Chapter 8: Mission
Chapter 8: Mission
Juvia's Point of View
"Wow paano mo nalaman kung saan mansion ko? Hindi ko naman sinabi sayo kung saan eh." naku lang talaga, malapit ko ng masakal ang babaeng to. Lahat na lang inaangkin niya sakin. Una yung sasakyan ko tapos ngayon yung mansion. Ano ba talagang nangyari sakanya? Parang ibang-iba na siya sa Sophia na kilala namin. Kilala namin siya bilang tahimik, di masyadong nakikipaghalubilo, at ang huli aloof siya sa amin.
Pero itong babaeng kaharap ko, napakadaldal, maldita, asummera at higit sa lahat feeling mayaman. Baka tumambling utak niya kaya siya nagkakaganyan. Parang bumaliktad yung ugali niya at naging ganito.
"At tsaka paano ka natuto magdrive? Marunong din naman pala magmaneho ang mahihirap." what?! Ako mahirap? Tumingin ako sakanya na gigil na gigil, parang anytime gusto ko na siyang sakalin at lagotan na siya ng hininga. "Osiya papasok na ako sa mansion ko, amin na yung susi ng car ko. Salamat sa paghatid, heto pamasahe mo pauwi sainyo." iniinsulto ba talaga ako ng babaeng to? Bakit ba kasi pumayag ako sa sinabi ng Guile na yun na patirahin muna siya sa mansion. Mukhang palaging sasakit ulo ko kapag kasama ko ang babaeng to.
Humarap ako sakanya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa at pinunit ko sa harap niya ang 20 pesos na binigay niya sa akin. Hindi ko kailangan ng kaliit na pera na yun, mayaman kami at baka isampal ko sakanya ang milyong-milyong pera ng pamilya namin.
"Ako si Juvia Cassidy, ako ang may ari ng mansion sa harap mo at ako din ang may ari ng sasakyan na'to. Mayaman ako at maganda. Ikaw naman si Sophia Miller, mahirap ka lang at makikitira ka lang sa mansion ko kaya umayos ka." ngumiti siya ng maarte.
"Libre mangarap Juvia. Sige lang, sulitin mo pa." ngumiti ulit siya. "Go, ipasok mo na yung sasakyan ko sa loob ng mansion." hinayaan ko na lang siya, ang hirap kaya makipagtalo sa baliw duh.
Nauna na siya bumaba ng sasakyan pagkatapos ko itong ipark sa loob. At home na at home naman siya pumasok ng mansion ko. Hinayaan ko na lang siya, siguro manghang-mangha siya sa mga nakikita niya.
"Hey aakyat na ako sa kwarto ko, matulog ka na lang sa guest room kung gusto mo magpalipas ng umaga dito sa mansion ko." at ako pa talaga sinabihan niya na matulog sa guest room?! Diba dapat ako ang nagsasabi ng mga salitang yun?
Sumusobra na talaga siya ah.
Bakit parang sanay na sanay siya sa bahay ko? First time niya pa lang pumunta dito at ineexpect ko na mababaliw siya sa mga nakikita niya pero hindi, parang natural lang sakanya na makita ang mga mamahaling gamit na nandito sa loob. Nakakainis ka talaga Sophia.
Aktong papunta na siya sa kwarto ko ng unahan ko siya at tumakbo papunta dun. Wala siyang karapatan na pumasok sa kwarto ko. Agad ko itong nilock ng makapasok ako. Narinig ko naman ang sigaw niya at pagkatok sa pinto ng kwarto. Nakakairita siya.
Lumapit ako sa intercom at may pinindot doon at nagsalita. "Mga manang kung meron man kayong makitang babaeng umaaligid sa labas ng kwarto ko, pakihatid niyo na lang siya sa guest room ha. Okay?"
Hays salamat makakapagpahinga na rin ako. Sana maayos na bukas ang mga problemang dumating sa grupo.
Third Person Point of View
Tahimik ang gabi sa loob ng mansion ng mga Cassidy. Halos tulog na silang lahat maliban sakanya. Si Sophia Miller.
