Chapter 1: Meet Leslie
Chapter 1: Meet Leslie
I'm looking carefully at the picture of spaceship that I got in the Internet, it went viral and pretty sure millions had already seen this. But most people thought that it wasn't real. Still, there are few who believe it was true and I'm one of them.
Yes, isa ako sa mga naniniwala na may mga nakatira sa ibang planeta. Matagal ko ng pinapangarap na mapunta sa ibang planeta pero napakaimposibleng mangyari yun sa isang katulad ko. Matagal ko na silang pinag-aaralan, marami na rin akong nalalaman about sakanila pero lahat yun ay hindi sigurado dahil nanggaling lang yun sa mga libro at sa mga research ko.
Bakit ako naniniwala sa alien? Yan ang madalas na tanong nila sa akin.
[Flashback]
Nagsimula ako maniwala sa alien ng 8 years old pa lang ako. Naligaw ako noon sa gubat, hindi ko alam kung bakit ako napunta doon, basta ang tanging ginagawa ko lang ay ang tumakbo para taguan si Pia, ang bestfriend ko.
May nakita akong mga armadong lalaki kaya nagtago ako sa malaking puno. Akala ko noon, mga sundalo sila. Pero kakaiba ang mga suot nila dahil parang mga robot ito. At ang astig ng mga armas na hawak nila, first time ko makakita ng mga ganoong tao. Sa likod nila ay may kakaibang sasakyan na hugis pabilog at wala itong mga gulong, lumulutang lang ito sa ere. Bigla itong bumukas at may mga taong lumabas mula sa sasakyan na yun.
Namangha ako sa mga taong nakikita ko ngayon dahil parang mga hari at reyna sila. Naunang lumabas ang mga babaeng mukhang mga tagasilbi, pumunta ito sa gilid para padaanin ang isang bata at isang matandang lalaki.
"Why are we here Dad?" tanong ng batang lalaki na ngayon ko lang napansin. Sobrang puti nito na kala mo ay hindi na nasisinagan ng araw. Panay siya ng tingin sa paligid niya. Napahagikhik na lang ako dahil ang cute niyang tingnan. Bigla siyang tumingin sa pinagtataguan ko. Buti na lang hindi niya ako napansin.
"Ito ang planetang pinagmulan ko anak, balang araw ay paghaharian mo ang planetang ito tulad ng paghahari ko sa planeta natin." sagot ng isang lalaki na nasa likod niya na sa tingin ko ay ang kanyang tatay. Hindi agad nagsink in sa utak ko ang mga sinasabi nila. Anong ibig nilang sabihin? Planeta? Paghaharian? Ano ba sila?
"But why it's look similar to our planet?" inosenteng tanong ng bata.
"Dahil ang Planet Earth at ang Planet Htrae ay isang magkapatid na planeta. Maraming silang pagkakaparehas at marami din silang hindi pagkakaparehas." nginitian niya ang kanyang anak na mukhang nalilito. "Kapag ganap ka nang hari ay tsaka mo lang maiintindihan ang mga ito, sa ngayon bumalik na tayo dahil baka hinahanap na tayo ng Mommy mo." pumasok na sila sa loob ng sasakyan, ganon din ang mga armadong lalaki na nakapalibot sakanila at nawala na lang sila ng bigla.
Ngayon ko lang narealize na ang laki na pala ng buka ng bibig ko. Kahit bata pa lang ako, naiintindihan ko na mga pinag-uusapan nila. So nanggaling sila sa ibang planeta? Mukha naman silang mababait at narinig ko din sa pagkukwentuhan nila na balang araw ay maghahari ang batang yun dito sa planeta namin. Pero paano niya naman yun magagawa?
Lumapit ako sa pwesto ng sasakyan nila kanina, nakakamangha talaga, paano sila nawala ng bigla? Siguro mas advanced ang technology nila para makagawa ng ganoong sasakyan.
May napansin akong kumikinang sa damohan. Ano yun? Pinulot ko ito.
Isang bracelet? Kanino naman kaya ito? Siguro nalaglag to? Wait, may pangalan na nakalagay.
Jerrar.
Kakaiba ang style at design ng bracelet na'to, napaka unique, ngayon lang ako nakakita ng ganito. For sure mamahalin to.
Tama, suot niya to kanina. Ang batang alien na yun ang may ari nito. Balang araw hahanapin niya to kaya mas mabuting itago ko'to. Isinuot ko ito sa wrist ko, mukha naman siyang maganda kahit panglalaki ang design. Nagulat ako ng may marinig akong kakaibang ingay, parang may paparating.
Bigla na lang sumulpot ang sasakyan ng mga alien sa harap ko. Hindi pwede to. Hindi nila ako pwedeng makita. Bumukas ang pinto nito at sumalubong sa akin ang mukha ni Jerrar na gulat rin. Bigla na lang akong tumakbo dahil naisip ko na baka bumalik sila dahil balak nila akong kunin.
"Hey come back, ibalik mo ang bracelet ko!" sigaw nito at nagsimula na din siyang tumakbo para habulin ako.
