayo, si Melan ay gumagamit ng 'po' at 'opo' at ikaw nama'y hindi," biglang sabat ni Felix sa pag-uusap namin kaya napairap ako.

"Oo kaya manahimik ka nalang muna," pambabara ko sa kan'ya.

Nang makapasok kami ay gano'n din ang bumungad sa 'min ni Melan na katulad sa pinagkakamalan kami ni Felix.

She's Melan using 'po' and 'opo' and so soft-spoken especially she's kind while I'm Shelo, doesn't use formalities at my age and also I'm used to a fistfight.

We're totally different from each other. Period.

༺════════ ◖◍◗ ════════༻

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com