XII
pristine || anthon (english narrative) || Dillan
•••
Inaayos ko lang ang buong apartment. Magkaroon lang ng gagawin, hindi pa kasi ako pinapapasok ni Lyla at ni Dillan sa trabaho. Alam na alam ko rin naman gaano pa kadelikado.
Natupi at naisalansan ko na ang kokonting damit na dala ko. Nakapagluto na rin ako ng paborito kong carbonara. Sa ngayo'y nagwawalis lang ako kahit wala namang dumi. Hindi naman ako gaanong kasipag dati pero wala na kasi akong magawa. Ayoko mag-alala, yun yung tunay na dahilan. Ayoko na ring mag-isip kung asaan na ba talaga siya.
Maya-maya'y nagring ang telepono, sino naman kayang istorbo ang tatawag pa. Talaga ba Pristine? Disturbo nga ba? Wala ka namang gaanong ginagawa.
"Hello?" Tapos wala namang sasagot! Ano ba 'to. "Don't waste my time." Ibinaba ko na ang telepono at nagpatuloy sa pagwawalis. Wala na talaga akong madakot na kahit anong dumi, kahit alikabok naubos na yata. Ibinalik ko na lang ang walis sa taguan nito at kinuha naman ang pamunas ng sahig, ano ba 'tong ginagawa ko?
Makaraan ang ilang minuto, natapos ko na rin ang pagpupunas ng sahig nang biglang may kumatok. Teka wala namang nababanggit si Dillan na dadaan siya at saka, may susi naman ata siya? Hindi ko maalala.....hindi ko naman magawang lumapit sa pintuan o magsalita, paano kung hindi si Dillan ang nasa labas? Eh paano kung si Dillan? Paano kung hindi?! Eh paano kung si Dillan?!!
"Pristine?"
Natigilan ako sa pakikipagtalo sa sarili nang madinig ko ang boses sa labas. Ang boses niya na matagal na simula nang huli ko itong nadinig. "C-come again?" Gusto ko lang makasigurado.... "Pristine, it's me." Halos tumakbo na ko papalapit sa pinto at binuksan ito. Humarap sa akin ang taong hindi ko inaakalang nasa harap ko ngayon. "It's you. It's really you," hindi talaga ako makapaniwala.
Tumango siya at dali-daling pumasok, sinara ang pintuan at niyakap ako. "Sorry, biglaan, I have to come see you. I can't really say anything when I called and I can't keep calling like a creep." Dali-dali rin niyang pagpapaliwanag. "O-okay." Hindi ako nanaginip. Pero paano? Akala ko ba sa tamang panahon sabi ni Dillan? Alam kong delikado pa. Anong nangyayari? Sa dami ng mga tanong ko, isa lang ang lumabas sa bibig ko, "how are you?"
Hindi pa man siya nakakasagot, biglang bumigat ang nakayakap sa'kin. "Anthon? Anthon?" Pinagtitripan ba ko nito? Niyugyog ko siya ng bahagya. "Anthon?"
May kung ano akong nakapa na nakatusok sa tagiliran niya, nabaril ba siya?! O.A ba ko? Teka, teka, teka, ano bang gagawin ko.
"Anthon!!"
Inakay ko pabalik sa sofa si Anthon, ang bigat niya ha. Nakapikit siya at tila ba wala talagang malay. Dali-dali kong tinawagan si Dillan. "We have a..problem..? Come here please, this instant."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com