Kabanata IV
Ang Bagong Protektor ng Pustiso
"Aldin! Kauzafin mo ako!" Nagkakandabulol ang bungal na si Isagani-na mas kilala bilang Izza-sa paghiyaw sa kapatid na lalabas ng munti nilang bahay. Hinila niya ang kaliwang braso nito para pigilan ang pag-iwas nito sa kanya. Nang maiharap na ang kapatid, itinuro niya rito ang hawak na sulat mula sa guro nito. "Aldin, ano 'to? Nagfafakahilap ako za fagtitinda ng gulay tafoz ito lang ang igaganti mo za akin? Faglalalo sa intelnet shop?"
Hindi nakakibo sa mga hinaing ni Izza si Aldin na nanatiling nakayuko dahil sa pagkahiya sa pagbubulakbol na ginawa.
"Ano, Aldin? Magfaliwanag ka!" pamimiga ni Izza sa kapatid na nanatiling tikom ang bibig.
Dismayado si Izza at ganoon din si Aldin sa kanyang sarili na gusto lamang makatulong sa kanyang ate sa pamamagitan ng pakikipagsugal sa paglalaro sa internet. Alam niyang mali iyon, pero itinuloy pa rin niya sa pagbabakasaling umayon sa kanya ang swerte. "Ate, sorry... gusto ko lang namang tumulong, eh." Nangingilid ang luha sa mga mata ng Grade 10 student na si Aldin habang lakas-loob na inilalabas sa kanyang bibig ang mga salitang iyon.
"Felo mali fa lin!" giit ni Izza na naisapo ang kanang kamay sa noo habang naitukod naman ang kaliwa sa kanyang tagliran. "'Yang fag-aalal mo ang atufagin mo! Za ganoong falaan ay nakakatulong ka na za akin. Hindi mo na kailangang sumugal sa mga lalo na wala namang kasiguladuhan kung ikaw ay mananalo!"
Sa pagitan ng namuong katahimikan sa magkapatid, narinig ang anunsyo ng isang mamahayag sa radyong nakapatong sa mesang kainan. "Kasalukuyan pong nagaganap ang isang Meteor shower na tinawag ng National Aeronautics and Space Administration o NASA ng Estados Unidos bilang Denturide Meteor Shower."
Sa narinig na balita ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Izza! Mukha man siyang nag-walk out sa paningin ng kanyang kapatid, lumabas pa rin siya ng bahay at iniwan si Aldin sa loob para matunghayan ang bibihirang pangyayaring iyon sa kalawakan.
Nag-abang si Izza sa kanilang gulayan. Hindi nga nagtagal ay kumutitap na sa itim na langit ang mga puting liwanag ng mga bulalakaw na sa magkakaibang direksyon dumako. Dali-daling binigkas ni Izza ang kanyang hiling bago pa man maglaho ang may kabilisang mga bulalakaw. "Zana mafagtapoz ko ng pag-aalal si Aldin."
Nang natatanaw pa rin niya ang mga bulalakaw ay nagpahabol pa siya ng hiling para sa kanya namang sarili. "Medyo impozible pelo zana magkaloon pa ako ng ngipin pala hindi na ako bulol."
Pagkatapos maglaho ng mga bulalakaw ay ang paglapit naman sa kanya ng isang bagay na nag-aapoy na mula rin sa kalangitan. Habang papalapit iyon ay naging malinaw na kay Izza ang bagay na nagliliyab. Sa tingin niya ay isa iyong, "Puztizo!" Nanlaki ang mga mata ni Izza sa gulat!
Gusto sana niyang tumakbo, ngunit hindi niya maikilos ang mga paa at maging buong katawan! Tanging bibig lamang na kanyang naiawang ang kanyang naigalaw. Matapos masiguro na sa kanya mismo babagsak ang naglalagablab na pustiso, naipikit na lang ni Izza ang kanyang mga mata habang nanatiling nakakanganga!
'Ito na yata ang tatafuzan ko,' ang naibulong na lamang ng bulol na si Izza bago magpigil ng hininga sa paghihintay ng susunod na mangyayari.
Napadilat siya ng mata matapos maramdaman ang paggalaw ng kanyang mga daliri sa kamay. "Buhay pa ako!" Nagdiwang ang kanyang kalooban matapos matanaw ang mga gulay nilang tanim na may kinang ang mga dahon. "Ano kaya ang nangyari?"
