Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Alternative Ending (editing)

"Hindi ka pa rin nagbabago, ipinagpapatuloy mo pa rin ang mga nakagawian mo na noon. Hanggang kailan? Caleb hanggang kailan mo ikalulungkot ang pagkawala ko? Hanggang kailan ko ikukubli ang sarili ko sa inyong lahat?" Ito ang mga tanong ni Czarina sa kaniyang sarili. Tinatanaw niya mula sa malayo ang binatang si Caleb, nakatayo ito sa harap ng isang puntod habang hawak nito sa isang kamay ang tatlong puting oras. Bago umalis ay muli niyang tinitigan ang maamong mukha ng binata. Hanggang ngayon dama pa rin niya ang pagluluksa nito. Nais niyang maalala ang mukhang iyon bago siya tuluyang magpakalayu-layo.

"Paalam Caleb, dalangin ko'y makahanap ka ng babaing magmamahal sa'yo nang sobra." Sinimulan ni Czarina ihakbang ang mga paa niya palayo kahit pa nga paika-ika ang lakad niya dahil magpasahanggang ngayon ay sariwa pa rin ang mga sugat na natamo niya ilang buwan na rin ang nakakalipas. Ayaw niyang may makatuklas na kahit sino na buhay pa siya. Nagdesisyon na rin siyang kalimutan ang lahat-lahat, kabilang na roon si Caleb.

Sumakay si Czarina sa inarkila niyang kotse at sinimulang imaneho ito, hindi niya maiwasang balikan ang huling eksena kung saan kasama pa niya si Caleb at nasa kanlungan pa siya ng mga bisig nito.

Napapikit na lamang si Czarina, hindi na niya kaya pang magsalita, ngunit pinilit niyang manatiling gising kahit man lang ang kaniya diwa. Naririnig niya ang pagtangis ni Caleb sa pag-aakalang wala na siya. Pero kung alam lang ni Caleb, naririnig pa siya ni Czarina, kahit ang tibok ng puso nito ay dinig na dinig ng dalaga. Ilang saglit lang ay muling umalingaw-ngaw ang ingay sa buong paligid, ingay na nagmumula sa elisi ng helicopter. Hindi niya alam kung sino ang nagpadala niyon, basta ang naaalala niya lang, may mga tumulong sa kaniya at naramdaman niyang iniangat siya upang maisakay doon. "Czarina! Magkikita pa tayo! Pangako!" Ang mga katagang iyon ang huling beses na narinig ni Czarina mula sa tinig ni Caleb, hanggang sa tuluyan na ngang mawala ang ulirat niya.

Nang magkamalay si Czarina, natagpuan niya ang sarili sa isang silid. Hindi pamilyar sa kaniya ang lugar, pero alam niya, wala rin siya sa hospital. Nang makita ng nurse na gising siya ay agad itong lumabas nang silid. Ilang sandali lang ay may kasama na ito, "Mabuti naman at gising ka na," may pag-aalala sa tinig nang lalaking kumausap sa kaniya.

Kahit nahihirapan ay nagawa pa ring makilala ni Czarina ang boses na iyon, "U-uncle?"

"Inutusan ko ang mga tauhan ko na sunduin ka. Tauhan ko ang nagdala sayo rito. Huwag kang mag-alala, ligtas ka na."

"Si... Caleb? Kumusta si Caleb?"

"Huwag mo siyang alalahanin, nasa maynila siya, binabantayan ang kapatid niya. At saka, hindi nila alam na nandito ka, na nagkamalay ka na. Halos dalawang linggo ka ring walang malay kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin. Pinalabas ko sa publiko na kailangan kang madala sa mas mainam na hospital sa ibang bansa, pero ang totoo, dinala kita rito sa poder ko. Ano ba ang plano mo? Anuman ang sabihin mo, iyon ang gagawin ko. Ano? Gusto mo na bang bumalik sa kanila? Magpakita kay Caleb?" mahinahong tanong ni Miggy.

"Hu-huwag na Uncle. Ma-mas mabuti nga sigurong tuluyan na akong lumayo sa kanila."

"Anong ibig mong sabihin?"

"A-ayoko na sanang guluhin pa ang mga buhay nila. Ma-mas mainam sigurong patay na ako sa kaalaman nila."

"Teka, sigurado ka ba sa pasya mong iyan? Baka naman nabibigla ka lang?"

