Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter III ✔

        Pagkatapos kong malaman ang lahat ng tungkol sa isyung kinasangkutan ni Daddy, ay tila nagkaroon na nang malaking pagbabago ang lahat sa amin. Lagi na lamang may mga reporters na nagnanais makakuha ng impormasyon mula sa miyembro ng aming pamilya. Kahit na nga nakagawa ng paraan si Daddy na huwag maipalabas sa mga TV network ay di pa rin niya napigilan ang pangungulit ng mga ito sa amin makakuha lang ng mga impormasyon. Oo, matindi nga ang nakabanggaan ni Daddy. At dahil dito, kaya mas madalas na nakakatanggap na kami ng mga death threats. Kaya si Mommy, may kaba at takot na rin para sa amin higit lalo na sa kambal. Pinatigil na nga rin ang kambal sa pagpasok sa school at kumuha na lamang ng personal tutor para turuan sila. Kung minsan si mommy na rin ang nagtuturo sa kanila kapag hindi dumarating ang tutor ng kambal. Kahit sina kuya ay pinagbabawalan na rin nina Mommy na lumabas-labas pero hindi pumapayag ang mga ito. Masyadong nagpapakaastig sina kuya, palibhasa may alam sila sa mga self defense na itinuro sa kanila nina Uncle Miggy at ni Daddy.

        Ako? Kaunti lang natutunan ko, pinatigil ako ni Mommy at baka raw maging tomboy pa ako. Kesyo babae raw ako at ang mga ganoong gawain ay para sa mga lalaki lamang. Well, firing a gun wasn't my thing, I still prefer to discover new recipe for my family, all by myself in the kitchen. And Yes, marunong  sina kuya na humawak ng baril, tinuturuan sila ni Daddy. May sarili kaming Firing Range sa east side ng lupain namin at doon sila madalas nag-eensayo at mag-bonding. Pinagbawalan ako ni Mommy na pumunta doon, okay lang din naman sa akin dahil wala akong hilig sa mga ganoong bagay. At isa pa, mas gusto kong ilaan ang sarili ko sa kusina, mas marami akong nagagawa doon that gives benefits to my family.

        Sa totoo lang, hindi na nagkaroon ng kapayapaan sa aming isipan simula nang magkaroon ng komprontasyon sa hukuman ang pamilya namin against sa mga akusado, maliban na lang sa kambal, bata pa ang mga ito at puro paglalaro lamang ang nasa isip kaya wala pa silang muwang  sa mga pangamba na dinaranas ng pamilya namin. Mabuti pa nga sila wala masyadong pinoproblema kundi kung paano lang laruin ito, ano ang masarap kainin at pagkatapos ay ang matulog. 

        Sobra naman ang pasasalamat ko sa pamilya ni Andrew, dahil sa suportang ibinibigay nila sa amin sa gitna ng pagsubok na kinahaharapan namin. Hindi nila kami iniwan sa kabila ng lahat sa halip kasama pa nga namin sila sa laban. Andrew makes my heart beats even more for him. He protects and comforts me at all times. Ganyan naman talaga siya kahit noong nasa elementary days pa kami, kaya nga mas lalo akong nai-inlove sa kaniya. He was always there to defend me at all cost. Kulang na nga lang sa amin ay kasal and I can't wait for that day to come.

             Matapos naming matanggap ang di na mabilang na mga death threats ay nagpasya si Dad na kumuha na ng mga bodyguards o ng mga lisensyadong pulis upang mabantayan kami. "Mga anak, this is Agent Ian Caleb Zembrano mula sa NBI. Siya at ang grupo niya ang naatasang magbantay sa pamilya natin habang nasa proseso pa ng imbestigasyon ang kaso. Kaya hayaan n'yo sana sila na makakilos sa buong bahay at magbantay sa inyong lahat," pakilala ni Daddy sa lalaking nasa harapan nila at sa lahat ng mga taong nasa labas. Isa na siyang Agent? Pero kung titignan ang kanyang tindig at postura e mukhang magka-edad lang naman kami. Infairness, he is too young for that position, maybe he is really good enough to be a proffesional Agent.

        "Nice meeting you po Ma'am." Nakipag-shake-hand si Mommy sa kaniya ganoon din ang dalawa kong kuya. Maliban sa akin, dahil nandito ako sa dinning table at binabantayan ang kambal. Nakatanaw lang ako sa kanila habang nasa sala sila at nag-uusap. Bigla naman napunta sa direksyon ko ang tingin ng lalaking kausap nina Dad, dahilan para muli akong magpokus sa ginagawa ng mga kapatid ko.

