Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

VIII




pristine || anthon (english narrative) || Dillan

•••

Paggising ko tinignan ko agad ang cellphone ko, baka may mensahe mula kay Anthon pero wala kaya't nag-ayos na ako at pumasok. Nakakailang tapos na ako ng trabaho ngunit wala pa ring kahit ano mula sa kanya. Ano kayang nangyari dun? Teka, totoo ba yung.....

*RRRIIIIIIINGGG* *RRRIIIIIIINGGG*
"The number you are trying to reach is out of coverage area, please try again later." *RRRIIIIIIINGGG*  *RRRIIIIIIINGGG*
"The number you are trying to reach is out of coverage area, please try again later."

Hindi maaari.....
*RRRIIIIIIINGGG* *RRRIIIIIIINGGG*
"The number you are trying to reach is out of coverage area, please t-----"

Hindi pala panaginip ang lahat.

-

Who is she calling? It makes her frown, I don't like it.

It's hard to stay away from her especially when I get to see her...no, I'm watching her from the building opposite her office; I'm not a creep and I'm not attached either, I'm just really worried about her. Then maybe, I am attached.

"Stop looking so sullen."
"I miss...ehm I mean I'm worried."
"You mean you miss her, just admit it. It's just the two of us bro."
"Yeah whatever. Look out for her ok? And Reese."
"You know they will be safe, you have an amazing lookout/bodyguard/whatever you need here."
"Thanks and you better take care of yourself too."

Dillan nodded and I went on my way. My bags are ready, it's time to head to that flight.

-

Akala naman niya kailangan ko siya? Akala ba niya malulungkot ako? Akala ba niya may paki ako? AHHHH! Hindi pa rin maalis sa isipan ko kahit ang dami ko nang ginagawa. Ano ba kasing problema? Akala ko ba proprotektahan niya ko? Akala ko ba kailangan nakikita niya ko? Akala ko ba kailangan nakakasama niya ko? Kaya naman pala niyang matiis na masaktan, teka-teka-teka PRISTINE ANONG NASASAKTAN? GAGA KA BA?! Kalma. Kailangan ko munang kumalma. Gawa lang ng pag-alis niya kung ano-ano na naiisip ko?

*RRRIIIIIIINGGG* *RRRIIIIIIINGGG*
"The number you are trying to reach is out of coverage area, please try again later."

BAHALA KA SA BUHAY MO!

Umalis na ko sa opisina ngunit napasyahan ko na bumili muna ng hapunan at iuwi na lang sa bahay, nakakatamad din minsan kumain sa labas lalo na kung pagbubulungan ka ng mga tao at para bang kaawa-awa ka kahit hindi naman. COME ON, IT'S 2018, ok lang kumain sa labas mag-isa.

"Can I order one set meal B?"

Pagkabayad ko lumabas na ako't natatakam sa pagkain ko, ang bango kaya. Bakit parang hindi ako mapalagay? Lumingon-lingon ako sa paligid ko, wala namang kakaiba, maraming papasok at palabas nung restawran at mga nagmamadaling makasakay at makauwi. May nanunuod ba kung paano ko pasimpleng amuyin yung pagkain ko?

Nagpatuloy ako sa paglakad upang makarating sa sasakayan ko ng biglang may pumara sa harap ko, tumigil na sasakyan at...teka....pamilya...

Binaba ng nagmamaneho ang salamin sa shotgun seat at sabi na nga ba, "Dillan?"

"Sakay na, napag-utusan lang."
"Nino? Wala na kami ng kapatid mo este wala siya diba?"
"HAHAHAHA. Sumakay ka na lang."
"O sige, tipid pamasahe rin."

Ang bilis din magmaneho nito, kupal din kaya siya tulad ng kapatid niya? "Itanong mo na, it's obvious you're curious about something." Edi siya na may alam.

Nanahimik muna ako't nagdiretso ng tingin sa kalsada. Ano ba ang gusto kong itanong at malaman? Madami. Asan si Anthon? Bakit niya ginawa yun? Alam kaya niya yung ginawa ni Anthon, alam kaya niyang nagpaalam na sa akin ang kapatid niya? Oo nga pala, sinong nag-utos sa kanyang isabay ako't ihatid pauwi? Paano niya nalaman kung nasaan ako? Hala sinusundan ba ko nito? May gusto ba sa'kin 'to at dahil wala na si Anthon....? Ano ba kasing nangyayari?

"One question at a time. Look at your expression, looks like you want to murder me."
"Ah, eh, ah..ano ba...."
"What do you want to know?"



Lahat..... "What happened?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com