Chapter 7: Sophia
Chapter 7: Sophia
Dahan dahan na niyang iminulat ang mga mata niya. Sa wakas nagising na rin siya. "Pia are you okay?" nag-aalalang tanong ko sakanya. Hindi siya kaagad nakasagot dahil tinitingnan niya kami isa-isa. Nandito kasi kami sa maliit nilang apartment.
"Anong nangyari sakin?!" sigaw niya sa amin at halatang-halata na gulat na gulat siya. Dahil sa inasal niya, parang hindi ko na tuloy siya kilala.
"Natagpuan ka naming walang malay sa likod ng tambayan natin sa rooftop." pagpapaliwanag sakanya ni Guile. Hindi pa rin siya nagsasalita at hindi pa rin nagbabago ang reaksyon hanggang sa tumayo siya ng marahas at tinitigan kami ng matalim.
"Sino kayo? At bakit ako nandito sa masikip na lugar na'to?" napa-iling iling naman si Juvia sa mga sinabi nito.
"Nahimatay ka lang nag-inarte ka na. Hello, hindi ba obvious? Bahay mo'to." mataray na pagpapaliwanag ni Juvia sakanya. Mas lalo naman siya nagulat dahil sa sinabi nito. Ano bang nangyayari sakanya? Wala ba siyang naaalala?
"Paanong dito ako nakatira? Eh anak ako ng isang kilalang pamilya at mayaman kami. And for your information, nakatira ako sa isang malaking mansion. At sasabihin niyong dito ako nakatira? Eh mas malaki pa nga yung banyo ko dito." ha? Anong pinagsasabi niya? May nakain ba siyang hindi maganda? At sa hindi ko malamang dahilan ay natawa na lang kaming lahat except sakanya na nagtataka sa reaksyon namin. "Hey ako ba pinagtatawanan niyo? Prank ba'to? Or may balak kayong gawin sakin kaya dinala niyo ako sa masikip na apartment na'to?" umatras siya ng konti sa pwesto namin. Nagtataka na ako sa kinikilos niya ah.
"Sophia, naririnig mo ba pinagsasabi mo? Nauntog ka ba or what bago ka nawalan ng malay kaya ka ganyan?" tanong sakanya ni Hichi na kasalukuyang katabi ni Jellal at Lucia sa isang sirang-sirang upuan.
"No, hindi ako nauntog. Basta ang naaalala ko lang nasa loob ako ng car ko at kakarating ko lang ng school ng biglang nandilim na lang yung paningin ko." pagpapaliwanag naman ng mga natatandaan niya bago namin siya makita sa likod ng tambayan namin. At anong sabi niya? Nasa loob siya ng kotse niya bago mangyari ang mga ito. Pero-
"Pero wala kayong kotse Sophia, tama ang sinabi ni Hichi baka nga nauntog ka at naalog ng bonggang-bongga ang utak mo." sabi ni Lucia ngunit halatang nagpipigil lang ito ng tawa.
"Wala akong kotse? Diba ilang beses niyo ng nakita yun? Pinagloloko niyo ba ako?" hindi makapaniwalang tanong ni Pia sa amin. Hays, ang hirap naman magpaliwanag sa isang taong nakalimutan ang lahat.
"Baka nga nagka-amnesia na siya?" tanong ni Jellal na tahimik lang sa isang tabi.
"Kung nagka-amnesia siya, dapat wala siyang naaalala. Pero ayan, may mga pinagsasabi siya. Ang tawag dyan assumera." pangpapranka ni Juvia kay Pia.
"Tumigil ka nga Juvia." saway ni Guile sakanya. "Sophia, kailangan mong sagutin ang mga tanong ko dahil andoon ka sa lugar kung saan sila mawala." pag-uumpisa niya at tumigil muna ito sandali dahil sa nagtatakang mukha ni Pia. "May nakita ka ba o may narinig mula sa tambayan natin noong nandoon ka? Bigla na lang kasing nawala sila Honey at Marlon at wala kaming clue kung sino ang kumuha sakanila or kung saan sila pumunta." lahat kami nakatingin kay Pia na mukhang naguguluhan sa mga nangyayari.
