Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 18

" THE FALLEN "

a Quest to find another Nephilim.


BATIAN PORTION :

Hi and Hello sainyo, MekeniKobaby, Kyle494, Miss_Fortune18 for adding my story on her list, Also sainyo JulzSacay. Kamusta kana? Its been a long time di na kita nakikita sa notifications ko. Anyways, mga mahal si JulzSacay po yung very supportive reader ko from Book One and Two sa The Secrets of Adonis Brothers. And kay Ebrahim23 Hello! Hello! and kahit huli man daw fresh pa din si Mahal iamBulfa. Di ko kayo ma mentioned? hahaha kaloka dahil nga di kayo naka follow kaya daw ganun. Anyways let's start. Enjoy mga mahal. Dont forget to vote and Support me nang bongels mga mahal.

ANG NAKARAAN :

Nakarating na nang Maynila si Lance kasama si Kuya Ernest na kapatid ng kanyang kababatang si Apriel Rose. Nagtatrabaho si Kuya Ernest sa Kompanya ng tatay ng isa pa nilang kababata na Si Roxie. Samantala Ibinigay na nang diwatang si Aira ang Kalahati ng kapangyarihan ni Dennis. Ngunit Tila na dadagdagan ang kanilang mga suliranin. Dahil sa Itim na libro na pinakawalan ni Suling.

" Bago kayo umalis, narito ang hinahanap nyo.. " Sabi ni Aira sabay abot kay Dennis nang isang kakaibang lalagyan at sa loob ay maainigan mo sa labas ng lalagyan ang simbolo ng Elemento ng Hangin.

" Maraming Salamat mahal na diwata.." Sabi ni Dennis.

" Walang anuman, ngunit mag iingat kayo. Lalo na ngayon nararamdaman kung lumalakas na ang Kapangyarihan ni Alpeydous. Isa pa ang suliranin natin sa Itim na Libro. " Sabi ni Aira.

" Oo nga mahal na diwata, hindi ko makita saking ikatlong mata ang lokasyon ng libro." Sabi ni Denise.

" Dahil hindi pa sapat ang mahika saiyong katawan Denise. Alam yan ni pyra! Kung sakaling kelangan nyo ng tulong ko. Patutugin nyo lang ang Plawtang ito. At asahan nyong darating agad ako." Sabi ni Aira.

" maraming salamat muli mahal na diwata." Sambit ni Lance.

" Isang Nephilim? " Gulat na sabi ni Aira.

" Opo." Ngiting sagot ni Lance.

" Kung ganun, Protektahan mo ang taong importante sayo. " Sabi ni Aira sabay Kindat sa binata. At tumawa naman si lance dahil alam nya kung sino ang tinutukoy ni aira.

" Ngunit mahal na diwata papano ang itim na libro?" Pag aalalang sabi ni Marife.

" Kami na ang bahala sa librong iyon, oras na makompleto nyong mahanap ang pinag iwanan ng inyong mga kapangyarihan. Kami na ang bahala ang umayos doon. Basta mag-iingat kayo. " Ngiting Sabi ni Aira.

ANG KARUGTUNG :

" Dad, mauna na muna akong uuwi sayo, itetext ko pa si Apriel Rose. Bibigyan ko sya nang Update tungkol kay Lance. " Sabi ni Roxie sabay kuha nang kanyang Sling Bag.

" Sige nak, pero alas tres na pala nang gabi, Delikado na sa Daan. Mabuti pa ipapasama ko nalang si Kuya Ernest mo." Sabi nang Tatay ni Roxie.

" Ernest!" Tawag ng tatay ni Roxie sa kanilang Driver. Ilang sandali pa ay dumating si Ernest na may dalang kape na binili nya.

" Yes Doc Lawrence?" Tanong ni Ernest.

" Pakisamahan mo naman pauwi si Roxie, Delikado na kasi!" Sabi ng tatay ni Roxie.

" Dad, and Kuya I'm ok Isa pa malaki nako. " Sagot ni Roxie at umalis na ito sa loob nang Opisina.

" Alam nyo Doc? kakaiba na talaga ang mga milenials ngayon. Di katulad noong bata pa tayo. isang salita lang nina Inang at Itang wala na Mag Ye-yes agad tayo. " Sambit ni Kuya ernest habang humihigop ng mainit na kape.

" Oo nga, pero mukhang masarap yang kape mo? Baka naman!" Sabi ni Doc Lawrence.

" Ay oo nga pala, meron ho kayong kape naiwan ko doon sa lamesa. Sorry doc. Kukunin ko lang!" Sabi ni Kuya ernest sabay kamot ng kanyang Ulo.

Samantala Habang nasa Daan si Roxie at naglalakad. Biglang nag ring ang Cellphone nya." Sino ba kasi ang tumatawag ng ganitong oras. " Sabi ni Roxie sabay bukas sa kanyang Bag. Nang tingnan nya ang kanyang cellphone ay si Apriel ang tumatawag.

" Hello A? napatawag ka ata?" Sagot ni Roxie. Ngunit biglang may isang Lalaki ang lumapit sa kanyang likuran.

" Miss, Akin na ang cellphone mo para wala nang masaktan!" Sabi ng Lalaking naka Hood sabay tutok sakanya ng isang balisong.

" A, mamaya nalang! Ako ang tatawag sayo!" Sabi ni Roxie at ibinaba nya ang tawag.

" Kuya, Di mo kelangang mang holdap. o tutukan ako ng Balisong! Bibigyan kita nang Pera. Magkano pera gusto mo?" Sabi ni Roxie.

" Miss, Selpon ang kelangan ko isa pa wag mokong pinagloloko! Ikaw mag bibigay nang pera ? Ano ka Presidente o Diyos?" Sabi ng Lalaki. Ilang sandali pa ay lumabas ang ilan pa sa mga kasama nya na nagtatago sa mga bulaklak.

" Miss mabuti pa ibigay mo nalang ang hinihingi namin. Tsaka. yung bag mo ibigay mo na saamin. para di ka namin masaktan." Banta nang isa pang lalaki na nakahood na may hawak na baril.

