Psyche And The Three Cupids (A GL One Shot Story)
ARIEL
Kakatapos lang ng klase namin sa first subject na Chemistry. Pinagmasdan ko si Psyche na nakatanaw sa labas ng classroom. Sa tabi kasi siya ng bintana nakaupo.
Hindi ko pinansin ang ingay dito sa loob. Mga babaeng nagtsitsismis lang ang iyong maririnig. Bakit walang lalaki? Kasi na sa All-Girls School kami nag-aaral.
Habang pinagmamasdan ko siya ay napansin ko ang mahaba at kulot niyang buhok na nakalugay at tinatangay na ng hangin. Manipis ang kanyang mga labi, katamtaman ang tangos ng kanyang ilong at bilugan ang kanyang mga mata na isa sa mga insecurities niya pero bumagay naman sa maamo niyang mukha.
Maya't-maya ay biglang lumapit si Casey sa kanya. Naalarma ako kaya lumapit ako sa kanila. Nang makalapit na ako ay narinig kong tinanong niya si Psyche kung may date na siya sa Prom. Tumanggi naman siya na wala at alam ko na ang susunod na mangyari.
Bago pa niya yayain si Psyche ng date ay hinarangan ko na. Paano ko nasabi na yayayain niya? Syempre ako pa! Instinct na namin 'yun tulad namin na may pusong lalaki.
Nilayo ko si Psyche kay Casey palabas ng room. Nang sa labas na kami ay nasalubong namin si Bobbie na best friend ni Psyche at may hidden feelings sa kanya.
Mala-diyosa kasi ang ganda ni Psyche. Bagay talaga sa pangalan niya.
"Uy Bes," panimula ni Bobbie. "May date ka na ba sa Prom?" Tanong niya.
"Wala pa nga eh." Sagot ni Psyche. "Ikaw Bobbie may date ka na?" Balik niyang tanong.
Bago pa yayain ni Bobbie si Psyche ay hinila ko agad siya palayo. Dinala ko si Psyche sa tagong garden dito sa likod ng campus. Namangha naman si Psyche kasi namulaklak na yung favorite niyang sunflowers.
"Wow! Ang ganda naman dito, Ariel." Makatotohanang sabi niya.
"Tama ka. Ang ganda nga." Makahulugang sagot ko habang nakatitig sa kanya. Pero bigla siyang nalungkot kaya tinanong ko siya kung bakit.
"Wala lang," malungkot niyang sagot. "Wala pa kasing nagyayaya sa akin makipag-date sa Prom. Pero okay lang. Parang tinatamad naman akong pumunta."
Bigla akong nalungkot sa kanyang sinabi. Ako kasi ang dahilan kung bakit wala pang nagyayaya sa kanya. Hinaharangan ko kasi.
"Tara na, Ariel. Bumalik na tayo sa classroom at baka nagsimula na ang klase natin." Pagkasabi niya ay binawi niya ang kanyang kamay sa akin. Naiwan akong mag-isa dito sa sunflower garden.
Nahihiya kasi ako magyaya sa kanya sa Prom. Don't worry, Psyche. May date ka na sa Prom at ako yun. Kailan kaya yun? Sa Sunday na pala. May five days pa. Excited na ako.
Bakit ako excited? Kasi nakahanda na yung gown ni Psyche at parehong kulay ang outfit namin. Ako naman ay naka-tuxedo. Okay lang daw na mag-tuxedo ako sabi ng Principal kasi open naman siya sa LGBTQ+.
Sunday na at ipinadala ko sa delivery boy ang susuotin ni Psyche na may note na, "Psyche, please wear this gown. I'll fetch you after three hours. Don't make me wait." Oh diba? Parang nagbabanta.
Pagkatapos ng tatlong oras ay nandito na ako sa labas ng bahay ni Psyche. Bumisina muna ako ng tatlong beses bago bumaba ng kotse. Makalipas ng ilang minuto ay lumabas na si Psyche.
Ako'y napatulala sa ganda niya. Syempre, naman si Psyche yan eh. Bumagay sa kanya ang red laced top corset mixed with black in long gown. Natural lang ang makeup niya. Para talaga kaming totoong mag-couple.
Nagbalik ako sa realidad nang tanungin niya ako kung ano daw ang ginagawa ko sa kanila. Sabi ko naman ay sinusundo siya. Doon lang niya napagtanto na ako pala ang nagregalo sa kanya ng gown.
Nagpasalamat naman siya kasi baka mamatay daw siya sa inggit kapag hindi siya naka-attend ng prom na ayaw ko namang mangyari.
Inalalayan ko siya at pinagbuksan ng pinto ng kotse. Pagkatapos ng pitong minutong byahe ay sa wakas nakarating na kami ng gymnasium. Nang makapasok kami ay sa amin naka-focus ang karamihan sa mga estudyante.