Pakiramdam niya ay mayroong iba sa kanyang pananalita-hindi nagdidikit ang ibaba at itaas na gilagid ng kanyang bibig. Dama niya na may bagay na matigas sa loob ng kanyang bibig. Kinapa niya iyon at napagpalagay na iyon ay mistulang mga ngipin. "May ngipin na ako?"
Saka pumasok sa kanyang isipan na maaring iyon ang natunghayan niyang nagliliyab na pustisong galing sa langit. Napatingala si Izza sa itaas para manalangin. "Lord, thank you ha za biyayang ito. Ang bilis!"
Matapos manalangin ay napansin niyang may isa na namang bagay na naglalagablab ang paparating mula muli sa kalangitan! Nang ito'y papalapit na, kanyang nabakas na tila hugis iyon ng isang tao na nakasuot ng ball gown. "Ah! Aswang!" Muli ay hindi na naman makagalaw si Izza! Pero sa pagkakataong ito ay natansiya niyang hindi sa kanyang gawi babagsak ito, sa halip ay sa kanilang mga tanim na gulay! Wala na naman siyang nagawa kung hindi mapanganga habang pinagmamasdang lumapag ang nilalang na nagliliyab.
Nakakasilaw na liwanag ang sumabog matapos bumagsak sa mga gulay ang nilalang na nagliliyab. Ngunit nanatiling nakatayo si Izza na nakanganga pa rin, habang ang apoy na bumabalot sa nilalang na bumagsak sa kalangitan ay humupa na. Isang may edad nang babaeng nakasuot ng kumikinang na magarbong ball gown na kulay pula at may suot na koronang gawa sa diyamante at rubi ang tumambad sa kanyang paningin. Matapos ayusin ang kasuotan, lumapit ang ginang kay Izza na nanatili pa rin sa kanyang manghang posisyon. Napansin nito ang suot niyang pustiso at nagdeklara ng: "Ikaw ang pinili ng pustiso upang maging bagong protektor!"
Sa winika ng ginang ay natauhan si Izza na natikom na ang bibig at napahawak sa kanyang dibdib dahil sa pagkabigla.
"Huwag kang matakot, hija. Hindi ako nangangagat. Bungal na ako, oh." Ibinuka ng kausap ni Izza ang bibig nito para ipakitang hindi siya mapanganib na nilalang.
"Aray po, ha! Tinamaan ako za word na 'bungal'!" Nakangiti na si Izza matapos mapanatag ang kalooban. Nawala na ang kuro-kuro sa isip niya na baka isang mapanganib na 'alien' ang bumagsak sa kanilang bakuran. "Ziguro po kayo ang aking fairy godmother, hano?"
"Hmmm..." habang tila nag-iisip ng pangmalakasang intro ang kausap ay ang paglabas naman ni Aldin sa kanilang bahay. "Sabihin na nating parang ganoon na nga, hija. Ako si Reyna Gibib ng kaharian ng Gangba na matatagpuan sa Planeta ng Ngangabu." Matapos magpakilala ni Reyna Gibib, ay nasa tabi na ni Izza ang kapatid.
"Ibang Planeta iyo, ah! Ibig pong sabihin alien kayo?" kuryosong tanong ni Aldin kay Reyna Gibib.
"Dahil hindi ako taga rito ay masasabi kong tama ang iyong hinala, hijo," tapat na sagot ng Reyna.
"Hindi pa ba obvious, Aldin! Saan ka nakakita ng taong nahulog mula sa langit na buhay pa rin?"
Napansin ni Aldin ang bibig ng kapatid. "Ate may ngipin ka na at hindi ka na rin bulol!"
Sa reyalisasyong iyon ay napanganga na naman si Izza habang binibigkas ang mga salitang, "Oo nga 'no!"
"Dahil iyan lang naman ang pinakamalakas na sandata ng buong kalawakan," buong pagmamalaking ibinunyag ng Reyna. "Kaya iyan ay tinatawag na 'Powerful Pustiso of Planet Ngangabu'."
Hindi naiwasang matawa si Izza sa binanggit ng Reyna. "Ngangabu? Puztizo? Grabe bibig na bibig po ang theme ng Planeta niyo! Hano po?"