        "Ma'am Czarina, nandyan na po si Mr. Andrew," sabi ng isang katulong na lumapit sa akin.

        "Oh sige, ikaw na muna rito sa mga bata, pupuntahan ko lang ang sir n'yo."

        "Sige po Ma'am." 

        Dala ng excitement ay pinuntahan ko agad ang garden sa likuran ng bahay namin dahil for sure nandoon na si Andrew. Doon lang naman kami madalas mag-stay tuwing nandito siya. But before I left the dinning room may napansin lang ako sa Agent guy na kausap nina Daddy kanina, para kasing nakatingin ito sa akin or sadya lamang na ang kinaroroonan ko kanina ay nakaharap sa salas room namin, kaya pakiramdam ko nakatingin siya sa direksyon ko kanina, maybe I was just assuming lang talaga.

        Hindi ko na pinagtuunan pa iyon ng pansin, wala naman akong pakialam kung may nakatingin ba sa akin o wala. Sa ngayon gusto ko lang ay makasama si Andrew dahil siya na lang ang nagbibigay nang lakas ng loob sa akin para magpatuloy, maging masaya at maging matatag. Hindi nga ako nagkamali, nandoon siya at naghihintay na sa akin. Ang gwapo-gwapo niya sa suot niya. Kahit anong damit 'ata ay bagay sa kaniya. Fit na fit ang mga damit na binibigay sa kaniya ng isang branded clothes. Modelo siya ng isang famous clothing line kaya monthly sinusuplyan siya nito, not just here in the Philippines sikat ang brand na iyon pati na rin sa iba't ibang bansa. Half Canadian and half filipino si Andrew kaya naman wala ang salitang panget sa kaniya.  He is handsome and kind, sobra! Pero, hindi iyon ang dahilan kung bakit minahal ko siya, it is because, he became my hero a very long time ago. There was a time na kamuntikan na akong ma-kidnap, pero bago mangyari iyon, nakita at ipinagtanggol niya ako sa mga kidnapper kaya hindi natuloy ang pag-kidnap sa akin. And since then, he promised that he will protect me and until now, I am still trusting his words. I feel safe whenever he's on my side.

        "Are you okay?" salubong niya agad sa akin. Kilala na niya talaga ako mula ulo hanggang paa, wala akong maitatago sa kaniya. Kaya walang duda na naditek niya ang kalungkutan ko.

        "Yes Drew I'll be fine. Naniniwala ako na magiging maayos din ang lahat."

        "Rina, I have a suggestion, bakit hindi na lang tayo magpunta sa New York for good? Hindi ba't inaalok ka ng isang tv network doon na mag-chef judge sa program nila. Why not grab the chance? And live there?"

        "Drew hindi ko pa nakakausap tungkol diyan sina Mom and Dad at saka ayoko doon, wala doon ang buhay ko, nandito sa pinas."

        "Well, its just a null suggestion, never mind. Basta ako kung saan ka, doon ako. As I have said to you a million times, I will always be on your side," aniya. Muli na naman niyang pinakilig ang puso ko. Kaya lalo ko siyang minamahal e. Bolero or corney man siya sa paningin ng lahat pero mahal ko siya, iyon nga 'ata ang dahilan kung bakit mas lalo akong napapamahal sa kaniya. Pumunta siya sa likuran ko at niyakap niya ako nang mahigpit mula doon, sabay namin pinagmasdan ang ganda ng paligid na siyang naabot ng aming paningin, ang malawak na karagatan at ang dalawang isla na nasa gitna nito. Ang higpit nang yakap niya, sapat na para lusawin ang lungkot na nadarama ko. Nadama ko rin  sa leeg ko ang init ng hininga niya at ang bangong taglay nito, nakakapanghina ng tuhod.

        "Bakit nga pala maraming tao sa inyo? Noong pagpasok ko, natawa ako dahil tinatanong nila ako kung sino ako at kung kaanu-ano ko raw kayo?"        

        "Ha ha ha, don't mind them. Galing sila sa NBI, sila muna ang magbabantay sa amin habang hindi pa tapos ang kaso. Alam mo naman, nakakailang death threats na si Daddy ngayon linggo."

