Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 15

" ANG UMALAGAD NI DENISE ( HESTIA GUARDIAN) " 

ANG NAKARAAN :

Bago pa nagkasalubong ang landas nilang Lima, Naala nyo ba ang nangyari sa Mall kung saan tinulungan ni Denise si Zandro.

" Denise, itutok mo ang kamay mo sa ipo-ipo. at sambatin mo ang kataga ( Amigo nga santelmo, gamit imong kahayag. Ipahunong kining ipo-ipo ) " Sabi nang isang Boses." Si-sino ka?" Gulat na sabi ni Denise." Wala nang oras Denise. gawin mo na. " sabi nang boses. dahil na rin sa natataranta si Denise. ay agad nyang binigkas ang mga salita na ibinigay nang boses sa kanya." Amigo nga Santelmo, Ga-gamit an-ahng ih-imong kahayag, Ipahunong kining Ipo-ipo!" Sambit ni Denise at biglang mas umalab pa ang kanyang mga kamay at lumiwanag ang boung paligid dahil dito. Nakaramdam man nang init si Denise sa kanyang kamay pero, di sya napapaso. para bang normal lang na init.

KILALANIN SI PYRA ang Dating Hestia Guardian.!

But before we start let's hear some trivia o Wikigle (Pinagsamang Wikipedia at Google) Mula kay Kathleya. lol!

Kathleya : Ano nga ba ang UMALAGAD.?Just correct me if I'm Wrong po, if tama ang nabasa kung sa mga Research ko.Sinasabing pag ang isang Mabuting Dungan ( Good Soul ) na galing sa Sulad at Dinala nang Diwatang si Malandok patungoong Saad (Heaven ) Magiging isa sa mga Diwata ang Dungan na yun.

May iba ding nagsasabi na pwde mo itong maging Tagapagbantay. Yan ang nabasa ko sa mga articles and History lol. 

Just correct me if I'm wrong mga Mahal if may mali sa ibinahagi kung impormasyon Tungkol sa Umalagad. If may maidadagdag pa kayo, I comment nyo nalang sa baba then idadagdag ko nalang dito. Di na natin papatagalin pa mga mahal ito na ang Karugtung.



ANG KARUGTUNG :

Nang makaalis na sila nang Library. Ay wala pa ding Malay si Denise. At nakatanday ang ulo ni sa Balikat ni Zandro.

" Tila sobrang pagud ni Denise." Sabi ni Marife.

" Ganun daw kasi yun ate fe pag sinaniban ang katawan mo nang ibang kaluluwa, Katulad nung nakita ko sa Tv. May mga Paranormal Investigator na pagkatapos sanib nang mga kaluluwa ay nang hihina sila." Sabi ni Dennis.

" Teka baka nagugutom na kayo? " Sabi ni Lance.

" Nako lance ayusin mo dyan sa pagmamaneho. may pagkain ako dito." Sabi ni Marife.

" Penge ate, nagugutom na din kasi ako.." Sabi ni Lance. sabay abot ni Marife sa isang supot nang Shopao.

" Alam mo Zee, bagay kayo ni Ate Denise " Biro ni Dennis. Sumenyas lang si Zandro nang Tahimik dahil natutulog pa si Denise.

" Diba ate? "Pangungulit nya kay Marife.

" Heto kumain kana, dahil malayo layo pa ang Byahe natin.." Sabi ni Marife sabay subo nang isang boung Tinapay kay Dennis.

" Kung maka Zee ka kay Zandro, Di kayo magkaedad hoy! " Sabi ni Marife.

" Hala, ilang taon na kana ba Zee?" Tanong ni Dennis.

" Kuya Zee nga!" Saway ni Marife. At ngumiti lang si Zandro sabay sagot.

" 25 nako, Then si Denise 23 na. " Sagot ni Zandro.

" Ay confirmed Kuya kana nga.. " Sabi ni Dennis.

" See? Ikaw Lance ilang taon kana?" Tanong ni Marife.

" 20 pa po. " Sabi ni Lance.

" Magka edad lang pala kayo ni Dennis. Ako naman..." Di na natapos ang sasabihin ni Marife dahil biglang nang asar si Dennis.

" Oo ikaw Trenta na.." Sambit ni Dennis sabay tawa nang malakas.

