Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter VI ✔

                   Ano ba talaga ang balak ng mga taong ito sa amin, halos matagal-tagal na rin mula ng bihagin nila kami. Hindi ko alam kung ano ang kanilang hinihintay o kung sino ang hinahanap nila, kanina pa kasi sila aligaga na para bang may kung sino ang hinahanap.Yakap-yakap  ni Mommy ang kambal at ako nakakulong pa rin mula sa pagkakasakal sa akin ng isa sa kanila. Si Daddy naman ay sa wakas, nagkamalay na rin, "Daddy!" tawag ng kambal. Nakaramdam ako nang tuwa matapos masaksihan iyon. Agad na niyakap ni Daddy ang kambal, ganoon din ang ginawa ni mommy. Pagkatapos ay napatingin si Dad sa akin at nabasa ko sa mga mata niya na para bang sinasabi niya sa akin  na Anak patawarin mo ako.

                       "Sa wakas, Mr. Javier nagising ka rin. Akala ko mawawala ka na agad ng gan'on-gan'on lang. Aba hindi pu-pwede 'yon, magagalit ang boss ko panigurado. Ang bilin pa naman niya ay pahirapan ka ng dahan-dahan." Nagtawanan naman ang ilan sa mga kasamahan ng lalaking nagsalita, armado pa rin sila ng mga baril. "...At saka may kailangan ka pang masaksihan, ang climax sa palabas na ito. Sayang naman kung hindi ito makikita ng iyong mga mata." Sinundan niya ito ng isang nakakalokong ngisi na nagbigay ng matinding kaba sa akin. Tingnan kasi ako nito mula ulo hanggang paa at saka lumapit sa akin pagkatapos ay hinawakan ang pisngi ko, "Ito pala ang anak mong babae Mr. Javier hindi na masama ha ha ha," nagbitaw pa ito ng nakakaasar na halakhak. Halos magtaasan naman ang mga balahibo ko sa katawan nang igapang nito sa balat ko ang mga daliri nito.

                    "Hayop ka huwag mong hawakan ang anak ko!" Muling tumayo si Daddy at akmang susugurin ang lalaking nangahas humawak sa akin pero agad siyang hinarangan at napigilan ng mga kasamahan ng lalaki, "Para namang may magagawa ka?" Lumapit ito kay Daddy, pagkatapos ay biglang nitong sinikmuraan at sinikuhan sa likod si Dad dahilan para muling bumagsak si Daddy sa damuhan. Halatang wala na ang pisikal na lakas ni Dad, kung tutuusin may edad na siya para parusahan pa ng gan'on.

                      "Hindii!" malakas na sigaw ni mommy. Sa sobrang galit ni Mom ay siya naman ang sumugod sa lalaking nanakit kay Dad, pero nagulat ako nang muling makatikim ng sampal si mommy mula sa hudas na iyon. Hayop! Mga hayop talaga sila, wala na silang galang pati ang babae pinapatulan nila. Kaya naman nagpumiglas muli si Daddy at nang makatayo'y pinagsusuntok niya ang lalaking nanakit kay Mommy. Nawalan ng balanse ang lalaki at agad pumutok ang labi nito dahil sa lakas ng suntok ni Daddy. Pinagpatuloy ito ni Dad na halos ikabasag-bungo ng lalaki ngunit isang putok, isang putok ang umalingawngaw sa buong lugar kasunod ang nakabibinging sigaw. Hindi...

                   "MIGUELL!" Ang sigaw na iyon ay mula kay mommy at ako? Nakatulala sa aking nasasaksihan. Si Daddy, binaril siya sa likod ng isa sa mga lalaking armado ng baril. Tumagos ang bala hanggang sa kanang dibdib ni Daddy. Pagkatapos ay biglang bumagsak si Dad sa harapan ko at ngayon ay pilit nang hinahabol ang sarili niyang paghinga.

                  "Bakit n'yo binaril? Malilintikan tayo kay boss niyan e! Ang utos niya kailangan niyang manitiling buhay hangga't wala pa ang kailangan natin sa pamilyang ito. Mga tarantado talaga kayo!" wika ng lalaking naka-brown ng leather na jacket, kinuha nito ang sariling baril sabay putok ng sunud-sunod sa isa sa mga kasamahan nito na  bumaril kay Dad at agad na binawian ng buhay. Mga demonyo talaga sila, paano nila nasisikmura ang patayin ang isa sa mga kasamahan nila. Walang dudang mga halang nga ang kaluluwa nila.

