Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IKATATLONG YUGTO

"Ang ganda mo pala sa malapitan," nakangising saad ni prinsipe Crisanto habang nagtsatsaa sa hardin ng palasyo.

"Ayaw kitang maka-usap kaya ubusin mo na iyang tsaa mo nang makaalis na ako," malamig na turan ng prinsesa dahilan upang mas lalong lumapad ang ngiti ng prinsipe.

"Masungit nga lang, 'di ko talaga inakalang ikaw ay isang maharlika sa una nating pagkikita. Wala pang nakakatalo sa'kin sa isparing, ikaw pa lang." Turan ng prinsipe sabay lagay ng tsaa niya sa patungan nito.

---

"Wala na bang ibang lalaban diyan? Mas malaki ang pusta ngayon kesa sa nakaraang araw. Ano? Sino ang hahamon sa dating kampyon?" sigaw ng tagahatol ng laro sa bayan sa mga taong nanunuod ng palaro.

"Tanga lang ang lalaban sa prinsipe, alam naman namin na wala kaming binatbat sa kanya."  Tugon ng isang alipin na nanunuod.

Sumang-ayon naman ang mga kasamahan nito dahilan upang mapatawa ang prinsipe at magmalaki na walang makakatalo sa kanya.

"At sinong may sabi?" Biglang sigaw ng isang boses ng babae dahilan upang mapatahimik silang lahat at mapatingin sa kanya.

Ilang segundo ng katahimikan bago tuluyang nagsihalakhakan ang mga manunuod.

"Bakit ineng? Sinong manok mo?" tanong ng tagapaghatol.

"Alangan naman ikaw, syempre ako!" Sarkastikong saad ng dalaga sabay lakad patungo sa gitna.

Nagsitawanan muli ang mga manunuod maliban kay prinsipeng Crisanto ay 'di maitago ang pagkamangha kaya lumapit siya rito at pinayagang makipagsparing sa kanya ang dalaga.

"Totohanin mo ang laban, 'di purket babae ako 'wag mong pigilan." Aniya sabay kuha ng espadang kahoy.

"Sigurado ka? Sige, kung 'yan ang gusto mo binibini." Ani ng prinsipe at agad na sumugod sa kanya.

Maliksi si Marikit dahil magaan lang ang kanyang timbang kumpara sa prinsipe kaya madali niyang naiilagan ang bawat pag-atake nito, naging mabilis ang pangyayari namalayan nalang nilang nakatuon na ang espada sa leeg ng prinsipe at nakaluhod na ito habang hinihingal saka inanunsyo na ng tagapaghatol kung sino ang nanalo dahilan upang mapahiyaw ang mga manunuod at mapangiwi si Crisanto.

----

"Bakit mo pinapaalala ang pagiging talunan mo?" saad ni Marikit sabay tayo. "Didiretsahin na kita kamahalan. Ayoko sayo, masyado pa akong bata para makasal, hindi talaga kita magugustuhan kahit anong pilit niyo—"

"Dahil may ibang nagpapatibok na diyan sa puso mo?" mapanuyang saad ni Crisanto dahilan upang mapaawang ang bibig ng prinsesa.

"Ano? Anong kabalbalan iyang lumalabas sa bibig mo? Paano kung may makarinig sa'tin at isiping totoo iyang sinasabi mo?" galit na turan ni Marikit pero mas lalong nakangisi ang prinsipe at nilapitan siya nito.

"A-anong ginagawa mo? 'Wag kang lalapit!" taas-noo paring saad ni Marikit kahit bakas na sa mukha nito ang takot niya.

Humalakhak naman si Crisanto at bahagyang dumistansya, "huwag kang mag-alala hahalikan lang kita sa oras na makasal na tayong dalawa."

"Tumahimik ka! Lapastangan!" bulyaw ni Marikit sa kanya sabay lakad-takbong lumayo kay Crisanto.

-----

"Rodel... Rodel nasaan ka?" hinalughog ng prinsesa ang buong bahay na tinutuluyan ni Rodel pero nanlumo siyang 'di niya ito mahagilap.

Tuluyan na siyang napaiyak nang makitang nawawala ang ilan sa mga gamit nito't batid niya'y nilayasan na siya ng kanyang iniirog.

"Pati ba mga bato iniiyakan mo na?"

"Rodel!" tumakbo siya papunta sa iniirog at agad niya itong niyakap na ginantihan naman ng binata.

"Ikaw lang ang kilala kong pasaway na napakaiyakin," aniya sabay tawa at hinaplos ang pisngi ng prinsesa sabay halik sa pisngi nito.

Mas lalong umiyak si Marikit sabay sabing, "akala ko iniwan mo na ako, akala ko hindi na kita makikita—"

"Tahan na, hindi ako aalis... Nang hindi ka kasama." Seryosong turan ng binata sa mga mata ng prinsesa.

"A-anong ibig mong sabihin?" naguguluhang saad ni Marikit.

"Payag ka bang sumama sa'kin sa paglaklakbay?" nakangiting turan nito na ikinatuwa ng prinsesa.

"Kahit saan basta't kasama ka!" pagsang-ayon nito sabay yakap muli kay Rodel.

Agad na nagtungo ang dalawa sa likod bahay kung saan may malaking lawa rito at isang bangka na may lamang karga.

"Kung ganun, pinaghandaan mo ito?" tanong ng prinsesa sabay abot ng kamay ni Rodel upang gabayan siya sa pagsakay ng bangka.

Tumango naman ang binata bilang tugon. Nang makapwesto na, sinimulan na ni Rodel ang pagsasagwan.