" Buang, Mukha lang akong Matured no? Pero nasa 26 pako. and Reason why nasa Highschool pako. hindi ko talaga lolo ang kapatid Lola Miele. Inadopt nila ako nung wife nya sa Amponan, nung 13 years old pako. Huminto din ako nang Elementary nun." Kwento ni Marife.

Samantala sa Villa Casa Margarita..

"Mga Walang kwenta ang mga tauhan mong Oni Mitchiko" Sigaw ni Alpeydous habang namumula sa Galit.

" Mahal na Hari, sinusubukan naman nila kaso may ibang tao ang pumigil sa kanila upang makapasok sa Library. " Sabi ni Jorogumo.

"Ibang tao? sino Kabilang ba sya sa Limang Sugo?" Tanong ni Alpeydous.

" Hindi po mahal na hari, Sinasabi nang Babaeng yun, umalagad sya ng sugong si Denise. " Sagot nang isang Oni.

" Umalagad? kelan pa to? bakit wala akong nababalitaan tungkol dito Mitchiko? O kahit ikaw Tamawo? " galit na sabi ni Alpeydous.

" Kahit ako mahal na hari ngayon ko lang ito nalaman.. " Sabi ni Tamawo.

" Kung ganun, Alamin nyo kung sinong Umalagad yan. Wala akong pakialam kung Diwata ba sya o Sugo din. Basta ang importante Patayin nyo. " Sabi ni Alpeydous.

" Masusunod mahal na hari.." Sabay sabi nina Jorogumo at Tamawo.

Balik Ulit sa mga Sugo, Nang Makarating na sila sa HeadQuaters. Agad silang nagpahinga na. " Sandali, bakit di parin nagigising si Denise. " Sabi ni Lance.

" Marahil Pagud lang talaga sya.. " Sabi ni Zandro.

" Mabuti pa Zee, Buhatin mo nalang si Denise don sa Kwarto nya. At pagkatapos mong ihiga ay syempre lumabas kana sa kwarto nya at doon ka sa kwarto mo matulog. " Sabi ni Marife."Si Ate Fe napaka Dirty minded." Sabi ni Dennis.

" Mabuti pa Lance Buhatin mo na din si Dennis. Naiingit eh!"Biro ni Marife. At namula naman si Lance.

Nang Makahiga na silang Lima At mahimbing nang natutulog, Si Denise naman ay naglalakbay ang kanyang diwa sa ibang mundo.

"Katulad nang sinabi ko sayo Denise, Hindi ako kaaway. " Sabi ng Babaeng Maikli ang buhok at may kakaibang Kasoutan.

" Hindi ako naniniwala, nililinlang mulang ako. Ilahad mo ang tunay mong anyo. at tska pakawalan moko dito sa mundo mo. " Galit na sabi ni Denise at ginamitan nya nang kanyang kapangyarihan ang babae ngunit napipigilan lang ng babae ang lahat nang kanyang Atake. " Burning Bow" At Nilabas ni Denise ang kanyang Palaso at pano na gawa sa Apoy. At yun din ang ginawa nang Babae at itinutok nila sa isat-isa ang mga palasong nag aapoy.

" Ako si Pyra, ang dating Hestia Guardian.." Sabi nang Babaeng kaharap nya at mas lumalakas pa ang apoy na nasa palaso nilang Dalawa.

" P-pyra? Ibig sabihin ikaw ang. Pasensya na po! Bakit po kasi di kayo nagpakilala?" Sabi ni Denise.

" Excuse me? di mo nga ako binigyan nang pagkakataong mag salita Inatake muna ako nang mga Apoy mo. !" Sagot ni Pyra.

" Pasensya na po ulit.. Peace " Sabi ni Denise sabay peace sign kay Pyra.

"Oo na, Nais ko lang sanang iparating sainyong Lima na tanging ako lang nabigyan nang pagkakataong maging Umalagad. " Sabi ni Pyra.

" Umalagad ? anong ibig sabihin nyan?" Tanong ni Denise at pinaliwanag naman ni Pyra ang lahat lahat.

" So, ibig sabihin po Guardian Angel po kita?" Tanong ng Dalaga.

" Hindi rin ako Anghel. Basta ako ang iyong tagabantay. Pero Mag iingat kayong Lima sainyong pag gamit ng inyong mga kapangyarihan, Dahil Hindi pa ganap ang inyong mga kapangyarihan. " Sabi ni Pyra.

