Chapter 9: Black Tattoo
Chapter 9: Black Tattoo
"Sana mahanap na talaga nila sila Ms. Williams at Mr. Chase. Sayang naman kung marami silang mamimiss sa lessons ko, sila pa naman ang nangunguna sa klase." bumuntong hininga si Teacher Cha na parang nalulungkot din sa pagkawala nila. "Okay class that's it for today, class dismissed." wika nito at naglakad na ito palabas ng classroom. Ng tuluyang na itong nakalayo ay nagsimula nanaman ang mga sari't-sari nilang mga ingay.
"Leslie, sa tingin mo okay lang kaya si Honey? Sobra na akong nag-aalala sakanya." tanong sa akin ni Hichi na kasalukuyang nakasimangot. Dalawang araw na silang nawawala at wala pa rin kaming clue kung saan sila pumunta or may kumuha ba sakanila. Sana talaga nasa mabuting kalagayan lang sila. Hindi ko matatanggap kung may mangyayaring masama sakanila.
"Wag kang mag-alala, matalino si Honey, kayang kaya niyang makaligtas kung sakaling nasa panganib man siya. Ganon din si Marlon, parehas silang matalino kaya walang mangyayaring masama sakanila." napangiti ako ng ngumiti na ulit siya.
"Magngingitian na lang ba kayo dyan?" pang-eepal ni Jellal na kasalukuyang nakaharap sa amin. Nasa harapan kasi namin siya nakaupo. Umirap kaming sabay ni Hichi sakanya dahi malamang may iniisip siyang nakakatawa sa amin.
Nagulat na lang kami ng bigla siyang tumayo at hinila kaming dalawa palabas ng classroom.
"Teka saan mo kami dadalhin?" pagtatanong ni Hichi na mukhang tutol siya sa paglabas ng classroom.
"Bumalik na ang alaala ni Sophia." walang gana niyang sagot. Naexcite naman ako sa sinabi niya. Maaaring may nakita or may narinig si Sophia noong nandoon siya sa rooftop. Sa ngayon, siya na lang ang pag-asa namin para mahanap sila Honey.
Binilisan na namin ang pagtakbo pataas ng hagdan dahil maaaring nandoon na sila. Pagka-akyat namin ay saktong kakarating lang din nila Juvia at Lucia. Nandito na rin si Guile at kasama na niya si Sophia na ngayon ay parang nahihiya sa amin.
"Buti dumating na kayo." pagbati sa amin ni Guile na kasalukuyang seryoso na nakatingin kay Sophia. Mukhang may napag-usapan na silang dalawa bago kami dumating dito.
Umupo na kami sa sofa at sabay sabay tiningnan si Sophia na nakayuko at nahihiyang tumingin sa amin.
"Pasensya na sa mga nasabi at nagawa ko kahapon. Ibang-iba talaga kasi ang mga naaalala ko ng panahon na yun." paghihingi niya ng paumanhin sa amin.
"Hindi na importante yun Sophia. Ang mahalaga eh ay may naaalala ka na." pagpapakalma sakanya ni Hichi.
"Ang mas importante ngayon ay ang malaman mo na may dalawa tayong kasamahan na nawawala. Si Honey at Marlon." pagpapaalam sakanya ni Guile.
"What? Nawawala sila? Kailan pa? Kaya pala hindi ko sila nakikita na kasama niyo." nagulat siya sa nalaman niya. Marahil ay wala pa siyang masyadong naaalala ng mga panahon na yun dahil kakabalik pa lang naman ng alaala niya.
"Dalawang araw na ang nakalipas ng nawala sila at kasama ka nilang nawala pero kinabukasan ay nahanap ka namin sa likod ng malalaking drums na yan." pagpapaalala sakanya ni Jellal at tinuro ang mga drums na naglalakihan.
"Kaya umaasa kami na may nalalaman ka sa pagkawala nila." dugtong ni Guile.
