Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5: Spaceship


Chapter 5: Spaceship

Kasalukuyan pa rin kaming nasa rooftop at naguusap-usap tungkol sa mga nababalitaan namin sa mga ibang grupong kinakalaban kami. Madalas nila kaming siraan last year at ano naman kaya ang kayang gawin nila ngayon? Pero kahit anong gawin nilang paninira, hindi nila masisira ang grupong ito, nagsasayang lang sila ng oras. Bigla naman ulit napasok sa kwentuhan ang pagpasok ni Jellal sa grupo.

"Sa tingin mo ba Kuya Guile hindi mag-aalburoto ang mga estudyanteng gustong sumali sa grupo natin noon pagkatapos nilang malaman na pinasok mo agad ang isang transferee sa grupo?" tumingin si Hichi kay Jellal at tiningnan ito mula ulo hanggang paa. Alam kong biglaan ang pagpasok niya sa grupo, pero hindi naman tama na tratuhin nila ng ganito si Jellal. Alam kong kanina pa siya nagtitimpi sa inis pero hindi niya lang ito pinapahalata sa amin.

"Bakit parang napapansin ko na ayaw niyo sa akin? Kung ayaw niyo sa akin, lilipat na lang ako ng ibang grupo." tumayo si Jellal at aktong aalis na ng pigilan siya ni Guile. Nagtinginan lang sila ng ilang minuto at bakit parang napapansin ko na may kakaiba sa tingin nila. May tinatago ba sila sa amin? Pero sa ilang saglit ay bumalik na sila sa normal nilang galaw. Parang may kakaiba talaga sakanilang dalawa. Matagal na ba silang magkakilala?

"No, hindi pwede. Ako ang pumilit sakanya na sumali siya dito. Bakit? Kapag nakuha siya ng ibang grupo, mas tataas ang lamang nila sa atin. At alam kong alam niyo na first day pa lang ng school year ay pinagkaguluhan na siya ng mga babae sa school. Mas mataas ang chance na malamangan tayo ng ibang grupo kung mapasakanila si Jellal kaya napakalaking kawalan niya sa atin. Kaya sa ayaw at sa gusto niyo, miyembro na siya ng grupo. Dahil ako ang leader at ako lang ang masusunod." umalis sa harap namin si Guile at tuluyan ng bumaba sa rooftop. Here we go again. Palagi naman siyang ganto eh, at sanay na sanay na kami sakanya. Nakakainis siya minsan pero sa huli siya palagi ang tama at sa huli sasang-ayon din naman kami sa mga desisyon niya. Pinanganak siya para mamuno, at wala kaming magagawa doon.

Tiningnan lang kami ng masama ni Jellal at sumunod na ito kay Guile.

"So wala na tayong magagawa, nakapagdesisyon na ang leader natin." banggit ni Marlon. Humiga siya sa sofa at pinikit ang mga mata niya.

Ako lang ba ang hindi tutol sa pagpasok ni Jellal sa grupo? Kahit konting panahon pa lang kami nagkasama ni Jellal, alam kong napakabait niyang tao. Mabuti siya at hindi niya deserve na ayawan namin. Ang sabi nga ni Leader, malaki siyang kawalan sa amin.

"Ugh I'm so sick of him! Let's go Lucia! We need to find your Loki." sunod na umalis si Juvia kasama si Lucia.

Tumingin ako sa mga kaibigan ko. "Wala kayong balak bumalik sa classroom?" tanong ko sakanila dahil apat na lang kaming nandito.

"Dito muna ako. Kailangan ko ng pahinga dahil sa mga nangyayari." naaantok na sabi ni Honey at nahiga na rin siya sa couch sa katapat ng couch na hinihigaan ni Marlon.

"Ikaw Hichi? Sasama ka ba sakin?" tumango naman siya na parang walang energy. Anong nangyari sakanya?

Bumaba na kami ng rooftop at sinalubong naman kami ng iba't-ibang ingay ng mga estudyanteng nasa corridor. Wala naman kasing masyadong ginagawa kapag first day. Puro pakilala lang. Baka bukas pa magsstart ang totoong klase.