" Sandali, Bibigyan ko kayo ng Tseke worth 20 thousand basta wag lang tong mga gamit ko sa loob ng bag ko pati na yung phone. ito lang kasi ang tanging ginagamit ko. baka komontak sakin yung kaibigan kong nawawala ng ilang buwan na." Sabay abot ni Roxie sa tseke.

" hindi namin yan kelangan. Tska alam namin pag ikekleym na namin yan. Kaya nyo yang Ipa denied sa Bangko. Wag Kami miss." Sabi ng Ikalawang lalaki sabay kasa sa kanyang Baril. Agad naman binunlot ang bag ni Roxie ng Lalaking may Balisong. Akmang babawiin na sana ni Roxie ang kanyang bag ngunit agad syang tinutukan ng Baril ng isa pang lalaki. At Mula sa Likuran ng Dalawang Lalaki may biglang dumaan ng napakabilis.

" Si-sino yun?" Tanong ng isang lalaki na may hawak na ng bag ni ROxie. Kahit si Roxie ay nagulat sa nangyari.

" Mukhang may multo ata dito pare." Sabi ng isang lalaki na may hawak ng Balisong. At mula sa madilim na bahagi ng Kalsada ay may biglang lumabas na isang babae.

" Hi Boys, mukhang naliligaw yata kayo?" Sabi ng babae.

" Sino ka?" tanong ni Roxie. At sumabat naman ang lalaking may hawak ng bag ni roxie." Oo nga sino kaba?" Ngunit di sumagot ang babae. Bagkos ay kinuha nito ang isang kakaibang punyal at itinutok ito sa dalawang Lalaki.

" Tawagin nyo nalang akong Red, taga pag tanggol ng na aapi." at agad nyang sinugatan ang mukha ng isang lalaki na may hawak ng bag ni roxie. Dahil dun ay tinutukan ng baril ang misteryosong babae.

" Lapastangan ka! Babae ka lang!" Sigaw ng lalaking may hawak ng baril at agad itong pinutukan ang babaeng misteryoso. ngunit nakailag ito sa bawat bala na lumalabas sa baril." Ang galing naman nya!" sabi ni roxie sa kanyang sarili.

" mukhang di bagay sayo ang bag na hawak mo. may floral design sya. Bakit Bakla kaba?" Sabi ng babaeng misteryosa.

Pagkalipas ng ilang minuto ay isa isa nyang pinagtatadyak ang dalawang lalaki na walang kahirap-hirap.

" Wow ang galing mo naman Miss Red!" Sabi ni Roxie sa Misteryosang babae. at iniabot naman ng babae sakanya ang kanyang Bag.

" Walang anuman, Ngunit nais kung makibalita Kung nakauwi naba si Lance?" Tanong ng Misteryosang Babae.

"Papano mo nakilala si Lance?" Tanong ni Roxie.

" Mahabang Kwento, pero aalis nako. Alam kung paparating ng ang mga pulis ngayon dahil sa ingay ng baril kanina. " Sagot ng Misteryosong babae.

" Sandali Miss Red, Sa bahay nalang po tayo mag usap. Para Safe marami pa po akong itatanong sainyo. " Sambit ni Roxie.at may kinuha syang kakaibang Gamit sa kanyang bag. Mga ilang minuto ay naglaho silang dalawa sa Daan.

Samantala si Lance...

"Nasaan ako?" Tanong ni Lance sa kanyang sarili Habang pinagmamasdan nya ang isang malawak na kabundukan.

" Ate fe? Kuya Zee? Ate Denise? nandito ba kayo?" Tawag nya ngunit ni isa sakanila ay walang sumagot.

" Nasaan ba kasi ako?" sabi nya ulit sa sarili ng lingunin nya ang kanyang likuran ay nakita nya ang isang Pamilyar na kubo.

"Teka kubo namin yun? Ibig sabihin nakauwi nako?"Sambit nya muli sa kanyang sarili nang biglang may isang kamay ang humarang sa kanyang mga mata.

" Sino yan? di ako makita!" Sambit nya ngunit di sya nakarinig ng anumang tugon. Bigla nyang naalala nung bata sya ang mama nya ang mahilig gumawa ng ganung biro.

" MAMA?" Ng banggitin nya ang mga salitang yun ay agad hinawi ng babae ang kanyang mga kamay sa mata ng binata.

" Mama ikaw nga?" Masayang sabi ni Lance at Agad nyang niyakap ang kanyang ina." Ang laki muna Lance, Kasing gwapo mo ang papa mo noong binata pa sya." Sambit ng kanyang Ina.

" Mama, patay na po ba ako? " Sabi ni Lance at ngumiti lang ang kanyang mama.

" Hindi kapa Patay anak. Ito ang tinatawag na Astral projection, Ang iyong kaluluwa ay pansamantalang umalis sa iyong katawang lupa. Maari din itong Panaginip. Pero di ko na yan ipapaliwanag pa.

Pinatawag kita dito anak dahil, May isinugo akong isang Anghel na may hawak ng kalahati ng iyong kapangyarihan. Ngunit ang pinagtataka ko. ay di pa sya komokontak saakin ng Dalawang araw. Katumbas yan ng dalawang buwan sa mundo ng mga tao. " Salaysay ng ina ni Lance." Pero ma? papano ko sya mahahanap?" Tanong ni Lance.

" Gamitin mo ang Kwentas mo, Ituturo ka nya sa sinasabi kong kapanalig natin. " Sagot ng kanyang ina.

"Ano ang kanyang pangalan ma?"Tanong ni Lance.

" Red, ang tawag nya sakanyang sarili ngayon. Katulad mo sya anak. Isa syang Nephilim. Sya ang hinabilinan ng Babaylang si Jenna ng kalahati ng iyong Kapangyarihan." Sagot ng kanyang ina.

"Bakit ngayon nyo lang po ito sinabi saakin?" Tanong ulit ni Lance. Ngunit unti-unti nang naglaho ang kanyang ina. Ngunit bago paman ito nag laho ay may iniwan itong isang katagang.

