CHAPTER 11
" ANG BAGONG MUNDO ( Cloud Adonis ) "
ANG NAKARAAN :
Matagumpay nilang nalampasan ang pagsasanay sa tulong ni Lola Miele. Kahit medyo nahirapan ng konti si lance.
" Ang susunod namang magsasanay sa kanila ay sina Mia, at Raven. Binabati ko kayong lima, dahil lahat kayo ay nakapasa sa aking pagsubok at pagsasanay. maghanda kayo sa susunod na magiging guro ninyo. " Sabi ni Lola Miele.
" Sino po ba ang susunod ?" tanong ni Zandro.
At sa likuran ni lola miele, dumating sina Raven at Mia, sout ang kanilang kasuotang pandigma.
" Yan ang kasoutan nila noon.." natutuwang sabi ni Dennis.
" Pano mo nasabi Dennis?" tanong ni Denise.
" Yan kasi yung picture na nakita ko sa Libro. noon binabasa ko pa yung storya nila tungkol sa paglaban nila kay sitan. Ang ganda.. alam mo ba ang kasuotan nila ay gawa ng mga oroskopyo. at tingnan mo ang ganda parin. " Sambit ni Dennis.
" Kamusta kayo.. Binabati ko kayong lima.." Sabi ni Mia. at pumalakpak naman si raven.
" Ate mia at kuya Raven kayo na ang bahala sa kanila.. " Ngiting sabi ni Lola Miele.
" Maraming salamat helena.." sagot ni Raven.
ANG KARUGTUNG:
Nang Makaalis na si Lola Miele at Sinag..
" Magandang araw sainyo." Ngiting sabi ni Mia sakanilang lima.
" Ako nga pala si Mia, at ito naman ang kasama ko ay si Raven. nais ko sanang magpakilala kayo nang isa-isa saamin, parang sa paaralan lang." Dagdag na sabi ni Mia sabay kindat at bahagyang ngumiti naman ang limang sugo.
" Sinong mauna?" Sambit ni Raven at itinuro nya si Dennis.
" hala bakit ako yung itinuro, antayin nyo naman mahal na prinsepe na may magtaas nang kamay. " Biro ni Dennis.
" Oo nga naman raven, pagpasensyahan muna.. " Saway ni Mia kay raven.
" Nakikita ko kasing kinakabahan sila.. Don't worry guys, Di kami nanga-ngagat, si mia baka may chance pa.. " Biro ulit ni Raven.
" Hala sige siraan pa talaga ako sa harap nang mga bata. Kakaloka.." dagdag na sabi ni mia at di nag tagal ay humakbang paharap si Lance.
" Ako nga po pala si Lance." Pakilala ni lance, at sumunod naman sina, Dennis, Zandro, Denise at Marife.
" Maraming Salamat ang ituturo naman namin sainyo ay ang pag diskubre nang inyong mga kakayahan.. Di ibig sabihin ang elemento na unang lumabas sainyong katawan ay yun na ang inyong tinataglay na kapangyarihan. Katulad ng yumao naming kasamahan na si Tyler, taglay nya ang kapangyarihan ng diwatang si Magayon Kung saan si Diwatang magayon ay taglay ang kapangyarihang kayang kausapin ang mga hayop sa hangin, ay kaya din nyang magbago nang wangis bilang Ibon o ano mang uri nang hayop na nasa Hangin. "Salaysay ni Mia.
" Oo nga katulad ko, Magkatulad kami nang elementong taglay ni tyler.." sabi ni Raven at ikinumpas nya ang kanyang mga kamay, dahil doon lumakas ang hangin sa paligid ay may maliit na ipo-ipo ang lumapit sa kanila ni mia at biglang naging wangis tao ito.
" Kung hindi ako nagkakamali sya si Tyler.." Sambit ni Dennis.
" Talaga, papano nya nagawang buhayin muli si Tyler?" Tanong ni Marife.
