Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata VII

Ang Bagong Pizzazz

"Kanina ka pa Caldo–" Hindi na natapos ni Izza ang sasabihin dahil hinila na lang siya ng kausap papunta sa isang sulok ng may kadilimang abandonadong gusali.

Hindi ang bumabalot na dilim o ang katahimikan ng paligid ang nagpapakaba kay Izza, kundi ang binabalak namang gawing pag-angkin sa kanya ni Cardo sa maiksing oras na mayroon sila sa gabing iyon.

Akma nang hahalikan na ni Cardo ang mga labi ni Izza, ngunit bigla siyang napatigil matapos may maamoy na hindi kaaya-kaya. "Grabe naman Izza ang hininga mo ngayon! Amoy naagnas na bagang!"

"Nakakainzulto ka, ha!" Napatampal tuloy si Izza sa balikat ni Cardo na todo kurot na sa ilong nito para hindi na makaamoy. "Ako na nga itong wala nang mga ngipin, ako pa pagbibintangan mo ng gan'on!"

Napahagalpak ng tawa si Cardo sa mga sinagot ni Izza sa kanya.

"C-Caldo? Lumilindol ba?" tanong ni Izza na biglang naglambot ang mga tuhod dahil sa naramdamang pagyanig ng kinatatayuan niya.

"Oo!" Namilog ang mga mata ni Cardo matapos makumpirma sa sarili na tama si Izza. "Tara? Lumabas na tayo sa gusaling ito?"

Inakay niya si Izza palabas ng abandonadong mall at sa hindi kalayuan ay natanaw nila ang isang nilalang na may kagimbal-gimbal na itsura at laki.

"KAPAPASOK lamang po na balita: Isang peculiar being na animo'y isang malaking T-Rex ang kasalakuyang naghahasik ngayon ng lagim sa bayan ng Songu. Ito po ang pinagmumulan ng hindi aaya-aya at nakakasulasok na hininga at dahil sa katangian niyang iyon, tinawag siya ng mga scientist bilang si Big Bad Breath."

"Ito na nga ba ang sinasabi ko! Nagkaroon nga ng mutation ang Tonsil Stone dito sa Planetang ito," komento ng nangangambang si Reyna Gibib na nayakap na lang ang sarili dahil sa narinig na nakakagimbal na balita sa radyo. "Nasaan na kaya ang ate mo? Baka nasa panganib siya?"

Dudukutin na sana ni Aldin na isa pang nakikinig sa radyo ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang suot na short nang mag-ring na ito. Nang kanyang tignan kung sino ang tumatawag ay rumehistro sa screen ang pangalan ng kanyang kapatid. Kaagad na sinagot ni Aldin na nag-aalala na rin ang tawag ni Izza. "Hello, ate?"

"Aldin, ang puztizo?" Maririnig sa boses ni Izza ang pagkabahala rin na kanilang nadarama.

"Okay, ate papunta na ako diyan." Alam na ni Aldin kung saan ito naglalagi tuwing gabi na hindi ito lumalahok ng miss gay beauty pageant.

Nagkumahog na tinunton ni Aldin ang kuwarto ng kapatid at kinuha mula sa basong may tubig na nasa ibabaw ng sidetable ang Powerful Pustiso ng Planetang Ngangabu.

Pipihitin na sana ng nanginginig na kamay ni Aldin ang doorknob palabas ng bahay nang pigilan siya ni Reyna Gibib. "Aldin, maiwan ka na lang dito, ako na ang magdadala niyan sa ate mo. Lubhang mapangib ang sitwasyong ito."

"Pero, Reyna Gibib, kailangan na po nating magmadali. Kabisado ko po ang daan papunta sa kinaroonan ngayon ni ate at may bike po ako na mapapabilis ang pagpunta roon," pangangatwiran naman ni Aldin.

"Kung ganoon ay sige sasamahan na lang kita."

