Chapter 4 Cousin
Mae's POV
Habang naglalaro ako ng COC sa cellphone ko ay biglang may kumalabog sa pinto. Napatingin ako doon at nakita ko ang isang lalaking may kahawig ng kunti kay Kurt. Isang lalaki na may kaunting hawig kay Kurt, baka kapatid niya o pinsan. Hindi ko nalang sila pinansin.
" Hi Kurt." rinig kong tawag niya kay Kurt. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Alien, nakakunot ang noo nito at nakatingin sa lalaking nasa pintuan.
"What are you doing here ,idiot?" Sabi nya .
" Dito na ako mag-aaral. Magkakasama na tayong dalawa! " sigla niyang sabi at agad nalang na tumakbo kay Kurt at sumakay sa kanya. Tsk, isip-bata.
" Umalis ka nga dito! " at tinulak ang lalaki.
Nakatingin ako sa kanya at nagulat nalang ako ng bigla siyang napatingin sakin na nakakunot ang noo ko.
" Anong tingin-tingin mo dyan? " sabi niya. Akala ko ba bati na kami ng lalaking to? Tsk. Inirapan ko nalang siya, at bumaling nalang sa gingawa ko. Nagdadrawing kasi ako eh. Hilig ko ring magdrawing lalong-lalo na yung mga anime, ganun.
" Wala daw si Sir! " rinig kong sabi ng isa sa mga klasmate ko na palaging updated kapag wala ang guro namin. Agad namang naghiyawan ang mga animal at nagsilabasan sa room. Syempre kasali na ako dun, anong tingin nyo sakin magpapaiwan nalang rito? Ha! Never!
Nakaramdam ako ng gutom kaya agad akong nagtungo sa cafeteria.
" Ate, isang B nga" sabi ko. Ngumiti ito sakin at inilahad ang order ko. Nagtungo ako sa pinakasulok ng cafeteria. Yung pinakadilim na sulok ng cafeteria, ayaw ko kaya ng atensyon. Gusto ko ring mag-isa habang kumakain. Hayst, panu nalang kaya kapag kakainan nila yung baon ko. Naku!
" U-uy! " gulat na sabi ko ng may bigla nalang kumuha ng hotdog na kakainin ko sana. Dumungaw ako kung sino mang animal ang kumain nun at nakita kong nakangisi ang kasama ni Kurt habang kinakain na yung dapat na sa akin.
Grrrrr. Oo, nandito si Kurt na may dala ring pagkain. Hindi ito nakatingin sakin at kumakain lang habang ang ulol niyang kasama ay enjoy na enjoy na kinakain ang dalawang hotdog na inorder ko kanina.
" Huy! Sinong may sabi sayo na kunin mo yang order ko? "
" Pahingi naman, damot"
" Hoy! Kung bumili ka kaya ano. Pera ko kaya yang kinain mo kung sino ka man na anak ng demonyong pumunta rito" sabi ko sa kanya. Nakatingin lang ito sakin na parang natulala sa sinabi ko. Pagkatapos non ay agad syang bumulong ng kung ano kay Kurt at tumingin si Kurt sakin.
Aba! Aba!
" Tsk"
" H-hoy. Akala ko ba bati na tayo? Nagchat ka pa nga sakin ng sorry. Tsk " sabi ko pero ang kumag ay hindi man lang nakinig sakin.
" Yieee, insan. Lumalandi na " tukso nang lalaking kasama ni Kurt. Mga ulol, sarap nilang pagsamahin. Ay tutal magpinsan naman ang dalawang yan kaya may pagkahawig ng ugali. Minsan baliw, baliw.
" Shut up Kenjay, just eat your food" sungit na sabi niya.
" Tapos na kaya" sagot naman agad ni Kenjay. Ang isip bata niya, hayst.
" Then let's go" agad na tumayo si Kurt at hinila si Kenjay. Sus, palusot lang niya yun. Porket tapos na siyang kumain e mang-iiwan na sya. Psh.
Pagkatapos ko ring kumain ay agad akong nagtungo sa room dahil may isang period pa kaming natitira. Habang naglalakad sa hallway ay may naramdaman akong kakaiba. Parang may nakamasid sakin. Huminto ako at lumingon lingon sa paligid pero wala naman. Napansin ko rin na kaunti nalang ang mga estudyante. Eh? Bakit kaunti lang? Eh hindi pa naman tapos ang klase?
Naglakad nalang ako ulit pero putek! Nakakaramdam parin ako eh! Hindi ko nalang pinansin yun pero grrr. Humakbang ako ulit ng biglang may nagtapon sakin ng isang papel.
Binuksan ko ito at may nakasulat.
" Bitch, I know you like Kurt. Sakin lang si Kurt! Bitch! " sabi sa papel kaya bigla akong napatawa. Hahahaha, letse. Ako magkakagusto kay Kurt? Aba, iheadband niya yan.
" Bitch! Kahit laplapin mo pa yang si Kurt. Tsk " parinig ko sa kung sino man ang sumusunod sakin. Psh, mga hangal!
Hindi ko nalang pinansin yun at nagtungo lang sa room.
***
©Izzybheir
©Izzybheir
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com