                  Muli na naman akong napaiyak pero this time aminado ako na wala na akong mailuluha pa, halos naubos ko na ang mga luha ko dahil kanina pa ako panay ang iyak. Napakasakit ng mga nangyayari ngayon, parang kanina lang ang saya-saya namin sa kaarawan ko pero ngayon naging impyerno na ang lahat.

                    "Mukhang wala naman na tayong magagawa, papatayin din naman 'yan, napaagap lang, mga bwiset! Sabihin na lang natin na hindi ito nakaligtas kanina," saad ng naka-leather na Jacket. Kaunti na lang matatandaan ko na rin ang pagmumukha ng lalaking ito. May kahabaan at kulay ginto ang ibabang bahagi ng buhok nito, makapal din ang labi sa ibaba, matangos ang ilong at higit sa lahat malawak ang nasasakop ng tattoo nito na halos sakupin ang buong braso niya, ahas na may dalawang ulo, iyon ang imahe sa tattoo niya. Nakita ko na may inabot sa kaniya na isang syringe ang kasamahan niya. Naglalaman iyon ng kulay-ubas na likido at sigurado akong hindi iyon mabuti. Malalakas na kaba ang kumalabog sa dibdib ko nang simulan niyang maglakad palapit sa akin hawak ang bagay na iyon. "Itaas mo ang braso niya," utos niya sa lalaking nasa tabi ko lang na agad din namang tumalima.

                   "Teka anong ga—gagawin n'yo?" nauutal kong awat sa kaniya dahil pwersahan iniaangat ng isa sa kanila ang kanang braso ko, "...Teka bitawan n'yo ako! Ano ba huwag! Please huwag!" Matinding takot ang bumalot sa akin, wala akong maintindihan sa balak nilang gawin sa akin. Dumagdag pa sa takot ko ang phobia ko sa mga matutulis na bagay kagaya ng mga karayom. Hindi ko rin alam kung ano ba ang laman ng syringe na iyon. Baka isa itong lason pero kung papatayin nila ako bakit hindi na lang nila ako barilin para naman matigil na ang nakakatakot na bangungot na ito. Wala na akong nagawa nang iturok nila iyon sa aking braso, naramdaman ko ang unti-unting pagpasok ng likidong iyon sa mga ugat ko at para bang napakabilis ng epekto nito sa aking katawan. Nakaramdam ako bigla nang panghihilo, bakit parang pinagtatawanan nila ako, ano ang mga ito, ilusyon? Bakit maging sina Daddy ay parang pinagtatawanan ako? Ano ba ito? Ano bang itinurok nila sa akin?

                   Tila sinagot naman ng lalaki ang mga tanong sa isip ko. "Alam mo bang ito ang drogang pinakamabenta sa merkado, dahil dito, maraming tao ang nakakalimot sa mga problema nila. Hindi nga lang pumasa sa standard at policy ng gobyerno, ipinagbawal nila ito pero hindi nila mapipigilan ng ganon-ganon lang pagbebenta rito. Mga bobo kasi ang nasa gobyerno, hindi nila alam kung gaano kalaki ang maaring kitain dito. Pinoproblema nila ang side effects? E lahat naman ng bagay na tine-take ng mga tao may bad side effect, ang mahalaga rito, nagagawa nilang makalimot at magsaya. Ngunit dahil sa magaling mong ama, daan-daang milyon ang nawala sa amin, akala siguro ni Mr. Javier na iyan na kaya niya kaming patumbahin, ni hindi nga nanginig mga boss namin sa mga ginawa niyang hakbang. Pero bilib din ako kay Mr. Javier, matapang!" Dinuduro-duro pa ng lalaking ito ang aking sintido. Naramdaman ko rin na binatawan na ako ng lalaking humahawak sa akin. Bakit? Dahil ba sa wala na sa katinuan itong pag-iisip ko, dala ng nailagay nila sa katawan ko? Maya-maya pa'y nakarinig naman ako ng mga sigaw, boses na nagpupumintig sa aking mga tainga, "Mga hayop kayo! Anong ginawa n'yo sa anak ko!" Nang hagilapin ko kung kaninong boses iyon, nakita ko si Mommy, nagpupumilit siyang lumapit sa akin pero pinipigilan siya ng dalawang lalaki habang pinagtatawanan kami. Sumulyap din ako kay Daddy na sa pagkakaalam ko ay naghihingalo na dahil sa tama ng baril sa kaniyang likod, "Jo—joy... A—anak ko..." Dama sa boses ni Dad ang hirap sa pagsasalita dahil sa lalim ng sugat na natamo niya.

