Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter V ✔

                   Bago ko tunguhin ang labas ng bahay namin, nagpunta muna ako sa kwarto nina Daddy dahil for sure may baril doon na nakatabi lang. Agad ko rin namang nakita ang isang baril sa isa sa mga drawer nila, sa pagkakatanda ko air piston ang tawag dito, ipinakita na ito sa akin nina kuya noon. Kinuha ko ito para may maipangdepensa sa sarili ko at nang tignan ko ay may bala na rin naman ito.Teka paano nga ba gumamit nito?  Hindi na kasi ako natuloy sa paggamit nito noong sinubukan ko ito sa aming firing range, pinahinto kami ni Mommy. Nakaramdam tuloy ako nang matinding pagsisisi, dapat pala pinagpilitan ko kahit papaano ang matuto para naman sana nakatulong ako kanina sa pagbabaril sa mga taong 'yon at higit sa lahat madipensahan ang sarili laban sa kanila.

                       Sumilip muna ako sa balcony ng kwarto nina Mommy. Tinanaw ko ang lawak ng lupain namin, may nakita ako sa gawing kanan nito na dalawang uri ng sasakyan. Sa tingin ko owner type ang mga iyon pero muling kumulo ang dugo ko nang makita kung ano ang pinaggagawa nila sa dakong iyon. Kitang-kita ko kung paano nila paulanan ng bala ang mga taong nagsitakbo doon. Mga walang puso!  Muli na namang namuo ang mga luha ko matapos masaksihan iyon. Hindi ko na kinaya pa kaya binaling ko ang paningin ko sa kabilang direksyon ng lupain namin. Hanggang sa matanaw ko ang mga pamilyar na tao sa buhay ko, sina Kuya iyon at si Daddy! Nakaramdam ako nang panandaliang tuwa ngunit napalitan ito nang matinding kaba dahil napansin ko kaagad na may mga papalapit na sa kanila at hindi lalagpas ang mga ito sa dalawangpung kalalakihan at lahat ito ay armado ng mga baril. "Kuya! Daddy!" malakas kong sigaw para sana mabalaan sila subalit masyado silang malayo para marinig nila ako. Kailangan ko nang magmadali bago mahuli ang lahat. Sa nakikita ko malaki ang posibilidad na matalo sila dahil sa kaunti na lamang ang bilang nila kumpara sa makakalaban nila. Nagkandarapa tuloy ako sa pagtakbo pababa para makalabas agad ng bahay, unti-unti na rin bumagsak ang namumuo kong luha na kanina pa nagbabadya. Pakiramdam ko anumang oras ay mangyayari ang bagay na kinatatakutan ko. Diyos ko huwag naman sana.

                  Tinakbo ko sa mabilis na paraan ang malawak naming bakuran kung saan ko nakita sina Daddy, hanggang sa makarinig na lamang ako nang magkakasunod na putok ng mga baril na tila ba nag-e-echo pa sa buong paligid kaaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo habang hawak sa isang kamay ko ang air piston ni Daddy. Ilang sandali lang ay sa wakas natanaw ko rin ang lugar kung saan naroon sina kuya pero nagulantang ako nang makitang nakahiga na si kuya Kenjie pati na rin si Kuya Mckie. Ba—bakit sila mga nakahandusay na para bang wala ng mga buhay? Ganoon din ang mga tauhan ni Daddy, nakabulagta sa magkabilang dako. Hindi!

                         Nanginginig kong dinaya ang sarili ko na baka mali lang ako nang pagkakaintindi sa mga nakikita ko. Narinig ko pa ang sigaw ni kuya Mckie nang tawagin niya si kuya Kenjie. Bakit anong nangyari kay Kuya Kenji? Hanggang sa maganap na nga ang kinatatakutan ko. Itinutok ng isang lalaki ang kaniyang baril kay Daddy at nang kalabitin nito ang gatilyo ay siya namang harang ni kuya Mckie dahilan para siya ang matamaan ng bala. "Hindi!" Sumabay ang sigaw ko sa malakas na putok ng baril kaya wala sa kanila ang nakarinig sa akin. Kasunod niyon ay nakita ko ang galit na galit na mukha ni Daddy nang pagtatadtarin niya ng bala ang lalaking bumaril kay kuya Mckie.