Paano ba naman. Naka-couple outfit kami. Mayroong tumaas ng kilay, may nainggit at mayroong kinilig.
"Psyche, wait lang ha. Kukuha muna ako ng juice." Tumango naman siya saka pumunta ako sa food area.
Nang nasa food area na ako ay maraming nagtatanong kung kami na ba ni Psyche. Sabi ko naman, "Going there." Pero sa isip ko lang iyon
Habang nawiwili ako sa atensyon na nakukuha ko ay hindi ko namalayan na sinusulot na pala ni Casey ang date ko kaya dali-dali kong pinuntahan si Psyche. Nang makalapit na ako ay narinig kong tinanong ni Casey kung sino ka-date niya.
"Casey, ako ang ka-date ni Psyche." Sabad ko na ikinataas niya ng kilay. "Excuse us." Dugtong ko pa.
Hinila ko si Psyche palayo kay Casey. Nang makarating kami sa hindi mataong lugar ay kinompronta ako ni Psyche.
"Ariel, aminin mo nga. Ikaw ba ang dahilan kung bakit walang nagyayaya sa akin ng date?" Malungkot niyang tanong. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang isang butil ng kanyang luha.
"Psyche, ano kasi..." Nauutal kong sabi.
"Totoo ba?" Tanong niya ulit sabay bawi ng kanyang kamay sa akin.
"Sorry to say this pero totoo, Psyche." Pag-amin ko saka pinunasan ang luha niya. "Psyche, you have no idea how threatened I am everytime your admirers approach you just to invite you to be their date." Sabi ko pa sabay hawak sa malambot niyang mga kamay. "You're beautiful. I have sleepless nights nights knowing if you already have a date or not. I want you to be mine." Mahabang dugtong ko. Umiwas siya ng tingin.
"Look at me." Sabi ko kay Psyche.
"Ayoko nga, nahihiya ako." Tanggi niya. "Hindi kita masyadong maintindihan." Pag-amin niya. "Well, slight lang." Pagkasabi niya ay hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi para magtama ang aming mga mata
"This is one of the reason why I love you because you are sweet and naive." Sabi ko na ikinapula ng mukha niya. "Will you be my girlfriend?" Sa wakas at naitanong ko na rin.
• • •
BOBBIE
"Uy Bes, sigurado ka ba na okay lang kay Tita na mag-sleepover ako dito sa inyo?" Kinakabahang tanong ko pero drama lang yun. Mas gusto ko nga mag-sleepover dito eh kasi masosolo ko siya.
Bwisit kasing Ariel yun. Binakuran niya talaga si Psyche. Hindi tuloy ako makaporma.
Kung nasolo niya si Psyche kanina sa Prom eh mas lalong mainggit siya ngayon kasi magse-sleepover ako dito.
"Really, Bobbie? Ngayon ka lang kinabahan kay mommy eh since elementary ay palagi kang natutulog dito tapos sabay pa tayo maligo nun."
Napailing na lang siya sabay tawa.
Namula tuloy ako sa sinabi niya na sabay kaming naliligo noon. Mauulit kaya ito ngayon? Kung ano-ano tuloy ang iniisip ko.
"Syempre naman uhugin pa tayo noon eh dalaga na tayo ngayon." Sagot ko naman habang inaayos yung gown na sinuot ko kanina.
"Eh ano naman ngayon, Bobbie? Malisyosa ka lang." Hirit pa niya.
Medyo nasaktan ako sa sinabi niya. Parang pinapalabas niya na wala akong pag-asa sa kanya.
"Matulog ka na nga. At nga pala, pakopya na rin ng assignment natin sa Chemistry total nandito na ako." Pag-iiba ko ng usapan.
"Ang tamad mo talaga." Sagot naman niya sabay kuha ng notebook sa bag niya saka inabot sa akin. "Matutulog na ako ha. Paki-off na lang ng ilaw, okay?" Dugtong niya pa sabay higa na sa kanyang kama.
"Yes, madam." Sagot ko naman.
Makalipas ng kalahating oras ay natapos ko na ang assignment namin. Hindi na ako kumopya pa kasi hindi ko naman maintindihan ang sulat kamay ni Psyche. Palusot ko lang iyon para pagtakpan ang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko tuloy ay nire-reject niya ako.
Ang tanga ko naman. Paano niya ako ire-reject eh hindi naman ako umaamin. Pero kahit na. Parang hanggang best friend lang talaga ang turing niya sa akin.
Sinara ko ang notebook ko at tinignan si Psyche na nakahiga sa kama. Lumapit ako sa kanya at inayos ang kanyang maalon na buhok na nakatakip sa kanyang mukha.