" Ngunit Pyra? papano namin makukuha ang mga kapangyarihan namin kung ang mga diwata ngayon ay di na nagpapakita sa aming mga mortal. Hindi katulad sainyo noon ay tumutulong sila sa inyong mga Laban. " Sabi ni Denise.

" May mga Diwata na may dugong Mortal na mas piniling manatili sa Mundo nating mga mortal. Katulad ni Gassia ang diwata nang Lupa. Naalala ko noon si Diwatang Gassia ay palaging nandito sa mundo ng mga mortal nakikisalamuha sa mga mortal. Hindi lang sa dahil sa mundo ng mortal sya naka-assign dahil doon talaga ang puso nya." Salaysay ni Pyra sakanya.

" Ngunit Pyra papano namin sila mahahanap ? eh ni isang diwatang sinasabi ni Miss Alpia at pati na ikaw wala kaming Clue." Sabi ni Denise.

" Simple lang, Makikita nyo yan dito.." Sabay turo sa Kanyang Dibdib at Agad naglaho si Pyra. " Pyra!! " Sigaw ni Denise at biglang pagbangon nito sa kanyang Higaan.

" Nasaan ako?" Tanong nya sabay lingun sa paligid nang Kwarto nang Makita nya ang ang kanyang Kwentas na nakasabit sa pader.

" Ang haba pala nang Tulog ko! " Sambit nya sa sarili at bumangon sya upang magtungo sa kusina dahil nagugutom na din sya. Binuksan nya ang isang Karton ng Cereal at inilagay nya sa kanyang Bowl na may Gatas.

" Kahit sobrang aga nang Breakfast nito ay bahala na. Nagugutom nako at Naiihi na din. Wait kelangan ko munang mag Cr naiihi nako." Sabi nya at agad itong nagtungo sa Cr. Ngunit Pag bukas nya nang pintuan sa Cr, Ay agad bumulaga ang hubad na katawan ni Zandro. "Jusko maryusep! Anong ginagawa mo!" Sabi ni Denise habang si Zandro naman ay nagmamadaling tinakpan ang dapat nyang takpan.

" Paabot naman nang Tuwalya" Sabi ni Zandro kay Denise habang si Denise naman ay nakatalikod sakanya.

" Saan ba?" Tanong ni Denise.

" Nandyan sa may Pintuan.. Paabot naman." Sabi ni Zandro. At agad namang kinuha nang Dalaga iniabot nya ito kay zandro nang nakatalikod.

" Wala akong nakita.. " Sabi ni Denise.

" Bakit sinabi ko bang meron? Salamat!" Sabay kuha sa Tuwalya.

" Tapos kana ba?"Tanong ni Denise.

" Wala pa! " Sagot ni Zandro.

" Tapos na ba? " Sambit ulit ni Denise.

" Malapit na! " Sagot ni Zandro na may halong ngiti.

" Kaloka bat ang tagal? Bilisan mo dyan naiihi nako.." Sabi ni Denise.

" Eh kasi dapat pakasi itong Himasin para---" Dinatapos ang sasabihin ni Zandro nang biglang may Kamao ang lumipad papunta sa kanyang mukha.

" Mag uusap tayo Zee, humanda ka!" Sigaw ni Denise sabay takbo papuntang Cubicle. At si Zandro naman ay kahit dumugo ang ilong nya ay Tumawa parin ito dahil nag tagumpay syang asarin ang Dalaga.

" Sige lang.. Aantayin kita Sa kusina!" Natatawang sagot ni Zandro at agad itong pumunta sa kanyang kwarto upang makapag bihis na. Pagkatapos din naman nyang mag bihis ay nagtungo sya nang kusina at nakita nya ang isang bowl nang cereal.

" Ito lang ba ang kakainin nya?"

" Oo, Bakit may reklamo ka! Alam mo napaka--" Naputol ang sasabihin ni Denise nang magsalita si Zandro.

" Sandali lang bago mo ko awayin, Umupo ka muna dyan at ipag luluto kita! Di naman yan nakakabusog. " Sabi ni Zandro. Kahit naiinis man si Denise ay di nalangi ito nagsalita dahil alam nyang nagugutom na sya. At alam nyang di sya mabubusog sa Cereals lang.

" Infairness mabait at sweet sya.." Sabi ni Pyra.

" Hoi tahimik baka marinig ka nya.." Sagot ni Denise.