"Uncle, tulungan mo akong magbagong buhay. Ayoko ng gawing kumplikado ang lahat. Gu-gusto ko sanang mamuhay ng simple lang, 'yong walang nakakakilala sa akin, walang magtatanong at manggugulo sa akin. Si-sigurado ako, sa oras na lumabas ako sa publiko, tiyak pagkakaguluhan lang nila ako. Pag-uusapan lang nilang lahat ang buhay ko. Ayoko na sanang masira pa ang katahimikang nasa puso ko ngayon." Tinignan ni Miggy ang pamangkin at nakita niyang buo na ang loob nito sa kung ano ang gusto nitong mangyari kaya nagpasya siyang huwag nang pakialaman pa ang naging desisyon nito. Makalipas ang dalawang pang linggo, ay unti-unti na rin namang nanumbalik sa dating lakas ang pangangatawan ni Czarina. Tinulungan din ni Miggy ang pamangkin na palabasin sa mata ng lahat na tuluyan na nga itong namatay. Gumawa siya ng isang replika ni Czarina na gawa sa wax at ito ang ginamit niya para ipakita sa funeral service ng pamangkin. Wala namang nagduda dahil sadyang perpekto ang pagkakakopya sa hitsura ni Czarina, maging ang bawat sugat ay kuhang-kuha rin. Kahit nga sina Caleb at Yllana ay napaniwalang katawan talaga iyon ni Czarina. Pinalabas ni Miggy na sa hospital ng ibang bansa yumao ang pamangkin at iuuwi lang dito sa pilipinas para maisama sa himlayan ng mga mahal nito sa buhay.

***

"Salamat Uncle," muling ngumiti si Czarina. Ang ngiti na ngayon na lang ulit nakita ni Miggy. Bumalik na nga ang dating sigla nito.

"Magkikita pa ba tayo?" tanong ni Miggy.

"Hindi ko alam Uncle, dipende sa itatakda ng panahon."

"Mami-miss kita, huwag kang magdadalawang-isip na tawagan ako kapag nangailangan ka ng tulong ha?"

"Susubukan ko."

"Paano si Caleb?"

"He'll be fine, I saw him noong mga nakaraang araw sa lupain natin. At base sa obserbasyon ko, alam kung makakausad siya."

Niyakap ni Miggy sa huling pagkakataon si Czarina, may takot sa puso niya na baka ito na ang huling beses na makikita niya ang pamangkin. "Czarina, patawarin mo ako sa lahat nang pagkakasala ko sa'yo, sa inyo."

"Uncle maniwala ka man o sa hindi... Pinapatawad na kita." Niyakap din nang buong higpit ni Czarina ang tiyuhin bago humiwalay. Pagkatapos ay kinuha na niya ang kaniyang helmet, isinuot at saka sumakay sa isang motorsiklo. Pinaandar niya ito at nilisan na ang lugar na kinatatayuan ng uncle niya.

Oras na para mabuhay, hindi bilang si Czarina Joy na prinsesa at hindi rin bilang isang Rina na puno ng galit at hinagpis sa kaniyant puso kundi, mabubuhay siya bilang isang normal na tao na malayung-malayo sa mga buhay na nakasanayan at inaral pa niya.

Binasa ni Miggy ang papel na inabot sa kaniya ni Czarina bago ito tuluyang umalis. Dito nakasulat ang mumunting mensahe ng dalaga para sa kaniya,

"Ngayon, oras na para ang ayusin mo naman ay ang relasyon mo kay Kathy, Uncle."
-Nagmamahal, Czarina.

Napangisi naman si Miggy, "Pangako Czarina, babawi ako sa kaniya," bulong na lang ni Miggy sa sarili. Hanggang sa tuluyan na ngang mawala sa paningin niya si Czarina at ang motorsiklo na sinasakyan nito.

***

Makalipas ang isang taon.
Boulevard Dumaguete city,
Negros Oriental.

Naglalakad si Caleb sa isang gilid ng kalsada, nagpasya silang magbakasyon ni Yllana, kasama nila sa bakasyong iyon si Arthuro na ngayon ay kasintahan na ni Yllana.

"Grabe talaga ang lalaking iyon, nawaglit lang sa paningin ko, itinakas na agad sa kung saan si Yllana. Aba, hindi porket girlfriend na niya ang utol ko ay pwede na niyang gawin ang lahat ng gusto niya nang walang permiso ko! Humanda talaga sa akin ang mokong na iyon kapag nakita ko!" inis na bulong ni Caleb sa sarili maya-maya pa ay nakarinig siya ng naghihingalong mga sigaw, "Magnanakaw! Magnanakaw! Hulihin nyo ang lalaking iyan!" Isang lalaki ang tumakbo at bumunggo sa kaniya dahilan para mawalan siya ng balanse, nainis din siya dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi niya ito agad nahuli o napigilan man lang. Ngunit mas nagulat siya nang biglang may sumulpot na isang babae at agad na nasundan ang lalaking tinutukoy ng mga sigaw. Sinundan ng babae ang lalaking bumunggo sa kaniya. Mahaba ang buhok ng babae, naka-rip jeans ito, white hanging blouse at nakasuot ng sneakers na pula. Bumilib din siya sa bilis nang pagtakbo nito, kaya nagawa nitong maabutan ang lalaki. Tumulong na rin ang taumbayan at hinarangan ang bawat direksyon na tatakbuhin sana ng magnanakaw. Walang nagawa ang magnanakaw kundi labanan ang babaing nagtangkang pumigil sa kaniya. Gamit ang kutsilyo ay sinugod niya ang babae pero laking gulat ng lahat lalo na si Caleb nang masaksihan kung paano na dipensahan ng babae ang sarili at mapaluhod sa samento ang lalaki hanggang sa tuluyan na nitong mabitawan ang hawak na kutsilyo. Doon na rin siya kinuyog ng mga tao at hinuli ng mga pulis na rumisponde.

