Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4: The Group


Chapter 4: The Group

"Nakakapagtaka talaga, bakit pinasok agad ni Guile si Jellal sa grupo? Diba sabi niya dati wala na raw siyang ipapasok. Pinagbantaan niya pa nga dati yung mga gustong sumali sa squad natin tapos ngayon magpapapasok siya ng isang baguhan sa university natin." napakamot na lang si Honey dahil sa inis kay Guile. Bakit ba ang big deal sakanya ng pagpasok ni Jellal sa Grupo? Masaya nga yun kasi nadagdagan na ulit kami.

Si Guile ang Leader ng grupo namin. Nagsimula ito noong nangyari ang gulo sa pagitan namin nila Juvia at nadamay sila kahit inaawat lang nila kami. Dahil doon pinarusahan ang lahat ng nasangkot sa gulong yun. Kaya tuwing after class ay nagkikita-kita kami para umattend ng community service bilang kaparusahan namin. Siguro mga 1 month bago natapos ang parusang yun, nagtagal yun dahil may mga nasira kasi kaming gamit. Pati ang nag-iisang anak ng may ari ng school ay hindi nakaligtas at naparusahan din. Pero hindi doon nagtatapos ang lahat, simula noon hindi na kami natatakot kahit gumawa ulit kami ng panibagong gulo kaya paulit-ulit kaming ganon hanggang sa naging tambayan na namin ang Detention Office at sanay na sanay na kaming umattend ng community service. Nalaman din ng mga magulang namin ang mga nangyayari sa school pero hindi nila kami napigilan dahil matitigas ang ulo namin. Naapektuhan din ang mga grades namin noon pero wala silang magagawa dahil halos lahat kami nag-eexcel sa klase.

Pero hindi naman pwedeng palagi kaming ganon kaya nakaisip si Guile ng isang paraan. Isang paraan para maging magkakaibigan kami. Gumawa siya ng grupo at pinangalanan niya itong Clover Squad. Simula noon nabawasan din naman ang pagkainis namin sa isa't isa, pero hindi naman maiiwasan na magka-alitan minsan. Naging sikat ang grupo namin sa school at maraming estudyante ang nangangarap na makapasok sa grupo. Pero hindi pumayag noon si Guile dahil para lang ito sa amin at ang purpose niya sa pagbuo ng grupo ay para maging malapit kami sa isa't-isa. Kaya ng dahil doon, nagtayo din ang ibang estudyante ng kanya-kanya nilang grupo at kinalaban nila kami. Kaya naging matibay at matatag ang grupong ito, marami na ding napagdaanan ang grupo pero hindi sumagi sa isip namin na buwagin ito. Napamahal na din kasi kami sa isa't-isa kahit parang noon ay magkakalaban ang turing namin.

Natawa na lang ako kung paano nabuo ang grupong ito. Nakakatawa talaga. Bat ako nakasali sa grupong to? Halos lahat sila ay sikat, at hindi lang yun, ang gaganda at ang gagwapo nila, ako lang ata ang mukhang ewan dito eh. Pero thankful pa din ako kasi tinanggap nila ako.

Napatingin ako sa tattoo ni Hichi sa daliri, isang four leaf clover, maliit lang ito at green na green. Ito ang nagsisimbolo ng grupo namin. Lahat kami meron nito. Yung kay Honey ay nasa likod ng tenga niya at ang sa akin naman ay nasa batok ko. Si Marlon ang nakaisip ng idea na'to at lahat kami sumang-ayon sakanya.

Umakyat kami ng room na hindi nagkikibuan. Alam naming tinitingnan nila kami, kaya hangga't maaari ay sana wag kaming makagawa ng makakasira sa grupo namin. Palagi kaming inoobserbahan ng ibang grupo lalong lalo na ang Untouchable Squad. Dahil gustong-gusto nila kaming mapabagsak. Pero sorry sila, hindi kami ganoon kadaling mapabagsak.

Nakahinga kami ng maluwag ng makapasok na kami sa room. Andito na din sila at halatang mainit din ang ulo nila. Tiningnan namin ang isa't-isa at alam ko ang mga tingin na yun. Sabay sabay kaming lumabas ng classroom at naglakad sa gitna ng hallway. Halos lahat ng mga tingin ng mga estudyante ay nakapako na sa amin. Tch we're used to it.

Pupunta kami sa kung saan makakapagusap-usap kami ng walang makakarinig. Kung saan napakapayapa at sobrang tahimik. Sa rooftop.

Pagka-akyat namin sa rooftop ay may naabutan kaming dalawang estudyanteng nagyoyosi. Gulat na gulat sila ng makita kami. Sino ba naman kasi hindi magugulat kung nandito ang nag-iisang anak ng may ari ng school na si Hichi, at ang President and Vice President ng SSG Officer ng Campbell University na sila Guile and Honey at ang iba pang matataas na estudyante maliban sa akin.

Mabilis silang bumaba ng rooftop at nagsisigaw. Ang kapal talaga ng mukha nila na pumunta sa lugar namin. And yes, pagmamay-ari ng Clover ang rooftop na'to at dito kami palaging tumatambay.

"Nice place!" manghang-mangha si Jellal sa mga nakikita niya sa lugar na ito. Nagmukha kasi itong bahay dahil sa mga gamit na nakalagay dito. Kami-kami lang din ang gumawa at gumastos neto.

Umupo kami sa tatlong couch na magkakaharap. "Jellal, welcome to our tambayan. At dahil official ka ng member ng grupo namin ay pwede ka ng pumunta dito whenever you want. Dito rin kami nag-uusap ng mga serious matter." pagpapaliwang ni Marlon kay Jellal.

"Official Member huh? Then show me your tattoo." hamon ni Juvia kay Jellal. Hindi rin ba siya naniniwala na nakapasok agad ang transferee na'to sa grupo?

"Bakit ba hindi ka makapaniwala? I already mark him. Okay? Jellal show it to her." utos ni Guile kay Jellal. Agad naman pinakita ni Jellal ang kanyang balikat at meron na nga siyang tattoo doon. Pero ang kapansin-pansin doon ay ang-

"Bakit three leaf lang ang clover ng tattoo niya at bakit color black ito?" parehas pala kami ng iniisip ni Honey. Halos lahat kami nagulat sa tattoo ni Jellal. Hindi ito ang tattoo ng grupo namin.

"Dahil kahit pagbalik-baliktarin ang mundo kayo pa rin ang mga naunang member ng grupo. Para hindi unfair sainyo, lahat ng magiging bagong member ng grupo ay lalagyan lang sila ng three leaf clover na color black." pagpapaliwanag ni Marlon dahil siya ang kanang kamay ng leader namin at siya din nakaisip ng design ng tattoo. Tumango-tango naman kami sa mga sinabi niya. So yun naman pala.

"Gusto ko rin ng three leaf clover na black! Palitan mo'to leader, naiingit ako." natawa naman kami sa reklamo ni Hichi na ngayon ay nakasimangot.

"Oo nga bat parang naging mas uniq yung tattoo ni Jellal kesa sa atin? Tingnan niyo, iba rin yung design ng sakanya." pagrereklamo rin ni Lucia.

"Lucia, it's unique not uniq." nakafrown na pagpapaliwanag ni Hichi sakanya at sabay-sabay kaming tumawa.

I smiled. "I love this group."

•••

Author's Note:

I know this update is bitin kaya babawi ako sainyo sa next update ko. Thank you sa mga nagbabasang earthlings!

Official hashtag: #PlanetHtrae

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com