                        "Daddy!" muli kong sigaw, this time narinig na ako ni Daddy. Napatingin siya sa akin subalit ganoon din ang ginawa ng mga kalaban nilang buhay at nakatayo pa. Kaya napahinto ako sa pagtakbo palapit sa kanila at natutop na lamang ang bibig ko. Kasabay nang tensyong nadarama ko ang paghagulgol ng damdamin ko, pagdadalamhati matapos masaksihan ang nangyari sa mga kuya ko.

                       "Joy, tumakbo ka na! Bilisan mo, tumakas ka na anak!" sigaw ni Daddy pagkatapos ay inalis niya si kuya Mckie mula sa pagkakadagan sa kaniya at doon ko na nga nakumpirma na wala na talaga si kuya. Tinignan ko rin si kuya Kenjie pero ganoon din ito, hindi na ito gumagalaw pa. Hindi. Bakit nangyayari ito sa amin? Tama na! Please gisingin n'yo na ako. Kung isa lang itong masamang panaginip, parang awa nyo na, gisingin nyo ako! Muling nagpaputok si Daddy, dahilan para makuha niya ang atensyon ng mga lalaking nakangisi sa akin at natamaan ni Dad ang isa sa kanila.

                     "Joy takbo!" muling sigaw ni Dad. Nagdadalawang-isip pa ako kung tatakbo ba ako o hindi pero sa huli ay napatakbo na lang din ako palayo sa kanila. Habang papalayo ako sa lugar ay muli kong sinulyapan ang malungkot ngunit palaban na mukha ni Daddy, nakikipagpunong-braso ito mapigilan lang ang mga lalaking gustong humabol sa akin. Nabitawan pa ni Daddy ang hawak niyang baril nang sipain ito ng isa sa mga lalaki. Lumalaban si Daddy nang buong lakas niya, nakikipagsuntukan siya kahit lagpas tatlong tao ang kalaban niya at ginagawa niya iyon upang iligtas ako. Pero hindi sapat ang lakas ni Daddy para matalo ang mga ito, tuluyan na nga siyang napigilan at nailagay sa likod ang mga kamay niya.

                    "Dali! Habulin n'yo ang isang iyon, ngunit huwag nyo munang papatayin. Dapat siyang mahuli ng buhay!" sigaw ng lalaki, natatandaan ko siya, siya ang lalaking nakatalikod sa akin habang nagtatago ako sa kabinet kanina. Mas binilisan ko pa lalo ang pagtakbo ko, wala na akong pakialam kahit makatapak pa ako ng matutulis na bato dahil sa nakayapak na lamang ako. Sa ngayon, ang gusto ko lang ay makalayo sa lugar na ito. Narinig ko pa ang pagmamakaawa ni Daddy kaya napahagulgol na naman ako, "Huwag, parang awa n'yo na pabayaan n'yo na ang anak ko!"  Muli ko siyang sinulyapan at nakita ko kung paano inihampas sa ulo ni Daddy ang hawakan ng baril dahilan para bumagsak siya at mawalan ng malay. Daddy! Hindi!

                   Pati ba naman sa pagtakbo ay napakahina ko? Kaunti na lang at maabutan na ako ng dalawang lalaki na humahabol sa akin. Ngunit nagulat ako nang may humablot sa akin sa unahan, "Huli ka." Hindi ko napansin na may nasa unahan ko pala na palapit din sa akin ang masaklap pa ay kasamahan din nila ito at hindi ko alam kung saan ito nanggaling.

                  "Huwag! Bitawan mo ako!" Binuhat ako nito pabalik kung saan naroon sina Daddy. Dahil sa pagbuhat na ginawa nito ay nabitawan ko tuloy ang baril na kanina ko pa hawak-hawak. "Mga hayop kayo! Ano bang kasalanan namin sa inyo. Bitawan mo ako! Pakawalan n'yo ako!" Pagpupumiglas ko habang bitbit ng isa sa kanila. Hindi sapat ang lakas ko para makawala sa kaniya,  malaki ang pangangatawan niya kung ikukumpara sa akin. Ano na ang mangyayari sa akin ngayong nahuli na nila ako, papatayin din ba nila ako kagaya ng ginawa nila sa mga kuya ko?