" Maligayang Kaarawan Anak!" Kasabay nun ay nagising sya dahil sa sigaw nina Dennis, Zandro, Marife at Denise.

" Gissssiiinnnnggg!!!!"

" MAMA!!" Sambit ni Lance sabay biglang pagbangon sa kama.

" Nanaginip ka ata Lance. Buti nalang tinawag ko sila Ate fe para gisingin ka. Di kasi kita magising-gising kanina. Kahit anong alog ginawa ko sayo di ka pa din gumagising.

" At hindi lang alog ang ginawa nya sayo lance pati pagha---" Naputol ang sasabihin ni Denise dahil agad tinakpan ni Dennis ang bibig ni Denise.

" Ano pa ginawa mo Dennis? " Tanong ni Lance. Habang sina Denise, Zandro at Mafie naman ay kinikilig.

FLASHBACK Napadaan lang si Dennis, nung marinig nyang umuungol si Lance sa loob ng Kanyang Kwarto.

"Aaaahhhhh!! Uuhmmmmmmnn! "

" Nako sa gitna pa talaga ng gabi? Baka naman?" Sambit ni Dennis sakanyang sarili.

" Napakadumi mong mag-isip Dennis. " Sabi nya ulit sakanyang sarili. At minabuti nalang nyang magtungo sa Cr. upang umihi, Ngunit pagkatapos nyang umihi ay napadaan ulit sya sa kwarto ni Lance. Ang pagtataka nya ay, Umuungol padin ang binata.

" Lance, Matagal pa ba? grabe naman yan?" Sabi ni Dennis sa kanyang sarili. At may dalawang Konsensya ang nagsalita sa isipan ni Dennis.

" Pasukin mo Dennis, baka binangungot na sya. " -Goodside.

"Wag baka pagpasok ay makita mong hinihimas nya ang kanyang batuta. Napaka-akward nun promise - Bad side.

" Nako feel ko talaga Dennis, May masama ng nangyayari sa kanya. Buksan muna yung pinto. Di lahat kasi ng umuungol dahil sa sarap. yung Iba dahil nilalagnat." - Goodside

" Nako pagbinuksan mo yan, magagahasa ka ng Nephilim. Pero sge push na Dennis, Pogi naman ang Nephilim na yan. Go! " -Bad Side.

Kahit naguguluhan man ay binuksan ni Dennis ang pintuan sa kwarto ni Lance nang nakapikit.

" uhhhmmmmm Mama? Wag nyo po akong iiwan!" Sambit ni Lance habang nanaginip.

" See tama ako? Gisingin mo dali baka ano pa mangyari dyan"- goodside. At yun nga ang ginawa ni Dennis, Inalog-alog nya si Lance upang magising. Kinurot ang tenga, pinisil ang ilong.

" Wag mong pisilin ang Ilong, baka di maka hinga!" -Goodside

" Pisilin mo para mamatay "-Badside" Tahimik! Gusto nyo? kayo na gumawa?" Sigaw ni Dennis sa Dalawang Konsensya nya.

Ngunit kahit anong alog ginawa nya ay di parin ito magising.

" Halikan mo kaya? di ba ganun yun sa fairy tale? Si Snow white at Sleeping Beauty nagising dahil sa True Loves Kiss." - Bad Side

" Infairness, Sang-ayon ako ngayon sa plano nya Dennis. Kaya Go!" - Good Side.

At yun nga ang ginawa ni Dennis Hinalikan nya sa labi si Lance.

"Wag kang aalis dyan Hanggang sa Di sya magising!" - Bad Side.

" Tama na uy! Pinasasamantalahan mo na ang Binatang yan na sobrang Hot at Pogi" -GoodSide. " Ngunit nakadalawang halik na si Dennis ay Di padin magising si Lance. kaya napagdesisyunan nyang puntahan na sina Marife.

BACK TO PRESENT

" So meaning? pinagsasamantalahan moko kanina?" Biro ni Lance sabay ngiti at Lumabas ang malalim na biloy sa magkabilang pisngi nito. Habang si Dennis naman ay namumula dahil sa hiya.

" Hoy hindi naman sa ganun, Mouth-to-Mouth Resuscitation tawag dun. " Palusot ni Dennis.

" Teka ano ba kasi ang nangyayari sayo Lance? Stress kaba?" Tanong ni Denise.

" Hindi naman ate Denise, kaso napanaginipan ko si Mama. Sabi nya Nasa isang Nephilim ang kalahati ng aking Kapangyarihan. " Sabi ni Lance at isinalaysay nya ito sakanila kung anong nangyari at pinag-usapan nila nang kanyang ina sa kanyang Paniginip.

Balik Kina Roxie at Red..

" Miss Red wala po akong organic Tea, ayus lang po sainyo ang Kape?" Sabi ni Roxie sa babae.

" Okay nako dun, salamat!" Sagot ni Red.

" Teka Miss Red, Di pa pala ako nakakapagpasalamat sayo. Maraming salamat po sa pag ligtas sa buhay ko. Kung di dahil po sainyo malamang Patay nako. " Sabi ni Roxie.

" Walang anuman yun, Teka Roxie. Di paba talaga bumabalik si Lance dito? nararamdaman ko pa kasi ang Grace nya dito sa loob nang inyong bahay." Sabi ni Red.

" Nung isang buwan po, nandito sya kaso dahil sa ipo-ipo ewan ko may something portal ata doon. bigla syang nawala." Salaysay ni roxie.

" ito na po yung Kape maam." Sambit ng kasambahay ni Roxie.

" Salamat nanay, pakilagay nalang dyan sa lamesa. " Sabi ni Roxie.

" Maam, sino po sya?" Tanong ng kasambahay.

" Ah eh..." Di makasagot ng diretcho si Roxie. At si Red na ang nagsalita.

" Ako po si Red, Tita ng kababata nyang si Lance. " Pakilala ni Red sa matanda.

" Ay ang Ganda naman nyo po Maam Red, Kamusta na po si Lance? Namimiss ko na ang batang yun. Napakabait nun. tinutulungan akong magluto nun." Sabi ng matanda.

