Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata VIII

Ang Sumpa ng Pustiso

"Isang superhero na amoy bagong sipilyo ang sumaklolo sa Bayan ng Songu laban sa nakakahindik at umaalingasaw na nilalang na binansagang alyas 'Big Bad Breath'. Ngunit matapos sugurin ng ating bagong bayani si Big Bad Breath ito'y tumilapon sa quadrangle ng Songu State University at bigla na lamang naglaho kasabay ng pagsapit ng umaga. Ganoon din ang ating superhero na wala nang nakapagsabi kung ito'y kanilang nakita pa. Nasaan na nga kaya ang dalawang misteryosong nilalang na gumulat sa Bayan ng Songu? Tapos na nga kaya ang kanilang laban?" Headline ngayon sa balita sa radyo ang ginawang kagitingan ni Izza bilang bagong Pizzazz na talaga namang nakapagpa-proud kay Reyna Gibib at Aldin na kasama ni Izza na nakikinig sa radyo sa munti nilang salas.

Kahit na wala pang tulog ay gumayak pa rin si Izza para magtungo pa rin sa palengke ngayong araw. Hindi na siya nakapamitas ng gulay dahil inabutan ng sikat ng araw ang gulayan niya at mukhang wala na rin siyang aabutang mga magsasakang nagbebenta ng kanilang mga ani, sadyang hindi naman talaga ang pagtitinda ang kanyang ipupunta roon kundi ang rumampa suot ang Powerful Pustiso.

Gusto lang naman niyang ipakita sa mga tao ang matamis niyang ngiti matapos niyang mapagtagumpayan ang kanyang unang pagsubok na makapag-transform sa pagiging Pizzazz. "Okay lang naman siguro iyon? Hindi naman siguro masama ang naiisip ko. Deserved ko naman sigurong mag-flex ng beauty ko? Saglit lang naman, eh."

Suot ang karaniwan niyang pang-porma na wedge sandals, skinny jeans at ang paborito niyang pulang blouse ay tila nasa entablo si Izza at wala sa kalsada kung makarampa na parang isang top model. Hindi niya sakay ngayon ang kanyang trike dahil nga wala naman siyang dalang paninda. "Pak! Akala niyo si Izza Calzado na? Si Izza lang 'to na naglalakad sa kalsada!" kausap niya sa sarili habang abot-langit ang kumikinang na ngiti.

Nang matapat sa dental clinic ni Doc Dante na madaraanan papunta sa palengke ay napahinto si Izza. Natulala at mas lalong lumapad ang suot na ngiti nang matanaw sa may pintuan ng clinic ang hinahangaang dentista. Estudyante pa lang si Doc Dante ay crush na ito ni Izza. Sa katunayan si Doc Dante ang dahilan kung bakit naging bungal ang ating bida. Hindi dahil sa suki rin ito ni Izza ng inaalok niyang service tuwing gabi kundi dahil sa kagustuhang makalapit ni Izza sa kanya kaya siya nagpapabunot ng ngipin para pag-practise-an. Ngiti man niya ang kapalit, nagawa na lang niyang matitigan ito sa malapit!

"Izza!" Bumalik lang sa wisyo si Izza sa tawag na iyon ni Doc Dante na lumabas na pala mula sa pintuan ng clinic. "Halika, may ibibigay ako sa yo!"

"Hala! Anetch kaya iyon?" Hindi mapakali si Izza. Natataranta na parang nangangailang pumunta sa banyo. Nangingiti na hinawi ang buhok hanggang sa magmukha na siyang baliw dahil sa halip na maayos iyon ay mas lalo lang gumulo. Napakuha na siya ng pressed powder sa kanyang bag para tignan sa salamin nito ang kanyang bikas.

"Huwag ka nang magpaganda... maganda ka na!" Namula sa sinabing iyon ni Doc Dante ang naging confidently beautiful with the heart na ulit na si Izza.

"Ikaw kaya ang purihin ni crush!" Kaya naman naglakad na si Izza na tila mahahati ang bewang sa seductive kuno na pagrampa papalapit sa lalaking kanyang pinapangarap habang napapakanta pa ng mga linya ng kantang 'Sugarol'. "Isang hakbang patungo sa 'yo kahit 'di sigurado kung mayro'n mang sasalo. Isa, dalawa, tatlo, susugal ako."

Nang makalapit na si Izza sa entrance ng clinic ay kaagad inabot ni Doc Dante ang isang sobre sa kanya na kinuha naman ni Izza at binuksan mula sa pagkakaselyo. Isang imbitasyon pala ang laman niyon!

"Sana makapunta kayo, Izza, sa birthday party ko sa makalawa."

Abot langit na naman ang ngiti ni Izza dahil sa paanyayang iyon ng kaharap na anghel. Dahil sa nakakasilaw na ngiti ni Izza sa pamamagitan ng Powerful Pustiso ng Planetang Ngangabu ay napansin iyon ni Doc Dante. "Nice, may denture ka na? At may kasama pang braces! Bagay sa 'yo!" Napakagat ng ibabang labi ang dentista habang nakatitig pa rin ng malagkit kay Izza.

Napahawi ng kunya-kunyare bangs papunta sa likod ng tainga ang kinilig na si Izza sa pamumuri ni Doc Dante. Tinapik niya ito sa balikan saka nagsalita ng pabebe. "Telege be?" Pagkasabi niyon ay parang huminto ang mundo ni Izza dahil sa sobrang sakit na naramdaman matapos niyang makagat ang kanyang dila.

Napansin ni Doc Dante na tila naiiyak ang kausap na napahawak sa kanyang bibig kaya tinanong niya ito. "Izza, okay ka lang? Anong nangyayari sa 'yo?"

"Eh!" Sinubukang tumugon ni Izza sa tanong ng dentista pero walang lumalabas na salita sa kanyang bibig. "Eh! Eh! Eh!"

"Ha? Wala akong maintindihan?" hindi na malaman ang gagawin ng natataranta nang si Dante na napakamot na lang ng ulo.

''Wag kang mag-alala dahil kapag suot mo ito ay hindi ka tatablan ng kahit na anong armas kahit pa ang Powerful Pustiso sa kahit na anong parte ng iyong katawan. Unless, gagamitin mo ito sa iyong pansariling kapakanan, isusumpa ka nito na talaban ang iyong dila.' Saka naalala ni Izza ang sinabi noon ni Reyna Gibib sa orientation sa kanya.

"Shegi!" Ang salitang tanging nasambit ng nagsisisi nang si Izza sa kanyang isip. Dahil sa hiya sa kanyang crush ay napatakbo siya pabalik sa kanilang bahay upang humingi na rin ng saklolo sa nag-iisang tao na nakikita niyang nakakaalam kung ano ang dapat niyang gawin sa kanyang sitwasyon ngayon at iyon ay walang iba kung hindi ang reyna ng Planetang Ngangabu.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com