Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter VII ✔

                "Rinaaaaaa!"  

                Ang boses na iyon, pamilyar sa akin, Andrew? Kahit nakapikit ako at hindi nakikita ang paligid, sigurado akong si Andrew nga iyon.

              Halos ulanin ang buong paligid ng iba't-ibang klaseng putok ng baril.

               Nakakabingi...

               Nakakakilabot...

              At  ako? Nananatili pa ring nakadapa at hinihintay na lamang si kamatayan.

              "Bilisan n'yo! Patayin n'yo ang tarantadong iyon!" boses ulit ng isang lalaki. Hindi ko na minulat pa ang aking mga mata dahil ayoko nang madagdagan pa ang mga nasaksihan ko kanina sa pagkitil ng buhay.

               "Hanapin nyo ang lalaking iyon! Patayin nyo! Huwag kayong titigil ang hangga't hindi siya napapatay!" boses iyon ng lalaking nagturok ng syringe sa akin.

              "Paano ang babaing ito boss?"

              "Huwag kayong mag-alala, may mas maganda akong plano,  pabayaan nyo na iyan, sumunod kayo sa akin!" Pakiramdam ko'y dinig ko ang bawat yabag ng mga ito habang papalayo sa akin. Ilang saglit lang ay may kung sino ang humablot sa aking braso at pilit akong itinatayo, "Rina, gumising ka. Rinaa!" 

             Andrew? Ang boses na iyon, si Andrew nga!  Kaya panatag kong iminulat ang mga mata ko at laking-tuwa nang maaninagan ko na ang mukha ng taong pinakamamahal ko kahit nga ramdam ko pa rin ang pagkahilo. May sugat siya sa kanang noo niya kaya naman ang dugo nito ay halos umagos sa gilid ng mukha pababa sa damit niya. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit na para bang isang batang nagsusumbong na sinabayan pa ng malakas na hagulgol, "Andrew... Wala na sila, wala na silang lahat! Pinatay sila ng mga hayop na iyon Drew. Natatakot ako, takot na takot. Drew paano kung maging ikaw mawala sa akin. Ayoko! Hindi ko na kakayanin pa!"

             "Shhh! Tahan na, tumawag na ako sa mga pulis, anytime nandito na sila at pagbabayaran nila ang lahat ng mga ginawa nila. Mabuti pa siguro umalis na tayo rito at humanap ng ligtas na lugar." Sa sinabi niyang iyon nakaramdam ako ng kapanatagan pero hindi pa rin nito maiaalis ang hapdi sa isang bahagi ng puso ko, hapdi na pumupunit maging sa isipan ko. Parang may kung anong humiwalay sa bahagi ng puso ko at kahit kailan hindi na ito mabubuo pa. Sa ngayon ang nasa isip ko lang, wala na ang buong pamilya ko at si Andrew, si Andrew na lang ang natatanging dahilan para maghangad pa akong mabuhay.

              "Doon tayo."

              Tinahak namin ang papunta sa docks kung saan nakaparada ang limang yate na pagmamay-ari namin. Mula sa pinakamagandang klase hanggang sa pinakamaliit at payak. Pinili namin ang pinakamaliit at ang pinakamagaan na yata matapos makuha ang susi mula sa isa sa mga susian na nakatabi lamang sa guard house malapit sa dokcs, agad naming pinaandar ang yate pagkasakay namin palayo sa lugar na naging bulwagan ng mga mapapait na kaganapan. Ang tahanan namin, kung saan nabuo ang mga masasayang ala-ala kasama ang mga taong mahal ko ngunit ang lahat ng iyon ngayon ay biglang naglaho at mananatili na lamang na isang kahindik-hindik na bangungot na kahit sino ay hindi na gugustuhing balikan pa.

                Nagulantang kami pareho nang masaksihan namin ni Drew ang paglamon ng malakas na pagsabog sa malaking bahay namin. Mukhang hindi pa sila nakontento noong patayin nila ang pamilya ko dahil maging ang ala-ala ko mula sa bahay na iyon ay winasak din nila. Kitang-kita ko ang itim na usok at pagliyab ng magandang bahay namin mula sa kinaroroonan ko. Tanaw na tanaw ko ang pagliyab nito. Daddy... Mommy, Kuya Mckie, kuya Kenjie.... Sairah... Zoren...

