Chapter X ✔
Kasalukuyang nasa isang confidential room ng NBI si Caleb, pinapanood nila ang huling nakuhanan ng camera ng natagpuan nila sa crime scene ng Javier Massacre, pagmamay-ari ito ng isa sa mga napatay na cameraman noong araw din na iyon. Una nilang napanood ang preparasyon ng okasyon, halatang binalak itong i-coverage ng isang media company na nagmamay-ari ng camera. Mula sa paghahanda sa susuuotin ni Czarina at pagme-make up sa kaniya, hanggang sa pag-aayos ng mga pagkain at venue kung saan gagawin ang selebrasyon ng kaarawan ng dalaga.
Nai-fast forward nila ang video at ang sumunod na napanood ay ang masasaya namang mga bisita. Makikita rin sa video ang magkakapatid na Kenjie at Mckie, pati na rin ang bunsong kambal ng mag-asawang Javier. Halata sa mga mukha nila ang kasiyahang nakapalibot sa pamilya nila at ang sayang dala na rin ng araw na iyon.
"Sinong mag-aakala na ang masayang pamilya na iyan, ngayon ay mga wala na," mahina at malungkot na sambit ni Chief Montaro. Nanatiling walang imik ang ilang mga piling miyembro ng NBI na kasama sa kaso. Kabilang na nga rito si Agent Ian Caleb, dama ng lahat ang lungkot na dala ng masayang video na iyon. Ang masaklap na katotohanan na naganap ang kagimbal-gimbal na pangyayaring iyon sa mismong kaarawan pa ni Czarina. Nagpatuloy ang video, sunod na nasaksihan nila ay ang paglabas ni Czarina suot ang magara at magarbo nitong Gown na talaga namang bagay na bagay sa dalaga. Napatitig na lamang si Caleb sa maamong mukha ni Czarina. Nakangiti ito at walang duda na ang ngiting iyon ang nagbigay kabuluhan sa okasyong iyon. "Ang ganda-ganda talaga ng dalagang anak ni Mr. Javier ano? Sayang nga lang dahil katulad ng buo niyag pamilya ay patay na rin siya," komento ni Arthuro— ang isa sa matalik na kaibigan ni Caleb na kagaya niya ay kasama rin sa kaso ng Javier Massacre.
Nagulat na lamang ang lahat nang may isa sa kanila ang nagkomento sa isa sa mga video, "Teka? Hindi ba't si Mr. Andrew Crissford iyon, 'yong modelo?" Napatitig ang lahat sa lalaking tinutukoy sa bidyo. Hindi nila maunawaan kung ano ang nais ipakahulugan ng kasama nila kaya nagtanong na si Montaro para sa ikalilinaw ng salaysay nito," Tama ka, may problema ba?"
"Mawalang galang na ho Chief, ngunit sigurado ako na walang Andrew Crissford sa ginawa kong listahan ng mga namatay na biktima. Ngunit kung titignan sa video na iyan, naroon siya noong araw din na iyon."
"Tiniyak mo ba nang mabuti ang mga bangkay na naabutan natin doon?" pangungumpirma ni Montaro.
Isang lalaki naman ulit ang kumumpirma, "Ah yes Chief at halos lahat ay may pagkakakilanlan na ho maliban nga lang sa isa, iyong pong bangkay na natagpuan sa may pangpang, 'yong sunog ho. Kaya lang sabi ng forensic team, mahirap na makilala kung sino iyon. Kung ito ba ay babae o isang lalaki. Kung hihintayin talaga natin ang resulta, kailangan natin maghintay ng ilang linggo pa para ma-analyse ng maayos ang mga data na nasa bangkay. Sa ngayon, uncertain pa ang findings sa gender ng bangkay." Matapos marinig ni Caleb ang espekyulasyong ito, biglang namuo sa isipan ni Caleb ang posibilidad na buhay pa nga si Czarina, "Kung buhay ka. Nasaan ka? Nasa mabuting kamay ka ba ngayon? Czarina nasaan ka?" munting bulong ng isipan ni Caleb.