                    "Tatakas ka pa ha!" Isang sampal ang sinalubong sa akin ng lalaking umaastang pinakamataas sa kanila nang dalhin ako sa harapan nito. First time kong masampal, ang masaktan ng physical. Never akong sinaktan ninuman kahit pa sina Daddy, Mommy at sina kuya. Ganito pala kasakit, pakiramdam ko hindi lang ito ang sakit mula sa sampal kundi kasabay pa nito ang sakit ng mga bagay na nangyayari sa amin ngayon. Napakasakit! Pakiramdam ko na sa poder ako ng mga demonyo na anytime maaring kitilin ang buhay ko. Sigurado akong namula ang sampal na iyon dahil maputi at may pagkabalat-sibuyas ang balat ko. Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng mga luha ko. Andrew nasaan ka na? Kailangan na kailangan kita.

                    "Hoy Mr. Javier gumising ka na, pagmasdan mo ng mabuti ang anak mo." Hinawakan ng lalaking naka-brown na leather jacket ang buhok ni Daddy at pilit ginigising ito. Hindi nagtagal ay sa wakas, unti-unti na ring nagkamalay si Daddy, "A-anak," mahinang tawag sa akin ni Dad, pinagmasdan ko siya at ganoon din siya sa akin, kita ko ang papaluha niyang mga mata.

                       "Daddy!" sigaw ko. Naiiyak na lamang ako sa masaklap na sitwasyon namin. Isang ring ng phone ang narinig namin, nagmula ito sa isa nilang kasamahan na nakatayo sa likuran ni Daddy. Sinagot ito ng lalaki at pagkatapos ng ilang segundo ay naibaba rin ito, "Boss, nakita na ang asawa ni Mr. Javier," usap ng lalaki. Hindi! Pati sina mommy ay nahuli na rin nila. Hindi pwede! Hindi pwedeng mangyari ito. Sa takot ko'y pilit akong nagpumiglas matapos marinig iyon.

                     Hindi lang ako ang naapektuhan sa balitang iyon higit lalo na si Daddy, "Mga hayop kayo! Huwag ninyong idamay ang asawa't mga anak ko. Ako na lang kung gusto n'yo! Ako na lang ang patayin n'yo. Parang awa n'yo na! Huwag ang mag-ina ko! Pabayaan nyo na sila," pagpupumiglas din ni Daddy, kulang na nga lang ay halikan ni Dad ang mga paa nito makuha lang ang simpatya ng mga ito. Ito ang kauna-unahan kong beses na makita si Dad na ganoon, ngunit sa halip na maawa ay muli siyang hinampas ng baril sa kaniyang batok dahilan para bumagsak ulit siya sa berdeng damuhan at mawalan muli ng malay. Maliban sa sugat sa noo ni Daddy, iniinda rin niya ang sakit ng buo niyang katawan matapos ang pakikipagbuno niya kanina, tapos nadagdagan pa ng pagbatuktok sa batok niya. Umagos ang sariling dugo ni Dad pababa sa dibdib at damit niya.

                     "Dadddy!" Wala akong nagawa kundi kagatin ang braso ng lalaki na nakasakal sa akin kaya nabitawan ako nito at dali-dali akong tumakbo palapit sa daddy ko, "Dadddy!" Niyakap ko siya nang buong higpit para gisingin sana siya. Sumenyas naman 'yong tila boss nila na pabayaan na lang muna ako total hindi naman na ako makakatakas dahil lahat sila ay may baril at ako, ano ba ang magagawa ng isang tulad ko? Niyakap ko na lamang nang mas mahigpit si Daddy.

                    "Sige tama na iyan, buhatin n'yo na ang mga dalawang iyan," utos ng lalaking sigurado na akong tumatayong boss nila.

                    "No please, get off! No! No! Ilayo nyo sa akin ang madudumi ninyong kamay!" Buong lakas nila akong inihiwalay sa walang malay na si Daddy.