"Ganun po ba, Pasensya na po pero hinahanap ko din po sya. " Sagot ni Red.

" Ah nanay may tinapay paba tayo? pahingi naman oh! nagugutom ako. Ikaw miss red gusto mo ba nang tinapay?" Sabi ni Roxie.

" Sige, makihingi na din ako. Medyo Dalawang araw nakong di pa kumakain." Sagot ni Red sabay ngiti sa matanda.

" Ngayon di po pinaka the best tinapay para sa tita at Bff ni Lance. sandali lang po.!" Sabi ng Matanda at nagmamadaling pumasok sa Kusina.

" Ang masama pa nito roxie, ay di ako makatawag sa mama nya." Sambit ni Red.

" Po? buhay ang mama nya?" Gulat na sabi ni Roxie.

" Mahabang Kwento.."Sambit ni Red.

Kinaumagahan sa HeadQuaters ng mga Sugo.

Ginising silang lahat ng isang pamilyar na boses.

" Gumising na kayo mga Sugo.." Sabi ng isang boses babae.

" Miss Alpia?" sambit ni Marife at mabilis nyang inayus ang kanyang sarili.

"Gising na kayo guys, nandito si Miss Alpia.." Sigaw ni Marife.

" Fe, ikaw nalang po ang wala sa baba. " Sabi ni Pyra.

"Pyra ikaw pala? bakit nandito ka?" Tanong ni Marife.

" Inutusan ako ni Denise na gisingin ka. At nasa baba na si Miss Alpia. ang mahuhuli isusumpa nya na mawawalan ng love life for 3 years?" Biro ni Pyra sabay tawa ng malakas.

" Kaloka wala nga akong boyfriend. Isusumpa pa na di magkakaboyfriend. Wag naman!" Sigaw ni Marife at agad syang nalaho sa kanyang silid.

Pagdating na sya sa Sala ay nandoon nga si Alpia kasama sina Cloud at Raven.

" Im sorry, late po ako miss ALpia. nagsimula naba?" Tanong ni Marife.

" Wala pa. inaantay ka namin bago magsimula ang meeting na ito." Sagot ni Alpia." Sorry!" Nahihiyang sabi ni Marife.

" Its ok, Anyways since Marife is here. I want to congratulate you guys for getting the first Element. ang Hangin. Good Job! " Sabi ni Alpia at pinalakpakan silang lima.

" At Mommy, dahil sakanila. mas napapadali ang aming paghanap sa mga superhumans. Speaking about super Humans. Sa Maynila may Extraordinary Activity ang nangyari sa isang City doon. At palagay ko isang Super Human ang may kagagawan non." Sabi ni Cloud at ipinakita nya sa kanila ang Mapa. Habang ang kwentas naman ni Lance ay gumagalaw at tila itinuturo ang iisang direksyon na nasa Mapa ni cloud.

" Ibig Sabihin nandyan si Red?" Sabi ni Lance sa sarili at biglang lumitaw ang kanyang marka sa kanyang Kamay.

----------------------------------------------------------------------Sa Villa kung saan nagtatago sina Alpeydous..

" Panginoon, Mukhang mas dumadami pa ang mga taong nag stay dito sa Resort natin. " Sabi ni Tamawo.

" Ang resort lang talaga ang ibinalita mo? Kamusta na ang paghahanap mo sa mga iniwanan ni Jenna sa mga kalahati ng kanilang kapangyarihan? Nakuha na nila ang isang elemento. Malapit na silang Lumakas. Teka nasaan si Jorogumo?" Tanong ni Alpeydous.

" Di ba sya nagpaalam sainyo Panginoon? " Tanong ni Tamawo.

" Magtatanong ba ako kung alam ko?" Galit na sabi ni Alpeydous.

" Bumalik po sya ng Japan kahapon, Dahil may kukunin syang panibagong Armas upang makontrol ulit ang kanyang mga Oni. " Sagot ni Tamawo.

" Ganun ba! Ngayon tamawo. Magpakitang gilas ka saakin. Sundan mo ang mga Sugo. Alamin mo kung saan nanaman sila magpapabida." Utos ni Alpeydous.

" Ngunit wala saaking ang kagamitan na ginagamit ni Jorogumo upang hanapin ang mga sugo. " Sagot ni Tamawo.

" Nako Tamawo, ako paba ang maghahanap ng paraan? Ikaw na ang bahalang Dumiskarte dyan!" Galit na sabi ni Alpeydous at agad nagliyab ang kanyang mga Kamay. " Masusunod panginoon." Sabi ni Tamawo sabay Yuko.

Samantala, Nakarating na sina Dennis, Lance, Marife, Zandro at Denise sa nasabing Lugar na tinutukoy ni Cloud kanina.

" Mukhang Pamilyar saakin ang Lugar na ito." Sambit ni Lance.

" Bakit Lance? Nakita mo na ba ito saiyong panaginip?" Tanong ni Denise.

" Hindi Ate! Sa pagkakaalam ko. ang Malaking bahay na yun ay ang bahay ng Kababata kung si Roxie." Sagot ni Lance at Tyempo namang nag bukas ang Gate sa malaking bahay at Mula doon ay lumabas ang Kotse.

" kung Ganun, Ang kababata mo ang Super Human?" Tanong ni Marife.

" Di ko alam ate, pero Mukhang si Roxie yang nagmamaneho ng Kotse." Sabi Lance sabay turo sa Kotseng papalapit sakanila.

Habang sa Loob ng kotse..

" La-lance? Ikaw ba yan?" Sabi ni Roxie habang nakita nya na nasalabas ang kanyang kababata." Miss Roxie? Saan ba dyan si Lance?" sabi ni Red.Di na Sumagot si Roxie Bagkus agad nyang binusinahan ang grupo ni Lance at binuksan ang bintana.

" Lance!!!??" Sigaw ni Roxie. At di naman nabigo ang Dalaga bagkus ay Ngumiti ang binata sakanya at Maluha-luha itong Lumapit sakanya.