"Tambayan natin? Doon sa abandonadong building sa pinakalikod ng school? Wala naman akong nakitang kakaiba or may narinig man lang. Tsaka nga sinabi ko na sainyo diba, ang huli kong natatandaan nasa kotse ako." nagtinginan naman kami dahil sa sinabi niya. Ang tinutukoy niyang tambayan na yun ay ang lugar ng Untouchable Squad. Ang weird na talaga ng mga pinagsasabi niya. Nawala lang siya kahapon, tapos ngayon kung ano-ano na mga naaalala niya.
"Sophia, sa rooftop ang tambayan natin hindi doon. Pagmamay-ari yun ng ibang grupo." pagpapaliwanag sakanya ni Guile.
"What do you mean? Sa pagkakaalam ko ang Untouchaballs Gang ang nagmamay-ari ng rooftop na yun kung saan niyo ko natagpuang walang malay. Hindi yun sa atin. Diba leader?" at bigla siyang tumingin sa akin. L-leader? Pero hindi naman ako ang leader, si Guile yun.
Pero ang mas nakakapagtaka ay ang mga sinabi niya. Hindi na talaga biro ang mga lumalabas sa bibig. Nararamdaman kong parang ibang tao ang kaharap naming Sophia. Bakit? Matagal na siya sa grupo pero sinabi niyang nasa abandonadong building ang tambayan namin at ang rooftop naman ay ang pagmamay-ari ng Untouchaballs Gang? Sa pagkaka-alam ko ay Untouchable Squad ang tamang pangalan ng grupo nila.
Ano ba talagang nangyayari sayo Sophia? Tatlo silang nawawala kahapon, si Honey at Marlon ay hindi pa rin nahahanap pero ngayon nahanap na namin si Pia pero meron naman kaming malaking problema. Yun ang mga weird niyang mga naaalala. Parang baliktad ang mga naaalala niya kumpara sa mga nangyayari.
"Hay naku, uuwi na ako sa mansion ko guys. Tama na 'tong larong to. Hindi na nakakatuwa." lumabas na siya ng apartment niya. Sumunod naman agad kami dahil baka kung saan siya pumunta. At baka pumunta rin siya sa mansion na sinasabi niya na inaakala niya ay sakanya.
"Nakikita niyo yun, yun ang kotse ko. Ngayong alam niyo na, uuwi na ako. Bahala na kayo sa buhay niyo." may tinuro siyang mamahaling kotse at aktong pupunta na siya doon ng sigawan siya ni Juvia.
"Naloloka ka na talaga no! Kotse ko yan. At ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala kang ganyan dahil mahirap ka lang. Stop acting Sophia, kung naiingit ka sa meron ako, tumigil ka na dahil hindi mo yun makukuha sakin." halos gusto ng sabunutan ni Juvia si Pia dahil parang wala itong naririnig at panay lang ito ng irap sakanya.
"Grr sumasakit na talaga ulo ko sayo Sophia. Nahihilo na ako sayo!" asar na banggit ni Hichi na ngayon ay nasa tabi ko. Hindi niya rin maintindihan ang mga nangyayari gaya namin. Una, nawala na lang bigla sila Marlon at Honey. Pangalawa, natagpuan namin si Pia na walang malay. At ang huli, hindi namin siya maintindihan. Maaaring nawala nga ang mga alaala niya at malaking problema ito sa grupo.
"Sa tingin ko kailangan na nating magpahinga dahil ang dami nangyari nitong araw. At ang gulo ng mga nangyayari, at hindi talaga nagsisink in sa utak ko kung ano-ano pinagsasabi nitong si Sophia. Palubog na din naman ang araw, mas mabuting umuwi na tayo." pagyayaya ni Jellal na mukhang gulong-gulo sa mga nangyayari dahil baguhan pa lang siya sa grupo.
"Pero paano naman 'tong babaeng to?" tanong ni Lucia at tinuro si Pia na mukhang walang pake sa mga nangyayari samantalang kami, dugong-dugo na utak namin na intindihan siya.
"Paano ako? Kaya ko sarili ko, at uuwi na talaga ako." tumakbo na siya sa kotse ni Juvia at pilit itong binubuksan. "Nakakainis, nasaan na yung susi ng car ko? Paano ako uuwi nito!" sabay sipa nito sa kotse.
Kapansin-pansin din ang itim na itim na aura ni Juvia dahil sa kanina pa siya nagtitimpi sa mga ginagawa ni Pia.
"Hey are you crazy?! Ang kapal ng mukha mo na tadyakan sasakyan ko, eh hindi ka nga makabili ng ganyan." inis na sabi nito at pinaghihila niya si Pia palayo sa kotse niya.
