Chapter 2: Bracelet
Chapter 2: Bracelet
Bumaba ako ng kotse pagkatapos ko itong ipark sa parking lot ng school. Hinanap agad ng mata ko ang mga kaibigan ko. Nasaan kaya sila.
"Mauna na ako panget, bahala ka na maghanap ng room mo, hindi ka na bata para ihatid pa." sabi ni Kuya na nagmamadali bumaba ng kotse. Tse bahala ka na sa buhay mo, total ayaw naman kitang kasabay eh.
"Text me if kung makita mo man lang yung mga kaibigan ko." mabilis siyang tumango at umalis na.
Halos namimiss ko na din sila dahil ang haba ng bakasyon. Naglakad lakad ako sa campus at nagbabakasakaling makita sila. Hindi ko pa naman alam kung saan ang room ko.
"Omg talaga girl! Madadagdagan nanaman ata ang crush list ko ng dahil sa transferee na yun." lumaki tenga ko sa pagrinig sa mga babaeng nagkukwentuhan na nakakasalubong ko.
"Ang pogi niya girl! Sobrang hot pa tapos sobrang puti niya. Sana mapansin niya ako."
"Gusto ko nga siyang lapitan kanina eh kasi mukha siyang naliligaw."
"Sayang hindi natin natanong pangalan."
"Oo nga sis! Edi sana inistalk natin siya ngayon sa facebook." ang haharot ah.
Narinig ko mga usap-usapan ng mga babaeng nakakasalubong ko. Really? Pogi yung bagong transferee? Geez gusto ko siya makita agad. Try ko ngang hanapin para mahanap ko na din mga kaibigan ko.
Habang naglalakad ako may nabangga akong lalaki. Aray! Feel ko nagkabukol ako sa noo. Actually ako yung may kasalanan dahil hindi ako tumitingin sa daan. Napaupo ako sa sahig dahil ang sakit nga! Sino ba tong taong to? Bat ang tigas naman ng katawan niya.
"Pasensya na miss, bago lang ako dito kaya medyo naligaw ako." omo siya na ba yung transferee? Hindi ko siya masyadong makita kasi naman nakakasilaw yung sinag ng araw. Pero why?! Boses niya pa lang nanlalambot na tuhod ko.
Inabot niya sakin ang kamay niya at tinulungang akong makatayo. Gosh, bakit ang lambot ng kamay ng lalaking to? Dinaig niya pa ako. Nang makatayo na ako ay feeling ko ay tutumba ulit ako. First time ko maging ganito sa isang taong kakakilala ko pa lang.
Ang lakas ng dating niya. Nasakanya na lahat. Perfect na katawan, maputi, matangkad, at ang g-gwapo niya! Ang perfect ng pagkakagawa sakanya! Omg nagsmile siya. Tumingin ako sa likod para masigurado ko kung ako ba yung nginingitian niya. Confirm ako nga.
"Hello haha, pinanganak na talaga akong lampa kaya wala kang kasalanan kuya." parang tanga akong nagbow pa sakanya. Pinagpag ko rin ang puti niyang uniform dahil baka nadumihan ko ang nilalang na'to.
"Kasalanan ko miss, hindi ako tumitingin sa daan."
"Ako ang hindi tumitingin sa daan!"
"Sabing ako!"
"Ako!"
"Sige kasalanan mo na." pagsuko niya. "Anyway I'm Jed Llark Alucard Crosby for short Jellal na lang. Pwede mo ba akong tulungan na hanapin room ko? Hindi ko alam pasikot-sikot sa school na'to eh." napakamot siya sa ulo niya. Wow ang haba ng pangalan niya ah, Jellal lang yung natandaan ko. "Ano pala pangalan mo?" he asked in a manly voice. We di nga? First time may magtanong na pogi kung ano pangalan ko! Nya kinikilig ako.
"Ako?" Omg anong sasabihin ko? Tumango naman siya. "Uhm I'm Shingle." sagot ko in a pabebe voice. Napatakip naman ako ng bibig ko ng magsink in sa utak ko kung anong sinabi ko.
"What do you mean? Single name mo? Ang astig ah. Paano kung magkaasawa ka na? Single pa rin ba name mo?" tumawa siya na nakatingin sakin.
"Bahala ka nga maghanap ng room mo." mataray kong sabi sakanya para makaalis na ako dahil feeling ko mahihimatay na lang ako ng bigla kapag tumawa ulit siya. Bat ang pogi niya pa rin tumawa? Bat ganon
Tumalikod na ako sakanya at aktong aalis na ng biglang marahas niyang hilain ang kamay ko. "Hey Single nagbibiro lang ako." hala siya, single na talaga tawag niya sakin. Pano ba to? Pabayaan na nga, bahala siya kung anong itawag niya sakin.
"Kuya lubayan mo na ako, hinahanap ko din classroom ko at may hinahanap din akong mga tao." pagtatakwil ko sakanya dahil baka isipin ng mga kaschoolmate ko, first day pa lang nanglalandi na ako ng isang pogi at hot na transferee.