              Muli akong niyakap ni Andrew habang minamaneho ang yate na sinasakyan namin. Damang-dama ko sa mga yakap niya ang pag-comfort niya sa akin. Muli na namang namintana ang mga luha sa aking mga mata. Wala akong nagawa kundi ang tumalikod  upang hindi na masaksihan pa ang unti-unting pagsira ng mga taong iyon sa masayang buhay na meron ako noon. Pinilit kong ituon ang tanaw ko sa harapan namin, nagbabakasakaling makakita ng panibagong pag-asa. Wala na akong ibang choice kundi ang tumingin sa malawak na karagatan kasama ang lalaking pinakamamahal ko. Kahit papaano, naibsan ng prisensiya niya ang pighati na nararamdaman ko. Subalit, muli na naman kumabog ang dibdib ko nang makarinig kami ni Drew ng tunog ng isang papalapit na helicopter, "Hindi! Tama na! Lubayan n'yo na kami! Parang awa n'yo na!" Hindi ko maiwasang  maibalik ang takot sa puso ko, "Andrew anong gagawin natin?" natataranta kong tanong pagkatapos ay pinaulunan kami ng mga bala ng baril ng mga taong sakay Helicopter. "Rinaa! Iyuko mo ang ulo mo!"

                 Mas pinaharurot pa ni Drew ang pagpapatakbo sa yateng sinasakyan namin. Paiba-iba ang direksyon na ginagawa niya para lang hindi kami tamaan ng mga balang pinapakawalan ng kalaban. Mabuti na lamang din at gawa sa metal ang nagsisilbing bubungan ng Yate. Dinig na dinig namin ni Drew ang mga pagtama ng baril sa kinasisilungan namin kaya mas lalong hindi ko maiwasang kabahan, "Drew, hindi tayo makakaligtas ng ganito lang..." 

                "Tama ka Rina, kaya 'pag sinabi kong talon, tumalon ka, nauunawaan mo ba!"

                 "Hindi drew, hindi kita iiwan. Gusto ko magkasama tayo! Sabay tayong tatalon ipangako mo, please..."

                "Rina makinig kang mabuti susunod ako huwag kang mag-alala."  Ngumiti sa akin si Drew na para bang walang mangyayaring masama sa amin. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinagkan ako sa noo, "Rina, mahal na mahal kita. Hindi ko hahayaan na pati ikaw mapahamak." At sinundan niya ito ng mainit na halik. Bakit may pakiramdam ako  na ito na ang huling beses na madadampian ko ang mga labi niya. Pero hindi! Hindi ako papayag, 'di na ako papayag na muling mawalan pa ng taong minamahal. Tama na! Sobrang sakit na nang nararanasan ko ngayon at ayoko nang madagdagan pa iyon. "Drew, kailangan mong mabuhay para sa akin. Please Andrew, ipangako mo!"

                 "Oo, mahal ko... Kaya ihanda mo na ang sarili mo dahil nararamdaman ko may mas matindi pa silang gagawin." Kita sa mga mata ni Drew ang pangamba para sa aming dalawa. Nang wala na kaming naririnig na mga putok ng baril ay kinuha itong pagkakataon ni Drew upang silipin ang helicopter para malaman ang susunod na gagawin ng mga taong sakay niyon. "Rina, pagkasabi kong talon! Tumalon ka! Naiintindihan mo ba. Gawin mo ito para sa akin Rina! Para sa ating dalawa."

                "Hindi... Drew, hindi ko kaya."

                "Isa!" Nawawalan pa ako ng balanse sa tuwing iibahin ni Drew ang direksyon ng Yate. "Dalawa!" Kung pwede lang hindi ko na marinig ang salitang tatlo, ngunit isang tunog na tila may kung anong missile ang pinakawalan ng mga taong nasa itaas namin. Sigurado ako tunog iyon mula sa isang missile. "Talon Rinaa!"

                Nagulantang ako sa sigaw ni Drew kaya hindi agad ako nakahakbang dahil sa totoo lang nagtatalo pa rin ang isipan ko kung iiwan ko ba si Drew o hindi pero itinulak niya ako kaya patalsik akong bumagsak sa tubig dahil  isinabay rin  ni Drew ang pagkabig  sa manibela pakaliwa  kaya nagkaroon ng malakas na pwersa ang ginawa niya sa akin, ilang saglit lang ay may kung anong bagay ang sumapol sa yate kasunod niyon ang malakas na pagsabog na bumalot sa gitna ng karagatan kung saan kami naroroon ni Drew. Ang pagsabog na iyon ang naging dahilan din para itulak ako ng alon ng malakas palayo sa yate na sinakyan namin ni Drew kanina. May ilang bagay na nasira mula roon sa yate na siya namang tumatama sa akin. Kita-kitang ko ang malakas na apoy na bumabalot sa mga nagliliparang bahagi ng bangka namin. Hindi lang iyon, mukhang napuruhan din ako sa lakas ng impak ng pagsabog na iyon. Kaya pakiramdam ko unti-unti nang nawawala ang lakas ko. Napakapit ako sa isa sa mga tablang nagpapalutang-lutang sa paligid ko. Wala na rin akong lakas para lumangoy pa at dahil na rin sa ideyang pumapasok sa isip ko na baka pati si Andrew ngayon ay wala na rin. Para akong isang kandila na unti-unti nang nauupos. Nakita ko pa ang helicopter na iyon na nagpaikut-ikot  sa ibabaw ng nasusunog naming yate. Masyadong malayo ang kinaroroonan ko para mapansin nila at nang makatiyak sila na maaring patay na ang mga nakasakay sa yate kabilang na ako ay agad nilang pinalipad ang helicopter palayo. Kaya naman mabilis akong lumubog sa tubig nang mapansin kong papunta sila sa direksyon ko. Saka lang ako muling umangat nang mawala na sa pandinig ko ang tunog ng elisi sa chopper na sinasakyan nila.