"Leader, gawan mo'to ng paraan! Nababaliw na ang babaeng to!" sigaw ni Juvia. Napatingin naman ako kay Guile na ngayon ay napapailing.
"Isama mo muna siya Juvia sa mansion mo. Kapag naayos na ang problemang ito at maaalala na niya kung sino at saan siya nakatira tsaka lang natin siya ibabalik dito." desisyon ni Guile. Natawa na lang si Lucia at Hichi dahil sa naging reaksyon ni Juvia.
"Baliw ka ba? Sa tingin mo papayag ako? Pagkatapos niyang angkinin sasakyan ko sa tingin mo kaya ko siyang isama sa mansion ko?" reklamo ni Juvia.
"Juvia please. Ngayon lang ako nakiusap sayo ng ganito. Alam kong mahirap yun para sayo pero kailangan niya muna ng matitirhan. Alam naman natin na wala na siyang mga magulang at naninirahan lang siya mag-isa sa maliit na apartment na'to. At ang mas malala, wala siyang maalala." pagmamakaawa niya kay Juvia. Wala ng nagawa si Juvia kundi pumayag na lang.
"Okay patitirahin ko siya sa mansion pero ngayon lang to." tiningnan niya kami isa-isa. "Aalis na kami. Tara na baliw." aya nito kay Sophia at nagsagotan ulit sila hanggang sa nakasay na sila sa kotse nito. Umalis na din ito kaagad at doon lang kami nakahinga ng maluwag.
"Aayusin natin to bukas. Itutuloy na din natin ang paghahanap sa mga kaibigan natin na nawawala. Ngayon, pwede na kayong umuwi at magpahinga." huminga si Guile ng malalim at tumalikod na ito at pumunta na sa sasakyan niya. Siguro stress na stress na siya sa mga nangyayari.
"Una na rin ako." pagpapaalam ni Lucia pero agad naman itong bumalik dahil may nakalimutan siyang sabihin. "Sis nagtext pala kuya mo sakin, magcommute ka na lang daw dahil ihahatid niya pa ako sa bahay." ang galing talaga ng kapatid ko. Inuna niya pa ang babaeng to ugh! Pero wala na akong magagawa, magcocommute na lang ako dahil iniwan ko yung kotse sa school kanina at yung susi non kay Kuya.
"Mauna na ako Leslie. Text mo na lang ako mamaya. Andyan na sundo ko eh. Bye!" niyakap ako ni Hichi at umalis na rin ito
Kaming dalawa na lang ni Jellal ang nandito dahil umalis na rin si Lucia dahil pupunta raw siya sa malapit na mall para mag cr.
"Ikaw? Hindi ka pa aalis?" tanong ko sakanya. Mukha siyang antok na antok dahil sa mukha niya.
"Okay ka lang ba na maiwan dito?" tanong niya rin sa akin. Hindi niya pa nga nasasagot yung tanong ko tas magtatanong din siya sakin hmmp.
"Mag-aabang na lang ako ng taxi dito. Mauna ka na, okay lang ako." ngumiti ako sakanya at ipinakitang okay lang talaga na maiwan ako dito mag-isa. Baka kasi hintayin niya pa ako na makasay, eh mukhang inaantok na siya.
"Kung ganon uuwi na rin ako. Paalam Leslie." tumalikod na siya at nagsimula ng maglakad. Malapit lang daw kasi yung bahay nila dito so hindi na need sumakay pa.
"Honey at Marlon, sana makahanap na kami ng clue kung nasaan kayo."
Bumuntong hininga na lang ako dahil sobra na talaga akong nag-aalala sa mga kaibigan namin. Siguro hindi ako makakatulog ng maayos ngayong gabi dahil sa kakaisip sakanila.
Sana talaga nasa maayos silang kalagayan. At sana walang kinalaman ang ibang grupo dito kundi magiging malaking gulo ito.
•••
Author's Note:
Naguguluhan ba kayo sa mga nangyayari? Wag kayong mag-aalala dahil masasagot lahat ng katanungan niyo sa mga susunod na chapters.
Sa tingin niyo nasaan kaya sila Honey at Marlon? Okay lang kaya sila? Ano naman ang masasabi niyo kay Sophia? Naweweirduhan ba kayo sa mga naaalala niya or what?
Comment your reaction below!
•••
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com