                   Dala ng pagkahilo pati ang pagbalanse ay hindi ko na rin magawa. Natumba ako at sakto namang naabot ng kamay ko ang kamay ni Dad, hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko ganoon din ako sa kaniya. Nang muli akong sumulyap sa kaniya, malabo na ang lahat. Hindi ko na maaninag ang mukha niya maging sina mommy at ang kambal kahit ang mga nakatayo sa paligid namin ay hindi na rin, napakalabo na nilang lahat sa paningin ko. Ganito ba katindi ang epekto ng inilagay nila sa akin? Mamatay na ba ako? Kung Oo, masasabi kong handa na rin ako. Handa na akong mamatay kasama ang pamilya ko. Hindi man magandang pakinggan ngunit maari bang patayin n'yo na ako.

                     "Oh paano ba 'yan, magpaalam ka na sa Daddy mong magaling magmalinis," sabi ng lalaking naka-leather jacket.

                     "A—anong i—ibig mong... sabihin?" Nakaramdam ako ng takot sa sinabi niyang iyon kaya sinilip ko siya, hindi na klaro ang mukha niya sa akin pero naaaninagan ko pa rin ang mga paggalaw niya. Nasilayan ko kung paano niya itinutok ang hawak na baril sa uluhan ni Daddy, wala nang nagawa pa si Dad kundi ako ay titigan, ramdam kong puno ng kalungkutan ang mga matang iyon ni Dad.

                   "Hi-hindi... Please... huwag, ma—maawa kayo..." bulong na pagmamakaawa ko, nagbabakasakaling makaramdam sila kahit papaano ng katiting na konsensiya subalit isang nakakabinging putok ng baril ang naring naming lahat kasabay nito ang muling malakas na sigaw ni Mommy, "MIGUELL!"

                    Kitang-kita ng mga mata ko paano pinatay ng hayop na lalaking iyon si Daddy, halos pagsakluban ako ng langit at lupa dahil sa nasaksihan ko. Nagpumilit akong tumayo, gusto kong yakapin si Daddy at sabihin sa kaniya kung gaano ko siya kamahal, kung gaano ko siya hinahangaan, pe—pero ngayon, hindi ko na magagawa, Daddy Daddyy! Gusto kong sumigaw pero bakit parang tuyung-tuyo na ang lalamunan ko, ni isang salita wala akong masabi. Niyugyog kong muli ang kamay ni Dad  na nakapatong pa rin sa isa kong kamay para sana gisingin siya, ngunit sadyang dumating na ang ikinakatakot ko— wala na si Dad.

                         Ilang saglit lang ay nakarinig kami ng tunog ng helicopter, isa ito sa mga nagpaulan ng bala sa mga bisita ko kanina. Nakatigil lang ito sa itaas namin na para bang  may kung anong hinihintay, "Boss Jovit, tumatawag ang isa sa big three," narinig kong boses ng isang lalaking lumapit sa naka-leather na jacket sunod ang pag-abot nito ng isang radio phone.

            "Sige amin na." Maya-maya pa'y boses naman mula sa radio phone na iyon ang narinig naming lahat, "Sige na, linisin nyo na iyan sabi ni Mr. Big A. Patayin nyo na ang mga iyan, wala na tayong mapapala sa mga iyan, hindi lalabas ang dagang hinahanap natin kahit patayin pa natin isa-isa ang mga iyan. Bilisan nyo lang dahil maya-maya ay magdadatingan na ang mga pulis at media. Baka maabutan pa kayo dyan kapag pinatagal n'yo pa iyan! Huwag na huwag kayong mag-iiwan ng kahit anong ebidensya! Naiintindihan mo ba?" Mukhang malinaw na sa akin ang lahat. Ang tinig na iyon mula sa radio phone ang lumalabas na boss ng mga taong ito. Sinubukan kong silipin kung sino ang sakay ng chopper, pero napakalabo na nila sa paningin ko, hindi ko rin sila maabot ng tingin dahil sa lakas ng hanging ibinubuga ng helicopter sa amin.