"Edi sabay na tayo maghanap ng room natin." hinigit niya kamay ko at hinayaan ko na lang siya na hilain niya ako. Sige na sasamahan ko na siya, wala namang masama kung hahanapin namin ang room namin ng sabay diba?
"Try natin doon sa building na yun." tinuro ko ang isang building na puno ng mga familiar na estudyante na nagsisi-akyatan. Baka nandun yung room ko. At kung mahanap ko na room ko, bahala na siya maghanap ng sakanya dahil hindi ko na kayang magkaholding hands kaming naglalakad. Baka kung ano na isipin ng mga estudyante dito.
"Kuya pogi!"
"Crush kita kuyang transferee na maputi na matangkad na pogi hihi."
"Kuyang transferee, pa eut."
Napansin kong pinagpapawisan siya ng napadaan kami sa mga estudyante na halos mga babae, marahas nilang tinitingan si Jellal na kala mo pagkain siya. Agad kong hinila ang kamay ko sakanya ng napadako ang tingin nila sa kamay naming dalawa. Shemay bat ganto mga tingin nila sa amin?
"Single." sino kausap neto?
"Hoy Single!" bulyaw niya.
"Ako ba?" tanong ko. Hindi naman kasi Single pangalan ko eh.
"Malamang, may iba pa bang Single dito." tanong niya na naiirita. Napataas naman ang kilay ko sa inasal niya. Gusto ko tuloy isigaw sa dalawang tenga niya na Leslie ang pangalan ko gamit ang isang megaphone.
"Ano ba yun?" tanong ko na naiirita na din.
"Bat ganyan sila makatingin sakin? Kulang na lang hubaran nila ako eh." yan tayo eh, kasalanan yan ng mga magulang mo. Masyado silang maganda gumawa ng anak kaya yan ang napapala mo. Gusto ko sabihin ang mga salitang yun sakanya pero wag na lang, baka sabihin niya insecure ako.
"Malay ko." walang kwentang sagot ko.
Habang patagal ng patagal mas dumadami ang mga sumusunod sa aming mga babae na humahanga sakanya. Iwanan ko na lang kaya to para pagkaguluhan? Ay wag na, kawawa naman siya.
Tiningan niya ako ng matalim at parang may gusto siyang sabihin. "Ano nanaman?" tanong ko.
"Tulungan mokong mapaalis sila. Ayoko sa mga tingin nila, nakakairita. Kung alam ko lang na ganito pala mga babae sa school niyo. Edi sana hindi na ako nagtransfer dito." bulong niya. Parang na-offend naman ako sa sinabi niya dahil babae din naman kasi ako. Pero hindi naman ako gaya ng mga babaeng to na ang haharot at ignorante sa gwapong lalaki.
"Edi kasalanan mo na yun. Bahala ka na nga kuya dyan, ang dami mong demand eh hindi naman tayo ho close." malumanay na pagkakasabi ko. Totoo naman talaga eh, hindi kami close at hindi namin kilala ang isa't isa. Porket ba gwapo siya, susunod na ako sa mga gusto niya?
Hinigit nanaman niya kamay ko at hinila malapit sakanya. Gosh bakit ganito na ako kalapit sakanya? Naaamoy ko na mabangong hininga niya at mas natititigan ko siya ng mabuti at ngayon ko lang narealize mga bes na hindi lang siya basta gwapo, sobrang gwapo!
"Pag hindi ka sumunod sa gusto ko, pupunitin ko uniform mo." diniin niya ang katawan ko sa katawan niya kaya nakaramdam ako ng pleasure, de joke lang. Oh god, first day pa lang kung ano-ano na ginagawa ng lalaking to sa akin.
"K-kuya wag po." pagmamakaawa ko.
"Pwes gumawa ka ng paraan para hindi sila sunod ng sunod sa akin." tumango ako ng mabilis. May naiisip na akong idea pero ang idea na'to ay baka ipahamak ko someday. Please lord ikaw na bahala sakin.
"Girlfriend niya ba yang babaeng yan?" narinig kong nagbulong-bulongan sila at matalim ang mga mata sa akin.
"Ew ang panget ng type niya ah." nahiya naman ako sayo te, ikaw na maganda.
"At bakit sila nakaganyan? May gagawin ba sila? Magkikiss ba sila?" tinuro kami ng isang babae at ngayon ko lang narealize na nakadikit pa rin ako sakanya at siya naman nakahawak sa bewang ko.
Tinulak ko siya ng malakas para makawala sakanya. Tumingin ako sa mga babaeng nakapalibot sa amin. "Anong tinitingin-tingin niyo?! Balak niyo bang agawin boyfriend ko? Pwes hindi ho ako papayag! Umalis kayo! Wag na wag niyo ng tatangkain na sundan ulit kami ng boyfriend ko! Shoo!" galit na galit na saad ko. Gosh, nagfeeling girlfriend ako. Umalis naman sila gaya ng sabi ko. Napatakip na lang ako ng mukha sa kahihiyan. Feel ko sobrang pula ng mukha ko.
