Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IKAPITONG YUGTO

"Rodel nakikita ko na ang bayan!" masiglang turan ni Marikit matapos kasi ng dalawang araw nilang paglalakbay sa kagubatan nahanap narin nila ang Liwayway.

"Dahan-dahan lang kamahalan baka madulas ka," alalang turan ni Rodel kaya patakbong tinungo niya ang prinsesa.

Nang makarating na sila sa bayan nagtaka sila nang mapansing tensyonado ang buong paligid, madalang lang ang mga tao sa lugar at nagkalat ang mga kawal.

"Psst! Dito!" sigaw ng isang lalaki pero parang pabulong ito at agad namang nilingon nina Marikit ang pinanggalingan ng boses nito.

Nakita nila si Isko na nagtatago sa likod ng isang tindahan at palinga-linga sa paligid.

Parehong napakunot ang noo ng dalawa at kapwa nagkibit-balikat na lang na tinungo ang direksyon ni Isko.

"Anong nangyayari? Bakit ka nagtatago?" bungad ni Rodel kay Isko.

"Mamaya ko na ipapaliwanag sa inyo, sumama muna kayo sa bahay ko mas ligtas kayo roon." Turan nito bago tuluyang nilisan ang lugar at dumeritso na sa bahay na tinutukoy ni Isko.


----

"Anong meron Isko?" agarang tanong ni Rodel habang nakaupo sa salas at palinga-linga sa paligid.

"May isang grupo ng mga kawal mula sa kabilang nayon ang nag-aasik sa bayan namin, teka inumin niyo muna ito," inabot ni Isko ang dalawang basong may lamang tsaa sa kanila at agad naman itong tinanggap nina Marikit saka nagpasalamat at umupo narin si Isko.

"Kinabukasan nung pagpasyal niyo sa bayang ito dumating sila, may hinahanap silang prinsesa raw, Marikit ang pangalan at isang lalaking nagngangalang Rodel. Kapag hindi daw namin ilabas ang mga hinahanap nila susunugin raw nila ang bayan kaya hindi natuloy ang pista sa takot, hindi namin magawang magsaya. Kilala niyo ba sila?" malungkot na turan ni Isko habang pinapaliwanag ito sa kanila.

Kapwa natigilan sina Marikit at Rodel sa sinabi inihayag ni Isko, bakas rin ang tensyon at alala sa mukha ng dalawa dahil kasalanan nila kung may mangyaring masama sa bayan ng Liwayway.

Umiling si Marikit at nagtanong, "bakit raw nila hinahanap ang mga taong iyon?"

"Ayon sa narinig ko, tinanan daw ng lalaki ang prinsesang nakatakda ng ikasal sa isang prinsipe. Binigyan nila kami ng isang linggo upang hanapin ang mga taong tinutukoy nila kaya lang limang araw na wala parin kaming alam kung sino sila." nababahalang saad ni Isko.

"Totoo ba iyon Rodel? Itinanan mo ako? Akala ko ba si ama mismo ang may gustong umalis tayo?" hindi napigilan ni Marikit na sumbatan at kwestyunin si Rodel.

Nagulat si Isko sa isiniwalat ng prinsesa at nabitiwan niya ang basong hawak niya, "ka-kayo ang hinahanap nila?"

Ngunit mistulang bingi ang dalawa at napatuloy ito sa pagtatalo.

"Nagkakamali ka kamahalan, kailanman hindi ako nagsinungaling sa iyo, ang kamahalan mismo ang nag-utos sa aking ipasyal ka, isa lamang itong hindi pagkakaunawaan! Mahal ko, paniwalaan mo naman sana ako. . ." paliwanag ni Rodel sa prinsesa sabay hawak sa mga kamay nito.

"Kung ganun bakit tayo tinutugis ng mga kawal? Hindi naman kaya. . . Si Crisanto! Tama, si Crisanto lang ang maaaring gumawa nito! Ang walang hiyang yun! Kung akala niya madadaan niya ako sa dahas upang pakasalan siya nagkakamali siya!" asik ng prinsesa na nagpupuyos sa galit.

"Kailangan na nating bumalik sa bayan, nakataya sa mga kamay natin ang kaligtasan ng bayan na ito kamahalan," turan ni Rodel na bakas ang pangamba sa mukha nito.

"Teka! teka! kung susuko kayo agad baka kung ano pa ang gawin nila sa inyo." Singit ni Isko sa usapan ng dalawa.

"Pero kung hindi kami magpapakita sa kanila ang bayan niyo naman ang mapapahamak Isko, 'wag kang mag-alala kami lang ang hanap nila't hindi nila sasaktan ang prinsesa." Tugon ni Rodel rito.

"Maraming salamat sa lahat ng naitulong mo sa amin Isko at pasensya na rin sa abala." Turan ng prinsesa sa kanya sabay abot ng ginto't pilak bilang pasasalamat.

"Nako kamahalan ang laking halaga na po nito, hindi ko iyan matatanggap." Tanggi ng binata sa kanya.

"Sige na Isko, bilang pasasalamat ko na lamang iyan sa lahat ng naitulong mo sa amin." Turan ng prinsesa, nag-aalangan man, tinanggap parin ni Isko ang regalo niya.

"Mag-iingat po kayo kamahalan." Turan ni Isko sa kanila bago umalis.