" Pasensya na di ako nakapagpaalam sayo. Sorry talaga" Sabi ni Lance habang niyayakap nya si Roxie.

" Sandali, Kaloka ka! Lalabas lang ako ng kotse. Baka mabali ang bones ko dito. " Sambit ng Dalaga. at pinasakay silang Lima sa Loob ng kotse.

" Ay sya nga pala, Lance Meet Miss Red. sabi nya sya yung inutusan ng Mama mo na hanapin ka. " Pakilala ni Roxie kay Red.

" Kamusta kana Lance, ang laki muna. Tama nga ang Mama mo. Kamukha mo ang tatay mo. " Ngiting Sabi ni Red sa binata.

" Wait, Hello pala sa mga kasama mo Lance. Sandali. May alam akong malapit na Cafe dito. Doon nalang muna tayo mag chekahan. And One Second. I will Cancel my Appointment muna ngayon. " Sabi ni roxie sabay kuha sa kanyang Selpon at tinatawagan ang kanyang Assistant. Pagkarating nila sa Nasabing Cafe at nagsimula na ang kanilang usapan tungkol sa kalahating kapangyarihan ni Lance na hawak ni Red.

At ikinuwento din ni Red kung papano sila nakumbinsi ni Jenna noon.

" Papano nyo po kayo nakilala ng babaylang si Jenna?" Tanong ni Marife. At isinalaysay na ni Red kung anong nangyari.

THROWBACK

" Insan papano natin ito itatago ang mga kalahati ng kanilang kapangyarihan. Walang katiyakan kung mangyayari ang sinasabi ng bugna. Di natin alam kung maiisilang ba silang Muli?" Sabi ni Katalina sa kanyang Pinsang si Jenna na noon ay isa-isang isinilid ang mga Elemento sa mga kakaibang Lalagyan.

" Kaya nga, ito ang ginagawa ko. Di pwdeng makuha ito ng anak ni Sitan. Kung sakaling maisilang man sila nang patay na ako. Maaring si Kathleya na ang magpapatuloy ng aking gawain. " Sagot ni Jenna.

" Insan, Hindi pwde. Gusto kung mamuhay ang mga anak namin ni Theo ng normal. Ayukong maranasan nila ang mga naranasan natin. " Sambit ni Katalina sabay hawi nang kanyang mahabang buhok.

" Alam ko, Ngunit nakatadhana na sa ating mga kadugo Kat, ang pagiging Babaylan. Kahit ang yumao mong ama. Isa syang Magaling na Albularyo sa kapanuhan ni Mama. " Sabi ni Jenna." Ngunit!" Sambit ni Katalina.

"Tapos nako sa panghuli mabuti pa papasukin mo na ang mga kapanalig natin." Sabi ni Jenna." Sandali! Lalagyan ko lang ng karagdagang engkantasyon ang mga lalagyan upang di basta-bastang makuha ng mga masamang magic.

" Sabi ni Katalina at yun nga nilagyan nya ng engkantasyon ang mga lalagyan ng mga kapangyarihan ng limang sugo. Pagkatapos nun ay Pinapasok na nila ang limang tagapagbantay. isa isa nyang ibinigay ang Limang Elemento sa mga Napiling tagapagbantay. Si Aira ang diwata ng Hangin, Raguel (Red) Isang Nephilim na piniling mamuhay sa mundo ng mga mortal.

Verdana, Diwata ng Lupa, Dyon, May hawak ng Elemento ng Tubig. At ang paghuli ay ang Elemento ng Apoy na binigay ito sa isang Sanggol na Karga ni Tyler noon.

" Kaninong anak yun? may alam kaba Miss Red?" Tanong ni Zandro.

" Pasensya na ngunit, sa pagkaalala ko. Sa Sanggol nila ito ibinigay at karga iyon ni tyler. Di ko alam kung anak ba yun ni Katalina. Pasaensya na." Sabi ni Red.

" Maraming Salamat Miss Red. ngunit nasayo ba ang Kalahati ng kapangyarihan ni Lance?" Tanong ni Dennis.

" Oo." Sagot ni Raguel. at Hinubad nya ang kanyang suot na kwentas sabay abot kay Lance.



---------------------TRIVIA TIME --------------------------------Alam nyo ba guys? na si Raguel ay kasali sa 7 Angels of God?Seven angels or archangels are given as related to the seven days of the week: Michael (Sunday), Gabriel (Monday), Raphael (Tuesday), Uriel (Wednesday), Selaphiel (Thursday), Raguel or Jegudiel (Friday), and Barachiel (Saturday).----------------------------------------------------------------------



" Maraming Salamat Miss Red, Ngunit sabi sakin ni Mama saking panaginip kagabi. Di ka daw makakontak sa kanya? Papano ba kayo nag uusap? May selpon ba doon sa Heaven?" Tanong ni Lance. At ngumiti lang si Red pagkasabi nun ni Lance.

"Pareho nga talaga kayo ng tatay mo lance. nakakatuwa naman kayo. Pero Wala kaming anumang ginagamit ng nanay mo. Bagkus gamit ang aming isipan ay makakapag usap kami. Ang nangyari lang ay sobrang stress ko na ata, Dahil di kita mahanap kung saan. Sinundan ko ang mga bakas ng Grace mo. Nung una, sa ibang mundo kung saan nakausap ko ang reyna doon na nag nga-ngalang Jessel. " Salaysay ni Red.

" Sa Aydendril!" Sabi ni Dennis.

" At pagkatapos nun, ay napunta ako sa isang Restuarant pero nakakapagtaka lang ay nawala ang grace mo doon sa may basurahan. " Dagdag pa ni Red.

" Tama yan yung dinala na tayo ni Miss Alpia sa HeadQuaters." Sambit ni Marife.

" Pang huli doon sa Baryo marikit, paubo na din ang lakas ko nung makarating ako doon sa Baryo na yun. Mabuti nalang nakita ako ni Aira sa kagubatan at Yun ikinuwento nyang napadaan kayo doon at nakuha na nang kasama mo ang Hawak nyang elemento. At ang sabi pa nya di nya alam kung saan kayo susunod pupunta kaya ayun, Makikipagtulongan na sana ako kay Roxie sa kababata mo. Dahil doon ako dinala ng grace ko. ngunit kahit si Roxie wala pading balita." Salaysay ni Red sakanila.