"Really? At ano naman ang ginagawa ko sa likod ng mga drums na yan?" nagtataka niyang tanong sa amin. Nakakapagtaka, akala ko ba bumalik na ang alaala niya?
"Palagi kang pumupunta dyan sa tuwing na aout of place ka kapag magkakasama tayo." banggit ni Lucia sakanya.
Sophia's Point of View
Kailangan kong kumalma dahil baka paghinalaan nila ulit ako. Ayokong mabigo sa misyon na'to, at gusto ko ng umuwi as soon as possible. Pero wala pa rin silang paramdam sa akin. Ni hindi ko nga inaakala na ipapadala nila ako agad dito ng hindi kinokunsulta at pinaplano ang mga gagawin ko.
Anong klase silang kagrupo? Bakit hinahayaan nila ako sa mga problemang ito? Noong mga nakaraang misyon ko naman ay tinutulungan nila ako.
"Sophia, magsabi ka nga ng totoo. May naaalala ka ba talaga?" nabigla naman ako sa tanong ni Hichi. Natatawa ako sa personality niya dito sa Earth at kung ano ang stado niya sa buhay. Isa siyang mayaman, maganda at sikat sa school. Pero sa tuwing naaalala ko kung ano ang katangian ng Hichi na nakilala ko ay natatawa na lang ako.
"Hey, are you listening?" ulit niya sa tanong niya dahil hindi ko siya binigyan ng pansin.
"May naaalala ako but hindi siya clear." sagot ko. Napatango tango naman sila. Salamat naman at hindi nila ako pinaghinalaan this time.
"Yun naman pala eh, bat ang bagal bagal mo pa sumagot. Psh makaalis na nga." tumayo si Juvia na kanina pa tahimik sa inuupuan niya. Alam ko naiinis pa rin siya dahil sa inasal ko kahapon sa bahay niya pero wala akong pakialam. Bagay lang yun sakanya dahil napakapanget ng ugali niya.
Bago siya umalis ay tumigil siya harap ni Jellal at binigyan niya ito ng malakas na batok. "Sa susunod wag mokong papapuntahin dito ng dahil lang sa babaeng yan." masungit niyang sabi at umalis na kasama ang kanyang nag-iisang alipores na si Lucia.
Hindi ako sanay sa ganito na makita sila na ibang-iba ang mga katangian kumpara sa mga nakilala kong kataohan nila, ang mga kaibigan ko sa planetang iyon. Sana isang masamang panaginip na lang ito. Hindi ko inaasahan na mangyayari 'to sakin. Bakit sa dinami-dami ng mga tao sa planeta namin, bakit ako pa ang pinadala nila dito? Alam naman nilang mangmang at palagi akong palpak sa mga misyon ko kaya bakit? Isa ba itong parusa?
"Sophia, it's okay. Take your time para alalahanin mo lahat. Alam naming nahihirapan ka pa kaya hindi ka namin pinepressure sumagot sa mga katanungan namin." nakangiting sabi ni Leslie. Tch lmao. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa katauhan ng Leslie dito. Sobrang bait niyang babae samantalang doon sa Htrae, ubod naman siya ng sama at salbaheng tao.
Tumango naman ako bilang pagsagot at sabay sabay na silang tumayo para umalis. Salamat naman dahil makakapag-isa na ako sa ngayon.
Nang tuluyan na nga silang makaalis ay kinapa ko ang black tattoo ko. Umilaw ito ng itim na liwanag at doon ko nakita ang mga nangyayari sa Planet Htrae.
•••
Author's Note:
Hello earthlings! Namiss ko kayo ng sobra at sobra ko ring namiss mag-update sa story na'to. Sorry kung naging inactive ako mga te, pasukan na kasi ih kaya aral-aral muna ako hahaha pero kanina may vacant time kami kaya nag-update ako.
Sana suportahan niyo pa rin ako sa pagsusulat ng kwentong ito!
Thankyou, Imissuguys, Iloveuall.
•••
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com