        "Ah naiintindihan ko na, by the way Rina, are you free tonight? Sa bahay tayo mag-dinner? Nami-miss ka na ng parents ko e."

        Humarap ako  sa kaniya at inilipat ang dalawang kamay ko sa leeg niya.  "Maganda iyang naisip mo,  I will cook special for them but before that, sana payagan ako ni Daddy." 

        "I understand, sasamahan kitang magpaalam, for sure naman papayag iyon dahil kasama mo ako," bulong ni Andrew sa tainga ko dahilan para maramdaman ko ang init ng mga labi niya.

             "Are you teasing me," panunuyo ko sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang hinihintay namin at hindi pa nagdidikit ang mga labi namin na halata namang uhaw na uhaw na sa isa't isa.

              "Yes...," mas mapangahas niyang sabi sa akin. Hindi ko siya masisisi kung ayaw niyang alisin ang mga tingin niya sa bawat parte ng aking mukha.

             "So I think, I have to tell you na nagtagumpay ka Drew. Salamat at pinuntahan mo ako rito." Mas lumapit pa ang pagitan namin sa bawat isa at Oo, nakakatunaw talaga ang mga titig niya at  nakakapaso ang init mula sa katawan niya ngunit gustung-gusto ko ito.

                "I love you Rina," bulong niya sa akin dahilan para maamoy ko na naman ang mabango niyang hininga na nagpakilig sa isang bahagi ng aking puso.

                "I love you too Drew." Pagkatapos ay sabay namin pinagsaluhan ang matamis na halik at tinugon ang uhaw ng bawat isa.

***

        "Ah Dad, ihahatid ko lang po si Andrew sa labas," paalam ko habang hawak-hawak ko ang kamay ni Drew. Sana payagan ako medyo may kalayuan din kasi ang main gate namin, mga 1 kilometer pa ang layo mula sa aming bahay. Masyadong malawak ang lupain namin, enough para maligaw ang sinuman magtatangkang pumasok. Until now pala ay kausap pa rin ni Dad 'yong weirdong Agent.

        "Aalis ka na agad Hijo? Huwag muna, dito kana mag-lunch. Dahil for sure na miss ka nang sobra ng anak ko," pigil ni Daddy kay Andrew.

        "Hay naku Dad, sinabi ko na iyan sa kaniya pero may pupuntahan pa raw siya e." Sinamahan ko pa ito ng tampo-effect, baka kako magbago ang isip.

        "Tama po ang sinabi ni Rina, may pinapaasikaso pa ho sa akin si Daddy." Sabi ko nga hindi ko siya makukumbinsi.

        "Ganoon ba, mukhang hindi na kita mapipigilan. Oh sige, pero anak kailangan mo pa bang ihatid si Andrew?" biro ni Dad. Kaya pakiramdam ko tuloy namula 'yong buo kong mukha, nakakahiya doon sa Agent nakausap niya, baka kasi isipin nito over acting ako sa pansamantalang paghihiwalay namin Drew. Teka? Bakit ko ba inaalala ang sasabihin ng lalaking ito.

        "Dad naman e. Sige na Dad, parte pa rin naman iyon ng bahay natin kaya okay lang, ligtas ako."

        "Papayag ako pero hindi ako papayag na wala kang makakasama sa pagpunta doon hanggang sa pagbalik mo rito. Medyo sumimangot tuloy ang mukha ko, hindi ba't parang O.A. na ang pag-aalala ni Daddy.

        "But Dad?" napamaktol pa tuloy ako. Hindi sa kinokontra ko sila, gusto ko lang kasi sana na mas magkaroon pa kami ni Drew ng personal na oras, iyong kami lang.

        "Sige na Joy pumayag kana, iniisip lang namin ang kapakanan mo," sabi pa ni Mommy.

        "Tama ang magulang mo Rina, ginagawa nila ito  for your own good sake. Kaya sundin na lang natin sila." Isa pa itong si Andrew, sumasang-ayon sa sinasabi nina Mom and Dad. Pero sige na nga mahal ko naman ang mga taong ito kaya susundin ko na lang sila.Tumango ako sa kanila at nagbigay ng pilit na ngiti.

        "Okay, Andrew this is Agent Ian Caleb Zembrano ang maghahatid sa inyo palabas. Okay lang ba iyon Mr. Caleb?" tanong ni Dad sa Agent. 

