CHAPTER 03
" ANG SIMULA NANG PAKIKIPAGSAPALARAN "
ANG NAKARAAN :
Ipinaliwanag nina Lola Miele at Lolo Alponso tungkol sa mga Sugo. Dahil sa nangyari na kaguluhan sa Skwelahan nina Dennis at Marife napagpasyahan nilang magtungo sa baybalang huling pinuntahan nang mga sugo. o ang dating sila.
ANG KARUGTUNG :
Inaayus ni Marife ang kanyang mga gamit nang biglang umihip ang napakalakas na hangin sa paligid.
"Alam kung nandyan ka Dennis.. Lumabas ka!" Sabi ni Marife habang nagiimpake nang mga gamit.
" Natakot ba kita ate Fe? sensya na.. " Sabi ni Dennis
" hindi naman, teka saan mga gamit mo? " Tanong ni Marife.
" Nasa labas po.. ate may ipapakita ako sayo tingnan mo.." Sabi ni Dennis at biglang nagsilutangan ang mga gamit sa paligid.
"Okay tama na yan.. tulungan mo nalang ako sa bag ko. mabigat!" Sabi ni Marife. at agad namang kinuha ni Dennis ang bag na sinasabi nya.
" Ate dala mo ba yung Unan ko?" Tanong ni Dennis.
" Yes po, nandyan sa loob.. tska may tent na din yan. " Sagot ni Marife at sabay na silang lumabas nang kwarto. Pagkarating nila sa sala ay nakita nila ang dalawang matanda na sina Alponso at Miele.
" Lola handa napo kami ni ate fe.." Sabi ni Dennis.
" Kung ganun, upang mapadali ang inyung paglalakbay, Gamitin nyo ang mga kwentas na ito.. " sabay abot ni Lola miele sa dalawa.
" Lola saan po ito galing?" tanong ni Dennis.
" Basta.. gagamitin nyo yan upang mabilis kayong makapaglakbay. pabalik o papunta.." sagot ni Lola Miele.
" Papano po ito gamitin?" tanong ni Marife.
" Ibulong nyo lang sa mga kwentas na yan ang lugar na inyong gustong puntahan.." Sabi ni Lola Alponso.
" Papano di namin alam, kung saan ang bahay ng babaylang sinasabi nyo.." Sabi ni Marife.
" Wait susubukan ko.." Sabi ni Dennis.
" Sandali apo.. wag di laruan yan.." Banta ni Lola Miele.
" Practice lang naman po lola.. " Sagot ni Dennis sabay kindat kay lola Miele.
" Dalhin moko sa bahay ni aling Myla..." Bulong ni Dennis sa kwentas sabay pikit ang mga mata nya. ngunit pagkalipas ng ilang minuto. ay nasa bahay padin sila ni Marife.
" Fake naman ata to lola.. ano ba yan." Sabi ni Dennis. at bigla syang naglaho sa harapan nina, Marife, Lola Miele at Lola Alponso.
" Hi Aling Myla, kamusta po kayo.." Bati ni Dennis sa matanda ng bigla syang sumulpot sa likuran nito.
" Jusko.. nakakagulat ka naman bata ka.. pano ka nakapasok sa bahay?" Tanong nang matanda.
" Bukas po yung pintuan nyo.. pero babay napo.." Sabi ni Dennis sabay bulong sa kwentas na ibalik sya sa bahay ni lolo alponso. at bigla itong naglaho sa bahay ni Myla.
" Wow ang galing.. nagpunta ako sa bahay ni aling myla, nagulat pa nga sya nung bigla akong sumulpot sa likuran nya. " Natatawang sabi ni Dennis.
" Loko-loko di nga nilalaruan ang kwentas na yan. " Sabi ni Lola miele at binatukan si Dennis.
" Ito ang kwentas ng Albense.. isa itong mahiwagang kagamitan sa aming.." Naputol ang sasabihin ni Lola miele nang biglang kumulog nang napakalakas kasabay ng kulog ay may kidlat na tumama sa mga puno at muntik nang matamaan si Lola miele nang kidlat buti nalang naitulak ni lolo alponso si lola miele.
" Dumapa kayo.." Sigaw ni Lola Alponso.
" Anong nangyayari lola??" sigaw ni Marife.
" Lumabas na ang kapangyarihan nang isa nyo kapanalig. ang nagtataglay nang elemento nang tubig. " Sagot ni Lola Miele.
" Lola pano nyo nalalaman ang mga ito?" Tanong ni Dennis habang patuloy padin sa pagtama ang kidlat sa boung kabahayan. kasama ang malakas na kulog.
" Malalaman nyo din ang katotohanan sa takdang panahon. magmadali kayong magtungo kay jenna. upang matulungan nya kayong mahanap ang mga kapanalig nyo." Sabi ni Lola miele.
" Sige na umalis na kayo.." Sigaw ni Lolo Alponso. Hinawakan ni Lola miele ang dalawang kwentas. at nagsambit ito nang isang engkantasyon.
" Kwentas nang Albense, Kapangyarihan moy ipamangha..
Dahil muli ang mga sugo sa kanilang guro." Sigaw ni Lola miele habang patuloy pa din ang paglakas nang kulog at nabasag na ang mga bintanang salamin sa bahay ni lolo alponso.
ilang sandali pa ay nalaho sina Dennis at Marife sa bahay.
" Miele, kumikilos na si Alpeydyus.. kelangan nating protektahan ang mga bata.." Sabi ni Alponso.
