Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6: Missing


Chapter 6: Missing

Maaga akong pumasok ng school dahil wala akong gana makipagbangayan sa kapatid ko kaya inunahan ko na siya. Bahala na siya magcommute dahil ginamit ko ang sasakyan.

Nasaan kaya sila Honey at Hichi?

Nag-aalala ako para kay Honey. Kasi hindi na siya bumalik sa klase pagkatapos niyang magpahinga sa tambayan namin. At ang mas nakakapagtaka ay hindi na rin bumalik sa klase si Marlon. Silang dalawa pa naman ang nangunguna sa top ng klase namin kaya napaka-imposibleng pinagpalit nila ang pagpapahinga kesa sa pumasok sa  klase.

Kami ang huli nilang nakasama kahapon at nagpaiwan sila sa rooftop para magpahinga muna ng saglit. Kaya ng magkaroon kami ng vacant time ay dali dali namin silang cheneck sa rooftop dahil baka napasarap ang pagpapahinga nila doon pero ng makarating kami sa rooftop ay wala kaming nadatnan na Honey at Marlon. Pero ang mas nakakapagtaka, nandoon lahat ng gamit nila. Napakaimposible non para kay Honey dahil hindi niya ugaling iwanan ang mga gamit niya.

Kaya hanggang ngayon nag-aalala pa rin ako sakanya. Triny ko na rin tumawag sa bahay nila para itanong kung umuwi ba siya or what pero hindi naman nila ako sinasagot.

Tumingin ako sa di-kalayuan at doon ko natanaw si Hichi na pababa ng kotseng sinasakyan niya. Kumaway agad ito sa akin kaya kinawayan ko rin siya. Ng makalapit siya sa akin ay nagyakapan kami.

"Anong balita kay Honey?" tanong ko agad sakanya. Mukhang may dala dala siyang hindi magandang balita ayon sa nakikita ko sa mukha niya.

"Leslie, tumawag ako sa bahay nila kagabi pero hindi raw umuwi si Honey." nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi umuwi si Honey sa bahay nila? "Tinawagan rin ako ni Kuya Guile kanina at nabalitaan niya ring hindi rin daw umuwi si Marlon." mas lalo akong nagulat sa sinabi niya ngayon. Saan naman kaya sila pumunta? Baka nagtanan na sila? No! Hindi yun magagawa ni Honey.

Pinakalma ko naman ang sarili ko, ano ba  yan kung ano-ano na iniisip ko.

"Sana walang mangyaring masama sakanila kung nasaan man sila ngayon." nagkatinginan kami ni Hichi at hinawakan niya lang ako sa balikat ko at sinabing magiging okay din ang lahat, at mahahanap namin sila.

Umakyat kami sa classroom namin pero wala doon ang grupo namin. Ang tanging nandoon lang ay si Jellal.

"Oh anong mga mukha yan? Bat kayo nakasimangot? Don't tell me hindi niyo pa rin sila nahahanap?" salubong sa amin ni Jellal. Halata rin sa mukha niya na nag-aalala siya.

Sasagutin ko na sana ang tanong niya ng sabay sabay tumunog ang mga cellphones namin. May message galing kay Guile.

From: Guile

' Pumunta na kayo sa rooftop. Nandito na kami. Meron tayong pag-uusapan '

To: Clover Squad

Pagkatapos ko itong basahin ay nagkatinginan kaming tatlo. Sigurado ako na nareceive din nila ang text niya kaya sabay sabay na kaming umakyat ng rooftop.

Pagkarating namin sa taas ay nandoon na nga sila Guile, Juvia at Lucia. Seryoso silang nag-uusap at hindi manlang napansin ang pagdating namin.

"Wala pa si Sophia?" tanong ni Hichi. Oo nga, nasaan na ang babaeng yun?

"Hindi niyo alam? Nawawala rin siya." nagulat kaming tatlo nila Hichi dahil sa sinabi ni Lucia. So pati si Pia nawawala na rin. Ano na bang nangyayari? Tatlo na silang nawawala.

"Kahapon pa siya wala. Hindi niyo nga man lang siya napansin kahapon na kasama natin siya dito eh." pagpapatuloy ni Lucia.