Kinuha ng babae ang bag na inagaw ng lalaki at ibinalik sa nagmamay-ari nito. "Naku Ineng, maraming salamat. Pagpalain ka sana ng Diyos dahil sa pagtulong mo," wika pa ng ginang.

"Wala ho iyon, mag-iingat ho kayo." Matapos ang eksena ay unti-unti na ring nagsialisan ang mga tao. Nanatili namang nakatayo si Caleb, natigil siya dahil tila pamilyar sa kaniya ang boses ng babae. Kaya naman lakas-loob siyang lumapit sa babae na pumukaw sa atensyon niya.

Nakatalikod ito sa kaniya,gayon pa man ay kinausap pa rin niya ito, nagbabakasakaling mapansin siya nito, "Mi-miss, nagkakilala na ba tayo?" Nang harapin siya ng babae ay halos huminto ang ikot ng mundo niya. Totoo ba itong nakikita niya? "Czarina?" Ang tanging namutawi sa bibig niya.

"Excuse me?" tanong ng babae sa kaniya. "Nagkakilala na ba tayo?" dugtong pa nito.

"So-sorry, kamukha mo kasi ang dating nobya ko." Hindi napigilang bulalas ni Caleb. Pakiwari ni Caleb ay nananaginip na naman siya ng gising. Madalas itong mangyari sa kaniya kaya ang ginagawa niya, tatlong beses niyang ikinukurap ang mga mata niya, at agad din naman nawawala ang imahe ni Czarina sa mga taong napagkakamalan niya, subalit iba ang pagkakataon na ito. Kahit ilang beses pa niyang ipikit at imulat ang mga mata niya. Nananatili pa rin ang imahe ng babae sa anyo ni Czarina, kamukhang-kamukha ng babaing ito si Czarina, mula hugis ng mukha, tangos ng ilong at kulay ng mga mata nito. Czarinang-czarina talaga ito.

"Ha-ha-ha!? Wala ka na bang ibang alam na linya sir bukod sa kamukha ako ng dating nobya mo? Hello! 2025 na! Hindi na uso ang mga ganyang linyahan." Nakaramdam naman nang hiya si Caleb, pero seryoso, kung hindi lang niya alam na patay na si Czarina, mapagkakamalan niya talaga na si Czarina itong kaharap niya.

"I'm sorry, pa-pasensiya ka na. Baka naaning lang ako." Awkward man ay nagpakilala pa rin si Caleb "Si-siya nga pala, ang pangalan ko'y Caleb." Inilahad ni Caleb ang kanang kamay niya.

"I'm Katerina, but you can call me Kath or Rina, wherever you like." Tinugon ng dalaga ang pakikipagkamay niya. Ramdam ni Caleb ang kakaibang sensasyon mula sa pagkakadikit ng mga palad nila, para bang may kung anong kumumpleto sa kaniya. "Ri-rina..." aniya na tila hindi pa siya sigurado kung iyon nga ba ang itatawag sa babaing kausap niya.

"You want some coffee?" alok sa kaniya nang nagpakilalang si Katerina.

"Ha? O-Oo naman, ba-bakit hindi, si-sige, treat ko na."

"That's great! May alam akong coffee shop malapit dito, tara!"

Nauna sa paglakad si Katerina palayo kay Caleb at ngumiti siya ng palihim at ubod ito ng kaytamis, "Its really nice to see you again Caleb. Kung alam mo lang, kaytagal kong hinintay ang pagkakataong ito na magkita tayong muli, " bulong pa niya sa sarili, sa katauhang kay tagal din niyang inasam. Alam niyang sinusundan na siya ng binata kaya naman halos magdiwang ang puso niya.

Sa wakas, makakasama na niya si Caleb na walang iniisip na anumang limitasyon na maaring mamagitan sa kanila. At higit sa lahat, malaya na siya. Malaya sa lahat ng galit na kumokontrol sa kaniya noon.
Pagpapatawad, napagtanto niya na ito ang naging susi para maranasan niya ang kapayapaan na nasa puso niya ngayon.

~Fin~

"Galit at inggit, ito ang mga katangian na karaniwang sumisira sa isang tao. Huwag ninyong hayaan lamunin kayo nito at baguhin ang buo ninyong pagkatao"-Ate Yhin 2020

To God be the glory!

(c) Yhinyhin

"Please free to leave comment, your comments can fulfill my dreams about this story, thanks!"- Ate Yhin

Thanks to Cosmenia, stonecold30 & Piesally for reading this,
I just saw your flood votes here, hope you guys had enjoy reading this. 😉

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com