" Hindi naman nya ako maririnig, Dahil para mo akong konsensya mo. " Biro ni Pyra.

" Sinong kausap mo dyan?" Tanong ni Zandro.

"Ah wala, nagugutom nako.." Sagot ni Denise.

" Okay, antayin mo lang nang konti mabilis lang ito." Sabi ni Zandro sabay ngiti sa dalaga at lumabas ang dalawang malalalim na biloy sa magkabilang Pisngi.

" At Hindi lang sweet, Cute pa. " tukso ni Pyra sakanya.

" Pyra! naman.." Sabi ni Denise.

" Sis pwde mo akong kausapin gamit ang isip lang. Wag mong gamitin ang The Voice mo baka isipin nilang Nababaliw kana." Sabi ni Pyra sabay tawa. At yun nga ang ginawa ni Denise. " Aminin mo Denise, Gusto mo sya?" Tanong ni Pyra.

" Hindi no? " Sagot ni Denise.

" Nako Denise Wag ako! nababasa ko ang iniisip mo. Wag kang mag aalala, di naman nya maririnig pag nag Yes ka sa Tanong ko." Sabi ni Pyra.

" Okay, Oo na! " Kinikilig na sagot ni Denise.

" Sabi ko na nga ba. pero nararamdaman ko ding Gusto ka ni Zee. Halata naman kasi." Sabi ni Pyra at namula ang mukha ni Denise Tyempo namang nakita ito nang Binata.

" Pogi points 50 % " Sabi nya sa isip nya habang hinahatid ang Pagkain kay Denise.

" Ito na yung pagkain, Kumain ka nang mabuti! ayaw ko kasing mangayayat ka. at baka soon gagawin kita panungkit nang mga sinampay ni Marife." Biro ni Zandro.

" Tingnan mo pyra narinig mo ba yun? napaka buang nang lalaking yan. Papatulan ko nato! " Galit na sabi ni Denise.

" Wag na, Nasuntok muna kaya sya sa Mukha kanina. Tama na yun. Tsaka alam mo yung mga sabi sabi na " The more you hate, the more you love?" Tukso naman ni Pyra sa kanya.

" Oh bakit tumahimik ka dyan okay ka lang?" Tanong ni Zandro.

" Salamat sa pagkain po." At di na nagsalita si Denise at kinain na nya ang pagkaing inihanda ni Zandro. dahil narin siguro sa Gutom na ito.

" Heto Tubig. Dahan dahan lang baka mabilaokan ka sa Laki nang!" Tukso ulit ni Zandro nang biglang naging matalim ang mga titig ng Dalaga sakanya parang handang-Handa itong Pumatay.

" Chill lang Denise.. aakyat nako kain kalang! kain lang " Sabi ng Binata sabay alis sa Kusina. Habang si Pyra naman ay tawang-tawa sa kanyang nasaksihan.

Kinaumagahan, Ikinuwento ni Denise ang nangyari habang tulog sya. At Ibinahagi din nya ang mga sinabi ni Pyra sakanya.

" Pyra maari kabang magpakita sa Kanila..?" Tanong ni Denise.

" Sure Sis!" Sagot ni Pyra. at ilang sandali pa ay biglang sumulpot si Pyra sakanilang Harapan." totoo nga.. Ang Hestia Guardian." Sabi ni Dennis.at sabay sabay silang yumuko kay Pyra ngunit inawat sila nito.

"Sandali.. Wag kayong Yumuko saakin Hindi ako Diyos. Nais ko lang sanang sabihin sainyo. Kapag gusto ni Denise na magpakita ako sainyo magpapakita ako. Dahil sa aming Lima ako lang ang binigyan ng pagkakataon ng bathala na maging Umalagad ni Denise." Paliwanag ni Pyra sakanila.

" Kelangan nyong hanapin ang mga Ang mga Mortal na may Dugong Diwata. Dahil nasakanila ang kalahati nang inyong mga kapangyarihan. " Sabi ni Pyra.

" Ngunit papano namin sila mahahanap?" Tanong ni Marife.

" Gamitin nyo ang mga Simbolo na tinataglay nang mga elementong nasainyo." Sagot ni Pyra sa kanila.



Salamat sa pag-antay mga mahal, Don't forget to vote.  Promise Sa next chapter ko na kayo isashout-out mga mahal. Lol. -Shawn Yu 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com