Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter XI ✔


                    Makalipas ang tatlong buwan, nakabinbin pa rin ang kasong Javier massacre sa hukuman bagama't patuloy pa rin naman sa pag-arangkada ang kasong ito. Sadya lamang na napakakumplikado ng kaso kaya't hindi agad maituro ang totoong mga salarin. Isa sa pinaniniwalaang dahilan ay  walang pa rin silang hawak na matibay na ebidensiya, halos lahat ay pawang panghihinala lamang. Pangalawa ay naging malihim at maingat ang pag-iimbestiga, ginawa itong pribado  kaya mas bumagal pa ang pag-usad ng kaso.

                    Kahit ang binatang si Caleb ay naiinis na rin. Dapat sana tapos na ang kaso nina Czarina kaya lang ang inaasahan nilang magtuturo sa crime master ay hindi pa rin nila natatagpuan. Ang lalaking kinilala nilang si Jovit pa rin ang inaasahang nilang lead na magpapatuloy sa kaso hanggang ngayon. May nakapagsabi na ito ay nakalipad na patungo sa Hongkong. May nagsasabi naman na ito ay itinatago na ng mismong ama niyang si Mr. Tansingco. Halos mawalan na nga rin ng pag-asa si Caleb na baka buhay pa ang dalaga, dahil ilang mga linggo na rin ang nakakalipas at wala pa rin siyang nakikitang  bakas ni Czarina kahit ilang beses pa siyang magpabalik-balik sa lupain ng mga Javier.

                      Nagpatuloy ang mga buhay ng mga taong pinanghihinalaang may pakana ng massacre. Si Mayor Tansingco pa rin ang namumuno sa kaniyang nasasakupan. Katulad ng iba, tumutulong siya at sinisigurado niyang may camerang nakatutok sa bawat kilos niya. Halos saksi na nga ang lahat sa bawat kawang-gawang ibinibigay niya. Hindi lamang ang kinasasakupan niya maging ang buong bansa ay nakatutok at nakikibalita sa kaniya matapos muling madawit ang pangalan niya sa Javier Massacre.

                     Si Congressman Hugh ay ganoon din, mas naging tanyag pa nga siya sa kaniyang larangan bilang isa sa mga mambabatas kahit pa nga pinagpipiyestahan siya ng mga media. Ang tanging isinasagot na lamang niya sa bawat interbyu niya ay, "...Mga gawa-gawa lang iyan ng mga kalaban namin sa pulitika dahil nalalapit na rin ang eleksiyon. Huwag ho tayong magpapaloko sa mga naninirang iyan, imulat ang mga mata sa katotohanan. Nandito ako para maglingkod sa bayan!"

                        At si Don Hugo na animo nagbabalat-kayo. Lagi siyang laman ng mga balita dahil sa pagsali sa mga foundation sa bansa na bigla niyang itinatag, maraming naniniwala na sinusubukang niyang mas mapaganda pa ang imahe niya sa publiko upang maialis sa isipan ng lahat ang ideyang baka may kinalaman siya sa Javier Massacre. Kaya ngayon ay ipinagtatanggol na siya ng mga tao at organisasyon na natutulungan niya, mga taong naloko at ginagamit niya sa pagtago sa totoong pagkatao niya at ilan lang naman iyan sa mga nagagawa ng perang mayroon sila.

****

                  Samantala sa isla, "Napakahusay!" puri ni Miggy sa ginawa ng pamangkin dahil napapatamaan na ni Czarina ang mga bagay na inayos  niya para asintahin. Mas malaki ang hinusay ni Czarina kumpara noong mga unang araw ng pag-eensayo nito. Dahan-dahang lumapit si Miggy kay Czarina habang nagri-refill ito ng bala. Seryoso ang mukha ni Czarina at di na mababakasan ng anumang kasiyahan hindi tulad ng dati. Ang maamong mukha ay tila napalitan ng mabangis at mapanganib na leyon na anumang oras ay maari  manglapa. "Magaling ang ginawa mo," komento pa ni Miggy nang makalapit siya sa pamangkin. Ngunit hindi siya sinagot ni Czarina, tila wala itong narinig mula sa sa kaniya. Sa halip, pagkatapos mailagay lahat ng bala ay pumuwesto at bumuwelo ulit ito para muling aasintahin ang dalawang natitirang lata na halos ilang dipa ang layo sa kaniya. Bang! Bang!  Tuluyan na ngang napatumba ni Czarina ang dalawang natitirang lata pagkatapos ay saka lamang nito binitawan ang baril at inilagay sa lamesa kalapit ng ilan pang mga uri ng baril. Seryoso pa rin ito habang tinatanggal ang itim na gwantes sa mga kamay nito.