" Hindi ko sya binuhay mga kasama, isa lamang ilusyon ito. Tingnan nyo babaguhin ko muli ang anyo nya." Sabi ni Raven at Binago-bago nya ang anyo.
" Moral lesson, magbabasa nako nang Libro para knows ko ang mga updates kakaloka.." Sabi ni Denise.
" Same here sissy, sabay nako sa book tour mo. " Dagdag na sambit ni Marife.
"Ngayon, Mag concentrate kayo.. " Sigaw ni Mia na gumawa nang isang echo sa burol kung saan sila nag sasanay. ganun nga ang kanilang ginawa isa-isa nilang ipinikit ang kanilang mga mata.
" Ngayon, isipin nyo ang apat na elemento ng earth... ramdamin nyo ang bawat enerhiya na
meron sila. " Sabi ni Raven at pipitikan na sana nya ang tenga ni Denise biglang may kung ano mang pwersa ang pumigil sa kanya.
" Magaling Denise.." ngiting bati ni Raven, mula sa kinatatayuan ni denise, may umusbong na isang...
" Bulaklak na Apoy? ngayon ko lang yan nakita sa tanang buhay ko.." Sambit ni Mia.
" Sumunod naman ay umihip ang napakalakas na hangin sa burol, at sa kinatatayuan ni Dennis, ay may maliit na ipo-ipo ang mupalibot sa kanyang kinatatayuan. Habang sina Marife, at Lance naman...
" Tingna mo! ang Banal na pak-pak nang isang nephilim..."Sabi ni Mia.at unti-unting umaangat mula sa lupa si Lance. Habang si Marife naman ay biglang may tumubong maliliit na Bulaklak sa paligid. At si Zandro naman ay gumawa nang isang ulan.
" Kay dali nilang turuan, katulad nang dati nilang Katauhan. " Sabi ni Raven. At pumalakpak si Mia nang napakalakas dahilan upang magising sila.
" Anong nangyari nagawa ba natin?" ngiting sabi ni Denise.
" Feel ko sissy, Oo kasi tingnan mo yang bulaklak na apoy sa may paanan mo.. ang ganda. " Sabi ni Marife at agad namang pinitas ni Denise ang bulak na yari sa apoy.
" Sissy, di ako napapaso. nakakaramdam ako nang Init! Pero di ako nasasaktan sa apoy. ang galing.."Manghang sabi ni Denise.
" At gawa mo ito Marife.." Dagdag na sabi ni Raven sabay turo sa mga maliliit na bulaklak na ibat-iba ang kulay.
" Sayo naman Zandro, ay ang ulan. Magaling.. binabati ko kayong Lahat." Masayang bati muli ni Mia sakanilang lima.
" maraming salamat po Pinuno. napakagaling nyong mag turo saamin. " Sambit ni Dennis.
" Hindi kami, kayo ang ang magaling.. " Dagdag na sabi ni Raven.
Ilang sandali pa ay dumating si Alpia at Jessel kasama si Lola Miele.
" Mga kamahalan.." bati ni Mia at yumuko silang lahat sa dalawa.
" Wag na kayong yumuko sa amin.. Ituring nyo kaming mga kaibigan nyo. Dahil nagtagumpay kayo sa inyong mga pagsasanay. Narito na muli ang inyong mga sandata. " Sabi ng mahal na reyna at may limang Bagay na lumutang patungo sa kanilang lima at isa-isa itong bumagsak sa kanilang mga kamay.
" Pamilyar saakin ang kagamitang ito?" Sambit ni Dennis.
" Wag mong sabihin nabasa mo rin ito sa libro ?" Sabi ni Marife.
" Hindi ate, parang pamilyar diba? tingnan mo ang sayo.. parang nakita mo na kung saan pero di mo alam kung papano mo nakita. kung gayun first time lang natin maka punta dito at mahawakan ang mga sandata nato." Sabi ni Dennis.