"Leslie, punta lang ako ng cafeteria ah, kuha lang ako ng maiinom natin. Hintayin mo na lang ako sa classroom." tumakbo na siya patungo kung saan ang cafeteria. Pumasok na ako ng room at nadatnan ko ang mga classmate kong magugulo at maiingay. Kapansin-pansin na sila Guile at Jellal lang ang tahimik sa loob. Nagbabasa ngayon si Guile ng libro, palagi niya itong ginagawa. Napadako naman ang tingin ko kay Jellal na ngayon ay nakatingin na rin sa akin, nasa doorway pa kasi ako at tinitingnan isa-isa ang mga tao dito sa loob kung anong ginagawa nila.

"Anong tinitingin-tingin mo?" tanong ko ng makalapit ako sakanya. Natawa siya ng konti sa sinabi ko. Anong problema niya?

"Nagsinungaling ka sakin. Akala ko ba Single ang pangalan mo." so alam niya na pala ang totoo. Uhm ano bang pwedeng sabihin?

"Edi congrats. Wala naman akong magagawa kung alam mo na ang totoo eh." binigyan ko siya ng isang walang ganang tingin.

"So Leslie pala pangalan mo. Kaya pala ayaw mong sabihin kasi ang panget." wow ang sakit niya namang magsalita! Porket tatlo pangalan niya. Ano ba nga ulit yun? Jed Llark Alucard, tama ba? Kapangalan niya lang naman yung sikat na hero sa sikat na online game na Mobile Legends eh. At anong kinaganda non ha?

"Anong binubulong-bulong mo?" nagtatakang tanong niya ng mahuli niya akong nagsasalita ng mag-isa.

"May lahi ka rin palang chismoso eh no." tumalikod na ako sakanya at itinuon na lang ang atensyon sa mga walang kwenta kong mga kaklase.

"Oy humarap ka sakin. Anong chismosong sinasabi mo? Baka nakakalimutan mo'ng kaya kong wasakin uniform mo." natakot naman ako sa sinabi niya kaya napaatras ako ng konti sa pwesto niya. Yan tuloy nauntog ako sa ulo ni Guile na nakatalikod sa akin.

Tiningnan ko ang reaksyon niya. Parang wala siyang naramdaman ah? Tuloy pa rin kasi siya sa pagbabasa ng libro niya.

"Oy tungkol pala sa bracelet mo, nahanap ko na'to." tama ba ang narinig ko? Ang bracelet ko? Tumingin ako kay Jellal na kasalukuyang nakangiti.

"Seryoso?" tanong ko sakanya na kumukuti-kutitap pa ang mga mata.

"Wait nilagay ko yun sa bag ko eh." Na-excite naman ako ng maconfirm ko na seryoso talaga siya sa sinasabi niya. Pero paano niya naman yun nahanap?

Nawala na lang bigla ang ngiti ko ng makita ko ang tinutukoy niya. "Paasa ka naman eh, hindi naman ito yung bracelet ko!" may binigay siya sa akin na bracelet na kamukhang-kamukha ng bracelet ko pero hindi ito yun.  Mukha itong bagong-bago pero bakit Leslie ang nakapangalan dito? Sa pagkakantanda ko ay Jerrar ang nakapangalan dito. Tumingin ako sakanya at humingi ng sagot.

"Pasensya na, yan lang ang nakayanan ko. Alam ko kung gaano ka kalungkot ng mawala ang bracelet na yun sayo. Kaya sana tanggapin mo yan. Regalo ko na din yan sayo dahil ikaw lang mabait sakin dito."

Tumingin ako sakanya at niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi naman siya nakapalag pa at niyakap niya rin ako.

"Thank you Jellal."



Honey's Point of View

Kasalukuyan akong nagpaiwan sa rooftop kasama si Marlon. Hindi ako nagpaiwan dito para magpahinga kundi ang makasama siya ng konting oras. Tinititigan ko siya ngayon habang mahimbing siyang natutulog sa kaharap kong couch.

"Hanggang kailan mo'ko tititigan?" napatayo ako sa hinihigaan ko ng magsalita siya ng tulog. Wait, hindi siya tulog. Gising na gising siya at kanina pa niya alam na tinititigan ko siya.

