Planet Htrae: Prologue
Planet Htrae
(pronounced: h-te-ray)
(clue: spell htrae backwards)
Htrae is a Earth's planet sibling in a parallel universe, where everything is opposite to that on earth.
Sa Planet Htrae nakatira ang mga sinasabing kamukha natin pero kabaliktaran ang katangian natin sakanila. Namumuhay din sila gaya ng pamumuhay natin sa ating planeta. Tinawag lang silang alien dahil sa iba ang kanilang mundong ginagalawan.
Kapag naririnig mo ba ang salitang alien, ano ang unang naiisip mo? Diba mga halimaw, ibang nilalang, nakakadiri at hindi kanais nais tingnan? Tama ba ako?
Pero sa panahon ngayon wala ng naniniwala sa alien, para sa mga tao ay kathang isip lang ang mga ito at hindi sila nag-eexist. At dahil na din wala tayong ebidensya na magpapatunay na totoo talaga sila.
Pero paano kung nakakasalamuha
na natin sila araw-araw?
Paano kung magtagpo ang landas
natin sa landas nila?
Ano kayang feeling na may
kamukha ka sa ibang planeta?
•••
Planet Htrae
Language: Tagalog/English
All Rights Reserved 2017
Date Started: September 25, 2017
Date Republished: May 12, 2019
Date Finished: (on-going)
Plagiarism is a crime
Punished by law
book cover by: @unchiinet-
•••
Author's Note:
Hello sa mga dating readers ng Story na'to. Gusto ko lang malaman niyo na marami akong binago sa Planet Htrae kumpara sa dati na masyadong magulo ang pagkakasulat. Matutuwa po ako kung babasahin niyo ulit ang kwento na'to.
Wag kayong mag-alala dahil hindi ko binago ang mga characters.
Bakit ko in-unpublish ito?
Dahil po medyo naguguluhan ako, ginawa ko itong mas detalyado kumpara sa dati. Kaya asahan niyo po na maganda ang daloy ng kwento.
Anyway, mabagal po ako mag-update kaya po sa magbabasa nito thank you in advance sa patience.
See you sa first chapter earthlings!
Tweet me: @itsmedommy_
Official hashtag: #PlanetHtrae
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com