" Tama si Dennis. dahil nga kayo ay Reincarnated ng mga sugo. marahil sa tagal na panahon kapag ang isang bagay na importante sa isang tao o nilalang kahit mawalay ito saiyo nang napakatagal ay malalaman mo talagang sayo yan.." Sabi ni Alpia.
" Magulo po mahal na reyna." Saway ni Mia sakanya. tumawa lang naman si Alpia.
" Maraming salamat bakla.. sa pagpapatuloy mo saamin dito. ngunit di kami magtatagal dito dahil nag bigay nang senyales saakin ang kapatid ni Kathleya.." Sabi ni Alpia.
" Oo nga sa pagka-alala ko, si Kathleya ang unang isinilang ni Katalina noon, at pansamantala nyang iniwan si Kathleya sa pangangalaga ng diwatang si ALunsina. at ang alam ko may kapatid pa si Kathleya. " Sabi ng reyna.
" Oo nga lalaki ba o babae ang kapatid ni Kathleya?" Tanong ni Raven.
" Lalaki si Cloud, at wala na talaga akong oras mahal na reyna patawad ngunit babosh na talaga.. " Sabi ni Alpia. At pinag tatapik niya sina, Mia, Raven, Dennis, Marife, Denise, Zandro at Lance. Sa isang iglap ay sabay silang naglaho..
" mag iingat kayo. palaging bukas ang kaharian ng aydendril para sainyo.." ngiting sabi ng reyna.
Sa mundo nang mga Tao..
" Hala papano ??" Gulat na sabi ni Mia.
"Nagawa ? Kuna.. pinag-aralan ko lang yung libro sa Aklatan nang kaharian natin mia. bumisita ako doon, last 2 years ago. at katumbas nang dalawang araw sa mundo nang mga tao." Salaysay ni Alpia.
" Teka mga Kamahalan nasaan po tayo?" Tanong ni Zandro.
" Ay oo nga pala.. sandali.. " Sabi ni Alpia at ikinumpas nya ang kanyang kamay sa isang iglap lang ay naging invisible sila.
" Ngayon naka invisible mode na kayo. papasok na muna tayo mamaya ko na sasabihin sainyo.." Sabi ni Alpia at bumunot sya nang isang hibla nang kanyang buhok at itinapon nya sa kalsada.
" Bat ang dirty nagka time kapa na maghanap nang kuto.." Biro ni Mia.
" gaga. hindi yan kuto buhok ko yan wag ka ngang maingay baka makita tayo nang mga tao." Saway ni Alpia at ilang sadali pa ay mag isang Pinto ang nag bukas sakanilang harapan. at agad naman nya itong binuksan ni alpia.
Pagpasok nila sa mahiwagang pintuan ay agad tumambad sakanila ang isang pang bakal na pintuan.
" Nasaan tayo mahal na reyna?" Tanong ni Mia kay Alpia. At biglang may nagsalita..
" Welcome Superior Alpia. Kamusta na?" Bati nang isang boses.
" Maayus naman ako computer, dalhin mo kami sa opisina ko. " utos ni Alpia.
" Masusunod superiora. uno momento.." Sagot nang isang boses.
" Sino yun?" Tanong ni Raven.
" Computer yun sa office ko na lang E explain... " Sagot ni Alpia at agad namang nagbukas ang bakal na pinto. Tumambad sa kanila ang mga kakaibang kagamitan.
" parang nasa SHIELD tayo?" sabi ni Marife.
" SHIELD? ano yun?" tanong ni Dennis.
" Strategic Homeland Intervention, Enforcement and Logistics Division " Sagot ni Marife.
" Ay oo yung sa Marvel ang ganda nun.. super!" Dagdag na sabi ni Denise.
" Anyways, katulad nang sinasabi nyong SHIELD. ang kaibahan lang ay, ang nagtatrabaho dito ay mga katulad namin. mga Echanted Humans. ibig sabihin kalahating engkanto at tao. Wether nanay nila engkanto or ang tatay nila.. " Paliwanag ni Alpia.
