Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I

pristine || anthon

•••

Pagmulat ng aking mga mata nairita na ako agad. Ang taas ng sikat ng araw at alam ko na mahuhuli nanaman ako sa aking trabaho.

Dali-daling inayos ang aking kama, namili ng susuotin at dali-dali ring naligo't nag-ayos. Anong oras na ba? Hindi nanaman ako makakakain ng almusal. Mas naiirita pa naman ako pag gutom. Ako lang ba? Siguro naman lahat ng tao hindi magana pag gutom.

Pagsakay ko ng kotse, nilakasan ko agad ang aircon grabe kasi ang init sa labas. Sana naman hindi traffic, kung hindi lalo akong mahuhuli sa trabaho.

-

Pagkapark ko ng kotse may ilang minuto pa naman at pwede siguro akong dumaan sa malapit na convenience store. Nakabili nga ako ng pagkain pero mahuhuli na talaga ako.

"Late na ko, ang daming tao." Pagmamadali kong lakad, tatakbuhin ko na ba? At matapos ang ilang segundong pag-aalinlangan, sinimulan kong takbuhin ang ilang kilometrong layo pa papunta sa studio.
Kailangan kong madagdagan ang pinipinta ko bago pa ang exhibition.

Sa pagmamadali ko hindi ko sinasadyang nakabangga pa ko, bakit ba naman kasi biglang huminto 'to. "I'm sorry if you would excuse me." Hindi ko na hinintay ang sasabihin nung tao kung meron man. Nagmadali na akong tumakbo ulit pero biglang may humila sa'kin.

"A-ano ba?!"
"You're forgiven but next time look where you're going."

Aba antipatikong 'to, iningles pa ko. "Kasalana--agsgvdxhsil" ah eh hindi rin naman pala ako maiintindihan nito. "For the second time, sorry."

BANG! BANG!

"Aaaaahhh!" napakapit na lang ako ng bigla sa nakabungguan ko, hinila rin naman niya ako sa likod niya. "Stay still," at tila ba'y hinahanap niya kung saan galing ang mga putok ng baril.

Pinakawalan niya na ko at huminga siyang malalim. Gulong-gulo ako. May mga nagtatakbuhan at ang iba nama'y hinahanap din saan galing ang mga putok ng baril. May mga tumawag na ng pulisya't mga enforcer pero ni isa'y wala pang nadating. "Hey, hey." Bakit kalmado pa rin to'ng taong 'to?! "W-what?" Bigla niyang iniabot sa akin ang telepono niya. "What should I do with this?" Nagbuntong hininga nanaman siya at sinabi na lang na, "type in your number." Lalo akong naguluhan.

"Why would I give you my number?"
"For your safety. That shooter already saw you talking to me. Type in your number now."

Naguluhan ako lalo at dahil sa kabog sa dibdib ko, alam ko rin na huli na talaga ako sa simula ng trabaho ko, madalian kong ibinigay ang numero ko.

"Whatever you do, don't talk to the policemen. No one could recognize you as a witness, there's too many people here."

Naiwan akong nakatulala habang pinoproseso ang lahat. Sino ba ang taong yun? Bakit parang kilala niya ang nagpaputok at bakit ayaw niyang sabihin ko sa kapulisan ang pangyayari? Late na nga ako, ipinahamak ko rin ba ang sarili ko?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com