Lingid sa kanilang kaalaman ng dalawa may mga mata palang nakamasid sa kanila habang sila ay papaalis... "Wala palang iniibig ha, may balak pa talaga kayong tumakas, sige lang mahal na prinsesa pakasaya ka sa mga nalalabi mong araw kasama ang hampas lupa na iyan." Turan nito sa sarili bago naglakad paalis.

----

"Rodel magtatanan ba tayo?" alalang sambit ni Marikit habang nilalaro sa kamay ang tubig ng lawa.

Marahang kinurot ni Rodel ang ilong nito't sinabing, "pilya, kung anu-anong pumapasok diyan sa utak mo," aniya sabay bungisngis. "Hindi tayo magtatanan, ibabalik pa rin kita sa palasyo pagkatapos nito."

Napasimangot pero nakahinga naman ng maluwag ang prinsesa sa tinuran ng binata, kahit pa mahal niya si Rodel 'di niya parin maaaring iwan ang kanyang ama sa palasyo lalo na't patanda na ito't wala nang makakasama.

"Pero baka mapahamak ka lang pag nalaman nilang wala tayo sa palasyo." Protesta ni Marikit habang tinitignan ang mga gamit na dala ni Rodel, "teka, nagdala ka ng ilan sa mga gamit ko?"

Tumango naman si Rodel at sinabing, "oo yung mga paborito mo ang dinala ko para kumportable ka at wag mo naring alalahanin pa ang ginawang pag-alis na'tin dahil ang ama mo mismo ang nag-utos nito."

Napabuntong-hininga naman ang prinsesa, "salamat naman, kating-kati at ang bibigat kasi talaga ng iba kong damit saka—teka! Ano ulit yung sinabi mo?" gulat na tanong ng prinsesa nang mapagtanto, "si amang hari? Pinayagan niya akong magliwaliw?"

"Oo, pansin niya kasi ang pagiging balisa mo nitong mga nakaraang araw. Natatanaw ko na ang daungan malapit na tayo." Paglilihis ni Rodel sa usapan.

Agad naman napalingon si Marikit sa kanyang likuran at tama nga si Rodel may daungan na madaming tao't may mga bangka rin, makikita mo rin ang samot saring paninda sa paligid nito batid niya'y patungo sila sa kabilang bayan.

"Anong lugar 'to Rodel?" tanong ng prinsesa habang akay-akay siya ni Rodel pababa ng bangka.

"Maligayang pagdating sa bayan ng Liwayway! Kayo ba'y mga mangangalakal o mga dayo lamang?" tanong ng isang lalaking parang kaedad lang rin namin ni Rodel.

Alangan ngumiti sa kanya ang prinsesa pero bago paman makipagkilala hinawakan ni Rodel ang kamay nito't pinapatago sa kanyang likuran. Batid ng prinsesa ang pagseselos nito, kaya napangiti siyang muli.

"Anong nginingiti-ngiti mo riyan?" bulong ni Rodel kaya napasimangot si Marikit, bumaling siya sa lalaking sumalubong sa kanila at sinabing, "kami ay pawang mga dayo lamang na galing sa bayan ng Mantawi gusto lang naming mamasyal at magliwaliw sa inyong bayan 'di ba malapit na ang inyong kapistaan?" hindi mapigilang mapanganga ng prinsesa, batid niya'y nahawa na ito sa kadaldalan niya simula nung nagtapat siya sa kanya ang galing na kasi nitong makihapaglubilo't makipag-usap sa 'di niya kakilala.

"Ganun ba? Nako! Pumunta kayo sa tamang bayan! Oo, tama, tama. Sa susunod na araw na ang kapistaan sa lugar namin. Naway magpakasaya kayo sa inyong pagbisita. Hali kayo't ituturo ko sa inyo ang daan patungo sa sentro ng bayan at inyong matutuluyan." Masigla paring saad ng lalaki.

"Rodel tanungin mo muna kung ano ang pangalan niya." Bulong ng prinsesa kay Rodel sa tenga pero nagsalita ang lalaki.

"Ako nga pala si Vilasko! Isko nalang itawag niyo sa akin, trabaho ko ang ipasyal ang mga dayo sa lugar namin. Medyo mahiyain po pala iyang kasama niyong binibini." Turan niya, nang marinig niya ang bulong ng prinsesa.

"Ako naman si Juancho at hetong kasintahan ko ay si Mari—"

"MARIANA! A-ako si Mariana." Sabat ni Marikit bago paman ituloy ni Rodel ang sasabihin nito, pinandilatan siya ng binata kaya pinandilatan niya rin ito.

"Ah! Juancho at Mariana, kinagagalak ko kayong makilala." Tugon ni Isko sabay alangang ngumiti batid na naguguluhan siya sa ikinikilos nilang dalawa.

"Pasensya na pagod lang kami sa pagsasagwan papunta rito, maaari na ba naming malaman kung saan kami tutuloy?" saad ni Rodel kay Isko na dali-dali namang tumango at nagsimulang maglakad kaya sumunod na ang dalawa rito.

-----

Nakamamangha. 'Yan ang unang ekspresyon ni Marikit nang makita ang sentro ng bayan nila, kung magarbo at maraming tao sa bayan ng Mantawi, mas magarbo naman ang bayan nila na aakalain mong araw na talaga ng kapistaan.

"Ganito ba talaga sa bayan niyo?" 'di maipigilang tanong ng prinsesa.

"Oo, medyo magulo at maingay mas marami kasi ang dumadayo rito lalo na't maraming magagandang tanawin sa kabundukan.

"Talaga? Totoo Rodel may ganun rito?" natutuwang turan ng prinsesa sabay kapit sa braso ni Rodel.

Tumango naman ang binata't ngumiti rito.

"Bukas na bukas ipapasyal kita kahit saan mo gustong pumunta." Saad ni Rodel na labis namang ikinatuwa ng prinsesa.

Itutuloy...






Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com