Ilang oras na lakaran ay narating na nila ang opisina na sinasabi ni Alpia.
" Welcome superior, kamusta ang araw mo?" Bati nang isang machine na nakasabit sa harapan nang isang malaking Screen.
" Binati muna ako Computer, paki bukas nang GPS at pakitawag na din kay Cloud. " Sabi ni Alpia.
"Ay oo nga pala, umupo kayo.." Sabi ni alpia, sabay kumpas nang kanyang mga kamay sa isang iglap pa ay lumapit sakanila ang mga upuan.
" Mahal na reyna bakit di namin alam ang ganitong gawain mo?" Tanong ni Mia.
" I know, kasi nga di ko din kasi maiwan ang ating sinimulan. Gamit ang techno Magic, lahat nang activity sa boung pilipinas ay madedetect nang GPS. " Paliwanag ni Alpia at biglang nag bukas ang Pintuan.
" Welcome Cloud " Bati nang computer sa kanya.
" Tita buti nalang dumating kaagad, dumating pa ang destress signal na ginawa ko sainyo?" Tanong ni Cloud. Napatingin silang lahat nang makita nila si Cloud. Matangos ang ilong, malamlam ang mga mata, at kulay asul na mga mata nito.
" Ang pogi nya.." Bulong ni Denise kay Marife.
" Oo nga, parang super model.. Tingnan mo yung chest nya Bes Ulam na." Sabi ni Marife.
" Kamanyakan.." Saway ng dalawang lalaki sa likud nang dalawa.
" ito na ba ang bunsong anak nina Katalina at Theo?" Tanong ni Mia.
" Ako nga po.. kung di ako nagkakamali ikaw si Tita Mia at you are tito Raven?" sabi ni Cloud.
" Oo kami nga... Ang laki muna. noon kinakarga kapa namin ni mia. ngayon ang laki muna.." Sabi ni Raven at niyakap nya ang binata.
" Maraming salamat tito. marami kayong utang saakin.." Ngiting sabi ni Cloud sakanila.
" Utang? " pagtatakang tanong ni Mia..
" Opo, sabi ni tita alpia, mga ninang at ninong ko kayo. marami na kasing pasko nag daan. di man lang ako binigyan nang aginaldo." Sabi ni Cloud.
" ay yun lang pala. nakakatuwa ka naman para kang si Theo magsalita, tsaka yung palungkot lungkot effect mo nakuha mo kay Katalina. naalala ko pa noon nung naglilihi sya inutusan akong maghanap nang mangga, at di lang ordinaryong mangga. Kundi mangga ng Aydendril. ako talaga ang inutusan hindi si Theo." Sabi ni Mia.
" Oo nga, nakakatuwa naman dahil namana mo ang mga katangiang yun. " Dagdag na sabi ni Raven.
" Kamusta na po pala si Kathleya?" tanong ni Cloud.
" Ayus naman sya ijo, pero kasama ko na yung mga sugo na sinasabi ko. " Sambit ni Alpia.
" Meet Dennis, Marife, Zandro, Denise and Lance. " Pakilala ni Alpia sakanila. at sabay sabay silang nag vow kay Cloud.
" teka wag kayong mag vow sakin, mag kasing edad lang naman tayo. Tita can I ?" sabi ni Cloud.
" Sure Ijo.. " Sagot ni Alpia.
" Welcome mga kasama, Ako si Cloud.. I'm of the Operation Manager dito sa Mystic Division for Magical Institue Bureau ( MDMIB ) ang ginagawa namin dito ay nagliligtas nang mga taong may mga kakaibang kakayahan. It doesn't means may power ka, ay Engkanto kana agad. That's what we called Gift. Gamit ang kakayahan ni Esmeralda the computer. natatract na sa lahat nang location ang mga taong may kakaibang katangian. katulad nang nangyari last time sa isang mall. isang malaking ipo-ipo ang muntik nang sumira sa building, at ang pagtaas nang Level sa Dagat.