"Nice hahaha! So boyfriend mo pala ako? Bat hindi ko alam yun?" biro niya.
"Pasalamat ka sakin, niligtas kita." mayabang na sabi ko.
"Pasalamat ka din hindi ko pinunit uniform mo." mayabang na sabi niya rin.
"Eh kung punitin ko rin kaya uniform mo? Tigil-tigilan mo na nga ako, hindi na maganda mga lumalabas sa bibig mo kuyang manyak." ilang beses ko siyang inirapan dahil badtrip na ako. Naiinis na ako sakanya ng sobra.
Anong oras na ba? Nasa tapat na kami ng building na tinuro ko kanina. Aktong titingnan ko na ang relo ko pero napansin kong parang may nawawala. Ano kaya yun?
Wait! Oh my god! Hindi pwedeng mawala yun! Napakaimportante non.
Tumingin tingin ako sa daan pero wala namang nahulog doon. Jusko naman, sa dami dami ng mawawala yun pa.
"Anong hinahanap mo? May nalaglag ka ba? Don't tell me nalaglag na din underwear mo gaya ng mga babaeng yun dahil sakin." nagawa niya pang magbiro sa harap ko.
"Wala akong time para makinig sayo pwede ba. Hindi ka nakakatulong."
"Ano ba kasi hinahanap mo?" tanong niya.
"Yung bracelet ko nawawala!" hindi na ako nag-abalang hintayin ang isasagot niya at tumakbo na. Binalikan ko lahat ng nilakaran namin pero wala. Saan naman kaya yun mapupunta? Sana walang makakapulot non!
Yung Jellal na yun ang may kasalanan, kung hindi ko siya nabangga kanina edi sana hindi kami nag-usap at hindi ko siya sinamahan.
Wait. Doon nga! Tama nandoon yun! Kung saan niya ako nabangga kanina, baka nahulog yun ng hindi ko napapansin. Hindi ko na yun napansin kasi yung atensyon ko na sakanya na.
Bumalik ako ulit sa lugar kung saan niya ako nabangga pero wala naman doon! Baka may nakapulot na non. Napayuko na lang ako dahil sa kalungkotang nararamdaman ko. Yung bracelet na yun ang nakakapag-paalala sakin ng mga nangyari 10 years ago. Yun lang ang isang bagay na nagpaparamdam sa akin na totoo sila, ang mga taong naninirahan sa Planet Htrae, lalong lalo na si Jerrar.
"Gaano ba kaimportante ang bracelet na yun para iyakan mo?" humarap ako sa lalaking nagsalita. Nginitian ko siya ng mapakla. Ang babaw ba ng kalungkutan ko?
"Sobrang importante." sagot ko sakanya.
"Kung ganon bakit nawawalan ka agad ng pag-asa na mahanap ang bagay na yun? Kung importante yun sayo, hahanapin mo yun kahit sa kasulok-sulokan ng mundo. Kapag ba importante sayo ang isang tao, papayag ka bang mawala siya? Diba hindi? So you better find that bracelet with all your might." napangiti niya ako sa mga sinabi niya. "What an ugly expression. Stop that. Let's go nahanap ko na room natin." sumimangot ako, okay na sana eh.
"So it means classmate tayo?" tumango naman siya sa tanong ko.
"Yes at friends na din tayo diba?"
"Hindi, stranger ka pa rin." angal ko.
Tinaasan niya ako ng kilay at nagwalk out na. Oh ow did I offend him? Hinayaan ko na lang siya mauna, magkikita naman kami sa classroom eh.
Naalala ko nanaman ang bracelet ko, sa tuwing naaalala ko yun naghihinayang ako. Paano ko yun maibabalik sa nagmamay-ari non? Akala niya nawala na yun at tuluyan ng nahulog sa pinakailalim ng ilog pero hindi niya alam na nahanap ko na ito. Isa sa mga goal ko sa buhay ang maisauli sakanya ang bracelet na yun bilang kabayaran sa utang na loob ko sakanya pero heto ako ngayon, nawala ko ulit ito. For sure malaki na din siya like me at mahirap yun para sa akin na makilala siya ulit, siguradong maraming nagbago sakanya at hindi ko naman sigurado kung kailan ulit sila babalik sa planeta namin.
Tama, marami pa akong oras at panahon para hanapin ang bracelet niya. Ang bracelet na paymamay-ari ni Jerrar.
•••
Author's Note:
How's the story so far? Anong masasabi niyo sa bagong character na si Jellal?
By the way, sa mga nagtataka kung bakit ang Jed Llark Alucard is short for Jellal kasi ganto yan.
[ Je-d Ll-ark Al-ucard = Jellal ]
Sana maintindihan niyo lol.
Until the next update! Wag maging silent reader earthlings!
Official twitter hashtag: #PlanetHtrae
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com