"What?! Kasama natin siya kahapon dito sa rooftop? Pero bakit hindi ko siya napansin?" nagtatakang tanong ko. Seriously hindi ko siya napansin kahapon.

"Eh malamang pumunta siya doon sa sarili niyang tambayan. Doon sa likod ng mga malalaking drums. Alam mo naman na aloof sa atin si Sophia eh."  tiningnan naman ako ni Juvia habang nagsasalita. Ibang-iba talaga siya kapag wala siya sa mood makipagtarayan. Napaisip naman ako sa sinabi niya, kaya pala hindi ko napansin si Pia kahapon dahil nandoon siya sa tambayan niya. Meron kasing likod ang tambayan namin at puno ito ng malalaking drums.

"Baka may kinalaman ang ibang grupo sa pagkawala nila dahil sa gusto nila tayong mapabagsak." singit ni Guile, nakakatakot ang pagiging seryoso niya. "Kapag nalaman ko lang na sila ang may gawa nito, hinding-hindi ko sila sasantohin." madiin niyang banggit at sabay na hinampas ang mesa na sobrang lakas.

Napapikit naman kami sa ginawa niya. Parang anytime magwawala na siya. Wag naman po, baka masira ang pinaghirapan naming tambayan. Pero hindi ko na pinansin yun dahil ang mahalaga ay ang mahanap namin ang mga kaibigan namin.

"Narinig ko pala ang Mommy ko kaninang umaga na may kausap sa phone. Ang narinig ko lang ay pupunta ang mga magulang nila Marlon at Honey sa school para makipagtulungan sa mga estudyante dito para mahanap kaagad ang mga anak nila. Naireport na din nila sa police ang nangyaring ito para mas mapadali ang paghahanap sakanila. Alam kong kahit hindi niyo sabihin, nararamdaman ko rin na malakas ang kutob niyo na may nangyayaring masama sakanila."

"Tama ka Hichi, malakas talaga ang kutob ko na may nangyayaring masama na sakanila. Kaya kailangan natin magtulong-tulong para mahanap natin sila."  pagsang-ayon ni Jellal sa sinabi ni Hichi.

Lahat kami sumang-ayon. Isa kaming grupo kaya kung may nangangailangang isa sa amin, kailangan naming tumulong.

Isang konting katahimikan ang namuo sa amin. Halatang iba-iba ang takbo ng isip namin. Sumabay pa ang biglaang pag-ulan. Mabuti na lang at meron kaming tambayan na merong cover na bubong sa taas para hindi kami mabasa kahit maulan.

Nasa gitna na kami ng katahimikan ng biglang may narinig kaming kaluskos sa  likod ng tambayan. Nasa parte yun ng malalaking drums.

"Dito lang kayo, kami na ni Jellal ang bahala tumingin doon." tumayo na sila Guile at Jellal at lumabas na sila sa malakas na ulan. Pansin ko naman ang pagiging tahimik naming apat. Halatang natatakot na ang mga kasama ko. Napansin ko naman ang ginagawa ni Lucia sa mga kuko niya, kinakagat niya ito. Isa ito sa mannerism niya kapag natatakot.

"Hey stop that! You look like stupid dahil sa ginagawa mo. Kaka-nail polish ko pa lang niyan pero sinisira mo nanaman." naaasar na saway ni Juvia sakanya. Wala naman itong nagawa kundi ang controlin ang sarili niya.

Narinig na namin ang mga yapak nila Guile kaya nagsitayuan na kami. Ano kayang nakita nila?

Nagulat na lang kami ng makita silang may buhat na babae. Ng makita namin ang mukha nito ay lahat kami nagulat.

Si Sophia.

•••

Author's Note:

Hingang malalim guys. Naeexcite na ba kayo sa mga nangyayari? Then comment lang kayo kung ano ang reaction niyo sa chapter na'to. I look forward to read your comments below.

Alam kong karamihan sainyo ay naguguluhan pero kalma lang lol.

So ayon, thanks for the feedback on the previous chapters. Natutuwa ako dahil nagiging habit niyo na ang pagiging expressive reader. Yehey.

Til next update!

Tweet me: @itsmedommy_

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com