Ngiti na lang ang naitugo ni Aldin sa suhestiyon ni Reyna Gibib habang tuluyan na niyang binuksan ang pinto.

Sa may angkasan ng bike umupo ang reyna na nakakapit sa matulin na nagpapatakbo niyon na si Aldin. Malayo pa lamang sila ay natatanaw na nila ang nakakahilakbot na bikas ng kakaharapin nilang problema. Ginamit na lamang ni Aldin ang kabog ng dibdib na musikang isasaliw sa mga paa niyang pumepedal. Habang papalapit na sila sa abandonadong mall ay ang paglapit din ng peculiar being na si Big Bad Breath sa naturang gusali.

Hindi na nagawa pang makalapit ni Aldin sa kinaroonan niya dahil sa takot n maapakan ng halimaw na nasa tabi na ng kapatid niya. Naihinto na lamang niya ang minamanehong bisekleta para dukutin sa bulsa ang pustiso at para pukawin ang atensiyon ng kapatid. "Ate!"

Nadinig naman siya ni Izza na sumenyas ng paghingi ng pustiso. Ibinalibag ni Aldin sa abot ng kanyang makakaya ang hawak na pustiso papunta sa kapatid. Dahil sa lakas ng pagkakahagi ni Aldin ay muntik na itong hindi masapo ni Izza buti na lamang ay sumakto ang ginawa niyang pagtalon kaya nahagip ng nakaunat niyang kanang kamay ang pustiso. Ngunit natapik naman siya ng buntot ng higanteng nilalang na dahilan upang tumilapot siya. Wala nang pamimilian si Izza kung hindi ang isubo ang pustiso para ihiyaw na nang tama ang password upang maligtis niya ang kanyang buhay mula sa bingit ng kamatayan! Kaya kahit nakalutang sa ere ay pinilit niya ang kanang kamay na mailagay ang pustiso sa kanyang nakabukang bunganga. Matapos niya iyong magawa ay dali-dali niyang inihiyaw ang salitang, "Pizzazz!"

Panandaliang tumigil ang oras upang bigyan ng sandali ang pagpapalit niya ng pustiso-inspired costume. Sa sobrang tuwa ay nanggilid ang mga luha sa mga mata ni Reyna Gibib at ni Aldin na tila nabunutan ng tinik sa mga lalamunan matapos makatindig nang maayos ni Izza sa lupa habang suot ang pustiso-inspired costume.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Izza dahil marami nang mga resisdente ang apektado dahil sa umaalingasaw na hininga ni Big Bad Breath, sinuntok niya ito sa may baba dahilan para tumilapon ito sa sa malawak na quadrangle ng Songu State University. Lalapit niya sana ito para tapusin na ang laban nang bigla itong maglaho kasabay ng pagsilip ng araw na hudyat na tapos na tapos na ang bukang-liwayway at nagsisimula na ang umaga.

Ang mga nag-aabang na lang sa kanyang sina Reyna Gibib, Aldin at Cardo ang kanyang nilapitan. Salubong na kilay ang ipinangbungad sa kanya ni Cardo na nahihiwagaan sa mga nangyayari.

"Izza? Paanong... paano ka naging superhero?" tanong nito matapos niyang makatapak na sa lupa.

"Izza!" Gaya ng sabi ni Reyna Gibib upang bumalik siya sa orihinal niyang katauhan ay inihiyaw ni Izza ang kanyang pangalan upang matanggal ang pustiso sa kanyang bibig. "Dahil dito, Cardo." Ipinakita niya kay Cardo ang hawak na niyang Powerful Pustiso of Planet Ngangabu.

"Saan iyan galing? At paanong napunta naman sa iyo 'yan?" mga pahabol na tanong ng nalilito pa ring si Cardo.

"Mabuti pa ay umuwi muna tayo para sa bahay ko na lang sa iyo ikwe-kwento," suhestiyon ni Izza sa kaibigan.

Itutuloy...







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com