"Well..." nag-hair flip muna ang Reyna saka proud na nagpatuloy, "taas noo kong maipagmamalaki na kilala ang aking nasasakupang kaharian sa buong kalawakan sa pagkakaroon ng zero cavity resident. Iyon ay dahil sa pagtutulungan namin ng aking asawa na si Haring Ladi na maihiwalay ang aming lahi sa kalaban naming nasyon ng Ngilpa na nuknukan ng baho ang mga hininga. Nagkalagas ang mga ngipin ko sa pakikipagbakbakan sa kanila kaya ginawan ako ng aking asawa ng pustiso. But not just a pustiso, but siyempre it was so Powerful. Para two birds in one shot na."
"Astig!" napamangha si Aldin sa kanilang kaharap na siniyasat pa niya mula ulo hanggang ladlaran ng ball gown. "Edi may super powers na po ang ate ko ngayong suot niya iyon?"
"Hmmmm... iyon ay sa isang kondisyon."
"Ano po iyon?" curious na tanong ni Aldin na pagkatapos ay sumulyap pa sa ate niya na nakakaramdam na muli ng kaba at pag-aalinlangan.
"Kung papayag siya na ihanda ko siya sa isang napakaimportanteng misyon."
"Ano pong misyon?" Nagsalubong ang kilay ng nangangambang si Izza.
"Ang iligtas ang buong kalawakan laban sa Natatanging Tinga at sa mga posibleng pang mga nilalang na maaaring magkaroon ng mutation dahil sa Tonsil Stone of Planet Ngangabu na kumalat sa inyong bansa."
"Teka tama po ang narinig ng aking tainga: natatanging tinga?" pagputol ni Izza sa pagkwekwento ni Reyna Gibib. "As in 'tinga' 'yong hibla ng karne?" Kung hindi lang niya nasaksihan ang nakakamanghang pag-landing ng reyna sa kanilang bakuran ay hindi niya paniniwalaan ang mga pinagsasabi nito. "Kung sabagay hindi na po katakataka na lalapitan kayo ng tinga! Eh ano pa ba ang kalaban ng bibig kung hindi tinga! "
"Hindi siya basta 'tinga' lang. We called her 'Natatanging tinga' for a reason," babala ng reyna na mas nakapagpakaba kay Izza. "Tinubuan siya ng mukha, nagkaroon ng isip na mapangahas at ng kapangyarihan dahil sa cosmic radiation at sa negative energy na hinigop ng Tonsil Stone mula sa aming planeta. Sinubukan ko siyang pigilan, pero hindi ko matitiyak na nagtagumpay ako matapos niyang mailuwa ang nilunok niyang tonsil stone na kumalat sa inyong bansa. Natatakot ako lalo ngayon na hindi na ako ang protektor ng pustiso na baka magkaroong muli ng mutation ang mga piraso ng Tonsil Stone of Planet Ngangabu sa sino mang madikitan n'on."
Sa paliwanag ng Reyna, naramdaman na ni Izza na hindi talaga biro ang panganib na dala ng kanilang kalaban. "Handa po akong tumulong, ngunit may iza pa po akong inaalala-ang pag-aaral ng kapatid ko. Kami na lang po kazing dalawa sa buhay. Hindi ko po alam kung kaya kong pagzabayin ang pagtitinda ng gulay at ang pagiging izang zuperhero."
"Ate..." inakbayan ni Aldin ang kapatid. "Huwag mo akong alalahanin, hindi rin naman ako makakapag-aral kung nasa panganib naman ang buong universe." Dahil sa sinabing iyon ni Aldin ay lumamang na sa puso ni Izza ang pagtanggap sa kanyang misyon.
Ramdam ni Reyna Gibib ang daing ni Izza. Kaya umisip din siya ng paraan upang kahit paano'y gumaan ang responsibilidad ni Izza sa kapatid nito. "Saka tignan niyo ang aking kasuotan nababalot ito ng mamahaling bato. Ibenta lang ang isang piraso nito ay malaki nang tulong sa kapatid mo."
Nanlaki ang mga mata ni Izza na hindi sang-ayon sa suhestiyon ng Reyna. Kaya bumulalas sa kanyang bibig ang pagkontra, "Ay naku po! Sa inyo po iyan! Itinuro po kasi sa akin ng mga magulang ko noong bata ako na ang pagtulong ay walang inaasahang kapalit. Tutulong po ako sa abot ng aking makakaya dahil tama po si Aldin, para rin po ito sa kinabukasan niya at ng buong universe."