                        "Magpupunta ako ng sentro ngayon," usap ni Miggy, sa pagkakataong ito nakuha na ni Miggt ang atensyon ng pamangkin.

                      "Ganoon ba?" Naglakad si Czarina pabalik sa kanilang pansamantalang tahanan na agad namang sinundan ni Miggy, "Hindi mo ba ako tatanungin kung ano ang gagawin ko doon?" Ngunit sa galip na sagutin siya ng pamangkin ay tinitigan lamang siya nito, at napakalalim niyon kulang na nga lang ay lamunin siya ng mga malungkot na titig na iyon mula kay Czarina. "Okay, susubukan kong kitain ang isa sa mga dati kong kaibigan, tiyak na makakatulong sa atin iyon. Ang pangalan niya ay Darwin, isa siyang former director ng NBI." Napatingin sa kaniya ng masama si Czarina kaya agad niyang dinipensahan ang sarili "...Nag-retired na siya isang taon na ang nakakalipas. Huwag kang mag-alala, alam kong mapagkakatiwalaan pa rin ang taong iyon. Sa pagkakatanda ko, utang niya sa akin ang naging posisyon niya at ang karangyaang tinatamasa niya ngayon. Hindi pwedeng hindi niya ako tulungan dahil lahat ng tinatamasa niya ngayon ay dahil iyon sa akin," pagmamalaki pa ni Miggy sa sarili.

                      "Alam niya bang nakauwi na kayo ng bansa? Paano tayo makakasiguro na kakampi nga siya?" Nagpatuloy si Czarina sa paglalakad. Dumiretso ito sa kusina at kumuha ng maiinom

                   "Sa kaniya natin aalamin ang lahat ng taong may kinalaman sa kaso ng pag-massacre sa pamilya natin. Hindi naman pwedeng susugod ka doon nang hindi mo kinikilala ang mga makakalaban mo, kailangan nating mapag-aralan ang bawat kahinaan ng mga taong iyon! Alam ko hanggang ngayon, may connection pa rin si Darwin sa loob ng NBI at sa pamamagitan ng mga impormasyon na ibibigay niya sa atin, saka pa lang natin maisasagawa ang mga pinaplano natin. Doon pa lang tayo makakapagsimula." Umupo si Miggy sa sala na yari sa kawayan at ipinagpatuloy ang pag-aayos sa bag na dadalhin niya pabalik sa bayan.

                    "Ikaw ang bahala, pero huwag ninyong asahan na idedepende ko ang lahat sa kaniya dahil sa totoo lang ayoko nang magtiwala sa kahit kanino," seryoso wika ni Czarina. Tuluyan na ngang naalis ang ngiti sa mga labi niya at ang tiwala sa bokabularyo niya o sadyang kinalimutan na niya ang mga bagay na ito dahil mahihirapan lang siya kung manananatili pa rin siya sa dating siyan

                 "Huwag kang mag-alala, babalik ako pagkalipas ng isang linggi at sa pagbalik ko. Sisiguraduhin kong hawak ko na ang mga listahan ng mga taong kasangkot sa kaso. Pag-aaralan kong mabuti ang bawat isa, mula sa pamilya, trabaho, oras ng pagpasok at pag-uwi, sa mga lugar na madalas sila. Mga kaibigan at mga taong nakakasalamuha nila kahit ang mga taong mahahalaga sa kanila, kailangan kumpleto tayo ng mga impormasyon nila para mas  mapadali rin ang mga gagawin mo, nauunawaan mo naman ako di ba?"

                    "Yes Uncle." Pagkatapos ay agad nang pumasok sa silid si Czarina upang makapagpahinga na.