"Sana hindi lang tayo magbestfriend lang. Sana lovers na talaga tayo. Kailan kaya mangyayari yun?" Bulong ko sa sarili ko.
Humiga ako paharap sa kanya. Hinawakan ko ang pisngi niya at maging ang kanyang mga labi. Hahalikan ko sana siya kaya lang kapag ginawa ko iyon ay parang binabastos ko siya at hindi ko nirerespeto ang pagiging mag-bestfriend namin.
Tumalikod na lang ako sa kanya at natulog. Nagising ako na nasa ilalim ng kama at sa lakas ng tili. Bumangon ako na masakit ang pwet.
"Bobbie, sorry nagulat lang ako." Sabi ni Psyche saka inalalayan akong umupo sa kama niya.
"Napano ka, Bes?" Nag-aalalang tanong ko nang makaupo ako.
"Kasi... Ano..." Pagdadalawang-isip niya.
"Ano kasi yun bakit ka sumisigaw? May nakapasok bang magnanakaw?" Tanong ko ulit sabay kuha ng vase sa tabi ng mesa.
"Hindi yun," pigil niya sa akin saka hinablot ang vase na hawak ko at binalik sa mesa. "Ano kasi... Ba't nakakulong ako sa mga yakap mo, Bobbie? At hindi lang ordinaryong yakap yun ha. Bobbie, umamin ka nga. Best friend lang ba talaga ang turing mo sa akin?" Hindi niya napigilan na magtaas ng boses. Nakakatakot siya.
"Wait lang, Psyche. Huminahon ka muna." Panimula ko. "Ang totoo nyan, I have a special feelings for you since elementary. Dahil alam mo na, iisipin mo siguro na na-violate kita kasi sabay tayong naliligo noon. Pero hindi ko pa noon alam ang salitang love kasi nga were still young and innocent that time. Nag-grow lang ito nang mag-high school tayo." Mahabang paliwanag ko.
"Maniwala ka Bes, hindi ko siguro namalayan na nakayakap pala ako sa iyo. Pero kahit aware ako ay hindi ko naman gagawin yun habang tulog ka. My intention for you is pure and sincere." Dugtong ko pa.
Hindi siya makapagsalita dahil sa gulat kaya tinanong ko na ang gusto kong itanong sa kanya.
"Will you take my hand and be mine?" Sabi ko sabay lahad ng aking kamay sa kanya.
• • •
CASEY
Habang abala akong gumagawa ng assignment sa Chemistry ay biglang tumunog ang cellphone ko. Si Zasha pala ang tumatawag.
"Oh bakit?" Mataray kong tanong.
"Grabe, ang taray mo naman." Panimula niya. "Casey, hulaan mo kung sino ang nakita ko ngayon dito sa café."
"Abay malay ko. Baka yung admirer mong mabantot." Sagot ko naman sabay halakhak.
"Sige, wag nalang. Hindi ko na lang sasabihin na nag-de-date si Psyche at ang best friend niya dito sa kilalang café." Pagbabanta niya na ikinaalarma ko.
"Saan na café yan, Zasha?" Desperadong tanong ko.
"Sikretong malupit." Sagot naman niya saka binaba ang phone.
Biglang kumulo ang dugo ko sa nalaman. Sina Psyche at Bobbie nag-de-date? At isa lang ang alam kong kilalang café dito sa bayan, ang Joarth Café.
Dali-dali akong nagbihis sabay sakay ng bisekleta. Oo bisekleta lang kasi walking distance lang yun at mahal ang magpa-gas.
Kutang-kuta na si Ariel dahil naging partner niya si Psyche sa Prom, pati ba naman itong si Bobbie? Kainis.
Una kong nakilala si Psyche nung nagtransfer ako noong second year dito sa All-Girls School. Pagpasok ko pa lang ng room ay siya agad ang napansin ko. Paano ba naman, siya lang ang may lakas ng loob na magpakilala sa akin kasi nga bully ako.
Ang hindi ko lang gusto ay ang best friend niyang si Bobbie. Balak ko sanang i-bully yung best friend niya kaya lang nagbago ang isip ko. Baka kasi ma-badshot siya sa akin.
Balak ko sanang yayain siya last week maging partner sa Prom kaya lang binabakuran siya ni Ariel. Tapos magdidinner kinagabihan kaya lang nag-sleepover naman si Bobbie sa kanila.
Kaya this time, ako naman. Hindi ako magpapatalo sa dalawang bruhang yun.
Nang makarating ako sa Joarth Café ay nakita ko sila na masayang nagtatawanan. Ang isa sa mga nagustuhan ko kay Psyche ay ang pagiging masayahin niya at bibo pero minsan may pagka-moody.
Hindi ako nagdalawang isip na sugurin silang dalawa. Feeling ko kasi pinagtaksilan ako na hindi naman.