" Oo nga, Alam kung matutuwa nito si Apriel pag nalaman nyang okay ka." Sabi ni Roxie.

" Sandali Miss Roxie, magkaano-ano ba kayo ng lalaking yan sa Picture?" Tanong ni Denise sabay turo sa Picture ng papa ni ROxie.

" By the He's my Dad. Doctor Lawrence! Bakit nagkakilala naba kayo ni Daddy?" tanong ni Roxie.

" Zee? naalala mo nun? nung dinala kita sa Ospital?" Sambit ni Denise kay Zandro. At agad namang naalala ni Zandro ang mga nangyari sa loob ng Ospital sa Ground floor kung saan, dahil sa tatay ni Roxie at iligtas silang nakalabas ng Ospital na yun.

" Oo, Nga si Doc Lawrence. Teka nasa Ospital parin ba sya?" Tanong ni Zandro.

" Oo and Why?" Tanong naman ni Roxie.

" Nagpromise kasi kami noon sakanya, nung bago nyo kami mahanap Dennis at Marife. Mahabang Storya. Pupuntahan na muna namin si Doc Lawrence." Sabi ni Denise.

" Sandali sasama kami. " Sambit nina Lance.

" Sige humawak kayo.!" Sabi ni Denise.

" Pero papano ako? " Sambit ni Red.

" Miss Red, Aalagaan po kayo ni Roxie. and Best! Last nato. Alagaan mo naman si Miss Red sakin please.." Pakiusap ni Lance.

" Okay Best, akong bahala kay Miss Red. " Sabi ni Roxie sabay kindat.

" Salamat, babawi ako sayo promise. Bibigyan kita ng Boyfriend." Birong sabi ni Lance at naglaho silang lima sa silid.

" Loka loka! Boyfriend daw? Ang ganda ko pang display lang. ayuko kaya masira beauty ko. And Anyways, Miss Red from now on you will be my Personal Assistant Slash Bestie. Tska Miss Red yung damit mo ang baduy. SAMAHAN moko mag mall tayo. Papagandahin kita!" Sabi ni Roxie at ngumiti lang si Miss Red.

Samantala Habang abala si Doc lawrence sa pag check ng medical records ng kanyang mga pasyente. Nang biglang Sumulpot sina Lance sakanyang Harapan.

" Jusko maryusep!" Gulat na sabi ni Doc Lawrence.

" Doc naalala mo pa ba kami?" Tanong ni Zandro.

" Ay oo nga zee at Denise? right? Teka-teka papano nyo yan nagawa? tsaka bakit kayo napasugod may problema ba?" Tanong ni Doc lawrence.

" Doc, naalala nyo po ba ang huli naming promise saiyo? " Sabi ni Denise.

" Oo. na tatangalin nyo ang sumpa sa mga kalahi ko? at gagawin mo na kaming Tunay na tao?" Sabi ni Doc lawrence.

" by the Way Doc sila ang makakatulong saatin. " Sambit ni Denise.

" Papano?" Tanong ni Dr. Lawrence.

" Teka? Lance? ikaw ba yan?" Tanong ulit ni Dr Lawrence.

" Hi po!" ngiting sabi ni Lance.

" Ang laki muna. Teka matutuwa nito si Roxie pagnalaman nyang Buhay ka." Sabi ni Dr. lawrence.

" Dun na po kami galing sa Cafe nyo. At ipinaliwanag ko na po sakanya kung bakit.. " Ngiting sabi ni Lance.

" Pero Doc mamaya napo kayo mag reunion. Humawak po kayo saakin. at pupuntahan natin Sila." Sambit ni Denise at ilang sandali pa ay nakarating sila sa Underground ng Ospital. Kung saan nadudoon din ang Morgue.

" Anong ginagawa natin dito?" Tanong ni Dennis.

" Natatakot kaba?" Sabi ni Lance at kinuha nya ang kamay nito. " Medyo." Sagot naman nito.

" Ang artey artey ha? kala mo naman makinis? " Saway ni Marife sa dalawa.

" Wag kayong maingay, baka marinig kayo ng mga kapatid ko. Mabuti pa mag tago na muna kayo. At ako na ang makikipag usap kay tatay." Sabi Ni Doc lawrence at naging imbisibol naman silang tatlo.

" Doc, nasa likud mo lang kami. " Mahinang sabi ni Zandro at Tumango naman si Dr. Lawrence.

Habang naglalakad sila sa madilim na pasilyo, nakaramdam ng kakaibang Hilakbot si marife." Bat ang Creepy dito.." Mahinang sabi ni Marife.

" Ssh, tahimik lang kayo. Nandito na tayo." Sabi ni Dr. Lawrence at binuksan nya ang isang Bakal pintuan. Pagkabukas nito ay Tumambad sakanila ang isang Napakabahong Amoy. Parang nabubulok na ewan at sa loob ay may kakaibang nilalang ang natutulog.

" Tay, Gusto ko po kitang makausap! Nandyan kaba?" Tawag ni Dr. Lawrence.

" Ano naman ang pag-uusapan natin Lawrence? tungkol nanaman sa Sumpa? Uulit ko sayo. Hindi kami mabubuhay ng mga kapatid mo kung di kami makakain ng bangkay. Isa pa wala nang Lunas sa Sumpang to!" Sabi ng Lalaking Mid 30's " Tay, papano kung meron. At may kilala akong makakatulong saatin upang mabalik tayo sa pagiging tao. " Sabi ni Lawrence.

" Wala na lawrence, Kung di lang sana pinili ang mama nyo. Di sana di ako naging ganito. " Sambit ng Ama ni Lawrence.

THROWBACK :Sa isang bayan, Kilala ang Tatay ni Lawrence na si Rudel. Galing sa Mayamang Pamilya. Lumaki si Rudel ng May angking katalinohan at kung tungkol naman sa Mukha at postura nito. Maraming Dalaga ang nagkakagusto dito dahil sa may itsura ito. Maganda din ang pangangatawan nito.