         "Sir, wala pong problema, its part of my duty, ang panatilihin ang kaligtasan ng bawat isa sa inyong pamilya," saad nito.  Pagkatapos ay nakipag-shake hand si Drew sa kaniya. Pero sa akin no need, total kilala ko na siya after ipakilala siya ni Dad kanina. May pagka-introvert talaga ako, lalo na't bagong kilala ko lang ang isang tao.

        Tinanggap naman ng Agent ang pakikipagkamay ni Andrew, "Nice meeting you sir, alam n'yo po bang hinahangaan po kayo ng kapatid kong babae," usap nito na ikinagulat ko naman. Magtataka pa ba ako? Kilala si Andrew sa modeling industry dahil ilang beses na rin siyang lumalabas sa mga magazine at naiimbitahan sa interview sa mga TV network. Walang duda kung may makakilala sa kaniya na makakasalubong niya. Kaya minsan nakakaramdam ako ng selos pero slight lang, nauunawaan ko naman ang career niya e, so kailangan ko lang talaga nang mahabang pasensiya.

        "I am flattered, pakisabi sa kaniya thank you. Ano nga pala ang pangalan niya?" Kainis naman itong si Drew tinanong pa, di ba niya alam na katabi niya lang ako na girlfriend niya. Bakit kailangan pa niya malaman ang name  ng babaing kapatid nitong Agent.

        Sumagot naman ang Agent, "Yllana Jane Zembrano po sir."

        "Kung gayo'y hayaan mo, mamaya may ipapaabot ako sayo para sa kaniya," pangako pa ni Drew sa Agent. Napakabait talaga ni Andrew kaya mas lalo ko siyang minamahal e. Minsan napapatanong na lang ako kung deserve ko bang magkaroon ng tulad niya.

        "Naku sir salamat, sigurado ho akong matutuwa  'yon kapag nalaman niyang galing iyon sa inyo."

        "Not a problem. Oh sige po Uncle, Auntie alis na po kami," magalang napaalam ni Andrew sa magulang ko.

        "Oh sige mag-iingat ka Andrew. Ikumusta mo na lang ako sa Mommy mo, pakisabi nami-miss ko na ang special  salad niya, sabihin mo rin na minsan dumalaw siya rito kasama ka," paalala ni Mommy.

        "Asahan n'yo po, sige po bye." Hawak kamay kaming lumabas ni Andrew sa bahay kasunod namin 'yong Agent guy. Balak pa sana kami i-convoy pero sinaway ko na sila, mawawalan na lalo kasi kami ng privacy ni Andrew, mahirap na ngang takasan ang dalawang mata lalo na kung marami pa silang magbabantay— just kidding. Ang sa akin lang talaga ay O.A. na kasi di ba? Natuwa naman ako doon sa Agent Guy kasi naunawaan niya 'yong point ko. Hindi na nga niya pinasunod 'yong iba pa niyang mga kasamahan sa amin.

        Sakay kami ng gray na Car ni Andrew at binagtas namin ang daan patungo sa main gate namin. Nasa tabi ako ni Drew at 'yong Agent guy ay nasa likod namin, para tuloy siya 'yong VIP na ipinagda-drive namin. But it's not bothering us naman ni Andrew especially me. Binura ko nga sa isipan ko na may isa pa kaming kasama ni Drew sa loob ng sasakyan.

        "I forgot, hindi kita naipagpaalam sa Daddy mo kanina regarding sa dinner natin mamaya," pag-aalala ni Andrew while he was driving.

        "Don't worry Drew I'll call you up kapag nakapagpaalam na ako kay Dad at pinayagan ako," nakangiti kong sagot sa kaniya.

        "Excuse me, Ma'am and Sir. Pwede po ba akong sumabat sa usapan ninyo?" Nagulat ako dahil ang boses ay nagmula doon sa guy na nasa likod, kamuntikan ko na talagang  makalimutan na may kasama nga pala kami.

        "Yes?" takang tanong ni Drew at nakatingin sa rare view mirror na nasa harapan namin ganoon din ako.

        "Ah eh tungkol po sa pagpapaalam ninyo sa Daddy nyo. Kung hindi kayo payagan, that's good. Pero kung payagan man kayo ni Mr. Javier sorry po, pero baka hindi rin po kami sumang-ayon sa ideyang paglabas nyo po sa inyong poder. It would be a high risk para po sa inyo," sarkastikang paliwanag ng Agent guy. Teka lang sino ba siya para kontrolin ang desisyon namin medyo napikon ako ng kaunti doon. Pero nanahimik ako at hinintay ang magiging reaksyon ni Drew.