                  Makalipas nga ng isang linggo, kagaya ng naipangako ni Miggy ay nakabalik din agad siya, ang simpleng bangka na dala niya ng siya ay umalis sa isla, ngayon ay naging malaking yate na, kumpleto at nasa loob na rin ang mga bagay na kakailanganin nila. Kabilang dito ang ilang mga new gadgets, electronic device, hand gliding, parachute, wigs at mga bagong baril. Mayroon ding iba't ibang uri ng mga professional uniforms para sa mga pandi-disguise na maaring gawin ni Czarina at kung anu-ano pa na makatulong para isakatuparan ang mga plano nila. Tama si Miggy, maaasahan pa rin si Darwin kahit aminado siyang nakagawa siya ng malaking pagkakamali rito ngunit ipinangako niya sa sarili na ang pagkakamali niyang iyon ay ibabaon na lamang din niya sa limot at hinding-hindi iyon malalaman ng tinuring niyang matalik na kaibigan. Ang lahat nang hiniling niya kay Darwin ay ibinigay naman sa kaniya. Binigyan din siya ng malaking halaga ng pera, mga ATM cards at ang pinakamahalaga sa lahat ay ang impormasyon hiningi niya patungkol sa mga kasabwat at updates sa takbo ng kaso. Laking gulat pa nga ni Darwin noong nagpakita siya rito, hindi inaasahan ng kaibigan niya na muli silang magkikita. Isa si Darwin sa tumulong sa kaniya para makalabas ng bansa kahit pa nga noon ay may warrant of arrest na siya at mula nga niyon hindi na sila nakapag-usap pa.

                    "Tiyak matutuwa si Czarina sa mga ibabalita ko sa kaniya,"  bulong ni Miggy sa sarili habang tinutungo niya ang kubo nila. Ngunit walang sumalubong sa kaniya. Hinanap niya si Czarina sa mga lugar na pinagsasanayan nila pero wala, ni anino ng dalaga ay hindi niya mahagilap. Imposible namang makaalis si Czarina ng isla, dahil wala naman itong ibang mapupuntahan lalo na't kabili-bilinan pa naman ni Miggy ay walang dapat makakilala sa kaniya, "Czarina! Hija nasaan ka ba!"

                  Halos ikutin na ni Miggy ang buong isla mahanap lang ang pamangkin, isa na lang ang hindi pa niya napupuntahan, ang kabilang isla, na mas maliit sa isla kung saan nakatirik ang bahay nila. May isang matarik na bangin doon na madalas nilang puntahan para mag-ensayo. Sa ibaba ng bangin naghihintay ang maganda at asul na asul na kulay ng karagatan na kapag tinamaan ng liwanag ng araw ay aakalaing may mga naglulutangan na silver dahil sa pagkintab nito. Nagpunta agad si Miggy sa lugar na hinihinala niya at umaasa na nandoon ang dalaga. Palagi niya kasing naikukwento sa pamangkin ang madalas na pagpunta doon ng mga kuya niya at ng Daddy niya. Hindi nga nagkamali si Miggy, nakatayo nga doon ang pamangkin at nakamasid lang ito sa malayo, napakalapait nito sa dulo  ng bangin na tila hindi alintana ang posibleng pagkahulog. Dahan-dahang lumapit si Miggy sa pamangkin, "Kanina pa kita hinahanap..." Subalit nilingon lamang siya ng pamangkin at hindi nagsalita, pagkatapos ay muli itong humarap sa kawalan. "Hija, alam kong mahirap ang sitwasyon na meron tayo ngayon, pero alam ko na mas magdudulot iyon sayo ng tapang at katatagan lalo na ngayon na sa atin na ang mga impormasyon na kailangan natin," napangiti pa ng maluwang si Miggy upang mapagaan pa ang nararamdamang lumbay ni Czarina.

                       "Uncle... Alam ko namang kapopootan ako ng Diyos sa gagawin ko. Hindi ko alam kung mauunawaan niya ba ako pero wala ng ibang laman ang puso ko kundi galit... poot at pagkasuklam. Halos gabi-gabi kong pinagsisihan na nabuhay pa ako sa mundong ito matapos ng mga nangyari. Ganoon ba talaga? Kailanman hindi magiging patas ang mundo kahit kanino at kahit sa ano pa mang bagay. Uncle... hindi ba't kukunin ko lang naman ang nararapat para sa akin... sa pamilya ko at kay Andrew? At kapag nakamit ko na iyon saka ko lang matatanggap ang katotohanan— nawala na sila," bakas ang kalungkutan sa tinig ni Czarina, ni hindi siya lumingon sa Uncle niya habang sinasabi ang lahat ng saloobin niya. Tahimik namang nakinig si Miggy sa kaniya, "Alam ko at hindi kita masisisi doon. Pero Hija, kung gusto mo talagang makamit ang hustisya para sa kanila, may isang bagay na lamang akong ipapagawa sa 'yo. Alam ko namang handa ka na, you are physically fit at mentally capable but there is one important  thing I would like you to overcome it." Sa pagkakataong ito napatingin na sa si Czarina kay Miggy.