                    "Kuya Mckie! Wake up, Kuya Kenjie please gumising na kayo. We need you!" sigaw ko kina kuya, nagbabakasakaling sila'y magising pero wala, mukhang nawala na sila ng tuluyan. Tulungan n'yo kami, sina Mommy, sina Sairah at Zoren, kailangan namin kayo.
Binuhat nila ako habang kinaladkad naman nila ang walang malay na si Daddy patungo sa Docks na bahagi rin ng lupain namin. Nasa likurang bahagi lamang ng lupain namin ito kung saan naroon ang malawak na dagat, sa tabi ng dagat nakaparada ang mga pribado naming mga bangka at yate. Tanaw ng sinuman sa amin ang dalawang isla na nasa gitna ng karagatan. Ang mga pagkakataon na ito ang nagdulot sa akin upang makaramdam ng matinding panghihinayang, dahil ni minsan hindi ko man lamang naitapak ang mga paa ko sa lugar na iyon, tanging sina Dad at Kuya lamang ang napapadpad doon, balita ko nga na ang lugar na iyon ay best spot sa mga mahilig mag-dive. Ang sabi sa akin noon ni Daddy, nagbabalak siyang bilhin iyon sa gobyerno sa halagang dalawangpung  milyon subalit hanggang sa mga pagkakataong ito, hindi ko tukoy kung natuloy ba ang pagbili ni Dad sa isla. Ang sabi naman nina kuya nabili na raw ito ngunit inaayos pa ang ilang papeles at titulo para mailipat sa amin ng tuluyan ang pagmamay-ari rito.  Ngunit ano pa ba ang silbi nito ngayon, pakiramdam ko ito na ang huling beses na matatanaw ko ang lugar na iyon, ni hindi ko man lamang napuntahan. Sina kuya lang talaga ang madalas magparoo't parito sa lugar na iyon. Maya-maya pa'y napalingon ako sa gawing kanan ko nang makarinig ako ng mga pamilyar na boses. Mga iyak iyon ng kambal. Halos durugin ang puso ko pagkatapos ko silang makita, "Mommmy!" Tinutulak-tulak sila palapit sa amin gamit ang duluhang bahagi ng mahahabang baril na hawak ng mga nakahuli sa kanila. Mga walang awa pati ang mga bata hindi nila pinalagpas. Kasama rin nila ang tatlo sa mga katulong namin. Patakbo namang lumapit sa akin si Mommy, "Anak ko!"

                    Niyakap agad ako ni Mommy nang mahigpit pagkalapit sa amin, dahilan din para mas lalo akong humagulgol sa pag-iyak, "Mommy! Si-sina ku-kuya... Wa-wala na si-sila. Pinatay nila sina kuya!"

                    "Hindi!" Napailing na lang si mommy sa labis na pagkabigla matapos marinig ang nangyari kina Kuya, "Hindi pwede..." garatal pa nitong sabi. Pagkatapos ay humarap si Mommy sa mga lalaking nakatokang magbantay sa amin at isa-isa niya itong pinagsasampal, "Mga hayop! Hindi na kayo naawa, hayop kayo! Mga demonyo! Ano bang kasalanan namin sa inyo!" paghihinagpis ni Mommy. Subalit sa halip na makonsensiya ay sinampal lamang si Mommy ng lalaking nakapanakit din sa akin kanina. Sa lakas niyon ay napatumba si Mommy pabagsak kay Daddy na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay. Nag-iyakan naman ang kapatid kong sina Sairah at Zoren, para sa edad nila, napakasensitibo ng kanilang nasasaksihan. Patakbong lumapit na lamang ang mga ito kina Mom at Dad habang panay ang iyak at balot ng takot. Awang-awa ako sa mga kapatid ko, napakabata pa nila para masaksihan ang ganitong karumal-dumal na pagmamalupit. "Mommy! Daddy!" iyak nila. Hindi ko naman sila mabigyan ng comfort dahil sakal-sakal pa rin ako ng isa sa mga hayop na ito. Mabuti na lamang at niyakap sila nang buong higpit ni Mommy. Umaasa ako na sa ganoong paraan mapapayapa ni mommy ang takot na nararamdaman ng kambal.

To be continued...

***

Hi mga Yhinters!
Inaanyayahan ko rin po kayo naidagdag sa mga reading list ninyo ang HAVEN REY a glimpse of Hope ko, ito ay science fiction at patungkol sa maaaring hinaharap ng mundo. Isang virus outbreak na aabot sa isang pandaigdigang pandemya. Paano ito masosolusyunan ng sangkatauhan? Ano ang kinabukasang naghihintay sa kanila? Para alamin ay idagdag lamang sa inyong reading list ang kwento ko pong ito. Salamat po ^_^
—Ate Yhin

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com