"Hindi kataka-takang ikaw ang pinili ng pustiso para maging bagong protektor nito dahil napakabusilak ng kalooban mo, Izza." Sumibol ang ngiti sa labi ni Izza dahil sa papuring iyon ng Reyna. "Huwag kang mag-alala bilang... sabihin nating... ako nga ang fairy godmother mo, gagawin ko rin lahat ng maaari kong gawin upang matulungan kayong magkapatid. Ako na ang bahala sa pag-aaral ng kapatid mo. Hindi naman iyon mabigat sa akin dahil hello milyon-milyong estudyante lang namang ang napag-aaral ko sa kaharian namin kaya kering-keri ko yan."
Napapalakpak at napaluha sa galak si Izza sa ipinangako ng Reyna dahil ang masiguro ang kinabukasan ng kanyang kapatid ang bagay na masasabi niyang lubos na makakapagpasaya sa kanya. "You really are my fairy godmother po."
Napangiti rin si Reyna Gibib dahil sa kasiyahan na makapag-abot ng kasiyahan para sa iba.
"Salamat po, Reyna Gibib. Isa po kayong hulog talaga ng langit sa amin." nagkakamot na nagpasalamat ang pinapapak na ng lamok na si Aldi. "Ate, baka naman pwede na tayong pumasok sa loob? Nilalamok na ako rito eh."
"Bakit ngayon mo lang naman zinabi!" natatawang reklamo ni Izza na ginulo pa ang buhok ng kapatid saka binalingan niya ang natatawa na ring si Reyna Gibib sa harutan nila. "Reyna Gibib halika po sa loob ng munti naming tahanan."
-------------------------------------------------------
Sa Barangay Tukang Uwak sa Bayan pa rin ng Songu na nasasakop ng probinsiya ng Boca Grande, napadpad ang Natatanging Tinga. Tangay-tangay ng hanging Easterlies, napadpad sa bahay ng mga Caliboso ang Natatanging Tinga. Nasuot ito sa awang ng bintana sa kusina at saka na-shoot sa mangkok na puno ng karne. Iyon ay ang ginagawang meatballs ni Valeen-isa ring binabae na tindera ng karne sa palengke ng Songu.
Matapos kuhanin ang garapon ng asukal ay binalingan muli ni Valeen ang mangkok ng karne. Kumutsara siya ng asukal at pagkatapos ay hinalo ng mabuti ang meatballs mixture gamit ang kanyang kanang kamay. "Finally, natapos ko na rin ang bago kong product! Ok na kaya ang timpla? Tamang-tama hindi pa ako naghuhugas ng kamay! Bakit hindi ko kaya tikman?"
Sa kakahalo ni Valeen ng mixture gamit ang kamay, kumapit doon ang Natatanging Tinga. At nang idinampi ni Valeen ang kanang hintuturo sa kanyang dila ay lumipat doon ang tusong Tinga!
"Hmmmm.... Kakaiba ang lasa! Sobrang cherep!" Matapos purihin ang ginawa, nagkikisay si Valeen hanggang mapahiga sa sahig ng kusina. "Pamatay ang cherep!"
Ilang segundo lang ang lumipas ay tumigil na ang pangingisay ni Valeen kasabay ng pag-iiba ng kulay ng kanyang mga mata na nanlilisik sa pula habang ang kanyang mga buhok naman ay naging mahahabang hibla ng karne. Tumayo siya mula sa pagkakahiga para tignan ang sarili sa kalapit na salamin sa dingding. Humalakhak siya sa galak dahil sa pagkakaroon ng bagong katawan. "Ako na ngayon si Valeen-tinga!"
Dahil sa sobrang pagtawa na hindi mawatasan, nasamid ng laway si Valeen dahilan para siya ay ihitin ng ubo. Ngunit nanatiling nakakapit ang Natatanging Tinga na sumiksik pa sa pagitan sa wisdom ng kanyang bibig. Sa muling pagharap ni Valeen sa salamin sa dingding ay bumalik na sa normal ang kanyang pisikal na anyo. Dahil sa kakaibang bigat na patuloy pa ring nadarama, napatanong na lamang si Valeen sa sarili, "Ano ba ang nangyari sa akin?"
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com