                    "And what would it be Uncle?"

                   "Kailangan mong harapin si kamatayan..."

                    Nagpatuloy si Miggy sa pagsasalita kahit pa nga kapansin-pansin ang naging reaksyon ni Czarina sa kaniya, "Nang sa gayon hindi ka na matatakot na humakbang patungo sa hustisyang inaasam-asam mo dahil asahan mo na kapag pinasok mo na ang bagay na ito, lagi ng nasa kabilang hukay ang isang paa mo. Czarina gusto kong mas tumapang ka pa at mas maging matatag higit pa sa inaakala mo dahil iyan ang magbibigay sayo ng tagumpay sa bagay na gustung-gusto mo. Determinasyon, ito na ang kukumpleto sa bagong pagkatao mo ngayon."

                   Ilang minuto rin ang lumipas bago nakasagot si Czarina sa tiyuhin, "Handa ako Uncle... Handa na ako sa anumang ipapagawa mo." Kitang-kita sa mga mata ni Czarina na pursigido at handa na siyang harapin ang tinutukoy na huling pagsubok ng Uncle niya. Wala siyang ideya kung ano iyon subalit tiwala siya na makakayanan niya iyon para sa hustisyang gustung-gusto na niyang makuha. Ngumiti muna si Miggy sa kaniya at lumapit pa ng kaunti sa may bangin na halos kasing taas na rin ng sampung palapag na building, "You have to jump."

                    Tila natuklaw ng ahas si Czarina matapos marinig ang sinabi ng Uncle niya. Ikinagulat  niya ito ng sobra. Hindi basta-basta ang pagtalon sa isang bangin, posible ngang ikamatay niya ito. Paano kung mamatay siya? Paano pa niya makakamit ang hustisya? Sa naiisip pa lang niyang kamatayan ay para bang napanghihinaan na siya ng loob. Ni hindi nga niya sigurado kung may nakatalon na ba rito kagaya nang pinapagawa sa kaniya ng Uncle niya.  Ngunit naniniwala si Czarina na may kabuluhan ang lahat ng mga pinapagawa ni Miggy sa kaniya.

                     Naturuan na siya ni Miggy umakyat sa mga mabato at matataas na lugar, maging sa mga matitirik na punong-kahoy na sadyang malaki ang naitulong sa kaniya pisikal na pangangatawan. Napabilis na rin ni Czarina ang kaniyang pagtakbo. Alam na rin niya kung paano humawak ng baril, bumaril at umasinta. Isang bagay na lang talaga siguro ang hindi pa niya nagagawa, ang tumalon sa bangin na ito kung saan nag-aabang sa kaniya ang isang malamig, malalim at walang kasiguraduhan karagatan. Walang nakakaalam kung ano ang sasalubong sa kaniya sa ibaba liban na lang marahil sa Diyos.

***

                   Teka seryoso ba si Uncle?  Patatalunin niya ba talaga ako? Ni hindi ko pa nga nasubukang tumalon sa diving board sa mga swimming pool o di kaya sa mga fun rides na may pinatutungkulang height. Pangalawa, may takot ako sa matataas na lugar. Alam ito ni Uncle kaya ba niya ako sinusubukan sa ganito? Napalunok na lang ako dahil sa kaba at tumingin ng diretso sa mga mata ni Uncle, kita ko na seryoso talaga ito. Ano ka ba Czarina, kung sa pagsubok na ito ay sumusuko ka na paano pa kaya kung naroon ka na talaga sa misyon mo. Isipin mo na lang na gagawin mo ito para sa pamilya mo. Tumingin muna ako sa ibaba at para bang inaanyayahan talaga ako ng tubig na mahulog sa kaniya.

                     "Kapag nagawa mo iyan, saka ko lang masasabi na handa ka na nga, at saka lang kita bibigyan ng karapatan na malaman ang mga nilalaman nito," dugtong pa ni Uncle at pinakita niya sa akin ang isang itim na flashdrive. Napaisip rin ako, ano kaya ang mga nadiskubre ni Uncle. Gustung-gusto ko na iyong malaman pero kailangan ko munang gawin ito kahit...

Kahit...