                   "Copy Boss," sagot ng lalaki. Ilang saglit lang ay umalis na rin ang helicopter sa ibabaw namin. Gayon pa man, ang mga katagang iniwan ng lalaking iyon mula sa kabilang Radio Phone ang nananatili sa isipan ko. Sige na, linisin nyo na iyan sabi ni Mr. Big A. Patayin nyo na ang mga iyan, wala na tayong mapapala sa mga iyan, hindi lalabas ang dagang hinahanap natin kahit patayin pa natin isa-isa ang mga iyan. Bilisan nyo lang dahil maya-maya ay magdadatingan na ang mga pulis at media. Baka maabutan pa kayo dyan kapag pinatagal n'yo pa iyan! Huwag na huwag kayong mag-iiwan ng kahit anong ebidensya! Naiintindihan mo ba. Unti-unti nang humihina ang tunog na mula sa chopper hanggang sa tuluyan na nga itong maglaho sa malabo kong paningin. Hindi ko man lang namukhaan kung sino ang nasa loob niyon. Hindi ko nakilala ang demonyong nagpasimula sa bangungot na ito ngunit may isang bagay ako na sigurado, na ang nagmamay-ari sa boses na iyon ang makakapagsabi kung sino ang binabanggit nitong Big A. Ang Big A na iyon ang utak sa patayang ito.

                    "Who's next?" sabi ng lalaking naka-leather Jacket. Parang balewala lang sa kaniya ang ginawang pagpatay kay Dad. Gano'n na ba talaga kaitim ang mga budhi nila? Maya-maya ay muli siyang lumapit sa akin at iniangat ang baba ko, "Huwag kang mag-alala ihuhuli kita, gusto kong panoorin mo muna ang gagawin ko sa kanila." Itinuro niya sina Mom at ang kambal, sinundan niya ito ng nakakakilabot niyang ngiti pagkatapos ay pilit niyang itinapat ang mukha ko sa kinatatayuan nina mommy. Nakatayo si mommy at nakayakap sa kaniya sina Sairah at Zoren na patuloy pa rin sa pag-iyak subalit hindi na rin malinaw ang mga mukha nila tanging sa kulay na lamang ng kanilang kasuotan ko sila nakikilala.

                     "Please No! Maawa kayo! Maawa ka sa kanila, huwag sila, parang awa mo na!" Patuloy kong pagmamakaawa sa kanila, hindi ko na nga mabuo ang mga salita dahil maging ang boses ko, pagod na. Ngunit ngumiti ito ng nakakaloko sa akin, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, "Kalma, huwag ka sabing mag-alala, bago mo lisanin ang impyernong ito, ipapatikim ko muna sayo ang langit, mabait naman akong tao."  Mas kinilabutan ako sa mga sinabi niya pagkatapos ay sumenyas siya sa mga kasamahan niya. Pinasakay niya ang dalawang kasamahan niya sa isa sa mga owner  na gamit-gamit nila. Pagkabuhay sa makina ay muli itong naghintay ng senyales sa lalaking katabi ko.

                       "Mrs. Javier, baka naman sabihin mo sobrang sama ko." Ngumisi ito kina Mommy bago ulit nagpatuloy sa pagsasalita, "Bibigyan ko kayo ng chance para makatakbo, tumakas! Maglaro muna tayo, pabilisan sa pagtakbo. Kung mabilis kayo well congrats, hahayaan ko kayong makatakas para mabuhay pa pero kung hindi sorry na lang sa inyong mag-ina." Nabalot ng mga malulutong na halakhak ang buong paligid na ginaya naman ng mga kasamahan niya. Malakas ang hinala kong lango rin sila sa droga dahil na rin sa mga inaasal nila at para gumawa ng mga ganitong karumaldumal.

                        "Huwag, please! Itigil n'yo na 'yan, maawa kayo sa kanila." Kinapitan ko ang damit ng lalaking katabi ko at inalis na ang natitirang dignidad ko para lang huwag niyang ituloy ang balak niya kina Mom at sa kaawa-awa kong mga kapatid. Lumuhod ako sa kaniyang paanan, halos halikan ko na nga rin ang mga paa niya, "Please, maawa kayo sa amin, patakasin n'yo na sila kahit sila na lang," patuloy kong pagmamakaawa. Ngunit sinipa niya  ako kaya napahiga ako sa damuhan, "Tumahimik ka diyan, mamaya pa kita ihahatid sa langit na magugustuhan mo. At saka Miss Czarina Joy, hindi mo ba talaga maintindihan? Sinusunod ko lang kung ano ang iniutos sa akin. Nauunawaan mo ba ha! Ito ang trabaho namin, dito kami nabubuhay, ang pumatay! At kung awa ang gusto mo, doon ka sa diyos ngumawa! Ito ang pakatandaan mo, sa mga tulad ko, burado ang salitang awa!" Pilit niyang pinagdidiinan sa aking sintido ang dulo ng hawak niyang baril, ilang saglit lang ay itinaas niya ito at kinalabit ang gatilyo, isang malakas na putok ng baril ang muling namayani sa aming pandinig, "Takbo!" natatawa pa niyang sigaw. Ito ang senyales na hinihintay ng driver ng owner para paandarin ang sasakyan, pati na rin sina mommy. Dali-daling tumakbo sina Mommy, sairah at Zoren sa pinakamabilis na takbo na pwede nilang gawin.