FAST FORWARD...May nakilalang Dalawang dilag si Rudel. Ang isa ay si Charlotte at Linda. Ang tunay talagang iniibig ni Rudel ay si Linda. Kahit galing sa mahirap na pamilya ang Dalaga ay alam ni rudel na Aalagaan sya nito at hindi sya iiwanan hanggang sa huli. Di katulad ni Charlotte Galing nga sa mayamang Pamilya, Ubod naman ng sama ang ugali nito. Dahil uso pa ang Arranged marriage noon, Ay ipinagkasundo sina Rudel at Charlotte ng kanilang mga pamilya.

VERY FAST FORWARD...

Sa araw ng Kasal nina Rudel at Charlotte ay..

" Ikaw Lalaki tinatanggap mo ba si Babae upang maging kabiyak mo ? " tanong ng Pari sa kanya. Habang sa si Charlotte naman ay halatang naiinis na.

" Rudel, ikatlong tanong na yan ni Father sayo? ano na?" Bulong ni Charlotte sa Lalaki.

" Father Sorry, Pero Hindi ko Mahal ang babaeng ito!" Sagot ni Rudel at umalis sa harap ng Altar. " Hoy Rudel, di moko pwdeng talikuran! " Sigaw ni Charlotte. Ngunit di sya nilingon ng Binata bagkus ay Tumakbo ito palabas ng Simbahan. At sinundan naman ito ng Bride.

" Binabantaan kita Rudel, Alam mo kung ano ang kaya kung gawin!" Sambit ng babae sa kanya." Pasensya na Charlotte Di kita mahal, Mahal ko si Linda ayaw kung lokohin ang sarili ko." Sabi ni Rudel at sumakay ito ng Kalesa.

SUPER FAST FORWARD...

PAGKALIPAS NG ILANG BUWAN..

Nag sama sina Linda at Rudel, At mga oras na yun ay Buntis si Linda sa panganay na anak nila. Isang Gabi..

Lasing na dumating si Charlotte sa kanilang Baby Shower.

" Ikaw pala Linda! Siguro masaya ka sa nangyari sakin ngayon? Misirable.! " Sambit ng babae sabay Tungga sa hawak na alak.

" Ate Charlotte, Tama na po. Nasasaktan po ako sa nangyari sa inyo. Pero ate, mahal ko si Rudel. " Sagot ni Linda.

" HAHAHA! Mahal? Wala kang utang na loob. Kinupkup ang pamilya mo ni mama ngunit anong iginante nyo? ito? !" Sigaw ni Charlotte at inawat naman ito ni rudel.

" Charlotte lasing kana, umuwi kana sa bahay nyo please. nakakahiya sa bisita!" Saway ng binata.

" Nakakahiya? Wala akong pakialam!" Sagot ni Charlotte at Binasag nya ang bote ng alak sa Malaking Bato. Kasabay nito ay kinuha nya ang isang Itim na libro.

" Ate, Papano mo nakuha yan?" Tanong ni Linda. Lalapit na sana si Linda ngunit itinutok ni Charlotte sa dalaga ang Basa na bote.

" Wag mokong ma-ate ate! Di kita kapatid! wag kang lalapit dito kundi di ako mag dadalawang isip na gilitan sa leeg!" Banta ni Charlotte at Agad nyang Binuksan ang isang pahina ng Itim na Libro.

" Isinusumpa kita Rudel at Linda! Sa Oras na isilang ang batang nasa sinapupunan mo. Magiging kahindik-hindik ang inyong mga itsura. Pangi-ngilagan kayo ng Lahat ng Tao. Katulad ng mga Balbal, Matatakam kayo sa mga bangkay. !" Sambit ni charlotte at kasabay nyan ay nilaslas nya ang kanyang Pulso. At tila di pa nakontento ang dalaga ay Nilaslas din nya ang kanyang Leeg. Na dahilan ng kanyang Kamatayan.

BACK TO PRESENT :



" Tay, Hayaan nyo muna akong Tulungan kayo sa huling pagkakataon. Kung Hindi man gagana ang gagawin ko ngayon ay ipapangako ko na kakain na ako ng mga bangkay ng Tao!" Sabi ni Dr. Lawrence.

" Kung ganun, kapatid Umaasa ako sayo!" Sabi ng Kapatid ni Dr. Lawrence.

" Anak, Naniniwala ako sayo. " Sambit ng Ina ni Dr. Lawrence.

" kung Ganun maari na kayong Lumabas mga kasama!" Utos ni Lawrence.

At isa-isa nilang inilahad ang kanilang mga sarili sa pamilya ni Dr. Lawrence.

"Hi po!" Bati ni Denise.

"Papano nyo kami matutulungan mga bata?" Sabi ng Ina ni Lawrence.

" Ako po, isa akong nephilim. Susubukan kung tanggalin ang Sumpa. Gustong-gusto na po ni roxie makilala kayo. Palagi nya pong ikinukwento sakin kung gaano kayo kaganda sa larawan nyo." Sabi ni Lance.

" Ikaw ba yung kalaro nya dati sa probinsya? " Tanong ni Aling Linda.

" Opo, papano nyo nalaman?" tanong muli ni Lance.

" Pinagmamasdan namin ang apo namin sa malayo. " Sagot ni Mang Rudel.

" Teka mga bata, ako ang kapatid ni Dr lawrence. Bilisan nyo na dahil nararamdaman kung malapit ng mag alas 12 ng Tanghali. Baka di namin mapigilan. " Sabi ng Babaeng kapatid ni Lawrence.

" Simulan na natin Lance." Sabi ni marife.

Hawak hawak Silang nag usal ng isang engkantasyon na kanilang natutunan nung nasa Aydendril sila. Minsan na ding naging babaylan si Jessel at itinuro nya sa mga bata kung papano mag tanggal ng isang malakas na Sumpa.