----

"Sa oras na malaman ko na pakana 'tong lahat ni Crisanto, malalagot talaga siya sa akin!" inis na turan ng prinsesa habang naglalakad papunta sa lungsod pamilihan.

"Hindi naman tayo sigurado kung siya nga ang gumawa ng kasinungalingan sa kamahal— Mahal sandali!" sigaw ni Rodel sabay hatak kay Marikit dahil nagsilapit ang mga kawal sa kanila.

"Hanggang diyan nalang kayo! Mahal na prinsesa pinasusundo na po kayo ng kamahalan, sumunod nalang po kayo sa amin ng matiwasay upang hindi kami mapipilitang gumamit ng dahas." Turan ng isang kawal kina Rodel at Marikit.

"Mga lapastangan! Pinagbabantaan niyo ba ako? Anong kabalbalan 'to? Sinong may sabing itinanan ako ng aking tagapagsilbi?" galit na turan ng Prinsesa.

"Nakatanggap ho kami ng sulat na nagsasabing itinakas kayo ng anak ni Heneral Diamante," anito saka bumaling sa mga kasamahang kawal, "ano pang tinutunganga niyo diyan? Dakpin siya at iuwi na natin ang mahal na prinsesa!"

"ANO? SANDALI!" galit na sigaw ng prinsesa sa mga kawal habang panay rin naman ang sigaw ni Rodel na huwag hahawakan at sasaktan ang prinsesa.

Lulan ng barkong pangkalakal, isinakay ng sapilitan sina Marikit at Rodel, hindi na rin nanlaban pa ang binata para 'wag lalong madiin sa paratang sa kanya.

Pansin naman nito ang magkasalubong na kilay ng prinsesa na kanina pa may malalim na iniisip.

"Ayos ka lang?" alalang tanong ng binata sa kanya.

"Yung totoo? Hindi, hindi ako mapakali 'pag may gagawing masama si Amang sa iyo." Turan ng prinsesa dahilan upang mapangiti saglit ang binata.

"Hindi mo kailangang mag-alala para sa akin mahal ko, kahit ano mang mangyari andito lang ako sa tabi mo." Saad ni Rodel sabay hawak sa kamay ng dalaga.

Makalipas ang ilang oras ng paglalayag nakauwi na rin sila sa bayan ng Mantawi at agad dumeritso sa palasyo.

"Ianunsyo ang pagdating ng mahal na prinsesa." Saad ng isang kawal sa kapon sa tarangkahan.

Tumango naman ito at agad na sumingaw ng, "DUMATING NA ANG MAHAL NA PRINSESA!" ng paulit-ulit.

Ang punong kapon naman ay dali-daling lumapit at nagbigay pugay sa hari kasabay nito ang pag-anunsyo na nasa palasyo na ang mahal na prinsesa.

"Papasukin silang dalawa rito!" maotoridad na utos ng hari sa mga kawal.

"OPO, KAMAHALAN!" sabay na tugon nito bago lumabas ng bulwagan.


----

Makalipas ang sandali nasa harapan na ng hari ang dalawang magkasintahan at agad na yumuko't nagbigay pugay ang mga ito sa kanya.

"Lapastangan!" bungad ng hari sabay sampal ng napakalakas kay Rodel na ikinabigla ng prinsesa habang si Rodel naman ay nanatiling nakayuko at nakaluhod sa harapan nito.

"Ama!" sigaw ni Marikit.

"Patawarin niyo po ako kamahalan, kung matagal kong naibalik ang prinsesa sa inyo—"

"Tahimik! Hindi ko kailangan ng mga paliwanag mo! Sapat na sa'king malaman ang ginawa mong kalapastanganan sa anak ko! Pinagkatiwalaan kita Rodel gaya ng pagtiwala ko sa ama mo!" bulyaw nito sa kanya saka bumaling sa mga kawal, "ilagay niyo siya sa kulungan! Mamayang gabi pugutan niyo ng ulo ang walang hiyang 'to!"

"Ano? Ama! Walang ginawang kasalanan si Rodel! Hindi niya ako itinanan, dinakip at binihag kami ng mga bandido!" giit ni Marikit habang pilit na nagpupumiglas sa mga tagapagsilbi nito.

"Isa ka pa! Napakatigas talaga ng ulo mo! Pagkatapos kung pugutan ng ulo 'yang kawal mo bukas na bukas ikakasal kana kay Crisanto! Kaya simula ngayon makukulong kana sa iyong silid hanggang sa araw ng iyong kasal!" lintanya nito saka bumaling sa mga tagapagsilbi, "dalhin niyo na siya sa kanyang silid!"

"Hindi! Rodel! Ama! Huwag! Paki-usap 'wag niyong sasaktan si Rodel! AMA! RODEL!" pagwawala ng prinsesa habang pwersahang pinapalabas ng bulwagan.

Hindi naman mapigilan ni Rodel ang pagtulo ng kanyang mga luha sa huling pagsilay niya sa mukha ng kanyang minamahal na prinsesa.

"Mahal na mahal kita Marikit..." huling mahinang turan nito bago nawala sa paningin niya si Marikit at tuluyan na siyang kinuyog ng mga kawal papunta sa selda.

Itutuloy...




~Thanks for reading!

Anyways sana nagustuhan niyo ang yugtong ito! Nawa'y wag kayong tumigil sa pagsuporta. Vote, comments, and share.

Hanggang sa muli! 





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com