"Pinagsasabi mo? Never nga kitang tiningnan tapos titigan pa kaya?" iminulat niya naman ang mata niyang halatang bagong gising.

"Alam mo Honey, wag kang masyadong magpahalata." tuluyan na siyang tumayo at pinasok niya ang mga kamay niya sa bulsa ng pants niya.

"Masyadong bang halata?" tumango naman siya bilang sagot. Yes, matagal ko na siyang gusto. Parehas na parehas kasi kami. Parehas kami matalino, parehas kaming nasa top ng klase at parehas din kaming nawalan ng ama. At hindi lang yun ang nagustuhan ko sakanya. Ang gwapo niya kasi at sobrang bait pa.

"Honey bibigyan kita ng isang wish. Isang wish lang at hihilingin ko yun. Pagkatapos nito, kailangan mo ng itigil ang pagkagusto mo sakin." nasaktan naman ako sa sinabi niya. Pero naiintindihan ko naman ang gusto niyang iparating.

Isang wish lang at kailangan ko'tong pag-isipan. Pagkatapos nito ay kailangan ko na siyang iwasan. Parang nasa isang bangin tuloy ako at kailangan kung pumunta sa pinakaitaas para maging ligtas. Pero paano ko gagawin yun kung sobrang lalim ng bangin na'to? Sa madaling salita ay nafafall na ako sakanya ng sobrang lalim kaya paano? Anong gagawin ko para macontrol to?

"Kiss me." nakayukong hiling ko sakanya. Gustong-gusto ko kasi na siya ang first and last kiss ko kaya mas mainam na halikan niya na lang ako kesa na humiling ako ng kung ano-ano.

"Saang parte ba? Sa cheeks? Sa noo? Sa baba? Sa ilong? Saan pa ba?" umakto naman siyang nag-iisip kahit hindi naman. "Or baka gusto mong ikiss kita sa lips. Eh diba virgin pa yang lips mo? Sure ka bang gusto mo na ako ang mauna diyan?" tumango naman ako bilang sagot. Hindi talaga ako malandi pero pagdating sakanya lumalabas pagkalandi ko.

At dahan dahan na siyang lumalapit sa labi ko. Gagawin na ba namin ang tinatawag nilang 'maghahalikan'? Pero paano ba gawin yun? Wala akong idea. Shemay kinakabahan ako, ang lapit niya na sakin. Omygosh sobrang lapit niya na, mga ilang pulgada na lang ang layo namin sa isa't-isa. Amoy na amoy ko na rin ang paghinga niya.

Dahan dahan niya ring hinawakan ang bewang ko at inilapit niya ako sakanya. "Ugh Marlon, pinaggagawa mo sakin? Baka nakakalimutan mong nasa school tayo at ang wish ko lang sayo ay ang halikan mo'ko." gumalaw pa ang kamay niya hanggang sa hinawakan niya ang mukha ko. At ito na nga, tuluyan ng nagkadikit ang mga labi namin. Hindi ko maintindihan kung ano tong nararamdaman ko. Instead na malapit na ako sa ibabaw ng bangin ay nahulog ulit ako at ang mas malala pa ay ang pailalim ng pailalim ako. Hanggang kailan ba ako mafafall sakanya? At hanggang kailan ba ako makukulong sa bangin na'to?

Pero hindi naman nagtagal yun dahil nagulat kami sa isang nakakasilaw na liwanag. Sobrang nakakasilaw. Panira ng moment eh. Pero halos mabulag ako ng titigan ko ang nakakasilaw na liwanag kaya napapikit ako. Mga ilang segundo nagtagal yun at nawala na ng tuluyan ang nakakasilaw na liwanag.

"Ano yun? Anong nangyayari?" nagtatakang tanong ni Marlon. Gulat na gulat din siya. Ano ba ang bagay na yun?

Lumabas kami sa tambayan namin at sinalubong kami ng isang kakaibang sasakyan na halatang nanggaling pa sa ibang mundo. Hindi kami tanga para hindi marealize kung ano ang bagay na nasa harapan namin. Nagtinginan muna kami at binanggit kung ano ang bagay na ito.

"Spaceship."

•••

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com