Iniisip niya pa rin ang lahat ng nangyari sakanya ngayong araw. Sobra siyang naguguluhan at hindi niya maintindihan ang mga nangyayari. Ang naaalala niya lang ay nasa loob siya ng sasakyan niya at ng bigla siyang nawalan ng malay. At natagpuan siya sa rooftop ng mga kaibigan niya ng walang malay kung saan ang kalaban nilang gang ang may nagmamay-ari nito.
At ng magkaroon siya ng malay ay nagising siya sa isang maliit na apartment kasama ang mga kaibigan niya. At ang mas nakakapagtaka ay nag-iba ang mga ugali ng mga kaibigan niya at wala itong mga naaalala.
"Kailangan ko ng mga kasagutan." bumuntong hininga ito ng malalim. Halata sa mukha niya na pagod na pagod siya. Hinihiling niya rin na kahit isang tao lang ay merong magpaliwanag sakanya ng mga nangyayari.
Sa pagmumuni-muni niya ay meron siyang narinig na kaluskos sa labas ng veranda ng kwarto.
"Sino yan?" tanong niya.
Walang sumagot sakanya. Lalapit na sana siya sa veranda ng may lumabas na familiar na tao dito. Nagulat siya ng makita niya ang mukha nito.
"A-anong ginagawa mo dito?" takot niyang tanong. Hindi niya alam kung anong pakay nito sakanya pero nararamdaman niyang may masamang mangyayari sakanya kung hindi pa siya aalis sa kwarto.
"Hindi ba kailangan mo ng sagot sa mga nangyayari sayo?" lumapit ito sakanya kaya napaatras naman siya. Sinasabi ng isip niya na mali ang kausapin siya pero meron ding nagsasabi sa isip niya na kailangan niya ng kahit konting impormasyon.
"Oo kailangan ko ng mga sagot kaya kung ako sayo, sabihin mo na mga nalalaman mo." matapang na sambit ni Sophia. Wala na siyang nararamdamang takot dahil sa kagustuhan niyang malaman ang mga nangyayari.
"Nandito ka sa Earth wala ka sa Htrae na inaakala mo. Pinadala ka nila dito sa hindi ko malamang dahilan. Pagkatapos mawala ang Earth Sophia ay natagpuan ka namin."
"What?! Nandito ako sa Earth?!" hindi siya makapaniwala sa nalaman niya. Palagi niyang naririnig ang kwento tungkol sa Earth noong bata pa siya. Naging kilala ang Earth dahil sa bagong pinuno ng planeta nila na galing sa planet Earth. Sa Earth nakatira ang mga kamukha nila na merong katangian na ibang-iba sakanila.
"Oo nandito ka nga sa Earth. Nakausap ko sila kanina at kailangan mong magpanggap na Earth Sophia, yun ang magiging mission mo dito. Kapag natapos ang mission mo ay pwede ka ng umuwi sa Htrae." tumango naman si Sophia sa sinabi nito. Maaaring nasa kamay nila ang Sophia na taga Earth at hangga't maaari ay hindi dapat siya pagdudahan ng mga kaibigan nito.
"Pero sa ginawa mo kanina ay baka nagduda na sila sayo. Bakit ba kasi ang clueless mo?" napayuko naman si Sophia dahil sa kahihiyan.
Hindi niya nalaman agad ang nangyayari kanina dahil hindi naman siya matalino para malaman yon agad. Kaya sobra siyang nagpapasalamat sa taong kaharap niya ngayon sa pagpapaliwanag sakanya ng mga problemang ito at sa wakas nasagot na ang mga katanungan niya. Bukas na bukas din, sisimulan niya na magpanggap bilang Earth Sophia.
"Eh sa walang nagpaalam sakin na nandito na pala ako sa Earth eh. At bakit nandito ka? May mission ka rin ba dito?" nagbago ang reaksyon ng kaharap niya, nong una ay nagulat ito at pagkatapos ay ngumiti ng kakaiba.
"Yes at hindi lang ito basta isang simpleng misyon. Isa itong secret mission."
•••
Author's Note:
Pasensya sa mahabang paghihintay! Nagulat ba kayo tungkol kay Sophia? At sino kaya ang misteryosong kausap ni Sophia? At anong masasabi niyo tungkol sa secret mission na sinasabi nito?
•••
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com