                   Ang totoo may takot talaga ako na mahulog. Damn it Czarina! Para sa pamilya mo ito... "Tama, gagawin ko ang lahat para sa kanila!" Dahan-dahan kong inilapit ang mga paa ko sa dulo ng bangin. Kasabay nito ang takot at panginginig na sana hindi napapansin ni Uncle dahil tiyak magagalit na naman siya sa akin. Nang nasa pinakadulo na ako ng bangin, sa huling pagkakataon ay lumingon ako kay Uncle upang ipakita na gagawin ko ang gusto niya pagkatapos ay ibinaling kong muli ang tanaw ko sa harapan namin pareho. Hanggang ngayon naglalaro sa isip ko kung makakaligtas ba ako sa gagawin ko. Panandalian akong pumikit at sinariwa na lamang ang galit, sakit at poot noong patayin nila sa harapan ko ang mga mahal ko sa buhay. Ito na lang naiisip kong paraan na maari kong panghugutan ng lakas ng loob upang malabanan ang pagsubok na ito. Tulad nang sinabi ko kanina gagawin ko ito para sa mga mahal ko sa buhay. Desididi na ako kaya kumuha ako ng pwersa at saka tumalon na para bang makikipagkita na ako kay kamatayan, pero hindi! Wala akong balak sumama sa kaniya kaya tiwala ako, mapagtatagumpayan ko ito!

                    Malakas na hangin ang pasalungat na humahampas sa katawan ko hanggang sa ang hangin ay napalitan n ng tampisaw ng tubig, isang malamig at mapanglaw na tubig na sumalubong at sumalo sa akin. Bago ako mawalan ng malay, isang bagay ang pumasok sa isip ko, Ito na ang simula ng aking paghihiganti....

***

Makalipas ang isang taon.

                    "Gamitin mo ang swipe card para makapasok ka sa susunod na pintuan. Sa susunod na hallway, may mga nakabantay na security diyan at saka mo sabihin sa kanila ang password na nabanggit ko sayo, sila ang maghahatid sayo sa next location mo," paalala muli ni Miggy kay Czarina. Malinaw itong naririnig ni Czarina sa pamamagitan ng suot niyang earpiece na dinesenyo upang makipagkumunikasyon ng palihim papunta sa isang receiver kahit pa nga ilang milya ang layo nila sa isa' isa.

                    Nakasuot si Czarina ng isang fitted sexy backless na red dress at umabot lamang ang haba nito hanggang sa kaniyang makikinis at mapuputing hita. May pulang scarf din ang nakapalibot sa leeg niya at isang pares ng three inches high heels na kulay black naman. Napakaganda at napakaelegante ni Czarina sa suot niya. May bitbit din siyang maliit at kulay pulang hand bag. Nilakad ni Czarina ang isang hallway na magkakabilaan ang mga pintuan, isang five star hotel na ayon sa uncle niya ay may tinatagong kabalustagaan. Nagpatuloy si Czarina sa paglalakad hanggang sa marating niya ang duluhang bahagi ng hallway at tama ang Uncle niya dahil nangangailangan nga ng swipe card ang pintuang nasa harapan na niya ngayon. Kinuha niya sa hand bag ang card na ibinigay sa kaniya ni Miggy na gumana naman kaya bumukas ang pinto. Pumasok siya.

  
                     Nasa loob ng isang elevator si Czarina, ngunit sa unang tingin hindi ito aakalain na isang elevator base na rin sa ayos at disenyo nito. Naramdaman niya na tila ibinaba siya ng elevator. Pasimpleng inobserbahan ni Czarina ang paligid, may CCTV sa loob at puro salamin ang lahat ng wall. Na-curious siya kung saan siya dadalhin gayong ang pagkakaalam niya'y nasa Ground floor naman na siya ng hotel na iyon. Isa lang ang tiyak na patutunguhan niya— ang BASEMENT, pero sigurado siya na parking lot lang ang sasalubong sa kaniya sa ibaba. Bumukas ang pinto at nakita ni Czarina ang dalawang armadong lalaki, agad siyang nilapitan ng mga ito nang maglakad na siya palabas sa elevator. Pinahinto siya ng isa mga ito, "Password Madame," wika ng isa kahit abala sa pagnguya sa bubble gum niya. Inilapit ng bahadya ni Czarina ang bibig sa kaliwang tainga ng lalaki sabay himas sa pisngi nito, "Liciti... Sunt..." aniya sa mapang-akit niyang tinig. Sinabayan pa niya ito ng matamis na ngiti, kaya nagkatinginan ang dalawang bantay at saka tumangu-tango na para bang sinasabi nila na ayos at pasok sa panlasa nila ang babaing nasa harapan nila, "You're in, Madame... Follow me," usap uli ng lalaki. Nagsimula nang maglakad sina Czarina papunta sa isang elevator. Naiwan naman ang isa pang lalaki at bumalik sa pwesto para muling magbantay. Ayon sa pag-aaral at surveillance ni Miggy, ang Liciti Sunt ay nangangahulugang "Bidder" sa wikang latin.  Nang maihatid si Czarina ng lalaki sa elevator ay inilapit muli ni Czarina ang kaniyang sarili sa lalaki at gamit ang kaliwang kamay ay may kung anong isinuksok siya sa bulsa nito. Samantalang ang kanang kamay naman niya ay abala na tila naglalakbay sa ilang bahagi ng katawan ng lalaki , may kung ano hinahanap ang mga daliri niya.