***


                      Pagkarinig ni Carmela sa putok ng baril ay tila nag-otomatiko ang mga paa niya sa pagtakbo palayo sa lugar na iyon habang nakahawak sa isang kamay niya ang anak na si Zoren at buhat naman niya si Sairah. Inalis din niya ang sapin niya sa paa para mas mapabilis pa niya ang pagtakbo sa malawak nilang lupain. Hindi niya alam kung tama ba ang kanyang naging desisyon, na iwan ang anak na si Czarina kasama ang mga demonyong iyon pero sa ngayon ang nais niya lang ay mailigtas ang kambal at maitakas. Kahit ang paglingon ay hindi na niya ginawa pa. Nagpatuloy siya sa pagtakbo palayo sa kamatayang humahabol sa kanila. Tila sabik na sabik ang mga nakasakay sa owner na humahabol sa kanila. Walang dudang alipin nga ang mga ito ng impluwensya ng droga base na rin sa mga ikinikilos ng mga ito. Pinilit naman ni Czarina gumapang  sa direksyong tinakbuhan ng Mommy at mga kapatid niya, sinikap niyang makatayo ngunit mas lalo lang siyang nahihilo dahil pa rin ito sa epekto ng drogang itinurok sa kaniya, dumagdag pa sa panlalabo ng paningin niya ang pagragasa ng mga luha niya, "Mommy... Sairah... Zoren..." bulong niya sa sarili habang nakatanaw na lamang kung nasaan naroon ang Mommy at mga kapatid niya.

                        "Mommy! Run mommy!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Zoren habang hatak-hatak niya ang kamay ng mommy niya

                        "Mga anak, isipin n'yo naglalaro lang tayo ha. Pabilisan sa pagtakbo okay? Hahabulin kayo ni mommy, dapat makalayo agad kayo at makalabas dito okay mga anak." Kahit nanginginig din sa takot ay pilit pa rin pinapakalma ni Carmela ang sarili, nagpapakatapang sa harapan ng dalawa niyang anak.

                        "Mommy I'm scared!" bulong ni Sairah, habang buhat siya ng kaniyang mommy at patuloy pa rin sa pagtakbo.

                       "Don't worry  Sairah, everything will be alright, sige na mga anak. Pauunahin ko kayong tumakbong dalawa at susunod si mommy." Tango lang ang isinagot ng dalawang musmos na bata. Mabilis na ibinaba ni Carmela ang buhat na anak at pinahawakan kay Zoren. Tuluyan na ngang bumagsak ang luha na kanina pa pinipigilan ni Carmela sa harapan ng kambal, nais niyang maging matapang sana sa harap ng dalawa ngunit ang sitwasyon na kinalalagyan nila ngayon ang halos dumurog sa puso niya. Hinayaan niyang iwan siya ng kambal sa pagtakbo kagaya nang napag-usapan nila. Sinubukan niyang harangan ang owner na humahabol sa kanila ngunit iniwasan lang siya nito. Ibang-iba ito sa kaniyang inaasahan dahil matapos siyang lagpasan nito ay nagdire-diretso ito kung saan tumatakbo ang kaniyang kambal, "Hindi! Hindi! Nandito ako, ako na lang. Ako na lang ang sagasaan n'yo. Hindi! Huwag sila, huwag ang mga anak ko huwag!" Siya na ngayon ang humahabol sa sasakyan na kanina lang ay humahabol sa kaniya. Ngunit ngayon ay nasa likuran na siya nito kaya mas pinabilis pa niya ang pagtakbo kasabay ang panalanging sana makaligtas ang mga anak niya.