"Agent Caleb are you listening to me?" kuha ni Chief sa atensyon ni Caleb. Napuna ni Montaro ang pagkatuliro nito sa gitna ng kanilang close-door meeting. Mabilis na nanumbalik ang ulirat ni Caleb, aminado siyang napalalim nga ang pag-iisip niya dahil maging ang mga imposibleng bagay ay naglalaro na sa isipan niya, "So—sorry Sir, may bigla lang pumasok sa isip ko," paliwanag niya.
"Okay proceed tayo, sige lets take a look in the next video," utos ni Chief Montaro sa nagmamaniobra ng powerpoint. Makikita sa next video ang paglapit ng dalawang magkasunod na helicopter sa ibabaw ng mga tao na dumalo sa party. Nai-close up pa ito ng cameraman gamit ang sariling camera. Makikita sa bidyo ang isang lalaki na nakasuot ng itim na sun glasses at itinutok ang mataas na klase ng baril na hawak sa mga taong nasa ibaba. Doon na gumalaw at nawala sa focus ang camera na iyon na halatang nagsimula nang tumakbo ang sinumang nasa likod nito. Kitang-kita kung paano tamaan ng mga malalaking bala ang mga naroon, walang awang pinaulanan sila ng mga bala. Mga nagtatakbuhan, nagsisigawan at naghahanap ng matataguan ang bawat isa. Kita rin nila kung paano pasabugin ng mga tauhan ni Mr. Javier ang isa sa helicopter. Dito na tumumba ang camera at nakatagilid na ang mga sumunod na nakuhaan nito pero nagpatuloy sa pag-rolling ang nasabing camera at nanatiling nakatuon doon sa mga bisita na ngayon ay mga nakabulagta na.
Iniutos ni Chief Montaro na i-fast forward ulit ang video, para ipakita ang mga mahahalagang detalye na nakuhaan pa nito. Mahigit apat na minuto rin ang lumipas bago ulit nai-play sa normal run ang video. Mapapanood sa bidyo ang limang pares ng mga paa na dumaan malapit sa camera kaya nahagip ang mga ito, hindi naman napuna ng mga taong ito na naka-on pa rin pala ang Camera na nilagpasan lamang ng mga ito. Naglakad ang limang kalalakihan palayo sa nakatumbang camera kaya naman saktong nahagip pati na rin ang mga mukha ng mga ito. Kahit pa nga, nakatagilid ang kuha ng Camera ay nagawa pa rin ng grupo ni Montaro na makuha ang identity ng mga lalaking nasa bidyo at dito na nga nagsalita si Colonel Kathy upang ipakilala ang ilan sa mga nahagip sa video, "Ang tatlo sa mga nahagip ng camera ay napatay noong araw din na iyan, ang natirang dalawa ay nakilala naman bilang mga dating tauhan ni Congressman Hugh Juarez," panimulang paliwanag ni Colonel Kathy, ang executive Assistant ni Chief Montaro at Assistant Director din sa departamento ng NBI. Hawak-hawak ni Kathy ang envelope na naglalaman ng mga larawan na magpapatunay na ang mga nakitang lalaki sa video ay mga tauhan nga nang nasabing congressman.
"Hugh Juarez? Hindi ba magkapatid sila ni Don Hugo? Kung saan ang isa sa tauhan nito ay nakita ring patay sa lugar ng massacre?" paalala ni Caleb sa mga kasama na tila may isang teyorya siyang nais pagtagpi-tagpiin.
"Hindi ka nagkakamali Agent Caleb at hindi lang iyon, base sa mga initial investigation natin na una na naming ginawa sa kanila. Ayon kay nCongressman Hugh, wala na sa panig niya ang mga taong iyan, simula na madawit ang mga ito at ang pangalan niya sa pagtutulak di umano ng droga ay tinanggal na raw niya ang anumang pakikipag-ugnayan niya sa mga ito at wala na ang mga ito sa poder niya. Ganyan din ang paliwanag ni Don Hugo sa asset natin na nag-imbestiga na sa kanila," dagdag paliwanag ni Colonel Kathy.
"Surprisingly... they have the same explanation, anong masasabi mo Agent Caleb? Hmn?" banat na tanong naman ni Chief Montaro na para bang sinusukat niya ang kahusayan ni Caleb pagdating sa critical-thinking investigation.