                 Inabot ni Czarina ang tips niya para sa lalaki. Isang tips na nagbigay ng tensyon sa pagkalalaki nito, dahilan para ito ay mawala sa focus at humina ang talas ng pakiramdam. Hindi na tuloy napansin ng lalaki na nakuha na pala ni Czarina ang isa sa mga gamit na kaniyang iniingatan. Ngumisi muna si Czarina nang matiyak na hawak na niya ang kailangan niya, "Take this as my tips for kindly assisting me..." bulong pa ni Czarina sa tainga nito. Bago pa man maihiwalay ni Czarina ang katawan sa lalaki ay sinigurado niyang naitabi na niya agad ang bagay nadukot niya, dahil kakailanganin niya ito upang magkaroon ng access sa kabuuan ng building. Pagkatapos ay tuluyan na ngang pumasok sa loob ng elevator si Czarina. Naiwan namang nakatulala ang lalaki at halatang nabiktima ito ng mapang-akit na awra ni Czarina. Ang init ng dalaga ang nagbigay kiliti sa buong katawan ng lalaki.

                   "I'm in, Uncle,"

                  "Good, dumiretso ka muna sa kanilang bidding area at doon mo hanapin ang target, do you copy?" paalala ni Miggy. Dinig na dinig ni Czarina ang tiyuhin mula sa suot niyang earings, "Copy!"  Pumasok muli si Czarina sa isang pintuang yari sa makapal na salamin at nang bumukas ito, bumungad agad sa kaniya ang ilang mga babae at lalaki na base sa mga panlabas na anyo ay halatang mga nakakangat sa buhay, ilan din sa mga ito ay maituturing na may malaking papel sa lipunan, base na rin sa mga kilos at postura nila, ang bawat isa sa kanila ay abala na  habang nakikiusisa sa kapwa nila. Kapansin-pansin din na ilan sa mga ito ay tila may mga edad na. Halu-halong mga pangkat, mapababae, lalaki at mga binabae ay nagsisikumpulan sa bawat lugar. May mga napansin din si Czarina na mga banyaga mula sa iba't ibang lahi.

                  Sa buong paligid, makikita naman ang ilang lalaki na masinop na nagbabantay at nagmamatyag. Suot ang black coat at suit attire ay may nakakabit din na isang earphone sa kanilang mga tainga, nakasuot din sila ng itim na salamin upang hindi mapansin o mabasa ang galaw ng mga tingin nila. May lumapit kay Czarina na isang waitress at inalok siya ng maiinom, kumuha siya pagkatapos ay naglakad papunta sa unahang bahagi ng bidding area, kung saan makakasama niya ang ilan sa mga maituturing na mayayman sa lipunang ginagalawan nilang lahat. May transparent glass ang nakaharang sa harap ng stage na na magsisilbing screening area para sa mga modelong maya-maya lamang ay rarampa doon, mayroon din na dalawang pinto sa magkabilang dulo ng entablado. Ano naman kaya ang meron dito?  bulong ni Czarina sa sarili. Ilang saglit lang ay may narinig na silang tinig, boses iyon mula sa isang announcer na hindi rin naman nila nakikita, "Good day! Ladies and gentleman. We will now start the show, prepare all the vouchers and cash you've brought because we will now present to you, our new models that surely you'll love it and make a great deal just to own it. We also assure you that they are all young, fresh with no experiences."