        "Nauunawaan ko ang trabaho mo Sir—?" kinumpirma muna ni Drew ang name nito, mukhang nakalimutan niya 'ata.

        "Agent Ian Caleb Zembrano po," magalang namang tugon ng Agent.

        "Okay Mr. Zembrano, nauunawaan ko ang trabaho ninyo, protecting the family of my girlfriend, kaya okay lang. Hindi naman siguro kawalan sa amin ni Rina ang hindi kumain sa residence namin or mag-date. At dahil sa ginawa mo tiwala ako na mababantayan n'yo nang maayos ang pamilya ng girlfriend ko." Kasabay nito ang pagkuha ni Drew sa kamay ko, pinisil at hinagkan  ito.

        "Salamat sa unawa sir Andrew, pasensiya na po talaga." Ewan ko lang, mukhang robot itong Agent na 'to dahil parang walang nangyari at bumalik ito sa dating pwesto with a straight body. Ganoon ba talaga kapag Agent, weird na robot? Medyo nanahimik na kami pagkatapos niyon. Sa wakas at narating na rin namin ang main gate.

        "Bye Drew," paalam ko.

        "Bye Rina." Pagkatapos ay binigyan niya ako nang isang halik sa labi at isang halik sa aking noo.

        "Dalawin mo ako palagi Drew."

        "Oo naman Rina." Isang ubo ang kumuha sa atensyon namin, saka lang namin muling naalala na may kasama nga pala kami o sadyang parang hindi lang namin ramdam 'yong presensiya niya. After niya kasing magsalita kanina, nanahimik na ito. Kung hindi nga lang siya umubo hindi talaga namin siya maaalala.

        "Ah  sige Drew bababa na ako, mag-ingat ka sa byahe."

        "Okay Rina. "Pagkatapos ay bumaba na nga ako. At ganoon din ang Agent.

        "Ah wait lang Mr. Zembrano," pigil ni Andrew sa Agent guy. Kumuha si Drew ng pentelpen at isinulat ang kaniyang autograph sa isa sa mga emergency blouse niya na naka-stock lang talaga sa kotse niya, nakita ko rin na inipit ni Drew sa blouse ang gift cheque na nagkakahalaga ng Php 10,000 worth of clothing brand na ini-endorse niya mismo. Pagkatapos mailagay ang pirma ay inihagis niya iyon sa Agent guy na agad din naman nasalo, "Maraming salamat sir Andrew." Nang makababa na kami pareho sa sasakyan ni Drew, may isang guard ang nagbukas na ng gate. At tuluyan na ngang nakalabas  ang kotse ni Drew sa poder namin. Sa mga oras na ito, isa lang alam ko, kadaminuto na wala si Drew sa tabi ko ay nami-miss ko na talaga siya ng sobra.

        "Ah Mang Jorge, gagamitin ko 'yong Car na nasa garahe ha."

        "Yes Ma'am, kunin ko lang po 'yong susi sa guard house." Ningitian ako nito at pumasok na siya  sa guard house. Bumalik din naman siya agad dala ang susi ng kotse ko na sinadya naming ilagay malapit sa gate para in case nga na ganito, katulad nang ginawa kong paghatid sa boyfriend ko ay  may magagamit akong sasakyan pabalik sa bahay.

      "Ah Ma'am ipagmamaneho ko na po kayo?" sabi sa akin ng Agent. Wait, is he allowed to drive my car for me? Anyway, never mind. Nag-volunteer naman siya.

        "Sure," tipid kong tugon.

           Pagkatapos ay binato ko sa kaniya ang susi sa kotse ko. "Kunin mo sa garahe 'yong kulay pink na car, sa akin 'yon. I'll wait you here, okay?" Kasabay nito ang matamis kong ngiti. Sumunod naman siya at bumalik sakay na ng kotse ko.