"May mali sa mga paliwanag nila, hindi ibig sabihin na kung wala na ito sa poder nila ay hindi na nila ito mauutusan, hindi dahil pinigtas na ang tali ay hindi na ito magkadugtong, may pakiramdam akong magkakakonekta pa rin sila sa paraan lamang na hindi natin makikita."
"At napag-alaman din namin na may koneksyon din sila kay Mayor Tansingco, ang nakalaban ng pamilya Javier sa hukuman mga ilang buwan na ang nakakaraan. Here!" May ibinato si Kathy na isa na naman na brown envelope kung saan nakalagay dito ang patunay na may koneksyon nga ang tatlo sa isa't isa. Ang magkapatid na Juarez at ang mayor na si Tansingco. Kinuha ni Arthuro ang envelope at tinignan ang laman. Nakita ng nila na masaya pang naglalaro ng golf ang tatlo, halata sa larawan na kilala nga nila ang isa't isa.
"Good job Colonel Kathy," puri ni Chief Montaro sa assistant. Mahusay talaga ito pagdating sa mga preliminary investigation. Doon napapatunayan ang skills niya kaya marami ang napapabilib niya at humahanga sa kaniya. "Thank you sir," nakangiting saad ng dalaga.
"Oh sige, ipagpatuloy pa natin ang panonood sa video, dahil mayroon pa tayo na dapat makita," utos muli ni Chief Montaro. Agad naman nai-play muli ang video. Nag-fast forward ito at nagtungo sa pinakamahalagang detalye na posibleng magpabago sa isipan ni Caleb.
"Makikita muli sa Video ang anak na babae ni Mr. Miguel Javier na patakbong dumaan sa camera na iyan at may hawak siyang baril. Kung iso-zoom in natin ang video, mapapansin ninyo na ang direksyong pupuntahan ni Ms. Czarina ay makikita ang dalawa pamilyar na tao sa buhay nh dalaga, walang iba kundi ang kaniyang mga kapatid pati na rin si Mr. Javier, magkakasama ang mha ito at malamang na sila ang pupuntahan ni Ms. Czarina noong mga pagkakataon na iyan." Si Chief Montaro ang naging boses sa bidyong pinanonood nila.
Czarina... bulong ni Caleb, aminado siyang naaawa siya nang makita niya sa video si Czarina, halata sa mga kilos nito ang kaba at takot para sa sarili. Nahagip din na wala na itong anumang sapin sa paa, ang kaninang magandang dilag na nakasuot ng magarang kasuotan, ngayon ay naging maiksi at sira-sira na, halatang pinunit o napunit ang laylayan nito
"... ngunit sa kasawiang palad wala na tayong nakuha kung ano na ang nagyari ng mga oras din niyon, sa ngayon ang alam natin na bago mamatay ang mag-aama ay nakita pa nila si Czarina. At kung ipagpapatuloy pa natin ang video, may dalawang lalaki ang mabilis na nakasunod sa dalaga mula mismo sa pinanggalingan ng anak ni Mr. Javier. Iang minuto lang ang layo ng mga ito pagkatapos mahagip ng camera si Czarina Joy. At ito na ang pinakamahalaga sa lahat, ang isa sa mga lalaking nakasunod kay Czarina ay nalaman namin na isa sa mga anak-anakan ni Mayor Tansingco." Bagama't mahaba ang paliwanag ni Montaro ay sinigurado naman niya na ito ay detalyedo.
"Kung ganoon malaki nga ang posibilidad na may kinalaman nga si Mayor Tansingco sa massacre na ito!" Nabahiran naman ng galit ang pananalita ni Caleb.