                   "... as they walk in front of us, their availability would be negotiable,  depends to a person who will give the great price." Kasabay nito ang hiyawan ng mga taong naroon at saka nagsipuntahan na sa kani-kanilang mga VIP couches, ang ilan naman ay nanatiling nakatayo. Kabilang na nga doon si Czarina. Ilang sandali lang ay nagsimula na nga sa pagrampa ang mga modelo na tinutukoy nang nagsasalita. Unang lumabas ang mga kabataang lalaki mula sa kanang pintuan ng stage.

                 Halos hindi makapaniwala si Czarina na meron pala talagang ganitong kalakaran sa mundo. Mas malakas ang hiyawan ng mga pamintang gatol na gatol nang makabili ng lalaking matitipuhan nila. Hindi sila mga nakasuot ng mga pambabaing damit sa halip mababanaag pa rin naman ang pagiging adan nila. Panlalaki pa rin ang mga postura nila, ilan nga sa kanila ay mas malalaki pa ang pangangatawan na halatang inalagaan sa workout ngunit sa kilos na lamang nila sila makikilala bilang mga bisexual.

                    "Uncle magsisimula na..."

                   "Hanapin mo muna ang target, at kapag nakita mo na siya make sure na mapapasama ka sa mga pagpipilian at ikaw ang mapipili niya. Don't worry hija, I am 100 percent sure, siya ang makakabili sayo!" paniniyak ni Miggy.

                  "I know Uncle and I'm gonna make sure ako ang kukunin niya," nakangiting sabi ni Czarina. Lumakad pa siya habang nakamasid ang mga mata niya doon sa mga nakaupo sa VIP couches, hanggang sa may kumuha ng atensyon niya sa may bandang unahan nito, "Gotcha! Uncle I found him!"

                   "Okay, do your job now. Nakuha mo na naman siguro ang card right?" pangungumpirma ni Miggy. Kasalukuyan itong nasa isang tagong lugar kung saan nagagawa nitong masubaybayan gamit ang isang tracking device na naka-equipped naman kay Czarina at mayroon din si Miggy na iba't ibang monitoring device na naka-installed naman sa lugar na kinaroroonan nito. Ito ang kauna-unahan nilang misyon kaya pinaghandaan at sinigurado nila na kumpleto at mapapakinabangan ang lahat ng mga gagamitin  nila sa tulong na rin ng sarili nilang pera at mga mapagkakatiwalaang mga source. Agad na nagtungo sa kabilang bahagi ng bidding area si Czarina. Dumiretso siya kung saan naroon ang dressing room para sa mga babaing maya-maya lamang ay rarampa na sa establado upang ipangalandakan ang mga mura at inosente nitong mga katawan. Nakahilera ang  mga ito  na sa hula ni Czarina ay nasa pagitan lamang ng sixteen years old hanggang twenty three years old. Ilan sa mga ito ay walang magawa kundi ang magyakapan na lamang habang mangiyak-ngiyak sa kinahinatnan nila. Ang iba naman ay mga nakatulala na, tila nawala na sa sarili. "Shhh tahan na, huwag ka nang umiyak, baka dagdagan pa nila ang drogang nilagay nila sa atin kanina. Tignan mo ang nangyari kay Shelly,  na-overdose na yata siya," sabi ng isang babae sa kasama nitong patuloy pa rin sa pag-iyak. Ang tinutukoy nito ay ang babaing una nang nakita ni Czarina na nakatulala kanina pagkapasok niya sa dressing room. Ang kasuotan ng lahat ng babae sa loob ng dressing room  ay halos makita na ang kaluluwa ng mga ito ngunit ni isa walang makapagreklamo dala na rin ng sobrang takot. Nagpatuloy si Czatina sa paglalakad, hindi nga siya napapansin ng mga babaing kasama niya sa malawak na silid na iyon.

                   Sinimulan ni Czarina ang kaniyang plano. Ibinaba niya ang nakatagong zipper sa suot niyang pulang bestida. Kaya nagmukha itong fitted na palda at  tube top.
Nawala ang telang tumatakip sa puson ni Czarina kaya  naman lumantad ang makinis, maputi at balingkinitan niyang katawan.