                Ito na ba ang kinakatakot ko? Ang mawala nang tuluyan ang mga taong mahahalaga sa akin? Habang nasa gitna ako ng malawak na karagatan at nagpapalutang-lutang, hindi ko maiwasang muling balikan ang mga huling eksena na aking nasaksihan kanina kasama ang mga taong mahal ko sa buhay. Lahat ay tila gumuguhit sa aking alaala. Nagsimula ang lahat nang paulanin nila ng bala ang mga bisita ko, ang pagpatay nila kina kuya Mckie at kuya Kenjie. Ang pagpapahirap nila at pagbaril sa mismong ulo ni Daddy, ang walang awang paglalaro nila sa buhay nina mommy maging kina Sairah at Zoren. At ngayon hindi pa sila nakontento pati ang taong pinakamamahal ko na si Andrew ay hindi rin nila pinatawad, pinatay nila ito! Mga demonyo sila, pa'no nila nagawa ito sa amin? Ano ang kasalanan ng pamilya ko sa mga taong 'yon. Bakit! Bakit sa akin pa nangyari ito, naging masama ba ako? May nagawa ba akong kasalanan? Sa pagkakatanda ko, wala akong na agrabyadong kahit sino. Kung tutuusin nga nagpakabuti naman ako sa lahat, ni ipis nga hindi ko magawang saktan.Teka, naalala ko may binanggit silang patungkol doon sa droga. Anong kinalaman  niyon sa pamilya ko? At sino ang tinutukoy nilang Big A? Ang daming tanong ang nagpapaikut-ikot sa isipan ko. Pati ang mga eksena mula kanina ay tila isang pelikula na nagri-rewind. Pinipilit kong maghanap ng sagot sa mga katanungan ko base sa mga pangyayari kanina.

                Wala na akong ideya kung saan ako dadalhin ng mga alon na ito, nagpatianod na lang din ako, bahala na kung mabubuhay ako o dito na mamamatay. Kung pwede nga lang mamatay na rin ako dahil wala na akong nakikitang dahilan para mabuhay pa. Dahil lahat ng mga mahahalagang tao sa akin ngayon ay wala na. Pinatay sila ng walang pakundangan ni hindi ko man lamang alam ang mga kongkretong dahilan. Awa? Ang salitang ito ay wala sa bokubolaryo ng mga taong may maitim ang budhi katulad nila. Sila ang mga taong nabubuhay para kumitil. Hindi ko man lang naramdaman ang salitang ito, kahit katiting na awa, wala! Ganoon ba talaga kalupit ang mundong ito?

               Ang paniniwala ko noon, kapag naging mabuti kang tao, hindi mo mararanasan kung gaano kalupit ang mundong ito, kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo ay iyon din ang ibabalik sayo, naniniwala naman ako sa good karma pero nagkamali pala ako dahil hindi porket mabuti ang iyong ginawa ay ganoon din ang isusukli ng mundo sa iyo, sa halip, ay gagamitin ka nila, aapihin at pahihirapan. Nasaan ang patas na pamumuhay? May totoong hustisya ba? Sino ang totoong kalaban ko, ang tao ba? Ang diyos o ang tadhana mismo? Ano pa ba ang maari kong idahilan para mabuhay pa?

               Hustiya?

              Tama! Kung walang magbibigay nito sa amin, pwes ako mismo ang gagawa ng sarili  naming hustisya. Ito na lang ang naiisip kong dahilan para lumaban ako sa pagitan ng buhay at kamatayan kung saan ako naroon ngayon. Gagawin ko ang lahat maipaghiganti ko lang ang pagkamatay ng mga taong mahal ko. Kahit ang sariling batas ng tao ang humadlang sa akin ay hindi ako mapipigilan ng mga bagay na ito. Gagawa ako ng sarili kong batas na magbibigay mismo ng hustisya sa lahat ng taong nadamay sa bangungot na ito. Nangilid sa magkabila kong mga mata ang luha ng paghihinagpis dahil na rin sa galit na nadarama ko kasabay nito ang paghigpit ng kapit ko sa mismong palutang na sumasalba sa akin ngayon, kulang na nga lang ay mabali ko ito sa higpit ng pagkakakapit ko rito. Humanda kayong lahat...

             "Humanda kayong lahat! Babalikan ko kayo!"

***

To be continued.

#TheRevencher

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com