"Sa ngayon masasabi nating oo pero hindi natin basta-basta madadawit ang pangalan ng mayor na iyon. Matalino ito at tuso. Dahil una ang anak-anakan niyang ito ay hindi na mahagilap sa kahit saan. Pinaasikaso ko na ang paghahanap sa taong iyon kay Kathy pero mukhang nakaalis na ito palabas ng bansa at wala rin tayong ebidensiya na magdidiin kay Mayor Tansingco dahil ipinagpipilitan na ni Mayor na matagal na niyang itinakwil sa kaniyang pamilya ang lalaking iyon. Katunayan pa nga niya at pinarehab pa niya ito kaya lang ay tumakas. Pinakulong na rin ito mismo ng Mayor sa mga samu't saring kaso ngunit nakatakas din ito hanggang sa hindi na nga ito matagpuan ng kahit sino. Ito ang unang pagkakataon na muling mai-encounter ng pulis ang lalaking iyon. Patungkol sa salaysay ni Mayor Tansingco, hindi natin alam kung nagsasabi nga ba siya ng totoo, na wala na siyang anumang koneksyon sa kaniyang anak-anakan pero wala tayong magagawa kundi ang humanap na lamang ng iba pang mga ebidensiya na magpapatunay na konektado pa rin ang binatang iyon sa Mayor."
Napatayo at napasuntok sa lamesa si Caleb dala na rin ng galit, "Damn it!"
"Agent Caleb!" saway naman ni Montaro sa kaniya. "I'm sorry sir, hindi lang ako makapaniwala na halos tukoy na natin kung sino ang may pakana nito pero nakakagalit dahil hindi man lang natin maituro niya siya ang puno't dulo ng lahat dahil lang sa nawawala ang tetestigo!" mababanaag ang pagkadismaya sa mukha ni Caleb.
"Sa ngayon ay hindi pa maari, pero kaya nga tayo nandito upang mangolekta ng mga ebidensiya. Obviously, malinis ang pagkakagawa nila sa krimen at halatang pinaghandaan nila ito kung sinuman sila."
"Hindi! Hindi ako naniniwala! Walang dumi na hindi naamoy ang baho nito. Alam ko may mga naiwan silang ebidensiya na maaring magturo sa kung sino sila at sinisiguro ko na mapapasakamay natin iyon. Makukulong ang dapat makulong at makakamit ng pamilya Javier ang patas na hustisya na nararapat sa kanila." Ito ang makabuluhang pangako na binitawan ni Agent Ian Caleb Zembrano sa harap ng mga kasama niya sa meeting na iyon. Nagkatinginan na lamang ang bawat isa kasabay ang paniniwala na magagawa nga nila ang trabaho nila at maibibigay ang tamang hustisya para sa mga naging biktima ng Massacrr. Aminin man nila o sa hindi, nalalaman nila na hindi basta-basta ang kasong nilulutas nila dahil kahit sabihin na mga pulis sila at alagad ng mga batas, ang makakalaban naman nila ay may posibilidad na may matataas din na katungkulan sa pamahalaan at baka nga ang ilan sa mga ito ay ang mga taong nagsasagawa mismo ng mga batas na sinusunod nila. Para na rin nilang hinamon ng barilan ang mga NPA kahit walang naman silang hawak na kahit anong bala.
***
Kinabukasan. "Uncle, sigurado ho ba kayo na walang makakarinig sa atin dito, sa mga ingay na gagawin ng mga baril na ito?" paninigurado ni Czarina na ngayon ay may nalalaman na sa tamang paghawak sa baril. Pinapaikut-ikot pa niya ito sa mga daliri niya nang dahan-dahan dahil nakita niya na madalas itong gawin ng Uncle niya sa tuwing makakahawak ito baril, ito na marahil ang una niyang natutunan sa tiyuhin, ang paglaruan ang baril sa sariling mga kamay niya.
"Don't worry Hija, walang makakarinig ng putok ng baril mula rito. Una, masyadong malayo ang isla sa pinakang-main land, at kung 'yong isang isla sa katabi natin ang pinoproblema mo. Huwag ka ring mag-alala parte pa rin iyan ng pagmamay-ari natin. Sa mga susunod na araw dadalhin kita doon dahil mas prefer kong ipagamit iyon sayo bilang lugar ng iyong pagsasanay. Alam mo bang diyan ang puntahan ng mga Kuya mo pati na ang Daddy mo?" Sabay kalabit ni Miggy sa gatilyo ng hawak na baril. Nakaturo ito sa isang target range na gawa sa papel na may layong kulang-kulang ilang metro mula sa kinatatayuan nila. Lumikha ito nang nakakabinging-ingay dahilan para magitla si Czarina kaya naman mabilis na tinakpan ni Czarina ang mga tainga niya.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" sita ni Miggy sa kaniya.