        Tahimik lang siyang habang nagmamaneho, ganoon din ako. Ewan ko pero nakaramdam ako bigla ng lungkot  lalo na sa tuwing maalala ko na wala na naman sa tabi ko si Andrew. "Huwag po kayong malungkot, matatapos din ang problema ng pamilya n'yo. Babalik din po sa normal ang lahat." Nagulat ako nang binasag ng Agent ang pag-e-emote ko. Pero tama siya, isa rin 'yon sa nagpapalungkot sa akin. Kailan kaya ulit babalik sa dati ang buhay na mayroon kami. Hindi na lang ako umimik, ayoko lang mapag-usapan pa ang tungkol sa problema namin. Hindi rin ako tumabi sa kaniya, umuupo lang ako sa front seat  kapag si Drew ang katabi ko. Kaya naman mas siniksik ko na lamang ang mukha ko sa bintanang salamin ng kotse ko. At pilit pinapagaan ang loob ko sa pamamagitan nang pag-iisip ng magagandang bagay na hanggang ngayon taglay pa rin naman namin, buo at magkakasama pa rin kami ng pamilya ko. Sana nga'y panaginip lang ang lahat, isang masamang panaginip.

***

MAKALIPAS ANG LIMANG BUWAN...

        Hindi napatunayan sa hukuman na kasabwat at pinuno si Mr. Fredrick Tansingco sa kasong isinampa ni Daddy sa kaniya. Masyado raw mahina ang ebidensya laban sa kaniya. Marami ang nalungkot sa pangyayaring iyon lalo na kami. Ang nakulong lang ay ang mga nahuli ng araw na 'yon. Pagkatapos ng limang buwan na pagtitiis namin, na para na rin kaming bilanggo sa sarili naming tahanan ay ganoon na lamang ang magiging resulta? Nakakasama ng loob lalo na sa mga pamilya ng mga nabiktima. Hindi namin alam kung bakit ganoon ang nangyari, kung paanong nalinis ng Mayor na iyon ang pangalan niya sa dami ng mga tumestigo laban sa kanila. Sa huli mas marami pa ring naniniwala na wala siyang kasalanan.

        Pakiramdam namin nasayang ang limang buwan na sakripisyo namin. Pero siguro hanggang dito na lang talaga ang pakikipaglaban namin sa hustiya para sa mga taong nabiktima nila. Nalinis naman ang pangalan ng Daddy kasabay nito ang paglinis din ng pangalan ng Mayor na iyon. Dito nagsimula ang paniniwala kong nagaganap nga ang hindi patas na trato sa mundong ginagalawan namin, may mga api at mayroon ding mga mapang-api. May mga manggagamit at mayroon din talagang nagpapagamit. Naiinis ako kung bakit ganito ang nangyari o sadyang ngayon ko lang talaga nalaman ang mga ganitong gawain. Bakit ba hindi ko ito nakita noon pa, e di sana, abogasya na lang ang tinapos kong kurso. Nagkulang ba kami? Sa tingin ko naman ay hindi. Ito ba ang hustisyang ipinagmamalaki ng bansa ko? Sana'y mali lang ako ng paniniwala.

        Sa tingin ko babalik na kami sa dati, inalis na ang mga tiga-NBI na nagbabantay sa amin. Lahat ng tauhan ng Agent Guy na 'yon, ngayon ay wala na sa poder namin. Naging maayos naman ang lahat habang nasa bahay sila. Kahit minsan nakakaramdam ako ng awkwardness kapag kasama ko 'yong Agent guy, it happens sa tuwing maiiwan kami nang kaming dalawa lamang. May kakaibang feelings akong hindi maipaliwanag, ewan ko ba, pero sa tuwing mararamdaman ko 'yon, iniisip ko na lang si Andrew kaya agad din namang nawawala.

        Sa ngayon mukhang tahimik na ang lahat liban doon sa mga reporter na humihingi na lang ng closure about nga sa kaso. Pinagbigyan sila ni Daddy nang magpatawag ito ng isang public conference, mahinto lang ang lahat ng isyu kaya pagkatapos niyon natigil din sila sa pangungulit sa amin.

        Umaasa ako na magiging maayos na ang lahat. Iyan ang pinaniniwalaan ko at ng pamilyang kinabibilangan ko—sana nga. Dalawang buwan pa ang lumipas naging mapayapa naman ang lahat. 

        Isang event naman ang paniguradong pinaghahandaan ni Mom and Dad— ang birthday ko. Hindi man nila sabihin kung ano ang plano nila,  I'm sure may pinaghahandaan sila  at sa tingin ko malaking selebrasyon ito pambawi sa presong pamumuhay namin nitong mga nakaraang buwan. Salamat sa mga katulong namin na madadaldal kaya tukoy ko na kung ano gagawin nina Dad and Mom. May essence din pala ang pagchichismisan ng mga katulong during free time nila.

***

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com