" hindi makakatulong yan alponso. magtiwala ka sa mga kakayahan nang ating mga apo. Nasaksihan ko kung papano naging malakas ang mga tagalipon noon laban sa ama ni alpeydyus. " Sagot ni Miele.
Samantala napadpad sina Marife at Dennis sa harap nang isang kubo.
" Nasaan na tayo bunso?" tanong ni Marife.
" Di ko alam ate, pero Magtanong nalang tayo dyan oh... baka may tao" sabay turo ni Dennis sa kubo.
" Im sure may tao kasi may usok yung Chimenea nila.." Sabi ni Marife.
" Nagugutom na din ako ate.. baka may pagkain sila." Sabi ni Dennis at nagsimula na silang maglakad papunta sa maliit na kubo.
Nang marating nila ang kubo...
" Tao po!!!!! may tao po ba? " Sigaw ni Dennis.
" Loko loko ka talaga bata ka.. kahit kelan baliw ka. dapat di ganun yung pagtawag mo sa may ari nang bahay. ako na nga tabi dyan. " Sabi ni Marife.
" Magandang Umaga ho.. maari po ba kaming makisilong?" Tanong ni marife. nang biglang may dalagang lumabas.
" Umuulan ba? di naman ah.. bakit gusto nyong makisilong?" Tanong nang babae sa kubo.
" See palpak ka ate... " sisi ni Dennis kay Marife.
" Sensya na po.. maari po ba akong magtanong? " sabi ni marife.
" Bakit anong tingin mo sakin? Google?" Pilosopong sagot nang babae kay marife.
" Di naman po sa ganun ate. ako nga po pala si Marife, at ito naman si Dennis. hinahanap ko po si Jenna, yung mangagamot? alam nyo po ba kung saan nakatira?" tanong ni Marife.
" Oo alam ko.. nahanap nyo na ang bahay nya. at ito yun? papano nyo nakilala si Jenna?" Tanong nang dalaga.
" Ang sungit naman nang babaeng yan.." bulong ni Dennis kay marife at siniko lang sya.
" Mahabang kwento ate, pero maari po ba namin silang makausap.." tanong ni Marife. nang masulyapan ng babae ang palad nina Dennis at Marife.
" Kayo pala ang sinasabi ni tita jenna. tumuloy kayo sa munti naming kubo. sya nga pala ako si Kathleya.. Pamangkin ni Jenna. ang bantug na babaylan." Sabi ng dalaga. at pumasok naman sina Dennis at Marife sa loob nang kubo.
" Umupo muna kayo at ipaghahanda ko kayo nang tsaa.. sandali lamang." Sabi ni Kathleya at nagtungo sya sa kusina upang ihanda ang tsaa. samantala sina Dennis at Marife naman ay iginala nila ang kanilang mga mata sa paligid nang bahay.
" Para syang kubo dun sa resort ate..ang ganda at ang aliwalas. tska ang lamig dito. di na kelangan nang aircon." Sabi ni Dennis.
" Oo, nga di tulad sa syudad. napaka init at wagas ang polution sa hangin. langhapin mo ang hangin dennis. diba napakasariwa.." Sabi ni Marife.
Ilang sandali pa ay bumalik na si kathleya.
"Salamat sa pag aantay, heto na ang tsaa nyo. pasensya na di ako nakapaghanda." paumanhin ni Kathleya sa dalawa.
" Okay lang po yun ate. ang presko po nang bahay nyo.." Sabi ni Dennis.
"salamat, pero di saakin ang kubong ito. kay tita jenna ito.." sagot ni Kathleya sabay sigop nang mainit na tsaa.
"Teka ate, nasaan ba si aling jenna?" tanong ni Marife.
" Matagal na syang namatay.. saakin nya ipinaman ang mga ito. pati na rin ang mga kakayahan nya sa panggagamot. pati na rin sa pangagaway." sabi ni Kathleya.
" at alam ko na din kung anong pakay nyo dito.. Ngunit paumanhin di ko maibibigay ang mga yun kung hindi kayo kompleto. " dagdag na sabi ni kathleya.
" ganun po ba.. pero papano po ba namin mahahanap ang aming mga kasamahan.?" tanong ni Dennis.
" May iniwan si tita saaking mga kagamitan. bilin nya sakin sa sandaling magtungo kayo dito ay ibibigay ko sainyo ang apat na sandata na iniwan nang inyong mga dating katauhan. pero, heto " Sabay abot ni Kathleya sa isang maliit na Compass.
" Compass papano namin sila mahahanap dito?" tanong ni Dennis.
" Sa sandaling malapit kayo sa kapwa nyo sugo.. magliliwanag ang compas at ang mga kamay nito ay ituturo kung anong elemento ang taglay nya. katulad nito.." Sabi ni Kathelya. at iniabot nya kay dennis. Biglang nagliwanag ang compass at nakaturo ang kamay nito sa isang guhit. na hugis Dahon.
" Ibig sabihin kasama mo ang nagtataglay nang elemento nang Lupa. " Paliwanag ni Kathleya sakanila.
" Ate kat, may klaripekasyon lang ako saan yung kamay nang Compass? bakit di ko nakikita.." tanong ni Dennis.
" Sasabay yan sa pagliwanag, pagnahanap mo na ang mga kasama nyo.. " Sagot ni Kathleya.
And that's for now mga mahal salamat sa pag-antay medyo super busy ako this a few weeks, anyhow I will do my best mga mahal na makapag update. salamat ulit sa inyung pagbasa. at wag kalimutang bomoto at magcomment lang sa baba. -Author
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com