Nagulat si Psyche nang makita ako at nagtanong kung ano ang ginagawa ko dito pero hindi ako sumagot bagkus hinila ko nalang siya palayo kay Bobbie na nakangisi at ikinakulo ng dugo ko.
Lakad lang kami ng lakad ng walang distinasyon. Hindi ko namalayan na napalayo na pala kami sa lugar namin hanggang sa makarating kami sa city lake dito sa park.
Nakakamangha ang kumikinang na lawa dahil sa full moon.
"Wow! Casey, ang ganda naman dito." Manghang sabi niya habang pinapalibutan siya ng fireflies.
Nanamnamin ko sana ang magandang moment na ito kaya lang biglang sumagi sa isip ko ang date nila ni Bobbie kanina lang.
"Psyche, ano bang problema mo?" Galit na panimula ko.
"Ano? Anong ibig mong sabihin, Casey?" Nalilitong tanong ni Psyche.
"Bakit ka ganyan, Psyche? Bakit sinasaktan mo ang feelings ko? Kapag niyayaya kang i-date nina Ariel at Bobbie ay okay lang. Pero pag ako palagi ka nalang busy o kaya'y may pinupuntahan. May favoritism ka ba?" Linabas ko lahat ng mga hinanakit ko.
"Anong date ba ang pinagsasabi mo, Casey? Friendly date lang yun." Pagdedepensa naman niya.
"Anong friendly date? Bulag ka ba? May hidden feelings sila sayo noh!" Pasigaw kong sabi.
"Eh ano naman ngayon kung totoo nga? Ano ba tayo? Hindi ka nga nanliligaw eh!" Pasigaw din niyang sagot. Pinagtitinginan na kami ng mga tao.
"Paano naman ako manligaw sayo kung palagi mo na lang ako iniiwasan?" Makatotohanang sabi ko.
"Casey, hindi naman sa ganun." Pagdedepensa naman niya.
"Yun naman pala eh. So, Psyche, will you make my heart happy?" Tanong ko na may ngiti sa aking labi.
• • •
PSYCHE
"Will you be my girlfriend?" - Ariel
"Will you take my hand and be mine?" - Bobbie
"Will you make my heart happy?" - Casey
Paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang tatlong magkaibang senaryo na iyon. Paano ba naman, ang tatlong Campus Cupid dito sa All-Girls School ay nag-propose lang naman na maging girlfriend ko. Oo, girlfriend hindi para maging asawa kasi bata pa kami.
Si Ariel Montemayor ay galing sa angkan ng mga pulitiko. Inaamin ko na napasaya niya ako sa sorpresa niya. Ang possessive ng ate nyo ha.
Si Bobbie Mendoza ay best friend ko since elementary. Hindi ko talaga inaasahan na may hidden feelings siya sa akin and I appreciate her pure sincerity kasi akala ko na nag-te-take advantage na siya sa akin.
Si Casey Madrigal ay isang bully. Minsan na-gi-guilty ako everytime ni-re-reject ko sya kapag niyayaya nya akong makipag-date kasi nahihiya ako. Ang cute cute nya kasi. Pero infairness, I appreciate her for being strong hearted.
Nagbalik ako sa realidad nang may narinig akong mga boses na nag-aaway at kilala ko kung sino ang mga iyon. Nandito na pala sila sa rooftop at ang tagal nila ha.
"Bobbie, ba't ka nandito?" Tanong ni Ariel sa kanya.
"Syempre naman, may date kami ni Psyche eh." Sagot naman ni Bobbie kay Ariel. "Eh ikaw Casey, bakit ka nandito?"
"May date din kami ni Psyche kaya tabi!" Sagot naman ni Casey.
Bago pa sila magkasabunutan ay inawat ko na sila.
"Tigil!" Sabi ko. "Kaya ko kayo pinatawag dito sa rooftop ay para malaman nyo kung ano ang sagot ko sa mga tanong nyo." Paliwanag ko sa kanila saka huminga ng malalim.
Sasabihin ko na ba? Tama kaya ang magiging desisyon ko? Hindi kaya ako magsisi nito?
Hindi naman siguro, at least nagpakatotoo ako at para wala nang umasa at masaktan pa.
"Wala akong pinipili sa inyo kasi may iba na akong gusto. Sana ibaling nyo nalang sa iba ang pagmamahal na binigay nyo sa akin. At para sa iyo Bobbie, nasa iyo na kung ipagpapatuloy mo pa ang pagiging mag-bestfriend natin. Sana maintindihan at matanggap nyong tatlo ang naging desisyon ko. Patawad at salamat." Pagkasabi ko nun ay tumalikod ako para puntahan si Zasha sa Joarth Café para mag-confess ng aking feelings. Wish me luck!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com