                 "Mommy help! Mommy ahhh--" Narinig niya ang malakas na sigaw ng mga anak niya at hindi na iyon nasundan pa. Masamang senyales na baka naabutan ng sasakyan ang mga anak niya. Ang takbo na ginagawa kanina ngayon ay nagsimula nang bumagal, tuluyan na ngang lumandas sa kaniyang mga mata ang luha nang pagdadalamhati. Nagpatuloy naman sa pag-andar ang sasakyan papalayo sa lugar kung saan naabutan ang kambal niya at ilang saglit lang ay nasilayan na nga ni Mrs. Javier ang katawan ng dalawa niyang musmos na anak. Nanginginig ang buo niyang kalamnan at tuhod nang tumambad sa kaniyang ang nakahandusay na katawan nina Sairah at Zoren. Nanghihinang lumapit siya sa mga ito at nakitang magkahawak pa ang kamay ng mga ito habang nakadapa.  Napuno ng dugo ang magagandang kasuotan ng mga ito pati na rin ang damuhan kung saan sila nakabulagta. "Ma-mga anak? Hindi... Hindi! Sairah! Zoren! Patawarin n'yo ang mommy. Kasalanan ko ang lahat." Kulang na lang ay ubusin na ni Carmela ang hangin sa loob ng katawan niya sa labis na pag-iyak. Pagkalapit na pagkalapit ay agad niyang kinalong ang mga ito. Hindi niya matanggap sa sarili na nawala sa mismong harapan niya ang mga anak niya, ang asawa niya pati na rin ang kakarimpot na pag-asa sana na mailigtas ang kambal niya. Nawalan na siya ng dahilan para lumaban at mabuhay pa, napatulala na lang siya habang patuloy sa pag-agos ang mga luha niya at kalung-kalong ang mga bata.

                   Sa pagkakataong ito, nasilayan pa niya ang pagbalik ng owner jeep na sumagasa sa kambal niya. Papalapit ito nang papalapit sa kanila at napapikit na lang si Carmela nang ilabas ng isa sa mga nakasakay sa owner ang isang kalibre ng baril at itinutok sa kinaroroonan niya. At kagaya ng pagkakaunawa niya, tanggap na niya anuman ang mangyayari sa kaniya, handa na siya. Ilang saglit lang umalingawngaw sa paligid ang sunud-sunod na putok ng baril.

                     Lahat ng senaryong iyon ay nasaksihan ni Czarina, bagamat sa kaniyang paningin lahat iyon ay malabo na ay malinaw pa rin sa kaniya na pinatay ang mga mahal niya sa buhay sa pinakamarahas na pamamaraan. Sa labis na galit ay halos mabunot niya ang damong kinakapitan ng kaniyang mga kamao. Patuloy pa rin siya sa paghagulgol niya, hindi na niya alam kung anong reaksyon pa ba ang magagawa niya matapos ang lahat, gustuhin man niyang manlaban hindi na niya ito magawa pa dahil nasa impluwensya pa rin siya ng drogang na itinurok sa kaniya. Sa ngayon, pagkatapos ng lahat ng mga nasaksihan niya. Tanggap na rin niya kung papatayin na rin siya ng mga ito anumang oras, napapikit na lang din siya katulad ng ginawa ng mommy niya.

                   Unti-unting lumiliit ang liwanag na kaniyang nakikita habang dahan-dahan niyang ipinipikit ang mga mata niya. Kasabay nito ang pagdilim din ng paubos na niyang pag-asa. Sa huling pagkakataon ay narinig pa niya ang boses na kamumuhian niya hanggang sa kahuli-hulihan ng kaniyang hininga, "Ikaw naman ngayon, alam kong sabik ka na." Hinatak ng lalaki ang nanghihina nang katawan ni Czarina, ni hindi na nga ito nanlaban pa nang subukan ng lalaking halikan ito sa leeg. Subalit isang tinig, isang tinig ang pumukaw sa atensyon ng lahat dahilan para matigil ang lalaki sa balak niya sanang gawin kay Czatina, kasunod nito ang sunud-sunod na putok ng baril pero hindi tiyak ni Czarina kung saan ito nagmumula, kung sa kalaban ba nila o sa kakampi. Ang alam lang ni Czarina, wala nang silbi pa ang buhay niya kaya ano pa man ang gawin sa kaniya ay wala na rin siyang pakialam pa. Handa na siyang sumunod sa mga mahal niya sa buhay, "Rinnaaaaaaa!!" A—ang bo—boses na iyon?

***

to be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com