                  "Kayo! Umayos na kayo at pumila, kayo na ang susunod! Siguraduhin nyo lang na malaki ang magiging presyo nyo! Kung ayaw nyong malintikan! Naintindihan nyo ba?" maotoridad na pagbabanta ng isang lalaki. Walang nagawa ang mga kaawa-awang babae kundi ang sumunod sa sinabi ng lalaki, halata sa mga mata nila na may takot sila sa lalaking iyon na ngayon ay bumalik na sa entablado. Agad na pumila si Czarina pagkatapos makasigurong naitabi ang mga gamit niyang dala. Pangatlo siya hanay ng  mga babaeng at ilang saglit lang ay pinalakad na sila, isa-isa. Sinasabayan ng mahinang tugtugin ang paglabas nila sa stage na lalong nagbigay siklab sa mga nanonood sa harapan ng entablado. May isang host ang nagsasalita kung sa magkano ba maaring mabili ang bawat babae. At sa bawat segundong lumilipas ay tumataas ng tumataas ang presyo ng bawat babaing lumalakad sa harapan ng lahat. Nabili ang unang babae sa halagang forty thousand pesos. Ang pangalawa naman ay sa fifthy thousand pesos. Ngayon ay pagkakataon na ni Czarina, hindi mababakasan sa mukha niya ang anumang hiya, kaba o takot hindi kagaya ng mga nauna sa kaniya. Kaya naman mas nagustuhan siya ng mga bidder. "May nag-bid agad ng fifty thousand sa babaing ito, may hihigit pa ba doon?" tanong ng host.

                    "Seventy thousand!"

                    "Eighty thousand!"

                    "Ninety thousand!"

                    Habang nagpapataasan ang mga bidders panay naman ang lakad ni Czarina sa mapang-akit na pamamaraan kaya halos magkandarapa ang mga bidder na lalaki na maangkin siya. Ang angking ganda at kaseksihan ni Czarina ang natatangi sa lahat kumpara sa mga nauna at sa mga susunod sa kaniya. Kaya naman lahat ay nagnanais na makuha siya dahil bibihira lang ang ganoong ganda sa mga ganitong subastahan. Kahit ang mga organiser ng programang iyon ay nagtataka rin dahil hindi pamilyar sa kanila ang mukha ni Czarina pero hindi na nila inintindi iyon dahil pataas pa ng pataas ang presyong ibinibigay sa misteryosong dalagita at talaga namang tiba-tiba sila  kapag nagkataon. "May nag-bid ng two hundred fifthy thousand pesos! May hihigit pa ba?" tanong muli ng emcee.

                    "Uncle how sure na siya ang makakabili sa akin?" pasimpleng bulong ni Czarina sa tiyuhin niya habang nakangiti ito.

                   "Nakalimutan ko palang sabihin sayo, nandyan din si Darwin at sisiguraduhin niyang ang target ang makakabili sa'yo, hintayin mo lang..." paliwanag na narinig ni Czarina mula sa kaniyang earings. "Okay..." may ngiting na lamang na tugon ni Czarina.

                   Mas itinuon ni Czarina ang paningin doon sa target nila at nang sa wakas magtama ang mga mata nila ay sigurado si Czarina na nakuha na niya ang atensyon nito. Kulang na lamang ay mangusap ang mga mata ni Czarina at sabihin sa target na kailangan ito ang makabili sa kaniya.

                    "Four hundred thousand pesos!" wika ng isang lalaki matapos itaas ni Darwin ang kaniyang auction board na may presyong four hundred thousand na nakasulat.  Siya ang tinutukoy ni Miggy na kasabwat nila ni Czarina sa operasyong ito. Tiwala ang dalawa na wala nang hihigit pa sa bid na iyon bukod sa target nila. Hindi nga sila nagkamali dahil kinagat nga ito ng target, "Damn! Half million! Akin ang babaing iyan!" bulyaw ng target nila na napatayo pa dala panggigigil nito kay Czarina.

                     "Half  a million! Wala na bang gustong humigit doon?" tanong ng host. Walang nagawa ang mga naroon kundi ang magbulungan  na parang mga bubuyog at bakas ang labis nilang panghihinayang dahil hindi sila ang nakabili kay Czarina. Karaniwan sa kanila marami ay lampas na sa bilang ng kalendaryo ang edad.

                      "Half a million, the bid is closed! Nakuha ang babaing ito sa halagang five hundred thousand pesos. Later, you'll meet her sa VIP room na nakalaan sa inyo. Enjoy your night Mr. Olivarez. Okay next!" Napangiti naman pareho sina Miggy at si Czarina dahil umaayon sa mga napagplanuhan nila ang lahat at maging si Darwin ay napapangiti rin.

***

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com