"Pa—pasensiya na U—uncle, nagulat lang ako."
"Akala ko ba hindi na ikaw ang Czarina na nakilala ko noon? Kung gusto mong maghiganti talaga mula sa mga taong iyon, panindigan mo ang mga sinabi mo sa akin noong unang nagkita tayo rito. Alisin mo ang kaba, karuwagan at takot diyan sa puso mo. Isipin mong gagawin mo ito para sa mga kapatid mo, sa magulang mo at higit sa lahat para kay Andrew, ang taong pinakamamahal mo. Kaya kailangan mong magpakatapang Czarina!" Binalot ng lungkot ang mukha ni Czarina. Sadyang kay hirap ngang alisin ang dating pagkatao niya na malumanay at matatakutin ngunit isang bagay ang napagtanto niya. "Tama kayo Uncle, kailangan ko ng alisin ang karuwagang nadarama ko. Kailangan ko nang baguhin ang sarili ko!" Pagkasabi nito ay umalis sandali si Czarina at pumasok sa bahay-kubo na pansamantalang tinutuluyan nila. "Teka, saan ka pupunta?" takang tanong ni Miggy.
"Babalik ho ako Uncle..." Tuluyan na ngang nakapasok sa kubo si Czarina, nang lumabas siya ay may dala na siyang gunting. Lumapit siya sa Uncle niya na nagtataka pa rin sa kung ano ang binabalak niya. Hinawakan ni Czarina ang mahaba niyang buhok na halos umabot na sa beywang niya, matingkad at itim na itim ang buhok niya at sa mismong harapan ng Uncle niya ay ginupit niya ito pagkatapos ay hinawakan at iniangat niya ang nagupit niyang buhok. Ang buhok ang dangal ng isang babae, higit lalo kay Czarina, halos iningatan at inalagaan niya ito buong buhay niya, pero ngayon handa na niyang isuko at bitawan ang natitira niyang dangal sa ngalan ng paghihiganti. "Uncle ito ang magiging tanda, isinusumpa ko, magmamakaawa sila sa harapan ko ngunit kahit anong gawin nilang pagmamakaawa hinding-hindi ko iyon ibibigay sa kanila, kagaya nang ginawa nila sa akin. Ipaparamdam ko rin sa kanila ang sakit na idinulot nila sa pagkatao ko." pagkawika nito'y inihagis ni Czarina ang hawak na buhok sa sa lupa. "Wala na ang dating Czarina Joy Javier, pinatay na nila ang babaing iyon," dagdag pa niya sabay tapak sa buhok niyang nakahandusay na ngayon sa lupa. Ngumiti naman si Miggy sa pinakitang lakas-loob ng pamangkin, ngayon masasabi na niyang handa na ito sa mga ipapagawa niya at sa mga pagsasanay na ituturo niya rito, "Akin na ang gunting, aayusin ko ang buhok mo." Kinuha ni Miggy ang gunting na agad din namang ibinigay ng dalaga.
Makalipas ang halos isang oras, nagkaroon ng malaking kaibahan ang hitsura ni Czarina kumpara noon, ang mahaba at buhay na buhay niyang buhok ngayon ay napakaiksi na. Hindi lalagpas sa kaniyang baba ang haba nito pero mas tila bumagay pa nga ito sa kaniya, mas umaliwalas ang mukha niya at talagang lumabas ang angking ganda niya. Nanaig lang naman ang magandang kurba ng maamo niyang mukha. Kahit ano pa yatang gawing niyang style sa buhok niya ay babagay at babagay pa rin sa kaniya.
"Handa ka na ba sa pagsasanay mo?" muling tanong ni Miggy habang inaalok sa pamangkin ang isang 45 caliber pistol.
"Yes, Uncle Miggy handang-handa na!" Kinuha ni Czarina ang baril at itinutok sa target ilang dipa ang layo mula sa kanila. Kinalabit niya ang gatilyo at isang malakas na putok ng baril ang muling umalingaw-ngaw sa paligid dahilan para mabulabog at magliparan ang iba't ibang uri ng mga ibon na naninirahan sa islang iyon.
***
to be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com