So sakanya talaga ang bracelet na napulot ko. Hindi niya ako pwedeng mahabol dahil baka ikulong nila ako sa planeta nila at hindi na ako makabalik dito. May nakita akong ilog sa di kalayuan. Tama lalangoy ako papunta sa kabila ng ilog, baka hindi siya marunong lumangoy.
Malapit na ako sa ilog, mukha naman itong mababaw. Tumingin ako sa likod, malapit na siya sa pwesto ko.
"Ibalik mo ang bracelet ko!" sigaw ulit nito. No hindi ko 'to babalik sayo. Ikukulong niyo lang naman din ako eh. Lumusong na ako sa ilog, ng makarating ako sa gitna hindi na ako makalangoy. Oh no malalim pala sa gitna. Nagsimula na akong makainom ng tubig at hindi na ako masyadong makahinga at unti-unti na akong nalulunod.
"Tulungan niyo ko!" naiiyak na sabi ko. Someone help me, hindi pa ako pwedeng mamatay.
Sinubukan kong bumalik sa ibabaw but someone grab my wrist para makaalis sa ilalim ng tubig. Napaubo ako ng tubig ng makabalik na ako sa gilid ng ilog. Tumingin ako sa nagligtas sa akin, si Jerrar ang batang alien ang lumigtas sa akin.
"Bakit kasi tinatakbuhan mo'ko. Hindi naman kita sasaktan eh. Ang kailangan ko lang naman sayo ang bracelet ko, nakita ko kanina na suot mo ito." pagpapaliwanag niya sa akin. Habang ako hinahabol ko pa rin ang paghinga ko. Naiiyak ako, muntik na akong malunod.
Kinapa ko ang bracelet sa wrist ko. Teka, kanina suot ko lang yun bago ako lumusong sa ilog. Napansin niya naman na mukhang nawawala ang suot kong bracelet kaya inunahan niya na ako. "Mukhang nahulog na yun sa ilog." dismayadong sambit niya pero makalipas ang ilang segundo ay ngumiti ulit siya. "Pero okay lang, ang mahalaga ligtas ka na." ngumiti siya ng matamis pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang yon. Yung tipo ng ngiti na halos makatunaw ng paningin.
"Humihingi ako ng pasensya dahil sa nangyari sa bracelet mo, kung hindi kita tinakbuhan edi sana hindi yun mahuhulog sa ilalim ng tubig. Nagpapasalamat din ako sayo dahil sa pagsagip mo sakin. Sa kabila ng mga ginawa ko sayo mas pinili mo pa rin akong iligtas. Tatanawin ko itong utang na loob sayo." pagpapasalamat ko sakanya at yumuko ako bilang paggalang.
"Wag mo ng isipin yun. Mas mahalaga ang buhay kaysa sa mga importanteng bagay." tumango ako bilang sagot. "Ako nga pala si Jerrar." inilahad niya ang kanyang kamay sa akin.
"Ako naman si Les-" hindi ko na naituloy ang pagpapakilala ko ng dumating ang mga tagasilbi niya.
"Master Jerrar, kailangan mo ng bumalik sa sasakyan. Kailangan na natin bumalik." yumuko ito sa amo niya at inabutan ito ng towel dahil basang-basa siya gaya ko.
"Hanggang sa muli binibini." yumuko ito bilang pagpapaalam, yumuko din ako pero pagtingin ko sa harap ko ay wala na siya. Umalis na sila.
"Leslie! Pinagod mo naman ako! Alam mo namang delikado dito diba! Gitna na'to ng gubat." sakto namang dumating ang matalik kong kaibigan na si Pia. "At bakit basa ka? Naligo ka sa ilog ng wala ako?"
"Sabi mo kasi pwede akong magtago kahit saan pero ang tagal mo kaya naligo na lang ako sa ilog." pangpipilosopo ko sakanya. Balak ko sanang ikwento sakanya lahat ng narinig at nakita ko kanina at ang tungkol kay Jerrar pero alam ko namang hindi siya maniniwala, kaya mas pinili ko na lang manahimik at itago sakanya ang tungkol dito.
"Tara na dali! Hinahanap na tayo ng mga magulang natin." pagmamadali ni Pia at tuluyan niya na akong hinila palabas ng gubat.
Sa huling sandali, tumingin ako sa gubat. "Hanggang sa muli Jerrar."
[End of Flashback]
Isinuot ko uli ang bracelet na kanina ko pa tinitingnan habang inaalala ang lahat. Sampung taon na pala nakalipas ang pangyayaring yun. Napapangiti na lang ako kapag naaalala ko kung paano ko nahanap ang bracelet. Nandoon lang naman pala yun sa pocket ng pants ko. Hindi ko alam kung paano yun napunta doon pero laking pasasalamat ko na hindi siya nalaglag sa ilog. Kahit papaano ay meron akong bagay na magpapaalala sakin ng pangyayaring yun at magpapatunay sa akin na hindi yun isang panaginip. Totoo ang lahat ng nangyari 10 years ago at panghahawakan ko yun habang buhay.