" In nomine deus, et a luce qua est. Nos praevaricator nefas! (Sa ngalan ni Bathala, Gamit ang Liwanag na taglay namin. Binabali namin ang Sumpa!) " Paulit-ulit nila itong binibigkas. Hanggang sa Biglang Nagliwanag si lance ng sobrang nakakasilaw. at Lumabas ang kanyang puting Pakpak na kagaya ng mga anghel.

" Lance, Sge na! " Sabi ni Marife. At tumango lang ito bilang tanda ng pag sang-ayon.

Isa isa nyang hinawakan ang mga ulo ng mga isinumpang Tao. At Dinasalan nya ito ng paulit ulit.Naunang nawalan ng Malay ang Nanay ni Dr. Lawrence, Sumunod ang Tatlong kapatid ni Dr. Lawrence. Sumunod ay si Si mang Rudel. panghuli ay si Dr. Lawrence. Pagkatapos nilang mawalan ng Malay isang Kakaibang Maitim na usok ang Lumulutang-lutang sa Ire.

" Denise, Ikaw ng bahala! " Utos ni Marife.

" Pyra sinasamo kita! " Sigaw ni Denise at lumabas naman si Pyra.

" Denise anong maitutulong ko? " Tanong ni Pyra.

" Papano natin mapuksan ang maitim na usok na yan?" Tanong ni Pyra.

" Sandali, tawagin mo si Zandro. Utusan mong Ikulong ang usok na yan sa isang bola na gawa sa Tubig at Ako na ang Bahala.

At yun nga ang ginawa ni Zandro, ikinulong nya sa Bola na gawa sa Tubig ang Itim na usok. 

Habang si Dennis naman ay Ginawang Yelo ang Bola na gawa sa Tubig.

" Magaling! Ngayon Denise at Marife isanib nyo ang inyong mga kapangyarihan. Upang makapagbukas kayo ng isang portal." Utos ni Pyra.

" po? papano ko yun gagawin?" Naguguluhang sabi ni Marife.

" Magtiwala ka sa kakayahan mo!" Sagot ni Pyra.

At ipinikit naman ni marife ang kanyang mga mata.

" Kalikasan ay aking kaibigan, Dinggin ang aking Kahilingan!" Ilang sandali pa ay Tumubo ang kakaibang mga halaman sa paligid at May isang malaking puno ang biglang tumubo.

" Tayo na Denise! Patamaan mo ng Palaso ang Punong yan!"Utos ni Pyra at Pumasok ito sa Pana nito.

" Ngayon na!" Sigaw ni PyrA. At pinakawalan ni Denise ang nag-aapoy na Palaso patungo sa Malaking puno. At ng Matamaan ito ng Palaso ay Biglang nagbukas ang Isang Lagusan. Pagkabukas ng Lagusan ay agad lumapad si Lance upang Sipain ang bola na gawa sa Yelo papasok sa Lagusan.

Nang makapasok ito sa lagusang gawa nina Marife at Denise ay agad nag sara ang Lagusan. Nauna namang nagka malay si Dr. Lawrence.

" Anong nangyari? Tapus na ba?" Tanong ni Dr. Lawrence.

" Ligtas na kayo doc. Tama ba ako Pyra?" Pagkasambit ni Denise sa pangalan ni Pyra lumabas ito at nag Thumbs up.

" Masaya ako Doc dahil mayayakap na ni aling Linda ang kanilang Apo. " Ngiting sabi ni Lance." Maraming salamat! " Naiiyak na sabi ni Lawrence at nilapitan naman ni Dennis si lance upang yakapin.

" Group Hug nga tayo dito! Kayo lang nag yayakapan eh!" Sabi ni Marife at sumali na din sina Denise at Zandro sa Yakapan.

" Pero doc papano ang mga bangkay na nandito? di na ang amoy? tska ang mga Puno ni ate fe?" Sabi ni Lance.

" Wag kayong mag-alala. Ako ng bahala dito. "Sagot ni Dr. Lawrence.

PAGKALIPAS NG ILANG ARAW.. Binalikan nila ang Bahay ni Dr. Lawrence. kItang kita sa mga mata ni Roxie ang saya dahil nakilala na niya ang mga kapatid ng kanyang ama at syempre sa Lola at lolo nito.

Habang si Red naman ay nagpasyang nagpaiwan sa bahay nina Doc Lawrence.

" Napakagaan sa Feeling pagnakakatulong ka sa Kapwa" Sabi ni Lance.

" Indeed!" Sambit ni Denise.

" So, ito talaga ang tanong ng Bayan! Kayo na ba? Lance at Dennis?" Tanong ni Marife. Namula lang silang Dalawa at nagkatinginan.

" Lance, Ligawan muna kasi katukayo ni Bebe Denise." biro ni Zandro.

" Hoy! Hoy! Kung maka bebe ka. Di kita Type no? tsaka wag mo nga akong hawakan! " Saway ni Denise sa Binata habang pilit na tinatangal ang Balikat nito sa pagkakaabay.

" Sige, na nga! Dennis Pwde ba kitang maging akin?" Namumulang sabi ni Lance.

" Hoy ang Baduy nyo.. So ano to kayo lang lima may Love life? ako wala? Matandang Dalaga ganun? Ano to Author? Lablayp naman dyan" -Marife

" ABANGAN MO NALANG MARIFE, MAY POGING BORTA AT DAKS SA SUSUNOD NA KABANATA. IPAPAJOWA KITA DOON-  LOVE AUTHOR 



Hi mga mahal, Salamat Ulit sainyong pagbasa sa aking Kwento sana naman na enjoy kayo. hinabaan ko na talaga para maka move na tayo sa next Chapter. anyways sa mga di ko nabati hello sainyo mahal. Salamat sa pagbasa ng bongga. 

@ANDERSON_ps  " May mga adds pong biglang nag pop up sa mga chapters Author. Alam ko po kung para saan yun kaya di ko nalang ini-iskip. Kahit sa ganung way man lang ay makakatulong ako sa pag ganda ng Kwento. 

- Hi, Anderson_ps Salamat ng marami mahal Malaking tulong po yan for me specially sa mga new writers katulad ko. ♥



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com