" Sandali lang bro, I think parang ako ang dahilan nun.." Sambit ni Zandro.
" Yes, kayo ngayun and im not mistaken dahil yun sa tulong ni Denise. " Sabi ni Cloud.
" May footage kaba nun nak?" sabi ni Raven.
" Meron tito.. Esmeralda, Please show us the last footage sa infairness mall.." utos ni Cloud.
"Masusunod.. One sec." sagot nang computer at lumabas sa footage ang nangyari kina Zandro at pano tinulungan ni Denise si Zandro.
Sa footage, naglakad nang ilang kilometro si Zandro, at ilang sandali pa ay lumakas ang hangin, dumilim ang paligid. inilipat naman ang video footage sa isang baybayin. biglang lumaki ang mga alon halos lampas tao. at bumalik sa mall ang footage, pansamantalang lumalaki na din ang baha sa kalasada at isang ipo-ipo ang bumabalot kay Zandro na may kasamang maliliit na kidlat. hanggang sa dumating ang sinasakyan ni Denise sa mga oras na yun.
" Nandyan ako sa sasakyan na yan.." Sabi ni Denise.
At nang bumaba si Denise sa sasakyan ay agad nag apoy ang kanyang mga palad dahan dahan itong lumapit sa malaking ipo ipo.
" My god, napakatapang naman nang batang to.." sabi ni Mia.
Ilang sandali pa ay pinasok ni Denise ang ipo-ipo at nag zoom in pa ang footage. kitang-kita sa loob nang ipo-ipo ay hinawakan nya si Zandro habang nakalutang sa ire. hanggang sa humupa ang malakas na ulan agad nagliwanag ang kalangitan. naging kalmado na ulit ang alon.
" That's what we called, Mag jowa magic. Teka magsyota ba kayong Dalawa?" tanong ni Cloud.
" EXCUSE ME!!!!! HINDI NO!!" sabay nilang sabi.
" Okay okay chill lang guys..." sabi ni Cloud. Nang biglang magsalita si Esmeralda the Computer.
" Red alert! Sa 44th St, Madaluyong sa isang Apartment may Gift.." Sabi ng Computer at agad nag iba ang screen at may umiilaw na pula.
" Serious na ba yang RED ALERT?" Tanong ni Mia.
" Dito nalang muna kayo tita at tito. " sabi ni Cloud kina Raven at mia.
" Excuse me ijo, nagpahinga lang kami sa labanan pero kaya pa din naming makipagsabayan sainyo ah..." Sabi ni Mia.
" Mia, dito nalang.. oras na para makita natin ang galing nang mga sugo. " Sabi ni Alpia.
" Po? wala po kaming alam sa pakikipaglaban." sabi ni Marife.
" Sabi nga saakin ni Jenna noon, sa pakikipag laban matutunan mo yan sa sarili mong paraan.
bastat mag tiwala kayo dito. " Sabi ni Alpia sabay turo sa kanyang bandang Dibdib.
" Wag kayong mag alala, di ko kayo papababayaan...sabay kindat ni Cloud. at kinilig naman sina Marife at Denise.
" Okay po kuyah.." sabi ni Denise at pinaliit nya ang kanyang boses.
" Malandi..." Saway ni Zandro.
" Mag e-LQ nanaman kayo?" sabi ni Dennis.
Maraming salamat sa pag aantay mga mahal, medyo busy ako this last holy week and sa work so pag uwi ko nang bahay ayun nakahilata nalang lol. anyways sa mga gusto ma shout out Pm lang or comment ka lang sa baba para next chapter maisama or ma mentioned ko na kayo mga Mahal. Salamat ulit mga mahal, wag kalimutang bomoto, Just simply click the star above or below, ewan basta lol.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com