Bumangon na ako sa pagkakahiga, nakalimutan ko na may pasok pala ako ngayon. Isa akong senior high student na pumapasok sa isang sikat na eskwelahan. First day ko bilang isang senior high student pero wala man lang akong nararamdamang excitement sa katawan. Eh pano ba naman kasi, nakakaumay na mga itsura ng mga dati kong kaklase na hanggang ngayon ay kaklase ko pa rin. Feel niyo ko?
Naligo agad ako at nagbihis ng uniform. Ayokong malate ako ngayong first day dahil kung malalate ako ngayon, tuloy tuloy na'to buong school year.
Ako nga pala si Leslie Carter, 18 years old. Anak ako nila Lester Carter at ni Lilie Carter at meron akong peste sa buhay na kapatid at siya si Loki Carter.
Bumaba agad ako ng hagdan at dumeretso sa dining area. Naabutan ko silang nagbebreakfast na.
"Do you have any plans to wait for me?" pagtatampo ko sakanila.
"Aba bakit nagtatampo ang baby girl namin? Heto na nga oh, pinaghahandaan ka na namin." lambing ni Mama sakin. Hindi sa pagmamayabang pero meron akong napakasweet at napakagandang ina. Sakanya ko namana lahat ng ugaling meron ako ngayon.
"Wag kang o.a panget, pakain pa lang kami oh." pangbabara sakin ni Kuya. Sanay na ako sa pangbabara niya kaya hindi ko na lang siya pinansin at tumingin na lang kay Papa.
"Pa drink your coffe na, sige ka lalamig yan kakabasa mo ng mga librong yan." kay papa ko naman namana ang hilig ko sa pagbabasa ng libro. Sinilip ko ang librong binabasa niya ngayon at about ito sa Universe. Napangiti ako dahil parehas din kami ng interest. He's very strict, kaya kahit itong si Kuya na paloko-loko ay nagiging matino kapag kausap siya. Madalang lang si Papa magsalita kapag kami ang kausap pero kapag kausap niya naman si Mama at ang katrabaho niya, nasasalita naman siya kahit konti. Kaya kapag nagsalita at tumaas boses niyan, kabahan ka na. Pero kahit ganon si Papa, alam naming mahal niya kami.
"Panong lalamig yan? Eh ubos na." napatingin ulit ako sa nagsalita. Nakakairita talaga boses ng mokong na'to.
"Alam mo ang epal mo. Ang hilig hilig mong mangialam kaya palagi kayong nagbebreak ng girlfriend mo eh!" pang-aasar ko sakanya.
"Ikaw nga walang boyfrie-" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil tiningnan na siya ni Papa. Sign yun na 'tumigil ka na'. Ngumiti ito ng nakakaloko at nagpeace sign kay Papa kaya bumalik na ito sa pagbabasa niya.
Nakita ko sa mukha ni Kuya na napikon siya, buti nga sayo. Akala ko titigil na siya pero dinilaan niya ako. Hays lumalabas nanaman pagkachildish niya. Inirapan ko na lang siya at dinuro-duro sakanya ang tinidor na may hotdog na nakatusok para sabihin sakanya na 'tigil-tigilan moko'.
Napansin naman ni Mama na dinidilaan ako ni Kuya tuwing kakain ako. "Oh ano nanaman problema Loki? Para kang sinasapian dyan sa pinaggagawa mo. Ang hilig mong awayin kapatid mo. Tingnan mo ngayon, mas matanda ka sakanya pero magkabatch kayo. Kailan ka ba magbabagong bata ka? Lagi ka na lang ganyan. Sa susunod na umulit ka sa pag-aaral, magtrabaho ka na lang. Nagsasayang ka ng oras eh no and at the same time nagsasayang ka na din ng per-" hindi na din naituloy ni Mama ang sasabihin niya dahil nakatingin na din sakanya si Papa. Napatikom na lang ito ng bibig dahil sa pagsesermon niya kay Kuya. Tuwang-tuwa naman si Kuya dahil hindi na naituloy ni mama ang pagtalak nito.
Tapos na kami kumain at ready na kami umalis ni Kuya. "Alis na ho kami."
Nag-unahan kami ni Kuya sa kotse at sa kasamaang palad naunahan nanaman niya ako. Kung sino kasi yung mahuli, siya yung magdadrive ng kotse.
"Ayos ka ah, araw-araw na lang ako nagmamaneho nito." reklamo ko sakanya.
"Bilisan mo na, hinihintay na ako ni Lucia." reklamo niya din. Si Lucia Murphy ang girlfriend niya. Isa sa mga mortal enemy ko. Palagi silang may issue saming magkakaibigan, lalo na sa akin. Mga insecure kasi sila lalo na yung bestfriend niyang si Juvia Cassidy. Kapag naiisip ko sila sumasakit lang ulo ko. Sana ngayong school year, tumigil na sila.
Pumasok na ako ng kotse at umupo sa Driver's Seat and I immediately start the engine of may car and drove away.
•••
Author's Note:
Leslie Carter. What can you say about her? What is your first impression to her? How about Jerrar? I hope to see your comments below.
Official hastag: #PlanetHtrae
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com